Chapter 27: Clood vs. Golith

69 19 8
                                    

Hindi naman mapigilan ni Daven na mainis nang malaman niyang ang kwarto pala niya ang naging tuluyan ni Rura. Ilang beses siyang nakipag-usap kay Clood subalit hindi parin naiiba ang desisyon nito.
 
“Clood, sa dinarami-raming kwarto dito sa barko, yong kwarto ko pa ang napagtripan mo”paliwanag ni Daven.
 
“Daven, marami ka namang mahihigaan kaya yong kwarto mo ang pinili ko”sagot ni Clood.
 
“Yong kwarto ko talaga! At paano mo naman nasabi na marami akong matutulugan, ang ibig mong sabihin sa kusina, sa banyo, sa labas ako matutulog?”palinaw ni Daven na seryusong nakatitig kay Clood.
 
“Daven, doon ka nalang sa bubungan ng barko matutulog, alam kong paborito mong pwesto doon”sagot ni Clood.
 
Tulala naman ang naging reaksyon ni Daven sa sinabi ni Clood sa kanya. Nang gumabi ay tumutulo naman ang sipon ni Daven na nakahiga sa bubungan ng barko nila dahil sa ginaw. Nanginginig na ang buong katawan niya at naninigas dahil sa lamig.
 
“Ayaw ko nang maulit ang pangyayaring ito”bulong ni Daven habang nakatingala siya sa buwan.
 
Kalaunan, kailanma’y hindi nakatulog si Daven dahil sa nangyari sa kanya. Nagkakasakit na siya na hindi alam ng mga kasamahan niya. Diretso siya sa dati niyang kwarto na sa kasalukuya’y kwarto na ni Rura na walang kibo at walang salita sa mga kasamahan niya.
 
Nagulat pa nga si Aniel nang makasalubong niya si Daven na hindi bumabati o kahit tumitig man sa kanya. Lagi-lagi kasi siyang binabati nito kapag nagkikita sila na bagong gising.
 
“Bakit hindi ako binati ni Daven? Mukhang may mali, siguro nagbago na siya”bulong ni Aniel sa sarili niya.
 
Patuloy parin siyang nakatingin kay Daven hanggang sa nabigla siya nang makita niyang papasok na ito sa kwarto ni Rura.
 
Sa oras na iyon ay hindi pa lumalabas si Rura dahil natutulog pa ito sa loob ng kwarto.
 
Hindi naman mapakali si Aniel kaya sinundan niya si Daven upang pigilan ito subalit nahuli na siya nang mabuksan niya ang pinto at nakita niya na tinabihan nito si Rura na mahimbing na natutulog.
 
Nalilito naman si Aniel dahil hindi niya alam kung ano ang sunod niyang gagawin.
 
“Daven, gumising ka muna diyan, katabi mo si Rura”pahinang bigkas ni Aniel kay Daven na natutulog.
 
Hindi parin nagigising si Daven kahit ilang beses na itong tinatawag ni Aniel. Nagising nalang si Rura at gulat na gulat ito nang malaman niyang katabi na niya si Daven sa higaan.
 
“Bastos!”pabiglang sigaw ni Rura.
 
“Rura, nagkakamali ka sa inaakala mo, walang nangyari sa inyo ni Daven”paliwanag ni Aniel kay Rura.
 
“Aniel, nariyan ka pala diyan”bigkas ni Rura.
 
“Rura, maniwala ka man o sa hindi kapapasok palang ni Daven sa kwarto mo”paliwanag ni Aniel.
 
Kahit malinaw ang paliwanag ni Aniel ay hindi parin naniniwala si Rura. Hindi pa kasi lubos na nakikilala ni Rura ang mga kasamahan ni Clood dahil sa kahapon palang silang nagkakilala.
 
“Aniel, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, alam kong pinagplanuhan niyo ako nang masama ni Daven, at alam ko rin na nagtulog-tulugan rin si Daven”bigkas ni Rura na ikinabigla ni Aniel.
 
Isinumbong naman ni Rura kay Clood ang mga nangyari.
 
“Aniel, tama ba ang sinabi ni Rura?”tanong ni Clood.
 
“Clood, tama ang sinabi ni Rura pero hindi ibig sabihin na may nangyari talaga sa kanila, kitang-kita ko mismo ang pagpunta ni Daven kanina, nakasalubong ko pa siya-“paliwanag ni Aniel.
 
“Kung ganoon Aniel, bakit biglang pumasok si Daven sa kwarto ni Rura? Eh alam naman niyang hindi niya iyon kwarto”tanong ni Clood.
 
“Hindi ko alam Clood, pero totoo talaga yong sinasabi ko na katatabi palang ni Daven kay Rura”sagot ni Aniel.
 
Agad namang ipinagtanggol ni Niela si Aniel kay Clood dahil lalong tumatagal ay parang sinasabi ni Clood na nagiging kasabwat na ang kapatid niya kay Daven.
 
“Clood, Rura, wala namang pruweba na kasali si Aniel sa kagaguhan ni Daven, nakita lang naman ni Aniel si Daven”paliwanag ni Niela sa maling pamamaraan.
 
“Ikaw naman ate, mukhang ginawa mo namang mali si Daven”bigkas ni Aniel.
 
Patuloy parin ang pag-uusap nila tungkol sa nangyari sa umagang iyon. Nagagalit na nga si Jack dahil sa patuloy na pagtatanggol ni Aniel kay Daven.
 
“Aniel, ipaliwanag mo nga sa amin kung bakit ba pumasok si Daven sa kwarto ni Rura na alam naman niyang hindi na niya iyon kwarto”hiling ni Jack kay Aniel.
 
“Hindi ko nga alam, kung alam ko lang ang iniisip ni Daven ay isasabi ko na sa inyo, mas mabuting tanungin niyo si Daven huwag ako”bigkas ni Aniel.
 
Nang pumasok sila sa kwarto na kung saa’y natutulog si Daven ay nabigla naman sila nang malaman nilang may malalang lagnat si Daven.
 
“Ano na ang gagawin natin? May lagnat si Daven”tanong ni Varien habang hinawakan niya ang noo ni Daven.
 
“Akala ko ba na hindi magkakasakit yong mga gago na tao?”pabirong sabi ni Jack.
 
“Jack, mapagago man o hindi, magkakasakit talaga”bigkas ni Miko.
 
-------------------------------------------------
Pagkatapos, inalagaan naman ni Varien si Daven. Binabantayan niya ito nang magdamag, pinapakain at binibihisan.
 
Minsan pa nga’y tinatabihan niya ito para malaman niya ang kalagayan nito.
 
“Daven, hindi ako titigil sa pag-aalaga sa iyo hanggang sa hindi ka gumagaling”bulong Varien habang nakatitig siya kay Daven.
 
Mahimbing ang tulog ni Daven nang tumabi si Varien sa kanya. Hindi naman nag-alinlangan si Varien na halikan ang noo ni Daven. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya kay Daven.
 
Niyakap naman niya sa gabing iyon si Daven.
 
Kalaunan, abala naman sila sa pagsasanay, tapos nagmamasid naman sa karagatan si Rura. May naalala kasi siya sa tuwing nakikita niya ang malawak at asul na karagatan.
 
Wala kasi siyang naalala maliban lang sa paglunod niya sa karagatan. May naaalala naman siyang mga kasamahan niya pero hindi niya gaano itong nakikilala, sa ngayon ay misteryo pa ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanya.
 
Habang nakatingin si Rura sa karagatan ay napansin naman niya ang isang malaking barko na paparating sa kanila. Lumalakas naman ang tibok nang dibdib niya sa tuwing lumalapit ang malaking barko sa kanila.
 
Nagulat naman ang lahat ng makita nila ang paparating na barko dahil parang mauulit muli ang nangyari sa kanila na paglusob sa gitna ng karagatan.
 
“Ate, may papalapit na namang barko sa atin”alala ni Aniel kay Niela.
 
“Aniel, huwag kang matakot, sa pagkakataong ito lalabanan natin sila”sabi ni Niela.
 
Nang makalapit na ang malaking barko ay nakaramdam naman ang lahat ng takot na kahit na si Rura ay natakot din. Hindi naman sila makagalaw dahil sa nanginginig ang kanilang katawan.
 
“Naramdaman ko muli itong panginginig ng katawan ko”bigkas ni Jack habang pinagmasdan niya ang malaking barko.
 
Wala namang nagawa ang mga kasamahan ni Jack nang nilusob sila ng mga pirata na mula sa sa malaking  barko. Hindi naman nakapigil sina Jack, Clood, Miko at Ian sa mga pirata nang umatake ito.
 
Kinuha ng mga pirata ang mga pagkain, sandata at ibang mahahalagang bagay na dala nila.
 
Hahablutin na sana ni Jack ang kanyang espada subalit hindi naman iyon natuloy dahil sa biglang lumabas ang pinuno ng mga pirata.
 
Isang malaki at malakas na tao ang pinuno ng mga pirata na pinangungunahan ni Golith. Nakakatakot rin siyang tingnan dahil sa natatakot nitong mukha.
 
“Kung sino man ang gustong lumaban ay hablutin niyo na ang mga sandata niyo”utos ni Golith sa grupo ni Jack.
 
Napalaban naman sina Miko at Ian kay Golith  subalit hindi naman sila nakalapit dahil sa napigilan sila ng mga kasamahan nito. Hindi lang pala si Golith ang malakas sa barkong iyon kundi pati narin ang mga kasamahan ng taong iyon.
 
“Bago mo aatakehin yong pinuno namin, dapat dumaan ka pa sa amin”bigkas ng mga pirata kina Miko at Ian.
 
Bigla namang umatake si Clood sa mga pirata gamit ang kapangyarihang yelo niya kaso hindi naman iyon umubra dahil sa napigilan siya ni Golith gamit ang isa nitong kamay.
 
Napaatras nalang si Clood dahil sa takot na naramdaman niya nang makita niya si Golith.
 
Tumulong naman si Rura kay Clood gamit ang espada. Naitusok pa nga niya ang espada sa likuran ni Golith subalit hindi naman ito nasaktan kahit panandalian lang.
 
Tumawa naman ng malakas si Golith habang dahan-dahan siyang humarap kay Rura na siyang nagsaksak sa likuran niya.
 
“Iha, ang lakas ng loob mong saksakin ako”sabi ni Golith habang sinakal niya si Rura.
 
Sumigaw naman si Clood nang makita niyang sinasaktan ni Golith si Rura. Lalabanan na sana niya ulit si Golith subalit pinigilan siya ng mga pirata.
 
Pareho ring pinigilan sina Miko, Ian, Jack at Niela para hindi sila makalapit kay Golith.
 
Nagpatuloy pa ang pagsasakal ni Golith kay Rura hanggang sa nawalan ito nang malay na ikinabigla ni Clood.
 
“PAPATAYIN KITA!!”Sigaw nang malakas ni Clood.
 
Nagulat naman ang lahat ng pirata nang biglang nag-iba si Clood na parang lumalakas.
 
“Imposible, lalo pang lumalakas ang enerhiya niya”tugon ng mga pirata habang sila’y napapa-atras.
 
Dahil sa takot na madamay kay Clood ay unti-unti silang bumabalik sa kanilang barko.
 
Hindi naman natakot si Golith sa nangyayari kay Clood kahit na naramdaman niya ang lakas nito. Nakatitig nga lang siya kay Clood habang unti-unting nag-iiba ang lakas ni Clood.
 
“Sige iho, ilabas mo pa ang lakas mo”bulong ni Golith na parang hinahamon niya si Clood.
 
Natakot naman ang ibang kasamahan ni Clood lalo na sina Varien, Aniel at Niela dahil sa mangyayari sa kanila.
 
“Varien, yan ang huling nangyari sa iyo”paalala ni Niela.
 
“Niela, hindi ko inaakala na sobrang lakas ko pala sa panahong iyon”sagot ni Varien.
 
Nakikita naman nina Varien, Aniel at Niela na unti-unting lumalabas ang  yelo sa katawan ni Clood.
 
“Clood, iligtas mo kami!”sigaw ni Aniel.
 
Malakas naman ang pagkaka-atake ni Clood kay Golith na sa sobrang lakas ay parang matataob na ang buong barko.
 
Wala namang reaksyon si Golith nang mapigilan niya ang malakas na pag-atake ni Clood.
 
Nabigla nalang sina Jack at nang mga kasamahan niya nang makitang napigilan ni Golith ang malakas na pag-atake ni Clood.
 
“Imposible, nagawa niyang pigilan ang pag-atake ni Clood, anong klaseng tao siya”sabi ni Niela habang siya’y hindi makapaniwala.
 
Lalo pang nabigla ang lahat nang pinatumba ni Golith si Clood sa isang iglap lang.
 
“Iho, di mo ako matatalo, kahit pagtulung-tulungan niyo pa ako”pangiting paalala ni Golith kay Clood.
 
Pagkatapos sa paalala ni Golith ay umalis naman ito na dala-dala ang walang malay na si Rura.
 
“Iho, kung gusto mong mailigtas ang babaeng ito, magkikita tayo sa bansa ng Pendra”paalala ni Golith.
 
Hindi na magawang mailigtas ni Clood si Rura at nakalayo-layo na ang barko na sinasakyan ni Golith. Wala namang nagawa ang ibang kasamahan ni Clood kundi ang magmasid nalang na lumalayo ang barko ni Golith.
 
Nainis naman si Jack nang mapagtanto niya sa sarili niya na isa siyang duwag na tao.
 
“Hindi parin ako nakatulong, pang-ilang ulit na itong nangyari at naging duwag parin ako”sisi niya sa sarili niya.
 
Samantala, naalala naman ni Clood ang sinabi ni Golith sa kanya na kung saa’y magkikita sila nito sa bansa ng Pendra. Sa Pendra makikita ang espadang nakabaon na mula kay Haring Arthur.
 
“Jack, pupunta tayo sa bansa ng Pendra”sabi ni Clood na ikinabigla ni Jack.
 
“Sigurado ka ba talaga Clood, hindi ba iyon patibong lang”palinaw ni Jack.
 
“Jack, handa kong harapin kahit patibong pa iyon dahil hindi ko hahayaan na mapapahamak si Rura”bigkas ni Clood.
 
Dahil sa determinado si Clood ay tumungo naman sila sa bansa ng Pendra.
 
Sa ngayon ay hindi pa gumagaling si Daven sa lagnat niya. Wala din siyang alam na nilusob sila ng mga pirata. Kung gising lang sana si Daven ay hindi sana mapapahamak ang mga kasamahan niya.
 
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa barko ni Golith, nagulat naman si Rura nang malaman niyang nakakulong siya sa isang kwarto na pinaniniwalaan niyang barko ni Golith na nakalaban niya. Naalala naman niya ang huling nangyari sa kanya na kung saa’y sinakal siya ni Golith hanggang sa siya’y nahimatay.
 
“Saan ba nila ako dadalhin at bakit nila ako kinuha?”tanong ni Rura sa kanyang sarili.
 
[SLATE-tionary: Sinasabing isa sa mga pinakamalakas na magic-user si Golith sa bansa ng Pendra. Kasing lakas ni Golith si Daven.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon