Chapter 46: Daven's Fight

48 14 2
                                    

Hiyawan, sigawan, mga ingay na naririnig ni Daven nang siya’y dumating sa lugar na magiging labanan niya sa pagitan ng mga Sea Guardian. Hindi siya nakaramdam ng takot o kahit kaba nang makita niya ang mga taong-dagat sa siyudad ng Atlantis na pinagtatawan siya na may kasamang pag-pre-presure sa kanya.

“Taong-lupa! Hindi labanan ang magiging hantungan mo ngayon kundi kamatayan!”sigaw ng mga taong-dagat.

“Taong-lupa! Ang tapang mo talaga, nagawa mo pang hamunin ang mga Sea Guardian”patuloy na sigaw ng mga taong-dagat sa Atlantis.

Nakatayo lang si Daven sa gitna ng labanan habang siya’y nakatitig sa mga Sea Guardian. Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman si Lucas na gustong manonood sa laban ni Daven. Sa ngayo’y siya pa ang nakaramdam ng takot kaysa kay Daven na lalaban sa mga Sea Guardian.

“Iho, kung may mangyari mang masama sa iyo ay wala akong magagawa kundi panoorin ka...”bulong ni Lucas. “Kung may lakas ng loob sana akong tulungan ka ay matagal ko na sanang ginawa, pero pasensya ka na”bulong ni Lucas habang siya’y humihingi ng tawad kay Daven.

Lumakas pa ang mga sigawan at hiyawan nang magsidatingan ang mga Sea Guardian. Bawat Sea Guardian ay may kanya-kanyang sandata na kumikinang at nakasuot pa ito pareho nang magagarang damit pandigma sa karagatan. Isa-isa silang naglalakad hanggang sa sila’y nakaharap na kay Daven.

Nakaramdam man ng matinding takot ang mga taong-dagat sa mga Sea Guardiang nagsisidatingan ay hindi lang nila ito pinansin at nagpatuloy lang sila sa paghihiyawan para masuportahan ang mga ito. Pero kahit nararamdaman nila ang takot ay hindi naman nila naramdaman si Daven na natatakot.

“Ang lakas talaga ng loob ng taong-lupang iyan na hindi kabahan na para bang kasing lakas ng mga Sea Guardian”irita ng mga taong-dagat.

“Oo nga, pero kahit na ganyan ang ugali ng batang iyan ay mapapatay parin siya”kausap ng isang taong-dagat.

Samantala, habang nagbulong-bulongan ang mga tao ay agad namang pinaalaahanan ng hari si Daven tungkol sa magiging takbo ng laban at ang mga pangako. Napatango nalang si Daven na parang wala lang sa kanya na ikinainis naman ng hari.

“Mukhang nang-iinsulto ka yata sa akin bata!”bulong ng hari sa sarili habang pinipigilan niya ang galit niya kay Daven. “SIGE, SIMULAN NA ANG LABAN!”sigaw ng hari na ikinasiya ng mga taong-dagat.

Titig na titig talaga ang mga taong-dagat kay Daven dahil hinihintay kasi nila kung anong gagawin natin nito sa isang Sea Guardian na kalaban nito. Kung kaya’t nakita nilang unang umatake si Daven gamit lang ang isang suntok nito.

“Suntok lang? May problema ba ang taong-lupang iyan?”tanong ng mga taong-dagat habang sila’y nagtatawanan.

Hindi rin naman mapigilan ang ibang mga Sea Guardian na tumawa nang makita nila ang pag-atake ni Daven. Kumpiyansa sa sarili naman na may kasamang pagyayabang ang Sea Guardian na kalaban ni Daven nang makita rin niya ang pag-atake nito.

“Mga kasama ko na ang bahala sa nilalang na ito”patawang sabi nito habang hinanda niya ang kamay para pigilan ang pagsuntok ni Daven.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon