Chapter 8: Fishing Time

108 24 8
                                    

Tanging pagtawa lang ang naging reaksyon ni Daven nang mapatumba niya ang isa sa mga kasamahan ni Kingpord na si Sunset. Hindi naman nakita ng mga kasamahan niya ang pangyayari kaya nang magkita-kita si Daven at ng grupo ni Jack ay akala naman nila ay walang ginawa si Daven dahil nakatayo lang ito habang nakatulala sa isang direksyon.
 
“Daven, saan ka ba kanina? Hindi mo ba alam na nakipaglaban kami sa mga pirata kanina tapos may malakas na slaunter pa kaming nakaharap”sabi ni Jack habang pinagalitan niya si Daven.
 
Ngumiti naman si Daven kay Jack na para bang wala lang nangyari sa kanya.
 
“Jack hindi ko na kasalanan kung nakipaglaban kayo”tugon ni Daven na ikinagalit ng todo ni Jack.
 
“Wala ka talagang silbi, kung ganyan ka lagi Daven mas mabuting bumalik ka nalang sa isla natin baka may silbi ka pa doon”paliwanag ni Jack kay Daven.
 
“Ano ka ba naman Jack, marami naman akong naitulong sa inyo ah”patawang sabi ni Daven.
 
“Tulad na ano Daven?”tanong ni Jack.
 
“Tulad ng..”bigkas ni Daven habang siya’y nag-iisip. “Tulad ng pagtulong sa islang ito at marami pang iba”dagdag ni Daven habang siya’y nakatingin kay Jack.
 
“Tumahimik ka Daven kung makapagsalita ka parang marami kang ginawa sa paglalakbay natin, kung narasanan mo lang ang napagdaanan namin ay masasabi mo talaga na mahirap ang paglalakbay at lalo na ang pakikipaglaban sa mga pirata”paliwanag ni Jack.
 
“Daven, mas mabuting bumalik ka nalang sa barko, alam kong nag-aalala na sina Chit at Aniel doon sa atin”utos ni Niela kay Daven.
 
“Opo Miss Niela, masusunod po”pabirong saludo ni Daven kay Niela.
 
“Tapos, palitan mo narin ang damit mo Daven, mukhang punit-punit na yan”utos ulit ni Niela kay Daven.
 
“Opo Nay!”pabirong sagot ni Daven kasi mukhang nanay na niya kung mag-aalala si Niela sa kanya.
 
Pagkatapos ibinalita ni Jack sa mga tao ang pangyayari ay sumaya naman sila habang ang iba nama’y nalungkot nang makita nila ang mga mahal nila sa buhay na namatay dahil sa pakikipaglaban sa mga piratang sumalakay sa isla.
 
Ang nadakip namang mga pirata ay ikinulong naman nila sa mga kulungan.
 
Dahil sa pagtulong ni Jack, Niela, Clood, Miko at Ian ay pinangaralan naman sila ng isla dahil sa kabayanihang nagawa nila.
 
“Maraming salamat sa inyo! Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito na kahit mga bata pa lang kayo ay nagawa niyo parin kaming tulungan”puri ng taong namumuno sa isla habang pinangangaralan niya ang lima.
 
Habang sila’y pinasasalamatan ng mga tao ay agad namang lumapit ang batang si Riko upang yakapin si Jack.
 
“Kuya, salamat po dahil tinulungan niyo pong mabuhay ang papa ko”bigkas ni Riko.
 
Hinihimas-himas naman ni Jack ang ulo ni Riko. “Bata, magiging matatag ka sa anumang oras, kung pwede maging mandirigma ka tulad ng papa mo”bilin ni Jack kay Riko.
 
“Opo kuya! Magiging mandirigma po ako tulad po ni papa at tulad niyo rin po”pangiting sabi ni Riko.
 
Samantala, naghihintay naman si Daven sa barko kasama niya si Chit na mas pinili pa nitong manatili sa barko para samahan si Daven. Tanging silang dalawa lang sa barko dahil si Aniel kasi ay pumunta sa isla upang batiin ang ate niya at mga kasamahan niya sa pagligtas sa isla.
 
Dahan-dahan namang lumalapit si Chit kay Daven na nakatingin lang sa karagatan.
 
“Kuya Daven, bakit hindi ka pumunta roon sa isla, alam kong kasali karin doon sa mabibigyan ng parangal ng mga tao”sabi ni Chit.
 
“Ano ka ba Chit, ano bang makukuha ko sa parangal-parangal na iyan, hindi naman ako mahilig sa bagay na iyan”tugon ni Daven.
 
“Kuya Daven, ang parangal ay isang bagay na ibibigay sa iyo ng ibang tao kapag  nakagawa ka nang mabuting gawain sa kanila tulad ng pagtulong”paliwanag ni Chit.
 
“Alam ko naman iyan Chit, pero ang tinatanong ko ay ano bang makukuha ko diyan? Kung makakain naman ang parangal na iyan ay hindi ako magdadalawang-isip na kukunin ang parangal na iyan”paliwanag ni Daven.
 
“Pagkain lang naman pala ang nasa utak mo Kuya Daven”pahinang bigkas ni Chit na tanging siya lang ang nakarinig sa sinabi niya.
 
Eksaktong dumating naman si Jack kasama ang grupo niya na may dalang pagkain tulad ng mga prutas at karne.
 
“Saan niyo nakuha ang mga prutas na iyan?”tanong ni Daven.
 
“Syempre Daven ito ang aming parangal, kapag may nagawa kang mabuti sa kapwa mo tao ay masusuklian karin nang mabuti”patawa ni Jack kay Daven.
 
“Ang galing niyo talaga Jack, bilid talaga ako sa inyo kaya bigyan niyo ako ng isang prutas”pangiting sabi ni Daven na may kasamang paghihingi kay Jack.
 
“Daven, sa amin lang itong prutas na ito maliban sa iyo”paalala ni Jack kay Daven.
 
“Alam kong malakas kang kumain Daven kaya hindi ka na namin mabibigyan”dagdag naman ni Niela sa sinabi ni Jack.
 
“Kontrabida talaga kayong dalawa sa buhay ko”sabi ni Daven kina Jack at Niela.
 
Samantala sa paglalayag ng grupo ni Kingpord, mabilis naman nilang ginamot si Sunset dahil hindi parin kasi tumitigil ang pagdurugo ng tiyan nito.
 
“Sunset, tiisin mo lang yan”sabi ni Lala habang dahan-dahan nilang ginagamot ang tiyan ni Sunset.
 
“Ang kapal talaga nang mukha ng batang iyon, kung magkikita ulit kami ay hindi na ako mag-alinlangan na patayin siya”bigkas ni Haniel habang siya’y nagagalit kay Daven.
 
“Kumalma ka lang Haniel, darating rin ang panahon na magbabayad talaga ang batang iyon”sabi ni Kingpord. “Papatayin talaga kita”bulong ni Kingpord na tinutukoy si Daven.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dalawang-araw ang nakakaraan matapos ang pagliligtas nila sa isla ng Glordich, maganda naman ang gising ni Daven, malusog, malakas at handa sa anumang pagsasanay.
 
“Magandang araw!”sigaw ni Daven habang binati niya ang sarili niya. “Bagong umaga ay may bagong pag-asa”bigkas niya.
 
Lumabas naman si Daven sa kwarto niya upang langhapin ang simoy ng hangin sa labas ng karagatan. Nabusog naman ang mata ni Daven sa magandang tanawin ng karagatan na kasabay ng paglipad ng mga ibon sa himpapawid.
 
“Ang sarap talaga ng buhay!”sigaw ni Daven habang siya’y nag-eehersisyo.
 
Nang tinawag siya upang mag-almusal ay nagulat nalang siya nang makita niya ang kalahating piraso ng karne na nakalagay sa plato niya na may kakaunting kanin kaya hindi mapigilan ni Daven na magreklamo lalo na kay Jack na siyang naghati-hati sa almusal nila.
 
“Jack, ano na naman tong kalokohang ginagawa mo, bakit kalahati lang itong isda na ibinigay mo sa akin?”reklamo ni Daven kay Jack.
 
Ngumingiti namang lumalapit si Jack kay Daven.
 
“Ang kapal nang mukha mong magreklamo Daven! Kahapon sa almusal ay nakakain ka ng limang platong kanin at limang pirasong isda, pagkatanghali ay nakakain ka ulit ng limang platong kanin at sa pagkakataong iyon ay sampung pirasong isda na ang nakain mo, pagkagabi! Halos buong sako na ng bigas ang nakain mo at sinabayan mo pa ng buong karne ng baboy! Ano pa ba ang kakain natin ngayon? Bukas? Sa makalawa? At sa mga araw na lilipas kung ang ganyan ang sistema ng pagkakain mo Daven!”paliwanag ni Jack habang inisa-isa niyang pinaintindi kay Daven.
 
“Ganoon ba, hindi naman yata marami ang nakain ko kahapon”pahinang sabi ni Daven.
 
“Anong hindi marami Daven! sasabihin ko na sa iyo ito! Wala akong problema kung malakas ka mang kumain basta magsasanay ka lang kasi maiintindihan namin na pagod at nagugutom ka, pero ano bang ginawa mo kahapon! Buong araw kang tulog sa bubungan ng barko natin! Tulog mula umaga hanggang gabi! Ang tamad mo! kung gusto mong makakain ng marami pwes! Mangisda ka!”sigaw ni Jack habang pinagalitan niya si Daven.
 
Tahimik naman ang lahat nang pinagmasdan sila ni Daven.
 
“Walang problema Jack, buong araw akong mangingisda ngayon”tugon ni Daven habang kinuha niya ang lambat sa loob ng barko nila at pagktapos ay itinapon sa dagat.
 
“Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo Daven”pahamon ni Jack kay Daven sa pangingisda.
 
Sinimulan naman ni Daven ang pangingisda sa umaga na kahit wala pa siyang gaanong almusal at nagugutom pa siya ay matiyaga siyang nagbantay sa lambat niya.
 
“Hinding-hindi ako susuko hangga’t hindi ako makakahuli ng mga isda”pangako ni Daven sa sarili niya.
 
Wala pa ngang limang minuto ay nayamot na si Daven, wala kasi siyang kausap habang siyang naghihintay. Tapos nakaradaman narin siya nang pagod kahit ilang minuto palang siyang nakatayo doon.
 
“Gusto ko nang matulog”bigkas ni Daven. “Siguro wala namang magagalit sa akin kapag humiga lang ako rito ng ilang minuto”sabi ni Daven habang humiga siya sa isang upuan ng barko.
 
Hindi naman niya inaakala na makakatulog pala siya sa hinihigaan niya kaya nang nakagising siya ay nakita niya agad ang lambat niya na gumagalaw pero nang kinuha niya ito ay walang miisang isda ang nahuli niya.
 
“Ang inutil! Nakatulog ako!”sabi ni Daven habang ibinababa niya ulit ang lambat niya.
 
Nagulat naman siya nang makita niya na nakatingin lang si Aniel sa kanya.
 
“Aniel, kanina ka lang diyan?”pabiglang tanong ni Daven.
 
“Oo Daven”pangiting sagot ni Aniel.
 
“Nakakahiya naman na pinagmamasdan mo ang mukha ko na natutulog”sabi ni Daven habang siya’y namumula sa harap ni Aniel.
 
“Sa lambat lang ako nagmamasid Daven, mga tatlungpung minuto na akong nakatayo dito tapos tulog ka pa”paliwanag ni Aniel.
 
“Ganoon ba! Kanina pa ba gumagalaw yong lambat?”tanong ni Daven.
 
“Oo Daven, hindi na kita ginising kasi ang himbing na kasi ng tulog mo”pangiting sagot ni Aniel.
 
Agad namang nasiyahan si Daven sa pangingisda dahil kausap niya hinahangaan niyang babae na walang iba kundi si Aniel.
 
“Kahit aabutin pa ako ng buong araw sa pangingisda basta kausap ko lang si Aniel ay hindi talaga ako mayayamot”bulong ni Daven habang ngumingiti siya kay Aniel.
 
Magpapatuloy na sana ang pag-uusap nilang dalawa kaso bigla namang dumating ang kontrabidang si Niela upang paalisin niya si Aniel sa tabi ni Daven.
 
“Aniel, kanina pa ako naghahanap sa iyo, ipagpatuloy muna ang pagsasanay mo doon”sabi ni Niela kay Aniel.
 
“Oo nga pala ate, nakalimutan ko”sabi ni Aniel habang nagmamadali siyang umalis.
 
“Aniel, mag-usap muna tay-“salita sana ni Daven kaso pinahinto siya ni Niela.
 
“Daven, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi lang makalapit si Aniel sa iyo”sabi ni Niela.
 
Hindi naman nakapagsalita si Daven habang siya’y nakatitig kay Niela.
 
“Oops! May trabaho ka pala ngayon Daven”sabi ni Niela habang tinitigan niya ang lambat ni Daven na gumagalaw ulit. “Galingan mo Daven”pabirong suporta ni Niela kay Daven sabay alis.
 
Huli na naman si Daven nang magsi-alisan ulit ang mga isda sa lambat niya.
 
“Panira talagang buhay ito”bigkas ni Daven habang dahan-dahan siyang nayayamot ulit.
 
Sineryuso naman ni Daven ang pangingisda niya kaya hindi na siya humiga pa kahit naaantok siya. Tumayo parin siya doon at matiyaga ulit naghintay, kahit naaabutan siya ng dalawang oras. Habang nakatayo si Daven doon ng ilang oras ay bigla namang sumikat ang araw na sa sobrang init ay mapapaso na ang katawan niya.
 
“Parusa! Parusa na ba ito ng karagatan sa akin”bigkas ni Daven habang bumilad siya sa init ng araw.
 
Ilang minuto namang nakatayo si Daven habang siya’y nakabilad sa init ng araw ay agad naman siyang nahilo at parang dumidilim ang paningin niya. Nagdesisyon naman siyang iwanan ang lambat niya upang magpahinga ulit subalit agad ulit siyang nakatulog na dahilan nang hindi ulit niya paghuli ng isda.
 
“Ayaw talaga sa akin ng karagatan”bigkas ni Daven habang tulala niyang pinagmamasdan ang lambat niya na wala na namang huli. “Kailanma’y hindi ako susuko hangga’t hindi ako makakahuli ng mga isda”paalala ni Daven sa sarili niya.
 
Matiyaga na namang naghintay si Daven kahit nabilad na muli siya sa init ng araw. Kahit pinagsasabihan na siya ng mga kasamahan niya na magpahinga muna ay tumatanggi naman siya.
 
“Kuya Daven, mamaya mo nalang yan aasikasuhin baka mahimatay ka ulit diyan!”sigaw ni Chit habang nag-aalala siya kay Daven.
 
“Kaya ko na ang sarili ko Chit, huwag kang mag-aalala!”sigaw ni Daven.
 
Kahit ilang oras na namang lumipas kahit na nalipasan na siya ng pananghalian ay tumatanggi naman siya na magpahinga, hanggang sa bigla na namang gumalaw ang lambat niya.
 
“Isda!”bigkas ni Daven habang nagmamadali niyang hilahin ang lambat.
 
Hindi naman nakayanan ni Daven ang lakas ng lambat dahil sa maraming isda ang nahuli niya. Patuloy parin niyang hinihila ang lambat hanggang sa bigla naman siyang nahulog sa karagatan.
 
“Eh!”reaksyon niya habang siya’y nahulog sa karagatan. “Tulong! Hindi ako marunong lumungoy!”sigaw niya habang siya’y humihingi ng tulong.
 
Masuwerte namang nakita nina Miko at Ian ang paghulog ni Daven sa karagatan kaya madali nilang hinila ang lambat na kung saa’y doon nalunod si Daven. Mabigat talaga ang lambat na kahit na sina Miko at Ian ay nahihirapan na hilahin ito.
 
Tumulong naman sina Aniel, Chit at Clood na hilahin din ang lambat subalit hindi parin nito nakayanan ang bigat. Nagmamadali namang tumulong sina Niela at Jack kaya agad na nilang nahila ang lambat na may kasamang isda at si Daven.
 
Pinagtawanan naman nilang lahat lalo na si Jack na mamamatay nalang sa kakatawa nang makita nilang nakatulala lang si Daven sa kanila habang ito’y na-trauma sa nangyari.
 
“Daven, ang galing mo nakahuli ka ng maraming isda”patawang puri ni Jack kay Daven.
 
“Tang*** mo, may nakakatawa ba sa nagawa ko Jack?”paseryusong tanong ni Daven kay Jack.
 
“Oo Daven, sobrang nakakatawa kasi ang ginawa mo, hindi ko aakalain na ganyan ka pala ka palabiro”patuloy na patawang sabi ni Jack kay Daven.
 
“Mamamatay na nga yong tao tapos pinagtatawanan mo pa”sabi ni Daven habang seryuso siyang umalis sa lambat tapos pumasok siya sa kwarto niya upang magbihis.
 
[SLATE-tionary: Ano ang trato ng mga kasamahan ni Daven sa kanya:
Miko, Ian at Chit – Kaibigan
Niela at Jack – Kalaban

Clood at Aniel –Depende sa sitwasyon]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon