Chapter 49: Demon Daven

69 13 2
                                    

Nagulat nalang ang mga Sea Guardian nang makita nila ang pag-iibang anyo ni Daven na kung saa’y tinutubuan ito ng itim na pakpak sa likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulat nalang ang mga Sea Guardian nang makita nila ang pag-iibang anyo ni Daven na kung saa’y tinutubuan ito ng itim na pakpak sa likuran. Naging iba narin ang kulay ng mga niya dahil sa pag-iibang anyo.

“Isang demonyo?”pagulat na tanong isang Sea Guardian.

“Pero kahit ano pang anyo ang papasok sa katawan mo’y hindi mo parin kami matatalo”payabang na sabi ng isang Sea Guardian.

Laking kumpiyansa niya sa sarili nang sinabi niya ang katagang iyon habang kaharap ang demonyong si Daven. Sa isang iglap lang habang siya’y tumatawa ay agad namang nahulog ang kamay niya tapos ay nagkalat ang mga dugo sa lupa.

“Anong nangyari?”tanong niya habang nalito siya sa nangyari.

“Naputol ang kamay mo”sagot ng isang Sea Guardian. “Pero paano? Paano nangyari?”tanong niya habang tinitingnan ang putol na kamay.

Nang lumingon sila ay nakita naman nila ang paghihigop ni Daven sa dugo nang Sea Guardian na tumalsik sa kamay nito. Hindi nila maipaliwanag kung paano nangyari iyon kaya napa-atras nalang sila na baka sila ang susunod na pupuntiryahin.

“Mukhang malakas na malakas na yata ang taong-lupang ito”bigkas ng isang Sea Guardian.

“Huwag kayong matakot, madami tayo tapos nag-iisa lang siya kaya wala parin siyang kalaban-laban sa atin kapag tayo’y nagsabay-sabay”utos ng isa pang Sea Guardian habang sabay-sabay silang umatake.

Ngumiti naman nang todo si Daven nang makita niya ang paglapit ng sampung mga Sea Guardian. Hindi naman siya nag-alinlangang umatake kahit sabay-sabay pa ang mga kalaban niya. Sa pag-atake niya’y nagawa niyang maputulan ng mga kamay ang iilang Sea Guardian subalit nasaksak naman siya sa pangalawang pagkakataon na dahilan nang pagtumba niya ulit.

“Yon na ang binatbat mo taong-lupa, hindi mo parin kami matatalo”paalala ng isang Sea Guardian kay Daven subalit nagulat nalang siya nang masaksak siya nito. “Imposible, bakit nagawa pa niyang makatayo sa sitwasyon niya?”pagulat na tanong niya.

Madali naman nilang pinagtulungan si Daven pero kahit gaano pa sila kabilis ay pinatumba lang sila sa isang segundo.

“Iyan ba ang isang kapangyarihan ng isang taong-lupa? Bakit nagawa niyang makagamit ng kapangyarihan ng demonyo, imposible nang makuha iyon”tanong nila.

“Kahit nga mga Sea Guardian ay di talaga makakuha ng isang kapangyarihan ng demonyo, ano bang klaseng nilalang ang taong-lupang ito?”patuloy na tanong nila.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon