Chapter 57: Tradevune Island

53 12 2
                                    

Einherjar ang pangalan ng islang matatagpuan sa timog bahagi ng Islandarea na kung saa’y doon nakakakulong ang mga kriminal. Ang islang din iyon ay isa sa mga pinakadelikadong isla hindi lang buong Islandarea kundi pati narin sa buong mundo dahil lagi-lagi nalang may mangyayaring patayan doon, at sa bawat paligid din ay may makikitang mga bangkay na nakahandusay sa lupa.

 Tila nakasanayan na ng mga tao doon na manirahan kahit sa paligid ay may makikita silang patay na tao na nilalangaw na. Kahit mga naglalarong mga bata ay hindi nababaling sa tingin ng paligid.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagpapatayan ang mga tao doon ay gusto nilang mag hari-harian sa buong Einherjar. Kahit gaano pa kadami at karahas ang mga tao doon ay maryoon talagang isang tao ang hihigit sa lahat. Isang munting babae na umusbong dahil sa walang emosyong pagpatay nito sa kapwa tao. Minsan nga’y minamaliit siya dahil sa isang lang siyang babae pero hindi nila alam ang tunay na kulay nito.

Mabangis, malakas, mabilis at makapangyarihan ang babaeng ito kaya dahil sa katangian niyang ito ay naging kilala siya bilang isang Joker sa isla, dahil sa taglay niyang pumatay ng tao kahit wala siyang kasamahang grupo.

Ang babaeng iyon o kilalang tawag na Joker ang naging kasalukuyang hari ng Einherjar bagamat napagharian na nito ang buong isla ay hindi parin tapos ang paghahasik nito. Pinag-isa niya ang mga malalakas na tao sa buong isla para lusubin nila ang isla ng Tradevune upang makuha nila ang Slate.

“Gusto ko nang makuha ang SLATE”bigkas ni Einar, pinakamalakas na mamamatay tao sa buong Islandarea at ang tinaguriang Joker ng Einherjar.

Samantala sa barko ni Daven, matapos ang kanilang duwelo ni Jack na kung saa’y sumuko ito nang mahinahon ay agad namang siyang bumalik sa bubungan ng barko upang magpahinga. Nang makaakyat siya sa bubungan ay nagulat naman siya nang makita niya sa malayo pa ang isang malaking isla.

“May nakikita na akong isang isla”bigkas ni Daven na ikinabigla ng mga kasamahan niya.

“Isang isla? Sigurado ka ba talaga Daven?’”palinaw ni Niela.

“Tingnan niyo ang bahaging ito”turo ni Daven sa isang direksyon.

Hindi naman makapaniwala ang lahat nang makita nilang totoo talaga ang sinasabi ni Daven.

“May isla talaga”pasurta ni Aniel habang nakita niya ang sinasabi ni Daven.

“Kung ganoon, Daven ano ang gagawin natin, ikaw na ngayon ang kapitan ng barkong ito”bigkas ni Jack habang siya’y napatingin kay Daven.

Si Jack kasi ang kapitan ng kanilang barko noong simula pa lamang ng paglalakbay nila, pero ngayon na natalo siya ni Daven sa laban ay hindi siya nag-alinlangan na italaga ito.

Tumahimik naman si Daven dahil sa sinabi ni Jack pero hindi naman niya ito binigyan ng reaksyon bagkus ay hindi niya ito tinanggap.

“Jack, kahit ano mang mangyari ay hindi parin mawawala ang pagiging lider mo sa barkong ito, hindi ako bagay maging kapitan ng barkong ito kaya sa iyo ko parin ipagkatiwala ang bagay na iyon”paliwanag ni Daven. “Jack mananatili parin akong miyembro ng barkong ito, hindi ko alam kung sasang-ayon ba yong iba nating mga kasamahan”dugtong ni Daven.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon