Chapter 67: Nerium Part A

40 10 2
                                    

“Daven, may nalalaman ka bang ibang paraan para mapadali natin yong pagtawid sa daraanang ito?”tanong ni Niela habang nanginginig ang kamay niya sa takot.

“Malungkot kong sasabihin pero wala akong naiisip na paraan, kaya Niela mano-mano nating tatawarin ang daraanang ito”bigkas ni Daven habang siya’y nakatitig sa mga halamang nakapulopot sa mga bato.

Sinubukan namang pasukin ni Daven ang hardin. Nang sa una’y wala pa namang nangyayari bagkus tahimik lang ang paligid subalit nang makapunta siya sa gitna ay doon tumambad sa kanya ang isang buhay na halaman na parehong nakabuka ang dalawang mata. Panay ang titig ng mga mata nito sa kanya at makalipas lang ang ilang minuto ay agad itong nagbuga ng berdeng usok patungo sa kanya.

“NIELA HUWAG KANG LALABAS DIYAN! BAKA MADAMAY KA PA DITO!”sigaw ni Daven habang pinaalalahanan niya si Niela.

Mabilis namang nagtago si Niela dahil sa malakas na sigaw ni Daven. Nalaman kasi niyang lalabanan ni Daven ang buhay na halaman, na maari niyang ikapahamak kapag lumapit siya.

Matapos magbuga ng mga lason ang Nerium o ang buhay na halamang nakatira sa Killer Garden ay agad namang ginamit ni Daven ang kanyang kapangyarihang hangin para buwagin ang mga usok na papalapit sa kanya. Bawat pagtama ng mga berdeng usok sa mga bato ay unti-unti itong natutunaw na para bang nasusunog ang mga ito kahit matitigas pa ang mga ito.

“Kahit mga bato’y tinutunaw ng usok na iyan! Kung mapapatay ko ang halamang iyan ay siguradong matatapos na ang paghihirap”bulong ni Daven habang patuloy siyang nakatitig sa halaman. “Pero paano? Mahirap makalapit sa halamang iyan, pwera lang kung may kapangyarihan akong apoy para sunugin iyan”bigkas niya habang dahan-dahan niyang naiisip si Niela.

Isang apoy lang ang makakatapat sa mga lason kaya madali niyang inisip si Niela dahil siya lang sa grupo nila ang may mahikang apoy, at masuwerte pa nga’y nakasama niya ito.

“Niela, mabuti’t nakasama kita ngayon!”sigaw ni Daven na madali namang ikinagulat ni Niela dahil sa pagiging weirdo nito.

“DAVEN, NALASON NA BA YONG UTAK MO!? O NABABALIW KA LANG!”sigaw ni Niela habang ang mukha niya’y biglang namula. “DAVEN HUWAG MONG SABIHING MAMAMATAY NA TAYO DITO?”pasigaw ni tanong niya.

“Niela, kailangan ko ang kapangyarihan mo para matalo ang halamang ito!”sigaw ni Daven.

“Ano naman gagawin ko?”tanong ni Niela.

“Sunugin mo ang buong kwebang ito”pangiting sagot ni Daven.

“HUH!?”reaksyon ni Niela sa sagot ni Daven.

“Ano ka ba Niela, narinig mo ba yong sinabi ko o hindi mo lang iyon naintindihan?”tanong ni Daven.

“Narinig ko iyon Daven! Pero imposible ang ipapagawa mo sa akin, ang laki ng kwebang ito, mauubusan lang ako ng enerhiya”reklamo ni Niela.

“Huwag kang mag-aalala kung mauubusan ka man ng enerhiya Niela, ang mahalaga sa ngayon ay mapatay natin tong buhay na halamang ito”paliwanag ni Daven.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon