Chapter 40: The Lost City of Atlantis

60 12 6
                                    

Ang Lost City of Atlantis ay isang alamat na gawa-gawa lang ng mga tao pero sa katunayan ay isa talaga itong lugar na nabubuhay sa mundo matagal na panahon nang nakakalipas. Sa ngayon ay nakatayo parin ang siyudad ng Atlantis sa di matukoy na karagatan. At ayun sa alamat ay tanging sa gitna lang nang buhawi ang lagusan sa siyudad na iyon.
 
Samantala, makalipas ang isang oras simula nang mahigop nang buhawi ang barko ni Jack ay nakagising naman Niela sa isang maganda at malinis na baybayin na kailanma’y hindi niya nakikilala. Napatanong nalang siya sa kanyang sarili dahil sa unang beses palang niyang nakita ang magandang lugar din   na tumambad sa kanya.
 
“Saan na ba ako?”tanong ni Niela sa sarili niya habang nakita niya ang maganda ang mala-fantaseryeng siyudad na tumambad sa kanya.
 
Namangha naman siya sa ganda nang siyudad na para bang nanghihila sa kanya na lumapit. Pero lingid man siyang kaisipan ay agad naman niyang naalala ang huling nangyari sa kanya at sa mga kasamahan niya. Dali-dali naman niyang hinanap ang mga kasamahan niya at bumalik siya sa lugar na  kinaroroonan niya pero bigo niyang makita ang mga ito.
 
“Aniel! Jack! Clood! Saan na ba kayo!!?”sigaw niya sa baybayin na nagbabakasaling nandoon ang mga kasamahan niya. “Ian! Varien!”patuloy na sigaw niya sabay ikot sa baybayin pero hindi parin niya ito nahanap kahit umabot pa nang isang oras ang pag-iikot niya.
 
Dahan-dahang tumutulo ang luha niya nang maramdaman niyang naiwanan na siya ng mga kasamahan niya. Napa-upo nalang siya sa baybayin habang pinagmamasdan ang karagatan. Habang siya’y nakaupo’t nakatulala ay nagulat naman siya nang may halong pagkalito nang mapagtanto niya sa sarili ang mali na nakikita niya.
 
“Di ba nahigop kami nang ipo-ipo, imposibleng makabalik parin ang barko namin sa baybayin, pwera nalang kung may himalang dumating”bigkas niya sa sarili niya. “Imposible namang hindi masisira ang barko namin sa ipo-ipong iyon”dagdag niya habang pinagmamasdan niya ang walang sira na barko nila.
 
Litong-lito parin siya habang pinag-iisipan ang mga posibleng nangyari. Hindi niya inaasahan na maayus pa ang barko nila sa kabila nang paghigop nito sa ipo-ipo.
 
“Kung ayus pa ang barko ang ibig sabihin ay ayus lang ang mga kasamahan ko, pero hindi ko lang alam kung nasan sila ngayon, wala naman sila sa loob ng barko, wala rin sila sa baybayin, at hindi naman sila palutang-lutang sa karagatan”bigkas ni Niela. “Siguro, panahon na para ako naman ang maglakbay mag-isa para mahanap ko sila”dagdag niya habang nilakasan niya ang loob niya.
 
Pagkatapos niyang naghanda ng mga kagamitan ay naglakbay siya patungo sa magandang siyudad na tumambad sa kanya. Hindi naman kalayuan ang siyudad marahil makikita niya naman ito kahit nasa baybayin pa siya. Nang magsimula na siyang maglakbay ay nilalagyan naman niya nang mga palatandaan ang mga dinadaanan niya para hindi siya maligaw kung babalik siya.
 
Hindi pa nga siya nakakalayo sa baybayin ay nararamdaman naman niya na parang may sumusunod sa kanya, hindi niya ito nakikita sa tuwing lilingon siya at lalong hindi rin ito sumasagot sa tuwing tinatawag niya ito.
 
“Sino ka bang sumusunod sa akin!?”sigaw ni Niela paligid pero hindi siya sinasagot.
 
Nakaramdam siya nang kaba dahil sa hindi niya alam at ano ang sumusunod sa kanya, isa bang tao ,isang hayop o ibang nilalang kaya nagmamadali siyang umalis sa mala-kagubatang lugar. Dahil sa bilis ay agad siyang nakarating sa siyudad na maganda. Hindi lang maganda ang siyudad kundi kaakit-akit pa dahil sa mga magaganda at makukulay na gusali na nakatayo parang nasa ibang mundo.
 
“May ganito palang lugar sa mundo, ngayon palang ako nakakita nang ganito”pamanghang sabi niya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa siyudad.
 
Habang siya’y nakatulalang naglalakad palapit sa siyudad ay hindi niya napansin ang isang nilalang na sumalubong sa kanya kaya niya ito nabangga. Pareho silang dalawa na natumba.
 
“Pasensya na po”pahingi ng tawad ni Niela habang nakapikit na yumuko-yuko.
 
“Sa susunod, tumingin ka naman sa dinaraanan mo!”paalala ng nakabangga sa kanya.
 
Nang idinilat ni Niela ang mata niya laking gulat niya nang makita niya ang nilalang na nabangga niya, hindi ito pangkaraniwang tao dahil sa may tila kaliskis ito sa katawan tapos iba rin ang anyo nang mata na para bang isda.
 
Dahil sa takot ay hindi siya nakapagsalita habang nakaharap siya sa nilalang na iyon.
 
“May problema ba?”tanong ng kaharap niya sa kanya.
 
“Wa- wal- wala po”pautal-utal na sagot ni Niela dahil sa takot.
 
Walang kibong nakaharap si Niela sa nakabangga niyang mala-isdang nilalang hanggang sa tuluyan na itong umalis. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makalayo na ang mala-isdang nilalang.
 
“Isang isdang tao?”pabulong ni Niela sa kanyang sarili. “Ano bang klaseng lugar ang napuntahan ko? Nanaginip lang ba ako?”tanong niya habang sinampal niya ang sarili niyang mukha subalit nakaramdam parin siya nang sakit. “Totoo ang lahat nang ito”
 
Nagdadalawa ang kanyang isip kung papasok pa ba siya sa siyudad o hindi pero napagtanto niya na hindi niya mahahanap ang mga kasamahan niya kapag wala siyang gagawin at magduwag-duwagan siya.
 
Naglakad siya palapit sa siyudad pero hindi pa nga siya nakakapasok ay agad siyang hinarang nang grupo ng mala-isdang nilalang. Nabigla siya nang bigla siyang pinaikutan hanggang sa siya’y hindi na makaalis.
 
“Oi babae! Mukhang hindi ka yata taga-rito”sabi nila kay Niela.
 
“Pasensya na po kung may nagawa man akong kasalanan sa inyo”pahingi ng tawad ni Niela sa grupo.
 
“Babae, wala ka namang ginawang kasalanan, ang sa amin lang naman ay pakay naming makahiram ng pera sa iyo”paliwanag ng pinuno ng grupo. “Di ba mga kasama”tugon niya sa mga kasamahan niya.
 
“Oo, wala naman kaming intensyon na masama”sagot naman ng mga kasamahan nito sa pinuno nila.
 
“Pera? Wala akong pera”pahinang sagot ni Niela sa grupo.
 
Nagalit naman ang pinuno nang grupong humarang kay Niela dahil sa narinig nila tungkol sa walang pera kaya agad nilang nilapitan pa si Niela para mahawakan nila ito.
 
“Babae! Kung ayaw mong may mangyari sa iyo, ibigay mo sa amin ang lahat nang mahahalagang bagay na dala mo”banta ng isa habang binunot nito ang isang patalim.
 
“Pasensya na sa iyo, wala talaga akong maiibigay na mahahalagang bagay sa inyo”pahingi ng tawad ni Niela.
 
“Kung wala talaga ay ang katawan mo nalang ang kukunin namin”tugon ng pinuno ng grupo habang pangiting nakatingi kay Niela.
 
Nanginig naman sa takot si Niela dahil sa hinawakan na ang kanyang braso. Wala namang makakatulong sa kanya kung sisigaw siya kaya ang tanging paraan nalang para siya’y makaligtas ay lalabanan niya ang grupo.
 
“Mapipilitan akong patumbahin ang mga nilalang na ito kapag nagpatuloy pa sila sa ginagawa nilang kabastusan sa akin”bulong niya habang dahan-dahan na siyang naiirita sa grupo.
 
Unti-unti namang umaapoy ang kanyang kamay at magagawa na sana niyang umatake pero hindi niya nagawa ang bagay na iyon dahil sa napigilan na siya nang tuluyan. Sa madaling salita ay siya pa ang naisahan nang grupo.
 
“Babae, mas malakas pa kami sa iyo”paalala ng pinuno ng grupo kay Niela.
 
“Ang bastos niyo! Bitawan niyo ako!!”sigaw ni Niela habang pinipilit niyang makaalis.
 
Dahil sa sobrang lakas nang pagkakahawak ay agad namula ang braso niya na parang mababalian siya nang buto. Napaaray nalang siya at dahan-dahan naring tumutulo ang luha niya.
 
“Babae! Kahit sumigaw ka pa nang malakas dito ay wala paring tutulong sa iyo”paalala nila kay Niela.
 
Nagpatuloy pa ang pagpigil nila kay Niela hanggang sa nawalan na siya ng lakas na  naging malumay na ang kanyang katawan. Dahan-dahan siyang napapaluhod sa lupa dahil sa wala na siyang lakas na tumayo.
 
“Hinihigop nila ang enerhiya ko”pahinang sabi niya. “Pakiusap, tulungan niyo ako!”pahinang sigaw niya na nagbabakasaling may makarinig sa sigaw niya.
 
Akala niya’y magtatagumpay na ang grupo subalit may isang taong dumating na mula sa kanyang likuran. Hindi niya ito nakikilala nang maayus dahil sa unti-unti na siyang nawawalan nang malay pero nadidinig niya ang pinagsasalita nito.
 
“Aking bayani salamat at dumating ka”pasalamat niya sa tulong na dumating.
 
“Pasensya na po sa abala kung may nagawa man yang kasamahan ko”pabigkas nang lalaking tumulong kay Niela.
 
“Hoy, sino ka ba? Bakit mo pinapakialam yong mga ginagawa namin?”tanong nila sa lalaki.
 
“Kasamahan ko po iyang hinahawakan niyo kaya ko po kayo pinapakialam”bigkas ni Daven ang lalaking tumulong kay Niela.
 
“Ano naman kung kasamahan ka nitong babae, bakit aasta ka ba?”tanong nila kay Daven.
 
“Dahan-dahan lang po, hindi ko naman kayo inaano, ang sa akin lang po ay sana po mabitawan niyo na po yong kasamahan ko, nagtitiis na po siya”pakiusap ni Daven.
 
“Yan ba ang hiling mo bata? Pwes ano naman ang gagawin kapag hindi namin, bibitawan?”tanong nila na parang hinahamon nila si Daven.
 
“Mapipilitan akong patumbahin kayo! Sampu lang kayo tas hindi naman kayo kalakasan”paliwanag ni Daven na parang minamaliit niya ang mga ito.
 
“Huh? Nahihinaan ka ba sa amin bata!”sigaw ng isang lalaki habang mabilis na sinuntok si Daven.
 
Sa mukha mismo natama ang suntok nang lalaki kaya akala nila’y nabasag na ang mukha ni Daven pero nang namalayan nila ay daliri lang pala ito tumama. Dahil sa ipinakitang lakas ni Daven ay nagulat sila at dahan-dahang napapaatras dahil sa kaba.
 
“Ano ka bang klaseng nilalang bakit mo nagawang mapigilan ang pag-atake namin gamit lang ang daliri mo?”tanong nila kay Daven.
 
“Isa lang akong ordinaryong tao”pangiting sagot ni Daven.
 
“Isa kang tao?”pagulat na tanong nila. “Bakit ka napunta sa lugar namin?”tanong nila.
 
“Hindi ko alam, siguro dahil ito kaguwapuhan ko”pabirong sagot ni Daven.
 
“Huh? Anong guwapo, eh! Kahit ganito lang yong mukha ko, mas maayus pa ito kaysa sa iyo, huwag kang kampante bata”sagot nila na ikinainsulto ni Daven. “Mga kasama, patumbahin niyo nga yang bata na iyan, alam kong hindi niya mapipigilan ang pag-atake natin kapag sabay-sabay tayo”utos ng pinuno ng grupo.
 
Sabay-sabay silang umatake kay Daven dahil akala nila’y mapapatumba nila ito.
 
Ngumingiti lang si Daven habang pinagmamasdan ang mga kalaban niya. Mabilis siyang umatake na hindi aabot nang isang segundo. Napatulala nalang bigla ang pinuno nang grupo nang maktia niyang agad natumba ang mga kasamahan niya nang hindi pa nakakalapit kay Daven.
 
“Hoy, ano ba kayo? Tumayo kayo diyan!? Hindi pa nga kayo inaatake, tumba na agad kayo”paalala ng pinuno sa mga kasamahan nito.
 
“Pinuno, inunahan niya po kami nang atake”sagot ng isang lalaki.
 
“Ano ang ibig mong sabihin? Hindi pa nga siya nakakalapit sa inyo at paparating palang kayo”bigkas ng pinuno.
 
“Pinuno, hindi po natin siya kaya”sabi nila habang isa-isa silang nawawalan nang malay.
 
Dahil sa takot na matulad ang pinuno sa mga kasamahan niya ay mabilis siyang tumakas, tanging si Daven lang ang naiwan doon na nakatayo kasama si Niela na unti-unti nang nawawalan nang malay. Agad binuhat ni Daven si Niela sabay dala nito sa isang abandonadong gusali sa siyudad nang Atlantis.
 
Makaraan ang dalawang-oras ay dahan-dahan namang nagkakamalay si Niela hanggang sa tuluyan na niyang maidilat ang mata niya. Nararamdaman niya ang tila malambot na hinihigaan niya kaya agad siyang nagtaka nang maalala niya ang huling nangyari sa kanya.
 
“Di ba dumating yong bayani ko”pabulong na sabi niya.
 
Nang tumayo siya ay agad niyang nakita si Daven na katabi lang pala niya, kaya dahil sa gulat niya’y nasampal niya ito nang malakas sa mukha.
 
“Gago! Kanina ko pa kayo hinahanap Daven”sigaw ni Niela.
 
“Ang tindi mo naman Niela, sasampalin at sisigawan mo talaga ako sa pagising mo”sabi ni Daven habang hinihimas-himas niya ang bahagi nang mukha niyang sinampal ni Niela.
 
“Ang bastos mo kasi Daven, alam mong nagtutulog yong tao, tapos tatabihan mo pa!”paliwanag ni Niela.
 
“Anong tumabi? Magpasalamat ka nga’t binti ko pa inunan mo habang naghihintay na magising ka”paliwanag ni Daven.
 
“Kung alam ko lang na binti mo yong inunan ko, sana ginising mo nalang ako, kaya pala ang baho habang nananaginip ako”reklamo ni Niela. “Daven, nakita mo ba yong tumulong sa akin kanina?”tanong niya kay Daven.
 
“Tumulong?”tanong ni Daven.
 
“Yong nangyari kanina, palibhasa hindi mo kasi alam ang nangyari kanina”sabi niya kay Daven. “Narinig ko pa ang boses niya kanina habang papalapit siya sa akin upang tulungan ako, hindi ko lang nakita ang mukha niya pero siya talaga ang tanging bayani na nagligtas sa akin, sana nakita ko siya kanina”sabi ni Niela habang iniisip niya ang lalaking tumulong sa kanya.
 

Pero hindi niya alam na si Daven lang pala ang tumulong sa kanya marahil isinekreto lang ni Daven ang sumunod na nangyari simula nang mawalan siya nang malay.
 
[SLATE-tionary: Matatawag parin na isang tao ang mga naninirahan sa siyudad ng Atlantis pero ang kaibahan lang sa totoong tao ay may kaliskis ito na parang isda.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon