Chapter 34: The Battle in Stadium Part 3

63 11 8
                                    

Hindi naman mawala ang mga sugalan ng mga tao sa unang istadyum kapag lumalaban na ang kanilang pambato sa patimpalak na si Enggo. Si Enggo ay magaling humawak ng espada, naging kilala siya doon sa bayan ng Sindro dahil siya ang laging nananalo sa unang istadyum. Sa tuwing siya na ang lumalaban ay doon na lumalabas ang malalaking pusta.
 
“Si Enggo na ang lalaban, pusta ako sa kanya”sabi-sabi ng mga tao.
 
“Ang daya mo naman pare, ako nga yong pumusta sa kanya”tugon ng ibang mga tao.
 
“Ganito nalang, tataya ako ng malaking halaga habang kalahati naman sa iyo”paliwanag ng isang manunugal.
 
“Kahit sangkapat pa ang itataya ko, alam kong matatalo parin ako”tugon ng mga tao.
 
Halos hindi tumataya ng mga malalaking halaga ang ibang tao at mayroon namang mga tao na may malakas na loob na pumupusta kahit dehado sila sa tayaan.
 
“Tataya na ako bahala na kung dehado”bigkas ng ibang manunugal.
 
Nang nagsipuntahan na sa harapan ang mga manlalaro ay nagulat nalang ang mga tao nang makita nilang isang bata lang pala ang magiging kalaban ni Enggo sa laban. Ang batang iyon ay si Clood na walang takot na pumunta sa gitna ng labanan.
 
“Yang bata na naman? Ano naman ang mapapala niya kay Enggo, sinuwerte lang siya sa mga laban niya kanina”bigkas ng mga tao habang minamaliit nila ang kakayahan ni Clood.
 
“Siguro, hindi aabutin ng isang minuto ang laban nila ni Enggo, kawawa naman ang batang iyan, gusto lang naman magkapera kaso matatalo lang ngayon”tugon ng mga tao.
 
Hindi naman pinapakinggan ni Clood ang mga sabi-sabi ng mga tao sa kanya at hinayaan lang niya ang mga tao para makapukos siya sa laban niya.
 
“Isang swordsman ang kalaban ko na may mahikang apoy, mabilis siyang umatake at isa pa malakas siyang humampas na kung saa’y mapapaatras ka talaga”bulong ni Clood sa sarili niya habang pinag-aaralan niya ang kalaban niya. “Walang silbi ang kapangyarihan ko na yelo sa apoy niya, kaya ang natitirang paraan nalang para manalo ako sa laban ay pisikalan, lalabanan ko siya ng espada sa esapda”bulong ni Clood.
 
Tahimik parin si Enggo kahit na nagsimula na ang laban. Ginagawa naman ni Enggo ang mga pag-atake niya na lagi niyang ginagawa. Bawat pag-atake niya ay ang paghihiyawan ng mga tao at sigawan ng pangalan niya para lang siya’y suportahan.
 
“Enggo, talunin mo ang batang iyan!”
 
“Enggo, turuan mo ng leksyon ang batang iyan!!”sigawan ng mga tao.
 
Patas naman ang ginagawang laban ni Enggo at hindi pa siya nagseseryuso marahil alam niyang bata ang kaharap niya. Halos naman ibinubuhos ni Clood ang mga mahika niya para lang mapatumba si Enggo sa laban subalit hindi iyon umuubra dahil sa lakas ng apoy ni Enggo.
 
“Alam kong luging-lugi ako sa laban kapag mahika ang gagamitin ko subalit hindi naman ako makakalapit kapag espada ang gagamitin ko”bulong ni Clood habang nagpaplano siya kung ano ang sunod niyang gagawin.
 
Sinubukan namang umikot-ikot ni Clood kay Enggo para malito ito at makalapit siya subalit hindi parin ito tumatalab dahil sa abilidad nito.
 
Nang tumagal ang kanilang laban ay agad nang ibinuhos ni Enggo ang lakas niya para mapatumba niya ng mabilis si Clood. Isang malakas na apoy ang binitawan niya na may kasamang pisikal na pag-atake. Sa lakas ng pagkatama kay Clood ay agad itong tumilapon sa malayo. Ang pagbitaw niya ng malakas na pag-atake ay ang may kasamang paghihiyawan ng mga tao.
 
“Ang lakas talaga ni Enggo”puri ng mga tao.
 
“Sinabi mo pa”tugon ng iba.
 
Ididiklara na sana si Enggo na panalo na sa laban subalit nagulat nalang ang tagapagsalita nang makita nito si Clood na nagawa pang makatayo.
 
“Hindi pa nagtatapos ang laban! Hindi pa natutumba ang kalaban ni Enggo!”sigaw ng tagapagsalita na ikinabigla ng mga tao. Pati na nga sina Aniel, Miko at Ian ay nagulat din nang malaman nilang hindi pa natutumba si Clood.
 
“Ang tibay talaga ni Clood”puri ni Miko.
 
“Yan talaga ang gusto ko kay Clood, yong hindi madaling sumusuko”dagdag ni Ian.
 
Hindi naman malaman ni Aniel ang nararamdaman niya nang makita niyang nakatayo parin si Clood kahit malaki na ang pinsalang natamo nito. Hindi rin mawala sa labi niya ang ngiti na parang nagpapakilig sa kanya.
 
“Clood, galingan mo”bigkas ni Aniel habang siya’y nagmamasid kay Clood.
 
Dahil doon ay nabuhayan naman ng pag-asa ang mga manunugal na tumaya kay Clood.
 
“Bata, galingan mo!!”
 
“Bata, huwag mong sasayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa iyo!”sigawan ng mga tao kay Clood.
 
Kahit ipinakita na ni Clood ang tibay niya sa mga manonood ay hindi naman maiwasan ang panlalait sa kanya.
 
“Sinuwerte lang ang batang iyan marahil hindi siya gaanong natamaan sa pag-atake ni Enggo kung nasentro lang siguro sa kanya ang atake ni Enggo, siguradong hinding-hindi na siya makakagising pa”tugon ng ibang manonood.
 
“Hindi lang iyan ang aabutin niya baka mapira-piraso talaga yong katawan niya”dagdag ng isang manonood.
 
Nang ipinatuloy ang laban ay naging iba naman ang ihip ng hangin nang malanghap ito ni Enggo. Hindi tulad kanina na parang ordinaryo lang pero ngayo’y naulit ang laban nila’y may naramdaman siyang kakaiba.
 
“Ano bang mayroon sa batang ito, bakit ganito ang nararamdaman ko?”pabulong na tanong ni Enggo sa sarili niya.
 
Mga ilang minuto na silang naglalaban doon at ilang oras na siyang nanonood sa laban ni Clood pero ngayon palang niya napansin ang espadang nakatago sa likuran nito. Ibang espada ang gamit ni Clood sa tuwing lumalaban ito kaya nagtataka siya kung bakit hindi iyon ginagamit ni Clood.
 
“Mukhang nakita ko na yata yang espada na iyan pero hindi ko alam kung saan...”bulong ni Enggo. “Huwag mong sabihing.. ang esapdang iyan ang espada ni Haring Arthur”pabiglang sabi niya sa sarili niya.
 
Tinitigan niya nang maiige ang espada pero kahit hindi niya ito nakikita ng lubusan ay naghihinala talaga siya.
 
“Hindi talaga ako nagkakamali, yan talaga ang espada ni Haring Arthur na nakabaon sa lupa matagal na panahon nang nakakaraan”bulong niya. “Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa batang ito”bigkas niya.
 
Aatake na sana siya kay Clood habang si Clood nama’y aatake rin sa kanya, inaabangan na talaga ang pag-atake nilang dalawa subalit naputol naman ito nang biglang nagsalita ang tagapagsalita sa unang istadyum.
 
“Panalo na si Enggo sa laban!”bigkas nito na ikinagulat ng mga tao.
 
“Ehh! Panalo? Diba hindi pa sumusuko ang kalaban ni Enggo?”palinaw ng mga manonood.
 
“Oo nga, ang sayang ng sugal ko, may tsansa pa naman sanang manalo siya sa laban”tugon ng ibang manonood.
 
Ipinaliwanag naman ng tagapagsalita kung paano nanalo si Enggo sa laban dahil sa natumba si Clood at dahil rin na napaalis siya lugar ng labanan nila. Naintindihan naman nang lahat ang paliwanag ng tagapagsalita.
 
Tinanggap ni Clood ang kanyang pagkatalo sa laban pero sa kabila parin nang pagkatalo niya ay malugod parin siyang niyakap nina Miko at Ian.
 
“Clood, huwag kang malungkot ginawa mo na ang lahat”puri ng dalawa kay Clood.
 
“Pasensya na kayo”pahingi ng paumanhin sa dalawa.
 
“Ano ka ba naman Clood, huwag ka nga magsalita ng ganyan, alam naman namin na malakas ang kalaban mo”paliwanag ni Miko.
 
“Oo nga Clood, huwag mo nang sisihin ang sarili mo, ang mahalaga ay pinahirapan mo ang kalaban kahit alam mong mas malakas pa siya kaysa sa iyo”dagdag ni Ian.
 
Habang sila’y nag-uusap ay agad namang lumapit sa kanila si Enggo upang batiin si Clood. Hindi naman inaakala ni Clood na binati siya ni Enggo kahit hindi naman sila kakilala.
 
“Bata, ang tibay mo hindi ko inaakala na magawa mo paring makatayo sa pag-atake ko”puri ni Enggo.
 
“Siguro nasanay lang yata ako”pangiting sagot ni Clood kay Enggo.
 
Habang sila’y nagtatawanan ay agad naman inilapit ni Enggo ang labi niya sa tainga ni Clood sabay paalala sa isang bagay.
 
“Bata, mag-ingat ka, alam kong may kapalit ang pagiging itinakda”paalala ni Enggo sabay alis.
 
Hindi nakapagsalita si Clood dahil sa isang paalala ni Enggo na nagpakaba sa kanyang dibdib. Nang makalayo-layo na si Enggo ay mabilis namang nakalapit si Aniel para siya’y yakapin kaya ang kaba niya ay agad nawala sa isip niya.
 
“Clood, masaya ako na hindi ka nasaktan”alala ni Aniel.
 
Agad namang nagpula ang mukha ni Clood dahil sa pabiglang pagyakap ni Aniel sa kanya. Sabay kinilig naman sina Miko at Ian habang tinitigan silang dalawa.
 
“Clood, pagkakataon mo na iyan”pabulong nila habang sinusuportahan nila si Clood.
 
Nainis naman bigla si Clood sa dalawa sapagkat lagi-lagi nalang siyang kinukulit nang dalawa.
 
“Humanda kayo mamaya”pahinang bigkas ni Clood.
 
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, wala namang miisang nakakatalo kay Daven sa pangalawang istadyum kahit ikalimang laban na niya at kahit mga malalaking tao ang nakakaharap niya. Pangalan niya ang sinisigaw ng mga tao, natapos nalang ang lahat ng mga laban ni Daven ay hindi parin nawawala ang pagsusuporta sa kanya dahil sa ipinakita niyang laban sa pangalawang istadyum.
 
“Daven, pwede bang makipagkamayan!”sigaw ng mga tao.
 
“Daven!”patuloy na sigaw nila.
 
Tulala naman ang lalaking mayaman na nagpapasok kay Daven nang manalo siya sa lahat ng laban. Hindi kasi nangyari ang gusto niyang mangyari kay Daven, dahil gusto kasi niyang mabugbug nang todo si Daven, dadanak ang dugo sa lupa at iiyak ito subalit iyon nangyari bagkos kabaliktaran ang nangyari.
 
“Bata, sumali ka ulit, bibigyan kita ulit nang mas malaki pang halaga na mas malaki pa sa napaghirapan mo ngayon”pahiling ng mayamang lalaki.
 
“Pasensya ka na, ayaw ko nang lumaban pa, buong gabi akong walang tulog kaya magpahinga muna ako”tanggi ni Daven sabay kuha sa perang pinaghirapan niya.
 
Simula nang umalis siya ay wala nang nakakaalam sa kinaroroonan niya. Marami pa naman sanang tao ang gusto siyang batiin at puriin.
 
Samantala, nalaman naman ni Golith at nang mga kasamahan niya na naubos na ang lakas ng mga manlalaro sa pangalawang istadyum.
 
“Pinuno, napatumba napo ang lahat ng mga malalakas na manlalaro sa pangalawang istadyum”balita ng isang kasamahan niya.
 
“Mabuti naman, sino bang nanalo doon? Kasi yon yong pupuntiryahin natin kung aatake tayo”tanong niya.
 
“Pinuno, isang bata lang po ang nanalo doon”sagot nito na ikinagulat ni Golith.
 
“Isang bata!? Ano ang ibig mong sabihin? Natalo niya ang lahat nang mga manlalaro doon?”pabiglang patanong ni Golith.
 
“Oo pinunong Golith, makapangyarihan po ang batang iyon napapatumba niya po ang mga kalaban niya na hindi aabot nang isang minuto”paliwanag nito.
 
“Mukhang problema yang batang iyan sa atin, nasan na yang batang iyan ngayon?”tanong ulit ni Golith.
 
“Hindi ko po alam, wala na pong nakaka-alam sa kinaroroonan niya ngayon simula nang nanalo siya sa laban”sagot nito.
 
“Ganoon ba kaya hindi na siya problema ngayon”bigkas ni Golith habang pinaghanda na niya ang mga kasamahan niya.
 
Sa abandonadong bayan na pinagtutuyan ng grupo ni Golith ay natira naman doon ang iilang mga kasamahan niya para bantayan ang mga bihag nila na pinangungunahan ni Sunset. Sa kasalukuyan ay kaharap ni Sunset ang tumakas na si Rura sa isang abandonadong gusali sa madilim na sulok.
 
“Sinong Daven ba ang tinutukoy mo? Yong Daven na kasamahan namin?”palinaw ni Rura kay Sunset.
 
Nabigla naman si Sunset nang ibinigkas ni Rura na parang nakilala niya si Daven kaya hindi napigilan ni Sunset na tutukan ng espada ang leeg ni Rura sabay banta.
 
“Saan na si Daven ngayon?”tanong ni Sunset.
 
“Hindi ko alam, dinukot kasi ako kaya hindi ko alam”sagot ni Rura habang nanginginig siya sa takot.
 
“Ano bang pangalan mo?”tanong ni Sunset.
 
“Ru-Rura”sagot ni Rura habang sinusubukan niyang sumagot nang hindi pautal.
 
“Kapag hindi ko nakaharap si Daven ay ikaw ang papatayin ko”pangiting bigkas ni Sunset na may kademonyohang namumuo sa mukha niya.
 
Kaya naglakbay si Sunset kasama si Rura para hanapin si Daven sa Pendra dahil sa naniniwala si Rura na sumama ito kay Clood para sa paghahanap sa kanya.
 
“Mapapahamak lang ako kapag kasama ko ang demonyong ito, kaya mas mabuting may may gawin ako para mapalayo ako sa kanya”bulong ni Rura sa sarili niya habang pinagmamasdan niya si Sunset.
 
[SLATE-tionary: Sina Clood, Miko, Ian at Aniel ay nanatili pa sa unang istadyum dahil hindi pa nagtatapos ang laban nina Miko at Ian. Si Golith at nang mga kasamahan niya ay kakapasok lang sa unang istadyum upang manood ng laban. Sina Rura at Sunset nama’y naglalakbay patungo sa bayan ng Sindro. Samantalang, natutulog naman si Daven sa isang tagong lugar.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon