Samantala, sa kalangitan ng Atlantis na kung saa'y naka-upo si Diyos Saidon, ang Diyos ng karagatan ay hindi parin mawala sa kanyang isipan si Daven. Tinalo kasi siya nito kahit isa pa siyang Diyos na makapangyarihan.
"Imposible akong matalo ng isang tao..."bulong niya sa sarili niya. "Sa pagdududa ko, hindi talaga siya isang tao, kundi isa siyang makapangyarihang nilalang sa mundo, kung hindi siya tao ano naman ang pakay niya sa mundong ito?"kausap niya sa sarili niya habang tinatanong ang mga posiblidad.
Makalipas ang ilang minuto habang siya'y tahimik na naka-upo ay narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kanya. At sa huling beses ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan.
"Ang aga mo namang pumunta dito, pinagmamasdan ko pa nga ang pagdedeklarang bagong hari ng Atlantis"bigkas ni Diyos Saidon sa taong pumunta sa kanyang lugar na nasa likuran niya.
Hindi naman ito nagsalita at patuloy lang itong nakatayo sa likuran niya.
Patuloy paring nagmamasid si Diyos Saidon sa Atlantis hanggang sa siya'y lumingon na. Nakita niya mismo ang isang lalaki na kulay ginto ang buhok at mukha nito'y walang emosyong nakatitig sa kanya.
"Ang aga mo naman Rrahril, hindi pa nga ako handang mamatay Rrahril o sasabihin nalang nating Diyos ng Oras"bigkas ni Diyos Saidon habang siya'y ngumiti.
____________________________________________________________________
Samantala, may isang barkong patungo na sa Tradevune na ang layunin nila'y makuha ang Slate. Sila ang bagong makakalaban ni Daven na pinangungunahan ng babaeng lider na walang iba kundi si Einar.
"Gusto ko nang makuha ang SLATE"bigkas ni Einar, pinakamalakas na mamamatay tao sa buong ISLANDAREA.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...