Madilim na ang paligid nang makauwi na sina Jack, Niela, Aniel at Clood sa barko nila. Hindi naman sila masaya o ngumingiti man lang nang makita sila nina Miko at Ian na nagbabantay sa barko at naghihintay sa kanila.
“Jack, anong problema bakit ang lungkot niyo?”tanong ni Miko habang sinalubong sila.
Hindi naman sumagot si Jack sa tanong ni Miko sa kanya sapagkat si Aniel lang ang sumagot sa tanong ni Miko.
“Miko, hindi na natin makakasama si Chit sa paglalakbay”sagot ni Aniel na ikinabigla nina Miko at Ian.
“Ano ang ibig mong sabihin, Aniel? May nangyari bang masama kay Chit?”pabiglang tanong ni Ian.
“Miko, Ian, nahanap na ni Chit ang tunay niyang pamilya kaya wala na siyang ibang dahilan para sumama sa atin”paliwanag ni Chit sa dalawa.
Agad namang narinig ni Daven ang pinag-uusapan ng mga kasamahan niya kaya agad siyang gumising sa pagkakahiga niya sa bubungan ng barko.
“Nahanap na ba ni Chit ang tunay niyang pamilya?”tanong ni Daven sa mga kasamahan niya.
“Daven ano na naman ang gagawin mo?”tanong ni Jack habang hinarap niya si Daven.
“Dahan-dahan lang Jack, nagtatanong lang naman ako eh! wala pa naman akong ginagawa”tugon ni Daven kay Jack. “Gusto ko lang naman sisiguraduhin kong nahanap na ba ni Chit ang tunay niyang pamilya”bigkas ni Daven.
“Oo Daven, nahanap na ni Chit ang tunay niyang pamilya kaya kung may plano ka man na pakiusapan siya, huwag nalang mapapagod ka lang sa ginagawa mo”paalala ni Jack.
“Ano ka ba naman Jack, hinding-hindi ko talaga pinakikialam yong mga bagay na iyan lalo na’t pribadong buhay na ang pinag-uusapan natin, kaya lang ako napatanong upang malaman ko na ligtas ba si Chit”bigkas ni Daven.
“Daven, ligtas si Chit, diba nahanap na niya ang magulang niya”sabi ni Jack.
“Masaya ba siya?”tanong ni Daven.
“Ano ang ibig mong sabihin Daven? Syempre masaya siya-“bigkas ni Jack subalit napaisip siya bigla sa sinabi niya.
“Hindi ka pala sigurado sa sinasabi mo”sabi ni Daven habang umalis siya.
“Daven, saan ka ba pupunta sa oras na ito!?”pasigaw na tanong ni Jack.
“Mamamasyal syempre!”pangiting sagot ni Daven.
“Daven, maglalayag na ang barkong ito ngayon!”pasigaw na paalala ni Jack.
“Akala ko ba na isang linggo pa tayong mananatili rito”bigkas ni Daven.
“Kanina yon Daven! Pero ngayon iba na!”sigaw ni Jack.
Hindi naman nakinig si Daven sa sigaw ni Jack sa kanya.
“Daven! Iiwanan ka namin rito kapag nagpatuloy ka sa pag-alis!”sigaw ni Jack.
Kahit ilang beses nang sumisigaw si Jack ay hindi parin nakikinig si Daven, kahit nauubusan na siya ng boses ay hindi parin nakikinig si Daven hanggang sa tuluyan na itong nakaalis.
Pinakalma naman siya ng mga kasamahan niya dahil sa may humahalong galit sa malungkot niyang nararamdaman.
“Jack, ipagpaliban muna ngayon gabi ang pagkagalit mo kay Daven, tama naman siya dahil ikaw naman ang nagdesisyon na manatili tayo dito nang isang linggo, hayaan mo muna si Daven ngayon”bigkas ni Niela.
“Oo nga Jack, bakit ka naman magagalit kay Daven, sinunod niya naman ang sinabi mo tungkol sa pamamasyal at pananatili rito”dagdag ni Clood.
“Pasensya na kung ganito man ang naging ugali ko, hindi ko kasi matanggap ang pagkaalis ni Chit rito eh”sabi ni Jack.
“Jack huwag kang mag-aalala, masasanay ka naman tapos nandito naman kami na laging umaalalay sa iyo”paalala ni Niela.
Agad namang guminhawa si Jack sa sinabi ni Niela sa kanya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, naglakad naman si Daven sa gitnang bayan, tuwing gabi kasi sa lugar na iyon ay maraming mga nag-iinuman tapos pinagbabawalan rin ang mga bata doon na gumala kapag lumalalim na ang gabi. Hindi naman mawala ang tingin ng mga tao kay Daven habang siya’y naglalakad sa gitna ng daan.
Natigil naman ang lahat sa pag-iinuman nang makita nila si Daven na parang hindi natatakot sa kanila.
“Ang lakas ng loob ng batang iyan na pumunta dito! Di ba pinagbabawalan ang mga bata rito na pumunta kapag malalim na ang gabi”sabi ng isang lalaki.
“Hayaan mo lang yang batang iyan, siguro naligaw lang yan”tugon ng lalaking kainuman niya.
“Hindi! Naiinsulto kasi ako sa batang iyan, kapag sinabing bawal ay bawal talaga”sabi ng isang lalaking lasing habang mabilis niyang nilapitan si Daven.
Agad namang napahinto si Daven nang makita niya ang isang lalaking lasing na may dala-dalang bote ng alak na biglang humarang sa kanya.
“Hoy bata! Alam mo ba na bawal gumala ang mga bata rito tuwing gabi?”tanong niya kay Daven.
“Hindi! Pero kung nagbibiro lang po kayo sa sinasabi niyo, sobrang nakakatawa po”bigkas ni Daven na ikinainis ng lasing.
“Sa tingin mo ba bata na nagbibiro lang ako?”sabi ng lasing.
“Malay ko sa iyo, bakit mo ako tinatanong”sagot ni Daven.
Agad namang nainis ang lalaking lasing kay Daven marahil iniisip niya na parang iniinsulto pa siya nito lalo. Nagtawanan naman ang lahat ng mga kainuman ng lalaki kaya doon na umatake ang lasing kay Daven gamit ang boteng hawak-hawak nito.
Natamaan naman si Daven at nagawa pang masugatan ang kaliwang braso niya subalit wala naman siyang naramdaman na kakaiba maliban sa umiinit niyang kamay dahil sa sugat.
“Bata! Hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko kaya umuwi ka na sa inyo”sabi ng lasing habang pinapauwi niya si Daven.
“Bakit mo ako papauwiin? Wala naman akong ginagawang masama”sabi ni Daven.
“Mayroon bata at iyon ang paggala mo dito ng gabi”sabi ng lasing.
Hindi naman pinatulan ni Daven ang lalaki marahil iniisip niya na baka lasing lang ito subalit nang tumalikod siya ay agad ulit siyang inatake nito sa pangalawang pagkakataon.
“Bata! Wag mo akong bastusin, nakikipag-usap pa ako sa iyo!”sigaw ng lalaki sabay lapit kay Daven upang saksakin niya ito sa likod.
Nainis naman si Daven sa sigaw ng lalaking lasing kaya mabilis niyang hinarap ang lalaki tapos agad niya itong tinuruan ng leksyon sa pamamagitan ng pagbali ng buto nito sa kaliwang braso na simbolo narin nang paghiganti niya sa pagsugat sa kaliwa niyang braso.
“Huwag mo akong pakialam kung may batas man kayong sinusunod, hangga’t hindi ako nakakagawa ng masama ay huwag niyo akong susubukan”paalala ni Daven sa lalaking lasing na binalian niya ng buto sa kaliwang braso.
Dahil sa ginawa ni Daven ay nakaramdam naman lahat ng takot kahit mga pasiga-sigang lasing ay hindi na tinitigan si Daven dahil sa iniisip nila na baka sila na ang susunod na papatumbahin.
“Malakas pala ang batang iyan”bulong-bulongan ng mga lasing.
Samantala, nakita naman nina Kingpord, Lala, Felo at Zaq ang pagtumba ni Daven sa lalaking lasing kaya ang pag-aalala rin nila sa pagtumba sa kanilang kasamahan na si Sunset at paghiwa sa leeg ni Haniel ay ang ikinagalit naman ni Kingpord.
“Ang lakas talaga nang loob ng batang iyan na maghari dito sa bansang ito”bigkas ni Kingpord.
“Kingpord, gusto mo bang patumbahin natin ang batang iyan?”tanong ni Lala.
“Huwag muna dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon na makakaharap natin siya, alam kong may dahilan siya kung bakit siya pumunta dito”tugon ni Kingpord.
“Kingpord, may narinig po ako kanina tungkol po sa pagdukot ng babae, sa tingin ko po kasamahan niya po iyon”paliwanag ni Lala.
“Yong kulto ba ang tinutukoy mo Lala?”palinaw ni Felo.
“Oo Felo, sa tingin ko ay hahanapin niya ang babaeng iyon”sabi ni Lala.
“Hahanapin niya iyon, mas mabuting magsanib pwersa tayo kay Frederica”pangiting sabi ni Kingpord.
“Sinong Frederica ang tinutukoy mo Kingpord?”tanong ng tatlong kasamahan ni Kingpord.
“Syempre, yong mangkukulam na nagpadukot sa kasamahan ng batang iyon”sagot ni Kingpord habang tinitigan niya si Daven. “At yong gumamot rin kay Sunset”dagdag ni Kingpord.
“Frederica pala ang pangalan ng babaeng iyon”bigkas ni Lala.
“Tara, pumunta tayo sa palasyo marahil nandoon na sila ngayon”utos ni Kingpord.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, kinontrol naman ni Frederica si Chit na sa ngayo’y naglalakad ito patungo sa harap ng altar. Hindi naman inaakala ng mga tao doon sa loob ng palasyo na bigla nilang makikita ang isang babae.
May halong pagtataka naman ang Reyna doon nang makita niyang naglakad si Chit patungo sa harap ng altar.
“Sino ba tong babaeng ito?”tanong ng Reyna ng palasyo.
Nalilito naman ang kasamahan ng Reyna doon dahil patuloy paring naglalakad si Chit.
“Mahal na Reyna, hindi niyo po ba kilala ang batang iyan?”tanong nila sa Reyna.
“Hindi”sagot ng Reyna.
Pipigilan sana nila si Chit sa paglakad nito subalit hindi naman iyon natuloy dahil sa may nararamdaman ang Reyna kay Chit.
“Wag niyo muna siyang pigilan, mukhang kilala ko ang babaeng iyan”bigkas ng Reyna habang may paghihinala niya sa sarili niya.
Habang patuloy silang nakatingin kay Chit ay nagulat naman sila nang makita nilang pumasok si Frederica sa loob ng palasyo. Agad namang nagkagulo kung kaya’y ang mga nagbabantay doon sa palasyo ay agad hinarap si Frederica ang pinakamalakas na mangkukulam sa buong Ciangima.
“Huwag niyong papasukin ang babaeng iyan!”sigaw ng Reyna sa mga nagbabantay.
Papatumbahin na sana nila si Frederica subalit napahinto naman sila nang may ipinaalala ito sa Reyna.
“Mahal na Reyna, hindi mo ba nakikilala ang babaeng iyan?”tanong ni Frederica.
Bigla namang napaisip ang Reyna kaya nabigla nalang siya nang maalala niya ang tungkol sa anak ni Reyna Varlin na kahawig ngayon ni Chit.
“Huwag mong sabihin siya si Prinsesa Varien”pabiglang sabi ng Reyna.
“Oo Mahal na Reyna”sagot ni Frederica.
Lalapitan sana ng Reyna si Chit subalit agad namang napaaray si Chit nang malakas na malakas na parang nasasaktan siya.
“Ano ang nangyari sa iyo?”alala ng Reyna kay Chit.
Napatawa naman ng malakas si Frederica marahil siya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Chit.
“Ano ang ginawa mo kay Prinsesa Varien!?”sigaw ng Reyna.
“Mahal na Reyna, kung hindi mo susundin ang sasabihin ko, papatayin ko ang prinsesa”banta ni Frederica.
“Ang sama mo talagang mangkukulam ka, hindi mo lang pinatay si Reyna Varlin tapos papatayin mo rin ang anak niya”sigaw ng Reyna.
“Ganyan ako kasama mahal na Reyna”sabi ni Frederica habang malaya siyang nakapasok sa palasyo.
“Frederica, ano ba ang gusto mong mangyari?”tanong ng Reyna habang nagagalit siya kay Frederica.
“Simple lang naman ang pinapangarap ko mahal na Reyna kundi ang makuha ang lahat nang kapangyarihan ni Varlin na itinago mo dito sa buong palasyo”sagot ni Frederica.
“Kailanma’y hindi mo makukuha ang kapangyarihan ni Varlin, kahit patayin mo man ako ay hindi ko talaga ibibigay sa iyo”tanggi ng Reyna.
Agad namang pinahirapan ni Frederica si Chit kaya hindi naman mapigilan ng Reyna ang maawa nang makita niyang nahihirapan si Chit dahil sa paghihirap na ginawa nito ni Frederica. Lalong tumatagal ang paghihirap ay dumudugo naman ang ilong, mata at tainga ni Chit dahil sa sakit na nararamdaman.
“Frederica! Ibibigay ko na sa iyo ang kapangyarihang itinago ni Reyna Varlin, pakiusap lang itigil mo na ang paghihirap kay Prinsesa Varien”sigaw ng Reyna habang sinang-ayonan ang kondisyon ni Frederica.
Pagkatapos ibinigay kay Frederica ang bato na naglalaman ng kapangyarihan ni Varlin ay dali-dali namang niyakap ng Reyna si Chit na parang nanghihilamos na ito ng dugo sa mukha.
“Prinsesa, patawarin mo ako!”patawad ng Reyna kay Chit.
Nagkamalay naman si Chit at nakita niya ang Reyna na biglang yumakap sa kanya.
“Kuy- D-ven, ikaw po ba iyan?”tanong ni Chit na sinusubukan niyang idilat ang mga mata niya at pinipilit niyang magsalita.
“Prinsesa buti’t nagkamalay ka na”pangiting sabi ng Reyna dahil sa nakita niyang nagising si Chit.
“Ina, kayo po ba iyan?”tanong ni Chit sa Reyna na akala niya’y ina niya ito nang makita niya ang mukha ng Reyna.
“Prinsesa, hindi ako ang ina mo, wala na siya, matagal na siyang patay”paliwanag ni Reyna. “Sapagkat ako naman ang pumalit sa pwesto niya nang mawala siya”dagdag ng Reyna.
Naiyak naman si Chit nang malaman niyang namatay na pala ang ina niya. Nang mag-usap silang dalawa ay kasabay naman ng paghawak ni Frederica sa batong kumikinang na kung saa’y naroon nagtatago ang kapangyarihan ni Varlin na matagal niyang pinag-ipunan at pinag-aralan.
Nakaharap naman sa buwan si Frederica habang nakatapat ang bato na sinasabi nilang pinagtaguan sa lahat ng mga kapangyarihan ni Varlin.
“Ngayong gabi ay masasaksihan na ng sanlibutan ang paglabas nang kapangyarihan ko”bigkas ni Frederica.
Hindi alam ni Frederica na nagkamalay pala si Chit kaya nagulat nalang siya nang makita niyang itinulak siya nito na dahilan naman nang pagbitaw nito sa bato.
“Hindi ko hahayaang makuha mo ang lahat ng kapangyarihan sa bato!”sigaw ni Chit.
[SLATE-tionary:
Frederica: Isang mangkukulam, lider ng kulto na sinasabi nilang delikadong grupo sa Ciangima. Ang babaeng nagpadukot kay Chit. Sinasabi niyang malalaman niya ang pagkakakilanlan ng isang tao kapag tiningnan niya ito.
Siera: Kasalukuyang Reyna sa Palasyon ng Ciangima na kung saa’y nagbabantay sa kapangyarihan ni Varlin. Matalik na kaibigan siya ni Varlin.
Reyna Varlin: Ang nagtatag ng palasyo sa Ciangima. Ang unang Reyna. Ang pinakamalakas na magic user sa buong Ciangima subalit napatay siya ni Frederica.
Prinsesa Varien: Ang anak ni Varlin.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...