Tagumpay naman ang pakikipagkontrata ni Leonora sa mga demonyo kaya siya ay lumakas na lumakas na humigit sa kapangyarihan ng mga tao. Napatapon pa nga sa malayo si Daven nang inatake niya ito ng isang beses.
"Bata! Tapos na ang laban! Panalo na kami!"paalala ni Leonora kay Daven.
Hindi naman maiitanggi ni Daven na lalo pang lumakas ang kalaban niyang si Leonora na humigit pa sa kakayahan niya.
"Ganito pala kalakas kapag nakipagkontrata ka sa mga demonyo"bulong ni Daven.
Mabilis namang nakailag si Daven nang umatake si Leonora sa kanya, kung hindi kasi siya iilag ay siguradong malaki ang magiging matatamo niyang sugat kahit sa isang atake lang ni Leonora.
Paulit-ulit namang umiilag si Daven sabay ginagamit niya ang sarili niyang kapangyarihan para bumilis siya nang bumilis. Mahihirapan kasi siya kapag hindi niya gagamitin ang kapangyarihan niyang hangin dahil sa mabilis din ang kalaban niyang si Leonora.
Nagagalit naman si Leonora sa tuwing hindi niya natatamaan si Daven, sa isip kasi niya ay parang pinaglalaruan lang siya ni Daven kahit nagpapatayan na silang dalawa.
"Bata! Hindi ako nagpapatawa kaya seryusuhin mo na ang laban"paalala ni Leonora kay Daven.
"Ano tingin mo sa akin, nagpapatawa sa harap mo? bulag ka ba?"tanong ni Daven na parang iniinsulto niya si Leonora. "Sa bagay iba na kasi ang anyo mo baka nagkadeperensya na yang mga mata mo"dagdag ni Daven.
Lalo namang nainis si Leonora kay Daven dahil sa mga pang-iinsulto nito sa kanya kaya agad niyang pinalabas ang itim na mahika na nanggagaling sa katawan niya mismo.
Nang makita siya ng mga tagasunod niya na may lumabas na itim na mahika sa katawan niya ay agad na itong natakot marahil alam na nila ang mangyayari kapag natamaan sila nito.
"May itim na mahika na lumabas sa katawan ni Leonora!"sigaw ng isang tagasunod ni Leonora.
"Tumakbo na kayo kung ayaw niyong masunog sa itim na mahika!"sigaw ng isa pang tagasunod ni Leonora habang mabilis siyang tumakbo paalis.
Kahit nakikita na ni Daven ang mga tagasunod ni Leonora na nagsisitakbuhan palayo dahil sa takot na madamay sila sa itim na mahika ay wala namang naging reaksyon si Daven sapagkat wala naman siyang pakialam.
"KABAHAN KA NA BATA! DAHIL ITO NA ANG KATAPUSAN MO!"sigaw ni Leonora habang ang mga itim na mahika ay unti-unti niyang iniipon sa kamay niya.
"Sa anong bagay naman ako makakabahan?"tanong ni Daven nang harapan-harapan kay Leonora.
"Wag ka nang magmaang-maagangan pa bata! Alam kong natatakot ka na"bigkas ni Leonora habang natapos na ang pag-iipon niya ng mga itim na mahika. "Bata! Kapag sinabing katapusan mo na ay katapusan mo na"sabi ni Leonora habang itinapon niya ang itim na mahikang naipon niya.
Nakatuon naman sa direksyon ng gubat si Daven kaya doon rin tatama ang kapangyarihan ni Leonora kapag siya'y umilag.
Hindi naman inaakala ni Daven na sobrang lakas pala ng itim na mahika ni Leonora na kung saa'y nagsunog ang buong kagubatan nang inilagan niya ito.
"Ang lakas!"bigkas ni Daven nang lumingon siya sa kagubatang sinunog nang itim na mahika.
Inulit naman ni Leonora ang pag-iipon ng mga mahika niya kaya sa pangalawang pagkakataon ay sineryuso na niyang puntiryahin si Daven.
"Bata! Hindi na ulit ako magkakamali"paalala ni Leonora habang mabilis niyang nilapitan si Daven sabay gamit ng kanyang kapangyarihan.
Hindi naman nailagan ni Daven ang itim na mahika ni Leonora kaya napatawa nalang si Leonora dahil alam niyang mapapatay na si Daven.
"Bata! Di ba sinabi ko sa iyo na malakas na ako!"sabi ni Leonora habang ipinapakita niya kay Daven kung sino ang mas malakas sa kanila.
Habang mabilis na nakalapit ang itim na mahika ni Leonora ay walang takot naman itong pinigilan ni Daven gamit ang isa nitong kamay. Nabigla nalang si Leonora sa nakita niyang pagpigil ni Daven sa malakas na kapangyarihan niya.
"Tapos na ang biruan!"bigkas ni Daven habang seryuso niyang pinagmasdan si Leonora matapos ang pagpigil sa mahika nito.
"Isa bang tao ang nakalaban ko o ibang nilalang? Imposible nang mapigilan ng tao ang kapangyarihan ng demonyo"sabi ni Leonora habang napapaatras nalang siya dahil sa hindi siya makapaniwala.
Nakaramdam naman ng takot si Leonora nang tinitigan siya sa mata ni Daven.
"Ako na naman ang aatake"pangiting bigkas ni Daven habang inihampas niya ang kamay niya sa direksyon ni Leonora.
Hindi naman inaakala ni Leonora na malakas pala ang mahikang hangin ni Daven na kung saa'y ikinaputol ng mga kamay niya. Sunod namang pinutol ni Daven ang mga paa niya.
"Eh! paano nangyari iyon?"tanong ni Leonora na sa isang iglap lang ay agad na siyang naputulan ng mga kamay at paa.
Napaluha nalang siya nang makita niya ang paglapit ni Daven sa kanya. Alam kasi niya na papatayin na siya nito kaya agad siyang nagmakaawa sa harap ni Daven.
"Bata! Patawarin mo ako! Hindi na mauulit ang pangyayaring ito, alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sa inyo, yong mga kasamahan mo! wala namang nangyaring masama sa kanila diba!? Kaya hindi mo na kailangan na patayin ako"paliwanag ni Leonora habang pinapakiusapan niya si Daven. "Diba wala naman akong atraso sa inyo, pinakain ko naman kayo ng libre, diba?"tugon ni Leonora kay Daven.
"Oo nga, muntik ko nang makalimutan ang bagay na iyon"sabi ni Daven.
"Kaya bata! Maawa ka sa akin alam kong hindi naman mauulit ang pangyayaring ito, kailanman"pangako ni Leonora kay Daven.
Agad namang tinalikuran ni Daven si Leonora na akala nito'y pinag-aawaan na siya. Masaya na nga siya dahil alam niyang hindi na siya papatayin ni Daven pero hindi niya inaakala na habang nakatalikod si Daven ay hinampas nito ang kamay na dahilan nang pagputol nang kanyang ulo. Dinig na dinig pa niya ang huling salita ni Daven bago siya namatay.
"Oo alam kong hindi na mauulit ang pangyayaring ito dahil mamamatay ka na"huling salita ni Daven kay Leonora. "May kasalanan ka paring nagawa, tandaan mo na pinatay mo rin ang sarili mong mga kasamahan"dagdag ni Daven sa sinabi niya.
Una namang nilapitan ni Daven si Ian na walang malay na nakatali sa baliktad na krus, duguan ito at may sugat sa dibdib kaya agad niya itong kinuha at inihiga sa lupa upang gamutin. Sunod namang kinuha ni Daven sina Miko, Niela, Clood, Jack at Chit mula sa pagkakatali sa baliktad na krus.
Makaraan ang isang oras ay unang nagising si Miko kaya hindi niya mapigilang malito at magtanong nang makita niyang nagkagulo na ang madilim na paligid, nakita niyang walang malay ang mga kasamahan niya at lalong nalito siya nang makitang duguan si Ian na walang malay.
Hindi naman makapaniwala si Miko marahil tulog kasi siya nang mangyari ang pangyayari kaya ipinaliwanag nalang ni Daven sa kanya na noo'y nagmamasid lang sa kanila at nang mga kasamahan niya.
"Mabuti't nagising ka na, may naalala ka ba sa nangyari?"palinaw ni Daven kay Miko.
"'Wala Daven, ano bang nangyari dito?"tanong ni Miko.
"Yong mga pagkaing nakain natin kanina sa handaan ay may sumpa palang inilagay kaya lahat tayo'y nakatulog, may masama sana silang binabalak sa atin kung kaya'y nakipaglaban si Ian para protektahan tayo"paliwanag ni Daven kahit hindi naman iyon ang katutunahan.
"Totoo bang sinasabi mo Daven? Totoo bang pinagplanuhan tayo ng mga tao rito?"palinaw ni Miko habang hindi siya makapaniwala sa paliwanag ni Daven.
"Ano bang tingin mo sa akin Miko? Tapos ano ba ang tingin mo sa mga sugat ni Ian, masasabi mo bang nagsisinungaling lang ako"sabi ni Daven.
"Hindi"tulalang sagot ni Miko.
"Miko, ikaw na ang magbantay diyan! May gagawin muna ako"bilin ni Daven.
"Sige Daven, mag-ingat ka"alala ni Miko.
Umalis naman si Daven upang puntahan niya ang natitirang mga tagasunod ni Leonora na kung saa'y nagtatago na ito sa loob ng kani-kanilang bahay. Alam na kasi nito na napatay na ang lider nilang si Leonora kaya hindi na nila kayang labanan pa si Daven nang sila-sila lang.
Nakatayo naman si Daven sa gitna ng mga kabahayan doon habang siya'y may hawak na punyal.
"Kung sino mang hindi lumabas ay malilintikan sa akin!"sigaw ni Daven habang pinaaalalahanan niya ang lahat.
Dahil sa takot ng mga tao na mapatay sila ni Daven ay agad silang nagsilabasan sa kani-kanilang mga bahay.
"Gagawin ko ang lahat ang sasabihin nang batang iyan, basta kapalit lang ang buhay ko"pahinang sabi ng isang tao.
"Kahit na lumuhod ako sa harapan niya, kahit pahirapan niya ako basta buhayin niya lang ako ay sapat na"sabi ng isa pang tao.
Lahat naman ng mga tao ay lumuhod sa harapan ni Daven tapos lahat din sila ay nagmamakaawa.
"Bata! Gagawin po namin ang lahat nang sasabihin mo, kahit pahirapan mo po kami basta buhayin niyo lang kami"makaawa nila kay Daven.
"Lahat talaga gagawin niyo?"palinaw ni Daven na ikinabigla ng mga tao baka ano na ang mangyayari sa kanila.
"Oo bata, lahat gagawin namin"sagot nila habang kinakabahan na sila sa magiging parusa nila na mula kay Daven.
Nakaisip naman ng magandang paraan si Daven kaya ang pag-ngiti niya ay ikinabigla lalo pa ng mga tao.
"Kung ganoon, gamutin at dalhin niyo ang mga kasamahan ko sa barko namin, tapos makipagpalitan din kami sa inyo"bigkas ni Daven na ikinabigla ng mga tao na akala nila ay pahihirapan sila. "At isa pa... manghihingi din kami ng mga pagkain sa inyo, alam kong marami kayong natirang mga pagkain kanina sa handaan"pagdadalawang isip na bigkas ni Daven.
"Eh!!"reaksyon ng mga tao dahil sa hindi nila inaakalang kahilingan ni Daven sa kanila.
"Yon lang ba?"palinaw nila sa isa't-isa.
"Imposible, sa sobrang sama ng ginawa natin sa kanila tapos ganyan lang ang magiging parusa natin"sabi ng isang tao.
"Ano pa ba ang hinihintay niyo, kumilos na kayo! Alam kong nagiginawan na ang mga kasamahan ko dito sa lugar na ito"utos ni Daven habang minamadali niya ang mga tao.
"Opo"mabilis na sagot nila.
Tulala naman si Miko nang biglang nagsidatingan ang mga tao sa isla tapos minadali nitong pinasan-pasan ang mga kasamahan niya papunta sa barko nila. Kasama ding ibinalik si Aniel sa barko nila na tanging natira doon sa kwartong kinulungan nila.
Napakalmot nalang sa ulo si Miko habang pinagmasdan rin niya ang mga tao ay may dala-dalang maraming pagkain.
"Daven, ano ang ibig sabihin nito?"tanong niya kay Daven na kakarating palang.
"Humingi lang ako nang tulong sa kanila"sagot ni Daven kay Miko.
"Sabi mo ay pinagplanuhan nila tayo ng masama"paalala ni Miko.
"Namatay na kasi yong lider nila kaya hindi na sila makakalaban pa, ano ang tingin mo sa akin, mahinang nilalang?"patawang bigkas ni Daven habang pinapakita niya kay Miko ang kalamnan niya sa braso.
"Daven, ilagay mo nga sa tamang ang lugar ang pagbibiro, seryuso na tayo ngayon buhay na ang nakasalalay dito"sabi ni Miko.
"Sa tingin ko Miko pinatumba ni Ian yong lider nila, hindi ko kasi nakita ang buong pangyayari, nagising rin ako na may kalituhan tulad mo"paliwanag ni Daven.
"Ganoon ba"bigkas ni Miko habang sinang-ayunan niya si Daven.
"Mabuti nalang Miko malakas ako dahil nakinig kasi sa akin ang mga tao sa isang utos ko lang, alam talaga nila kung sino ang mas malakas namin ni Ian"paseryusong paliwanag ni Daven na may halong pagbibiro.
"Huwag kang managinip ng gising Daven, siguro kung ikaw ang nasa paanan ni Ian siguro mapapaihi ka talaga sa sobrang takot"tugon ni Miko.
"Ang tindi naman ng mapapaihi Miko, hindi ba pwedeng manginginig lang ang buong katawan"sabi ni Daven.
"Tumahimik ka na Daven, kailanma'y hindi ka magiging katulad ni Ian"paalala ni Miko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinaumagahan sa kwarto ni Ian sa loob ng barko, nagulat naman si Aniel na nagbabantay doon nang makita niyang naimulat na ni Ian ang mga mata niya, kaya mabilis niyang tinawag ang mga kasamahan niya.
"Gising na si Ian!"sigaw ni Aniel.
Dali-dali naman silang lahat na pumunta sa kwarto ni Ian maliban kay Daven para kumustahin ang kalagayan ni Ian. Kaya ang pagdating nila ay ikinabigla ni Ian marahil wala na kasi siyang naalala sa huling nangyari sa kanya maliban sa pagtusok ng punyal sa dibdib niya.
"Ian, salamat at tinulungan mo kami, sana naniwala nalang kami sa iyo na ang islang iyon ay kakaiba sa lahat ng islang napuntahan natin"tugon ni Jack habang pinasasalamatan niya si Ian.
"Huh!? Ano ang ibig niyong sabihin na tinulungan ko kayo?"tanong ni Ian marahil wala siyang natatandaan tungkol sa pagtulong niya.
"Ian, hindi muna kasi natandaan ang nangyari dahil nawalan ka na ng malay"tugon ni Miko.
"Ganoon ba? Kung yan talaga ang nangyari, mabuti"pagdadalawang isip na tugon ni Ian habang patuloy niyang iniisip ang posibilidad.Wala naman silang alam sa totoong nangyari kaya si Daven na may pakana nang lahat ay tahimik namang natutulog sa bubungan ng kanilang barko.
[SLATE-tionary: Islandarea ang pangalan sa kontinente na pinaglalakbayan ni Daven at nang mga kasamahan niya.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...