Chapter 50: The Broken Promise

61 13 6
                                    

Mga gusaling nagkapira-piraso, mga bangkay ng taong-dagat na nakabulagta sa lupa at mapayapang paligid na dating maingay, yan na ngayon ang Atlantis kung ito’y maiilarawan. May natitira pang buhay na gumapang sa lupa na pilit nilang pumupunta patungo sa ligtas na lugar habang ang iba nama’y naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay na nadamay din sa pangyayari.

“Anak ko! Magpakita ka sa akin!!”sigaw ng isang nanay habang pinaghahanap niya ang kaniyang supling.

Umiiyak naman ang ibang mga bata habang yakap-yakap nila ang yumaong na mga magulang. Hindi maiilarawan sa mukha ng mga tao ang lungkot dahil sa malaking pagsabog na naganap, ilang oras lang ang nakakalipas.

Samantala, hindi naman inaasahan ni Lucas na magigising pa siya sa kabila pa ng malaking pagsabog na nangyari na malapit lang sa kanya. Kung tutuusin ay hindi naman sila gaanong natamaan sa pagsabog dahil sa pinrotektahan sila ni Daven gamit ang pagkontrol nito sa itim na mahika.

“Ang lakas ng pagsabog!”pagulat na bigkas ni Lucas habang napagmasdan niya ang kalbong siyudad na nalinis dahil sa pagsabog. “Ito pala ang kapangyarihan ng isang demonyo”

Nang maglakad siya ay agad tumambad sa kanya ang duguang si Daven na walang malay na nabulagta sa sahig. Katabi nito ang walang malay na si Varien na hawak-hawak ang kamay ni Daven. Agad namang tumulo ang kanyang mga luha habang pinagmamasdani niya si Varien na grabe ang pag-aalala at pagmamahal kay Daven, naalala kasi niya ang panahong naging tao pa siya na walang hanggang magmahal.

“Kung naging tao pa ako ngayon ay siguradong matanda na ako ngayon o baka namatay na ako, subalit matutunghayan ko naman ang pamilya ko, ang magiging anak ko, apo ko at sa marami pang susunod na henerasyon pero nag-iba lang ang lahat simula nang maaksidente kami”bulong ni Lucas habang inaalala niya ang mga nangyari dati sa kanyang buhay.

Habang siya’y nakatayo’t nag-aalala sa nakaraan niya ay agad namang lumiwanag ang kalangitan na ngayon palang niyang nasilayan sa maraming taon na niyang naninirahan doon. Tila isang bakas ng malaking buhawi ang nakita niya sa taas ng ulap. Tapos nakita rin niya ang mga anino ng mga pinaghihinalaan niyang mga anghel dahil sa kumikinang ito.

Napatanong nalang siya sa kanyang sarili kung ano na ang nangyayari kaya makaraan lang ang ilang minuto ay agad niyang narinig ang malakas at magandang tunog na nagmumula sa mga trumpeta. Isang kakaibang tunog na may kasamahang hiwaga’t misteryo na parang nagpapahiwatig na katapusan na ng mundo o may paparating na isang makapangyarihan na tao.

“Mukhang may masama akong kutob rito”bulong ni Lucas habang lumalakas ang tibok ng puso niya dahil sa takot.

Matapos ang pagtunog ng mga trumpeta ay doon lumabas ang isang malaking boses na nanggagaling sa mga ulap.

“Kung sino man ang naglakas-loob na sumira sa siyudad na ito ay magbabayad sa kanyang ginawa kapag hindi ka lumitaw sa harap ko!”bigkas ng boses lalaki na may pagkamatanda. “Magbabalik ako”

Nagulat nalang si Lucas nang marinig niya ang sinabi ng kalangitan dahil alam kasi niya ang tinutukoy nito na walang iba kundi si Daven na siyang sumira sa buong siyudad. Kaya dali-dali niya itong binuhat upang dalhin sa ligtas na lugar.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon