Chapter 21: Varien Arc Part 4

63 17 9
                                    

Nang ipinaliwanag ni Reyna Siera kay Chit tungkol sa ina niya at sa kapangyarihan ng bato na mula sa ina niya ay hinanap naman niya si Frederica na siyang nagpadukot sa kanya at nagkontrol sa isip niya. Kinuha kasi nang mangkukulam ang bato kaya gusto niya itong bawiin sa kamay nito.
 
Nakita naman niya si Frederica na naroon sa itaas ng palasyo na hawak ang batong kumikinang. Mabilis naman siyang tumakbo palapit kay Frederica tapos itinulak niya ito nang malakas na pagkadahilan nang pagtumba nito at pagtapon sa bato.
 
“Inutil kang bata ka! Hindi mo ako maiisahan!”sigaw ni Frederica habang ginamit niya ang kapangyarihan niyang apoy.
 
Agad namang natamaan si Chit sa kapangyarihan ni Frederica kaya agad siyang napalayo sa bato na naglalaman ng kapangyarihan ng kanyang ina.
 
“Makukuha ko ang bato!”sigaw ni Chit subalit naunahan naman siya ni Frederica na kunin ang bato.
 
Makukuha na sana sa bato ang kapangyarihan subalit nagawa naman ni Reyna Siera na pigilan si Frederica gamit ang malakas din niyang kapangyarihan na walang iba kundi ang tubig.
 
“Frederica, hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mo!”sigaw ni Reyna Siera habang nilunod niya si Frederica gamit ang tubig na mahika niya.
 
Nagawa pa sanang lumaban ni Frederica subalit hindi naman tumalab ang mahika niyang apoy sa mahika ni Reyna Siera. Ginamit naman niya ang magic barrier sa buong palasyon na pagkadahilan ng paghinto ng laban sa ibaba ng palasyo.
 
“Hindi ako makakagamit ng mahika!? Paano nangyari ito?”tanong ng mga nagbabantay sa palasyo.
 
“Mukhang pisikilan nalang ang laban natin ngayon”sabi ng mga kasamahan ni Frederica habang isa-isa nilang binubunot ang mga espada at kutsilyo nila.
 
Hindi naman nagpatinag ang mga tagabantay ng palasyo na kung saa’y kinuha din nila ang kanilang mga sibat.
 
“Huwag niyong hahayaang magtagumpay silang makapasok dito sa palasyo!”sigaw nilang mga nagbabantay sa palasyo.
 
Samantala, nagtaka naman si Reyna Siera kung bakit hindi lumalabas sa kamay niya ang mga kapangyarihan niya. Ilang beses niyang itinatapat ang kamay niya kay Frederica subalit wala paring lumalabas na kapangyarihan.
 
“Huwag mong sabihing isa itong magic barrier”pabigla na sabi niya sa sarili.
 
“Mahal na Reyna, alam kong walang kalaban-laban ang mahika ko kumpara sa mahika mo kaya gagamitin ko na ang alas ko sa braha”pangiting bigkas ni Frederica.
 
Habang pangiti-ngiti si Frederica ay hindi niya alam na pinuntirya na pala siya ni Chit na may hawak-hawak na pamalo. Napa-atras nalang si Frederica nang pinalo niya ito sa likod subalit hindi naman ito nasaktan dahil sa mahina lang ang pagkapalo niya.
 
“Iha, ang lakas ng loob mong saktan ako!”sigaw ni Frederica sa galit habang sinuntok niya nang malakas si Chit.
 
Nang hindi na makaatake ang dalawang kalaban ni Frederica ay sinubukan naman niyang kunin ang kapangyarihan ng bato subalit hindi ulit siya nagtagumpay dahil sa pinigilan siya ni Reyna Siera.
 
“Frederica, ayokong mapasakamay mo ang kapangyarihan ni Reyna Verlin!”pigil ni Reyna Siera.
 
“Mahal na Reyna, tanggapin nalang natin ang katotonahan na para talaga sa akin ang kapangyarihan ni Verlin!”sigaw ni Frederica habang pinipilit niyang makuha sa bato ang kapangyarihan.
 
Nakapigil naman si Chit kay Frederica tapos tagumpay din nilang mailayo ang bato nito sa kanya.
 
“MGA INUTIL!”sigaw ng malakas ni Frederica na dahil sa galit.
 
Natalo naman si Frederica sa pakikipaglaban niya kina Chit at Reyna Siera habang natatalo narin ang mga kasamahan niya sa pakikipaglaban sa mga nagbabantay sa palasyo.
 
Akala ni Frederica na doon na nagtatapos ang laban subalit may dumating naman na mga taong tutulong sa kanila na maghahatid sa kanya sa pag-asa.
 
Hindi naman inaakala ni Frederica na darating sina Kingpord, Felo, Lala, Zaq at Haniel sa palasyo na tutulong sa kanila para matupad ang pinangarap ni Frederica na makuha ang kapangyarihan sa loob ng bato.
 
Isa-isa namang pinatumba nina Kingpord ang lahat ng mga nagbabantay sa palasyo at pagkatapos ay malaya silang nakapasok sa loob ng palasyo.
 
“Kingpord, mukhang ginamit yata ni Frederica yong magic barrier niya”tugon ni Lala.
 
“Ito pala ang pakiramdam kapag nasa magic barrier ka na parang gumagaan ang pakiramdam mo”tugon ni Kingpord.
 
Nang makapasok si Kingpord at nang mga kasamahan niya ay agad naman nilang narinig ang mga ingay na nanggagaling sa itaas ng bahagi ng palasyo. Nagtaka naman sila kung bakit may naririnig silang mga pag-aaway doon sa itaas.
 
“Lala, puntahan mo nga sa itaas, baka si Frederica na iyon”utos ni Kingpord.
 
Sinunod naman ni Lala ang inutos sa kanya ni Kingpord. Sa tuwing itinatapak niya ang mga paa niya sa hagdanan ay nakakaramdam naman siya nang kaba o takot na kailanma’y hindi niya naiintindihan.
 
“Bakit ganito ang nararamdaman ko?”tanong ni Lala sa kanyang sarili.
 
Nang makapasok siya sa isang kwarto ay nagulat nalang siya nang makita niyang duguan ang Reyna na katabi ang duguan ring si Frederica.
 
“Frederica!”bigkas niya. “Anong nangyari sa iyo?”tanong ni Lala dahil nalilito na siya kung bakit nagkaganoon nalang ito.
 
Tulala namang nagsalita si Frederica na parang wala sa sarili.
 
“Halimaw”patulalang bigkas ni Frederica.
 
“Frederica, anong halimaw ang pinagsasabi mo?”tanong ni Lala.
 
Patuloy namang nakatulala si Frederica habang si Lala nama’y nalilito sa sinasabi ni Frederica.
 
“Hoy! Frederica! Anong halimaw pinagsasabi mo?”paulit-ulit na tanong ni Lala.
 
Nang tumingin si Lala sa harap niya ay agad niyang nakita ang isang babae na nagmistulang isang demonyo na halos naligo na nang dugo. May mga ngiti naman ito nang demonyo na nakakatakot tingnan.
 
Napaatras naman si Lala nang makita niya ito na iniiwasan niyang maatake siya nito.
 
“Isang maling galaw ko lang dito, siguradong mapapatay ako”bulong ni Lala sa sarili niya habang pinagmamasdan siya ni Chit na nagmistulang halimaw.
 
Paalis na sana si Lala nang bigla siyang inatake ni Chit. Iilag sana si Lala subalit hindi parin niya napantayan ang bilis ni Chit na dahilan nang pagputol ng kaliwa niyang kamay.
 
“KINGPORD! FELO!! TULUNGAN NIYO AKO!”sigaw nang malakas ni Lala habang tinitiis ang sugat sa kamay niya.
 
Nagpatuloy parin sa pag-atake si Chit kay Lala, samantalang si Lala nama’y nauubusan na ng enerhiya dahil sa kakagamit niya nang mahika.
 
Madali namang pumunta si Kingpord subalit huli na nang makita niyang namatay na ang kasamahan niyang si Lala dahil sa naputulan na ito nang dalawang kamay at ulo.
 
“LALA!”sigaw ni Kingpord.
 
Hindi naman inaakala ni Kingpord na bigla siyang aatakehin ni Chit. Siya na sana ang susunod na mapapatay subalit napigilan naman nina Felo, Zaq at Haniel si Chit gamit ang pinag-isa nilang kapangyarihan.
 
“HOY BABAE! PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO SA KASAMAHAN NAMIN!”sigaw ni Haniel.
 
Ngumiti naman si Chit nang marinig niya ang sinigaw ni Haniel sa kanya kaya pagkatapos ay mabilis niya itong inatake. Hindi naman tumalab ang apoy ni Haniel kay Chit kaya tuluyan namang nakalapit si Chit sa kanya.
 
“Ikaw na naman ang isusunod ko”bigkas ni Chit.
 
Hinarangan naman nina Felo at Zaq si Chit gamit ang tubig at yelo nilang kapangyarihan subalit hindi parin iyon tumalab kay Chit.
 
“HANIEL! MAG-INGAT KA!”sigaw ni Kingpord.
 
Tuluyan namang naputulan ng ulo ni Chit si Haniel kaya dalawang kasamahan na ang namatay ni Kingpord.
 
Matapos napatay ni Chit si Haniel ay akala nila ay doon na nagtatapos ang pag-aatake ni Chit subalit nagkakamali sila nang makita nilang pinuntirya sila nito.
 
“Felo! Zaq! Mag-ingat kayo!”paalala ni Kingpord sa kanila.
 
Nang umatake si Chit sa kanila ay nagulat naman sila dahil akala naman nila’y susunod silang mamatay. Laking gulat naman nila nang makita nilang napigilan ni Reyna Siera si Chit gamit ang kapangyarihan nito.
 
“Reyna Varlin, hindi ko inaakala na sobrang lakas pala nang itinago mong kapangyarihan sa bato”bulong ni Reyna Siera habang pinigilan niya si Chit gamit ang kapangyarihan niya.
 
Hindi kasi inaakala ni Reyna Siera na ang kapangyarihan sa bato ay sobrang lakas pala. Matapos kasi na pigilan nila si Frederica na kunin ang bato ay kinuha na kasi ni Chit ang kapangyarihan nito para hindi na ito tatangkain ni Frederica.
 
Pagkatapos nakuha ni Chit ang kapangyarihan nang bato ay nagmistula na itong halimaw dahil sa hindi na nito makontrol ang sarili. Inatake naman ni Chit sina Reyna Siera at Frederica. Sa oras na iyon ay kakaakyat palang ni Lala.
 
Sinusubukan naman ni Frederica na labanan si Chit gamit ang mahika niya at itinanggal rin niya ang magic barrier subalit bigo siya. Pareho silang duguan nang makita sila ni Lala.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagawa namang patulugin ni Reyna Siera si Chit para patigilin ito sa ginagawang pag-atake sa kanila. Nakapatay na ng dalawang tao si Chit na walang iba kundi sina Lala at Haniel, tapos pareho naring duguan sina Reyna Siera at Frederica dahil kay Chit.
 
“Pigilan niyo siya!”utos ni Reyna Siera kina Kingpord, Felo at Zaq bago siya nawalan nang malay.
 
Nang makatulog si Chit ay plano na sana nina Felo at Zaq na patayin si Chit subalit pinigilan naman sila ni Kingpord dahil sa may pinaplano pa siya kay Chit.
 
“Kingpord, anong problema? Papatayin na natin ang babaeng ito, napatay na niya ang dalawa nating kasamahan”reklamo ni Felo.
 
“Kingpord, kung makakagising na ulit siya ay siguradong mauubos tayong lahat rito”paliwanag ni Zaq.
 
“Felo, Zaq, yan ang gagawin natin”bigkas ni Kingpord na ikinabigla nina Felo at Zaq.
 
“Gagawin ang ano?”tanong nila.
 
“Gagamitin natin ang kapangyarihan nang babaeng ito para ubusin ang mga tao sa mundo”plano ni Kingpord.
 
Itinangay naman nina Kingpord, Felo at Zaq si Chit kasama ang wala sa sarili na si Frederica.
 
Hindi na naabutan ni Daven sa palasyo si Chit dahil sa tinangay na ito sa grupo ni Kingpord.
 
“Mukhang nahuli ako”bulong ni Daven habang pinagmamasdan niya ang buong palasyo.
 
Alam na alam kasi ni Daven na nandoon si Chit sa palasyo dahil sa nararamdaman niya ang enerhiya nito subalit nahuli siya ng dating. Ang naabutan nalang niya ang patay na katawan nina Lala at Haniel at ang walang malay na Reyna ng Ciangima na si Siera.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mapayapa naman ang gabi nang matulog si Jack at nang mga kasamahan niya samantalang hindi naman mapakali si Daven kung ano ang susunod na gagawin niya. Nararamdaman na kasi niya ang malakas na kapangyarihan na bumabalot kay Chit na parang hindi na mapipigilan ng kahit anong mga kapangyarihan.
 
“Kung hindi makokontrol ni Chit ang kapangyarihan niya, siguradong mabubura ang mga nilalang sa mundo”bulong ni Daven.
 
Kalaunan, nang magising si Aniel ay lumabas naman siya sa barko upang magbanyo kaya nabigla naman siya nang makita niya ang pagdating ni Daven na walang tulog at walang pahinga.
 
“Saan ba galing si Daven? Bakit parang wala siyang tulog ngayon”bulong ni Aniel.
 
Lalapitan sana niya si Daven subalit inunahan na siya ni Jack na siyang unang bumati kay Daven.
 
“Daven, nakumbinsi mo ba si Chit?”tanong ni Jack kay Daven. “Daven, alam kong hindi mo siya nakumbisi dahil hindi mo siya kasama ngayon”paliwanag ni Jack,
 
Hindi naman nakapagsalita si Daven marahil napapagod na siya dahil sa buong gabi siyang nag-iisip. Pinagtawanan naman ni Jack si Daven dahil sa nakita nito na pagod na pinaalalala niya mismo kay Daven.
 
“Daven, alam kong mapapagod ka lang sa ginagawa mo!”sigaw ni Jack habang pinag-iinsulto niya si Daven.
 
Nagsilapitan nalang sina Miko, Ian, Clood at Niela sapagkat hindi parin nakakapagsalita si Daven. Akala nga nila’y nalungkot lang ito sa pagkawala ni Chit pero hindi pala. Natigil naman ang pagtatawa ni Jack nang marinig niya ang sinabi ni Daven sa kanila.
 
“Kailangan na ni Chit nang tulong natin, nasa panganib na ang buhay niya”bigkas ni Daven.
 
“Daven, paano mo ba nasabi na nasa panganib na ang buhay niya, nakita mo ba?”tanong ni Miko.
 
“Hindi pero nararamdaman ko”sagot ni Daven na ikinatawa nang malakas nina Jack at Niela.
 
“Daven, nararamdaman mo lang pala eh! hangga’t hindi mo napapatunayan na nasa panganib si Chit ay wag kang umasa sa pakiramdam mo Daven”paalala ni Jack.
 
“Kayo na ang bahalang humusga, pumunta kayo sa gitnang bayan para malaman niyo ang balitang nangyari kagabi doon sa palasyo”bigkas ni Daven tapos pumunta siya sa bubungan ng barko para magpahinga.
 
Napatahimik nalang sila habang nakatitig sa isa’t-isa. Hindi kasi nagbibiro si Daven sa sinasabi niya tapos nakita din nila na seryuso ang mga mata ni Daven.
 
“Ano ba kayo!? Alam niyo namang nagbibiro lang si Daven, huwag kayong maniniwala sa sinasabi niya”sabi ni Jack sa mga kasamahan niya.
 
“Jack, mas mabuting sisiguraduhin natin ang sinabi ni Daven kaya pumunta tayo sa gitnang bayan”sabi ni Ian.
 

Nagulat nalang sila nang malaman nilang totoo ang sinasabi ni Daven tungkol sa kaguluhang nangyari sa palasyo na kung saa’y sangkot si Frederica at ang grupo nito.
 
“Chit”bulong ni Jack habang nag-aalala siya bigla nito.
 
[SLATE-tionary: Ang kapangyarihan ni Chit ay Dark Magic na halos mga demonyo lang ang gumagamit. Ang dark magic ay isa sa mga pinakadelikadong mahika sa mundo marahil pwedeng magamit ng mahika ang sarili mong buhay.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon