Chapter 65: To the Deep of Abyss

45 10 2
                                    

Hindi naman inaakala ni Daven na lalo palang lalakas ang kalaban niyang si Einar na sa ngayon ay naging iba na ang anyo. Naging itim na ang kasuotan nito na para bang kasuotan ng mga demonyo, tapos iba narin ang emosyon nito na para bang hindi na mahahalintulad sa dati at ang mas malala pa’y lalo pang lumalakas ang enerhiya nito na dahilan nang panginginig ng kamay niya.

“Mukhang mahihirapan na yata ako nang tuluyan dito”bigkas ni Daven habang nanginginig ang kamay niya sa hindi malamang kadahilanan.

Pagkatapos nang pag-iiba ni Einar na kung saa’y naging Joker siya ay hindi siya nag-alinlangan na umatake kay Daven nang sobrang bilis. Mabilis namang iginalaw ni Daven ang kanyang kamay para mapigilan ang pag-atake ni Einar subalit sa sobrang lakas nito ay agad siyang napatapon sa malayo.

“Ang lakas! Sa sobrang lakas ay hindi ko siya napigilan”reklamo ni Daven habang mabilis niyang itinapak ang dalawang paa niya sa lupa para matigil ang pagtapon pa niya sa malayo.

“Hindi na kita bubuhayin pa”pahinang bigkas ni Einar habang wala siyang emosyong nakatitig kay Daven. “PAPATAYIN KITA!!”dugtong ni Einar habang mabilis niya muling inatake si Daven.

Sa sobrang bilis at lakas nang pag-atake ni Einar ay agad naputol ang mga punong nakatayo malapit sa kanila, nabungkal ang mga lupa at ang higit sa lahat ay napalindol niya ang buong isla. Ramdam ng lahat ng tao ang pagyanig na akala nila’y ordinaryo lang na nangyayari subalit kapangyarihan pala iyon ni Einar.

Bawat atake ni Einar ay nagkakaroon nang pagyanig at sa bawat pagtama niya kay Daven ay napapatapon ulit ito sa malayo na may kasamang panginginig ng katawan.

“Di mo ako matatalo”bigkas ni Einar habang ginamit niya ang itim na mahika. “Tatapusin ko na ang labang ito"dugtong niya habang ikinalat niya sa paligid ang mga itim na mahika na kung saa’y madaling nasunog ang mga kakahuyan at kahit mga ibon at mga hayop na matatagpuan doon ay madali ring nasunog.

Nang makalapit ulit si Einar kay Daven ay doon na nasunog ang katawan ni Daven pero madali namang nakalayo-layo si Daven.

Basag-basag pa ang ibang buto ni Daven at may iilang sugat pa siya sa kanyang katawan pero nagawa parin niyang maigalaw ang paa niya nang mabilis.

“Habulin mo ako”pangiting tugon ni Daven na parang hinahamon niya si Einar.

Agad namang nainis si Einar kaya nang humarap siya kay Daven ay agad niya itong pinuntirya, pero sa pagkakataong iyon ay agad na niyang pinalabas ang espada niyang itim na natatanging sandata niya.

Bawat paghampas niya ay agad nasusunog ng itim na apoy ang paligid. Paulit-ulit siyang humahampas dahil sa hindi kasi niya matatamaan si Daven. Ilang beses na niyang hinahampas ang espada kaya nang mapuno na siya nang galit ay doon na siya nagseryuso kaya nang umatake siya ay agad niyang natamaan sa tiyan si Daven. Hindi naman niya sinayang ang pagkakataon kaya agad niyang sinunog ang loob ng katawan ni Daven gamit ang itim na mahika.

Nainis naman bigla si Daven kaya madali niyang itinanggal ang espadang nakatusok sa kanyang tiyan at nang maalis niya’y nagmamadali siyang umatras para layuan si Einar.

“Mahihirapan ka na ngayon na makagalaw pa dahil alam kong may deperensya na ang katawan mo”sabi ni Einar.

“Deperensya? Kahit ano pa ang mangyari ay hindi talaga ako makakaramdam ng sakit”paliwanag ni Daven. “Kung gusto mo, saksakin mo pa ako sa pangalawang pagkakataon”pahamon ni Daven pero sa totoo’y nagtitiis na siya sa hapdi ng sugat niya.

“Ang lakas talaga ng loob mong magsalita pa ng ganyan”bigkas ni Einar.

Aatakehin na sana niya si Daven subalit hindi naman iyon natuloy dahil sa bigla niyang naalala ang pagkabata niya. Agad niyang naalala ang isang bata ring lalaki noon na kung saa’y hangang-hanga siya nito. Walang emosyon ang mga mata nito, hindi pala-kaibigan at higit sa lahat ay walang awa kung pumatay ng tao kapag ito’y inutusan.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon