Chapter 69: The End is Near

46 8 2
                                    

Madaling-araw na at patuloy paring naghahasik ng lagim si Glak sa bayan. Nagawa na sana nila itong mapatumba gamit ang mga di mapigilang atake ni Aniel subalit sa isang iglap ay bigla itong umiba ng anyo na dahilan nang paglakas nito.

Nararamdaman nina Clood at Aniel ang tila paglalakas ng enerhiya ni Glak kaya agad silang kinutuban sa mangyayari.

“Aniel, kailangan na nating tapusin ang taong iyan kung hindi baka hindi lang tayo ang mapahamak dito kundi pati narin ang mga taong naninirahan dito”sabi ni Clood.

“Huwag kang mabahala Clood, hindi ko hahayaang may mangyayari masama sa mga tao dito”bigkas ni Aniel.

Laking gulat ni Clood nang biglang umatake si Glak nang hindi man lang nagpaparamdam.

“Imposible!”bigkas ni Clood nang makita niya ang mga dumudugong kamao ni Glak na patungo sa kanya. “Ang bilis niya"dugtong niya.

Hindi naman hinayaan ni Aniel na magagawa lang ni Glak ang gusto niya, kaya dahil sa nakita niya ang mabilis na pag-atake nito ay agad niyang iniligtas si Clood na mas mabilis pa sa atake ni Glak.

Hindi naman makapaniwala si Clood nang makita niyang iniligtas siya ni Aniel na hindi niya talaga inaakala.

“Ang bilis”bigkas ni Clood habang napanganga siya sa pangyayari.

Pagkatapos ay agad namang pinuntirya ni Aniel si Glak nang sobrang mabilis na halos hindi na iyon makita ni Clood. Samantala, gamit ang kapangyarihang hangin ay gumawa ng pana si Aniel tapos ay agad niya itong pinuntirya kay Glak.

Nagalit naman ng todo si Glak kung kaya’t pinuntirya niya din si Aniel.

“Wala akong paki kung babae ka pa!”sigaw ni Glak habang mabilis niyang nilapitan si Aniel.

Umaatras naman si Aniel habang pinapana niya si Glak subalit pinipigilan naman ni Glak ang mga pag-atake niya.

Mabilis ang pangyayari kaya parang isang malakas na hangin lang ang nararamdaman ni Clood at nang mga tao. Parang isang buhawi ang tumambad sa harap ni Clood nang makita niya ang pagputol ng mga puno at pagkasira ng mga kabahayan doon na dahilan nang malalakas na kapangyarihan nina Aniel at Glak.

“Ang lakas, nakakamangha na ang kakayahan ngayon ni Aniel”sabi ni Clood habang nakikita niya ang mga hanging dumadaan sa harapan niya. “Ano bang nangyari bakit biglang lumakas si Aniel”alala niya.

Samantala, habang patuloy na umaatras si Aniel ay dumating rin ang minutong nalapitan na talaga siya ni Glak. Hindi naman sinayang ni Glak ang pagkakataong iyon kaya agad niyang hinanda ang dumuduong kamao niya para suntukin si Aniel.

“Hanggang dito lang pala ang kakayahan mo babae”pangiting sabi ni Glak nang makita niyang napahinto bigla si Aniel na tsansa naman niyang atakehin ito nang pisikalan.

Unti-unti namang nakakalapit ang suntok niya sa mukha ni Aniel subalit ang hindi niya inaakala ay sinadya pala iyon ni Aniel na parte nang plano niya.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon