Chapter 63: Clood vs Aniya

40 10 2
                                    

Samantala, habang papalapit sina Jack, Niela at Varien ay inihahanda naman nila ang kanilang sarili dahil isang malakas na bandido ang makakalaban nila. Si Blade na isang wind user katulad ni Daven at magaling ding humawak ng espada. Dating mahinang tao si Blade na impluwensiyahan lang dahil kay Einar. Sa ngayon ay siya ay kanang kamay nito kasama sina Aniya at si Glak na nawalan ng malay dahil sa pinatumba ni Daven.

Sa ngayon ay galit na galit siya kay Daven dahil sa nagawa nito sa isa pa nilang kasamahan. Pero dahil sa gusto ni Einar na mag-isa itong lumaban kay Daven ay napilitan siya na ipalabas ang galit niya sa ibang kasamahan ni Daven.

“Puputulin ko ang mga katawan niyo sa espadang ito”bigkas niya habang hinihimas niya ang kanyang matalis na espada na nakatitig sa tatlong kasamahan ni Daven na makakalaban niya.

' Habang nagpapatuloy na lumalapit sina Jack, Niela at Varien ay nagulat nalang sila nang biglang dumaan ang malakas na hangin. Wala namang masamang panahong dumating at kusang maaraaw pa. Pero sa isang iglap lang na hindi pa kumikislap ang mata ni Jack ay nabigla siya sa pabiglang paglapit ni Blade nang sobrang bilis.

Ngumiti lang ito habang pinuntirya si Varien na walang malay na nagmamasid sa panahon.

“Si Varien ang puntirya niya”bulong niya sa sarili niya habang madali niyang ginamit ang mahika niyang bato upang protektahan ito.

Sa mabilis na pagalaw niya’y naabutan niya ang pag-atake ni Blade at nagawa niyang pigilan ito sa pamamagitan ng pagharang ng bato sa harapan ni Varien. Nabigla pa nga si Varien at napatumba nalang siya nang siya’y napa-atras.

“Varien, mag-ingat ka, mabilis na mabilis ang kalaban natin na parang buhawi sa mata ng bagyo”paliwanag ni Jack kina Varien at Niela.

“Jack, mabuti’t nakita mo ang pagdating niya, kahit na ako’y hindi siya namalayan”sabi ni Niela.

“Kaya nga, pinaaalahanan ko lang kayo”sabi ni Jack.

Habang sila’y nag-uusap ay agad namang tumawa ng malakas si Blade na ikinabigla nila.

“Bata, ang bilis ng mga mata mo, nagawa mong makita ang pag-atake ko”puri ni Blade kay Jack.

“Nasanay na ako, ilang labanan na aking naiharap tapos mananatili nalang ba akong mahina”paliwanag niya kay Blade.

“Ilang labanan na ang naiharap mo? Ang tanong ko lang? Nakapatay ka na ba ng tao?”tanong ni Blade na ikinagulat ni Jack.

“Nakapatay ng tao?”palinaw ni Jack habang nabigla siya sa tanong ni Blade. “Hindi ko pa naranasang pumatay ng tao dahil hindi ako isang mamamatay tao”sigaw ni Jack habang sineryuso niya ito.

“Mahina ka pala eh! Dahil hindi mo pa naranasang pumatay ng tao”insulto ni Blade. “Bata, kapag gusto mong lumakas tulad ko ay kailangan mo talaga pumatay ng tao para makita mo ang reaksyon nila kapag nakita mo silang napatumba”paalala ni Blade habang mabilis niyang sinaksak sa tiyan si Jack na hindi man lang namamalayan nito at nina Varien at Niela.

Natulala nalang sina Varien at Niela nang makita nilang napaluhod nalang sa lupa si Jack tapos duguan pa ang tiyan nito. Ang mas ikinagulat pa nila’y nakatayo si Blade sa harapan nito habang may ngiting nailarawan sa mukha.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon