“Simple lang”sabi ni Daven habang pangiti siyang tumitig sa hari. “Papatayin ko ang lahat nang nilalang dito at sisirain ko ang siyudad na ito”dagdag ni Daven habang nagseryuso ang mga mata niya.
Tumahimik naman ang hari sa pabiglang pagsalita ni Daven na para bang tinatakot niya ito. Pero imbes matakot ay tumawa lang ang hari sa naging reaksyon nito sa sinabi ni Daven.
“Bata, nakakatawa kang kausap pero tandaan mo, hindi ako natatakot sa pinagsasabi mo”bigkas ng hari. “Kung tutuusin ay nandito ka ngayon sa teritoryo ko”dagdag ng hari habang isa-isang nagsisipasukan ang mga Sea Guardian sa hapag-kainan.
Isa-isang pumasok ang mga Sea Guardian hanggang sa napapalibutan na si Daven na mag-isa na kumakain sa pagkain ng hari. Pero kahit armado at malalakas ang mga ito ay hindi naman nagpatinag sa takot si Daven bagkus wala lang siyang pakialam dito.
“Taong-lupa, malaking kamalian ang ginawa mong paglusob dito”paalala nila kay Daven habang isa-isa nilang kinuha ang mga espada.
“Pero isa rin naman malaking kamalian ang ginawa niyong pagdakip sa mga kasamahan ko”paalala ni Daven habang seryuso siyang tumitig sa mga Sea Guardian.
“Mga kasamahan? Ang ibig mong sabihin hindi lang ang babaeng iyon ang kasamahan mo?”palinaw ng mga Sea Guardian.
“Siguro, mga kasamahan rin niya yong ibang mga taong-lupa na nakakulong”bigkas ng isang Sea Guardian.
Napatayo naman si Daven matapos siyang mabusog kung kaya’t handa na siyang makipaglaban sa mga Sea Guardian kahit alam niyang hindi kasigaraduhan ang mabuhay. Wala namang emosyon ang nakita sa mukha si Daven, kahit imik o kaba man lang ay hindi mailarawan sa mukha niya.
“Ano pa ang hinihintay niyo, hindi niyo ba ako aatakehin?”tanong ni Daven na parang hinahamon niya ang mga Sea Guardian.
Wala namang planong atakehin ng mga Sea Guardian si Daven.
“Taong-lupa, ang laki ng kompiyansa mo sa sarili mo, alam mo namang wala kang kalaban-laban sa amin tapos nagawa mo paring maghamon sa amin”tugon ng mga Sea Guardian.
“Syempre, diba ito naman ang gusto niyong mangyari?”salita ni Daven. “Ang maubos kaming mga taong-lupa dito”dagdag niya.
Handa na sanang makipaglaban si Daven dahil sa panginginig ng kamay niya pero hindi naman natuloy ang pakikipaglaban niya sa mga Sea Guardian dahil sa narinig niya ang isang boses nang babae na tumawag sa pangalan niya.
“DAVEN!! HUWAG MO SILANG LABANAN!!”sigaw ni Varien habang nagmamadali siyang lumapit kay Daven nang makapasok siya sa hapag-kainan ng hari.
Gulat na gulat naman si Daven nang makita niya ang pagdating ni Varien.
“Varien, mabuti’t ayus lang ang kalagayan mo”alala ni Daven.
“Daven, pakiusap lang! Huwag mo silang labanan”pigil ni Varien.
Hindi naman makapaniwala ang hari nang makita niya ang pagdating ni Varien na kung saa’y nakakulong ito sa isang kwarto.
“Bakit nagawang makatakas nang babaeng iyan?”tanong ng hari.
“Huwag kang mag-aalala mahal na hari, ako lang ang nagpalabas sa babaeng iyan”bigkas ni Leia, ang reyna ng palasyo ng Atlantis.
“Leia, bakit mo naman ginawa ang bagay na iyan?”tanong ng hari. “Kung nakatakas ang babaeng iyan?”
“Mahal na hari, hindi po magagawa iyon ni Varien, at isa pa mapapatay lang siya kapag tatakas siya, diba po”bigkas ni Leia.
“May punto ka naman Leia”suporta ng hari sa sinabi ni Leia.
Samantala, hindi naman matigil ang pag-aalala ni Varien kay Daven kaya napayakap nalang siya na may kasamang pagtulo ng mga luha dahil sa saya na nararamdaman.
“Daven, salamat naman at walang nangyaring masama sa iyo”alala ni Varien.
“Varien, bakit alam mo na nandito ako?”pahinang tanong ni Daven.
“Daven, sinabi kasi sa akin ni Reyna Leia na may taong-lupa na lumusob dito kagabi pa kaya naghihinala ako na ikaw yon”paliwanag ni Varien.
Habang patuloy na nag-uusap sina Varien at Daven ay agad namang hinarap ng hari si Daven dahil sa may mahalaga siyang sasabihin.
“Bata! Pagpipiliin kita! Gusto mo bang mabuhay ang mga kasamahan mo o lalabanan mo ang mga Sea Guardian”pakondisyon ng hari kay Daven na ikinagulat ni Varien.
“Ang ibig mong sabihin ay kapag tatanggihan ko ang laban sa mga Sea Guardian ay papatayin mo ang mga kasamahan ko?”palinaw ni Daven sa hari.
“Oo bata! Kung tatanggihan mo ang laban, pero kapag lumaban ka naman at mananalo ka ay papalayain ko silang lahat at papauwiin ko rin kayo sa kalupaan”paliwanag ng hari.
Hindi naman makapaniwala si Varien sa naging kondisyon ng hari kay Daven dahil sa hindi ito patas. Malaki kasi ang butas sa kondisyon ng hari dahil kailangan pang manalo ni Daven para makalaya ang lahat ng mga kasamahan nila, tapos hindi rin nila alam kung ilang Sea Guardian ang makakaharap ni Daven.
Hinawakan naman ni Varien ang kamay ni Daven sabay pigil nito subalit nahuli na siya nang sumang-ayon na si Daven sa kondisyon.
“Daven, hindi patas ang kondisyon ng hari sa iyo”reklamo ni Varien.
“Oo alam ko Varien, pero wala akong magagawa kaya mas mabuting tatanggapin ko nalang ang kondisyon”sagot ni Daven habang dahan-dahan siyang umalis.
Napaluhod nalang si Varien dahil sa naging desisyon ni Daven na kahit hindi kasigaraduhan ang panalo.
Habang naglalakad paalis si Daven ay agad naman siyang napahinto bigla at binalaan niya ang hari ng isang malakas na enerhiya na dahilan nang panginginig ng katawan nito. Hindi alam nang hari ang nangyayari dahil siya lang mismo ang nakaramdam sa malakas na enerhiya ni Daven.
“Bakit nanginginig ang katawan ko?”pahinang tanong ng hari sa sarili niya.
Natakot nalang nang hari nang makita niya mismo ang paglingon ni Daven sa kanya habang ang mga mata nito’y nakatutuk sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit at kung pa-paano pero isa lang ang nalalaman niya kundi ang hindi suwayin ang kondisyon nila ni Daven.
Pagkatapos, nataranta naman si Lucas nang marinig niyang nagkakagulo sa labas nang kanyang mansion. Dali-dali naman siyang dumungaw sa bintana’t nakita niya ang pagdating ni Daven.
“Bakit nagawa pang makabalik nang batang iyan?”bulong niya sa sarili na parang sinasabi niyang mapapatay si Daven.
Agad naman niyang sinalubong ang pagdating ni Daven nang may galak at saya sa kanyang mukha tapos sinabayan niya pa ito nang pag-aalala.
“Iho, mabuti’t ayus ka lang”sabi ni Lucas na parang nag-aalala siya kay Daven.
“Tito Lucas, alam mong ibinenta mo kami sa palasyo”bigkas ni Daven na ikinagulat ni Lucas.
“Ano bang pinagsasabi mo iho?-“tugon ni Lucas habang ipinapakita niya kay Daven ang kamangmangan niya.
“Huwag ka nang magsinungaling pa Tito Lucas, alam mong ipinag-alam mo sa hari ang paglusob namin”sabi ni Daven. “Pero hindi naman ako nagagalit sa iyo dahil alam ko namang ginawa mo iyon para maprotektahan ang sarili mo”dagdag ni Daven habang dahan-dahan siyang natutumba dahil sa buong gabi siyang walang tulog.
Hindi naman nakapagsalita si Lucas dahil sa sinabi ni Daven sa kanya. Kakausapin na sana niya ito tungkol sa sinabi nito subalit natumba nalang agad si Daven at madali naman niyang itong sinalo sa braso niya.
Pinahinga niya si Daven sa loob ng kwarto nito. Hindi naman mawala sa tingin niya ang pagtitig sa mukha ni Daven na kahit nagawa niyang traydorin ay hindi lang ito pinansin.
“Iho, bakit hindi ka nagagalit sa akin? Bakit wala kang pakialam kahit anong mangyari sa iyo”sabi ni Lucas sa tulog na si Daven. “Pasensya ka na kung ibinenta ko man kayo sa palasyo, Oo tama ang sinabi mo na pinrotektahan ko lang ang sarili ko, pero hindi pa iyon ang dahilan kung bakit ko kayo ibinenta, ang nangungunang talagang dahilan ay ang maprotektahan ang minamahal ko..”sabi ni Lucas habang tumutulo ang luha niya dahil sa konsyensya kay Daven.
Pagkatapos niyang magbantay kay Daven ay umalis na siya, pero hindi pa nga siya nakakalabas sa pintuan ay agad niyang narinig ang boses ni Daven.
“Tito Lucas, huwag na po kayong mag-aalala sa akin, gawin niyo lang po ang nais niyong gawin para maprotektahan mo ang minamahal mo”pahinang sabi ni Daven na namalayan ang pagsasalita ni Lucas.
“Iho, nabalitaan kong makikipaglaban ka raw sa mga Sea Guardian kapalit nang paglaya sa mga kasamahan mo”sabi ni Lucas.
“Oo Tito Lucas, yon nalang po kasi ang natitirang paraan para po mailigtas ang mga kasamahan ko”sagot ni Daven.
“Pero iho, hindi mo kayang labanan ang mga Sea Guardian, mapapatay ka lang”reklamo ni Lucas.
“Tito Lucas, sisiguraduhin ko pong ipapanalo ko ang laban at ililigtas ko ang mga kasamahan ko, kasama narin po ang minamahal niyo”pangiting sabi ni Daven.
“Iho, huwag mo akong bigyan ng pag-asa, pakiusap”bigkas ni Lucas habang siya’y tuluyan nang umiyak.
Samantala, habang nagpapahinga si Varien sa isang kulungan ay agad namang pumasok si Reyna Leia na may dala-dalang mga pagkain. Mabait ang pakikitungo ni Reyna Leia sa mga taong-lupang nakulong sa palasyo na sina Varien, Aniel, Niela at Jack.
“May pagkain akong dala-dala Varien”paalok ni Reyna Leia.
Hindi naman makatanggi si Varien kung kaya’y tinanggap niya ang pagkaing dala-dala ng Reyna.
“Mahal na Reyna, bakit po ba kayo nag-aalala sa amin, hindi naman po kami mga taong-dagat na katulad ninyo? Bakit po ba?”tanong ni Varien habang siya’y kumakain.
“Varien, may pinipili ba ang pagtulong?”tanong ng reyna sa kanya.
“Wala po, pero po iba po kami, sa katunayan po ay magkalaban po tayo ng anyo”sabi ni Varien.
Ngumiti lang si Leia sa sinabi ni Varien at hindi nalang siya nagpatuloy sa pag-uusap tungkol dito.
“Varien, sa susunod na araw mangyayari ang labanan ng kasamahan mo”paalala ni Leia.
“Ganoon po ba, pwede ko po bang makita ang pakikipaglaban ni Daven kahit sandali lang po”hiling ni Varien.
“Hindi mangyayari iyan Varien, hindi ko hahayaang makalapit at makanood ka sa laban”bigkas ng Reyna.
“Ganoon po ba, pasensya na po kung naging mabigat man yong hinihiling ko”pahinang paumanhin ni Varien.
“Varien, alam ko kung nasaan ang mga kasamahan mo ngayon, sa araw nang pakikipaglaban ay walang halos nagbabantay dito sa palasyo kaya habang abala sila sa laban ay tatakas kayo kasama ng mga kasamahan mo”paliwanag ng reyna na ikinabigla ni Varien.
“Tatakas po kami!?”pabiglang sigaw ni Varien sa gulat pero mabilis naman siyang tinikoman ng bibig.
“Dahan-dahan lang sa pagsasalita Varien baka marinig nila tayo dito”paalala ng Reyna. “Varien, ang pagkakataong iyon ay isang malaking opurtuninad na makatakas kayo, hindi ko alam kung sinadya ba iyon ng kasamahan mo”dagdag ng Reyna.
“Mahal na Reyna, hindi po iyon sinasadya ni Daven, hindi niya po pinlano iyon”sabi ni Varien. “Hindi po malakas si Daven kaya napilitan lang po siya sa kondisyon”
“Hindi malakas si Daven? Yong kasamahan mong lumusob dito sa loob ng palasyo..”sabi ng Reyna. “Varien, hindi ko alam kung pa-paano pero ang kasamahang mong iyon ay malakas pa sa inaasahan mo, tinatago niya lang”dagdag ng Reyna na ikinabigla ni Varien.
“Imposibleng mangyaring iyon mahal na Reyna, wala pong malakas na abilidad si Daven”reklamo ni Varien.
“Varien, pagsasabihan kita, anghel ang nasa labas niya habang halimaw naman ang loob niya”paalala ng Reyna na ikinagulat ng todo ni Varien.
“Halimaw ang loob? Huwag mong sabihing nililihim lang ni Daven ang lakas niya”sabi ni Varien sa sarili niya habang hindi siya makapaniwala.
Samantala, nagising naman si Niela sa mahabang pagkakatulog kaya nang maidilat niya ang kanyang mga mata ay nakita naman niya sa harapan niya si Aniel na buong araw na naghintay. Hindi niya mapigilang maluha nang makita niyang ligtas ito.
“Aniel?”tawag ni Niela.
“Ate!”payakap na tawag ni Aniel.
Matindi ang pagkakayakap niya kay Aniel kasabay ang pagtulo ng mga luha niya.
“Aniel, mabuti’t ligtas ka”alala ni Niela.
“Ako rin ate, akala ko dito na ako mamamatay, pero hindi ako pinabayaan ni Reyna Leia”sabi ni Aniel.
“Reyna Leia? Siya ba yong tumulong sa inyo?”tanong ni Niela.
“Oo ate”sagot ni Aniel.
“Mabuti naman kung ganoon Aniel, kaya isa nalang ang po-problemahin natin ngayon, kundi ang makatakas dito sa palasyo”sabi ni Niela.
“Huwag mo nang ibahala ang bagay na iyan ate, nagpaplano na si Reyna Leia ngayon tungkol sa pagtakas natin”sabi ni Aniel.
Inaabangan ng lahat ng mga taong-dagat ang paparating na laban sa pagitan ng mga Sea Guardian na kahit hindi patas. Gaganapin kasi ang laban sa isang patag na lupa sa Atlantis na malayo-layo sa Palasyo. Sa ngayon ay hinanda naman ni Daven ang sarili sa paparating na laban kahit pinipigilan siya ni Lucas.
“Daven, huwag mo nang ituloy ang laban, pagpipirasuhin ka lang ng mga Sea Guardian”pigil ni Lucas.
“Tito Lucas, kung may mangyari mang masama sa akin, ipagpatuloy mo lang ang pagliligtas sa mga kasamahan ko”pangiting bilin ni Daven kay Lucas.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...