Sa kasalukuyan ay pinuntirya na ng mga tao sa bayan ang grupo ni Daven at sa pamamagitan iyon ng paglasing sa kanila. Isang oras matapos mainom ng mga kasamahan ni Daven ang tila isang alak ay nakita naman ng bata, ang naghatid sa kanila na pareho nang nakatumba sina Jack, Ian at Clood. Wala naman siyang magawa upang matulungan ito dahil sa kinuha na ito ng mga kababayan niya.
“Pasensya na kayo dahil hindi ko kayo matutulungan”bigkas ng bata habang siya’y nalungkot bigla.
Isa-isa namang idinala sa isang lugar ang katawan ng mga kasamahan ni Daven. Wala namang nangyaring masama sa mga ito, walang sugat, walang pasa at lalong walang galos bagamat tulog lang ito dahil sa lasing. Kahit na nga sina Varien, Niela’t Aniel ay pareho ding nakatulog dahil din sa pagkakalasing nila. Malakas ang alkohol na nainom nila na kahit sumipsip lang ng iilan ay sisiguradong mahihilo ka agad at matutumba.
Sa ngayon ay pareho nang naidala ang katawan ng mga kasamahan ni Daven sa isang lugar kaya dahil doon ay isang tao nalang ang kulang na makuha nila na walang iba kundi si Daven na kasalukuyan ay naliligo sa batis. Agad namang pinuntahan ng mga babae ang batis na kung saa’y doon naliligo si Daven. Ang mga babae ding iyon ay ang mga babaeng nagbigay ng pagkain kay Daven.
Nang pumasok sila sa batis ay nagulat naman sila nang makita nilang naliligo pa si Daven at ini-enjoy pa ang lamig ng tubig.
“May problema ba?”tanong ni Daven dahil nakita kasi niya na parang tulala ang mga babae.
“Bakit hindi ka nakatulo-“sabi ng isang babae pero madali naman nitong inihinto ang pagsasalita. “Ang ibig kong sabihin, busog ka na po ba ginoo?”tanong nito.
“Syempre, busog na busog ako, sino bang hindi mabubusog sa pagkaing iyon na kayang panglimang katao”bigkas ni Daven.
“Ginoo ininum niyo na po ba yong inumin niyo?”tanong nila kay Daven.
“Ito ba?”bigkas ni Daven habang inangat ang hawak niyang isang baso ng isang alak. “Inamoy ko ito at mukha kasi itong alak kaya hindi ko na ito ininum, di kasi ako mahilig sa alak”dugtong ni Daven na kung saa’y nabigla ang mga babae.
“Ginoo, alam kong iniisip mo na hindi pa sakto ang edad mo para uminom ng ganyang inumin pero wala namang masama kung susubukan mo kahit iilan lang, tikman mo lang”pahikayat ng mga babae kay Daven.
“Oo nga ginoo, ngayon lang naman iyan”dugtong ng isang babae habang patuloy na hinihikayat si Daven.
“Sige na nga”bigkas ni Daven habang uminom siya nang kakaunti pero dahil sa nasarapan siya sa lasa ay inubos na niya ang isang baso. Pagkatapos niyang naubos ang isang baso ng isang alak ay doon na ngumiti ang mga babae na para bang may masama silang plano.
“Ginoo, di ba parang wala lang ang pag-inum”sabi ng mga babae.
“Sa katunayan ay para lang akong umiinom ng juice na malasang ubas”palarawan ni Daven. “Oh sige na, magbibihis na ako dahil alam kong kanina pa ako nakababad dito”
Hindi parin mawala sa tingin ng mga babae si Daven kahit na nagbibihis ito, at kahit na nakaalis na ito sa batis. Sinusundan nila ito kahit saan ito mapunta, kahit pa nga namamasyal lang si Daven ay sumusunod parin sila.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...