Chapter 71: The End of Adventure

63 10 5
                                    


"Nakikilala mo pa ba ang sarili mo?"pabiglang tanong ng paligid kay Daven.

Wala namang kibong nakatulala si Daven sa paligid na unti-unti namang dumidilim. Bumibilis na ang tibok nang kanyang puso at parang umiinit na ang kanyang pakiramdam na kahit malamig naman doon.

"Naaalala mo pa ba ang sarili mo?"tanong ng paligid ulit kay Daven.

Agad namang nakita ni Daven sa harapan niya ang dating siya. Ang panahong hindi pa nakikita ang kanyang mga ngiti at halos patay pa ang kanyang mga mata. Pilit namang niyang ipinikit ang mga mata niya upang kalimutan ito subalit nadidinig parin niya ang boses niya na nagpapa-aalala sa kanya.

"Huwag mong itago ang kapangyarihan mo, hangga't wala nang humaharang sa iyo ay ilabas mo, ipakita mo"sabi ng sarili niya sa kanya.

Hindi naman siya sumagot dahil ayaw niyang kausapin ang sarili niya. Pero kahit pilit niyang pinipikit ang kanyang mata at tinatakpan ang kanyang tainga ay hindi parin mawawala sa kanyang ang sarili niya na laging nagpapa-alala sa kanya.

"Huwag kang mabahala, wala nang tao ang pipigil sa iyo"paalala ng batang sarili niya sa kanya. "Bakit ka ba nangangamba? Bakit ka ba nalulungkot? Tandaan mo, sa mundong ito mga mahihina lang ang nagpapakain sa mga malalakas kaya wag mo ng sayangin ang luha mo sa ibang tao lalo na sa mga mahihina"dugtong nito.

Matapos ang ilang minuto ay agad narin niyang nakita ang buong paligid na kung saa'y nakita niya ang bangkay ni Varien na nakahandusay doon. Walang kibo siyang lumalapit habang si Einar nama'y ngumingiti nang makita siya.

"Yan! Yan ang gusto kong makita sa iyo Ryaz"sabi ni Einar habang siya'y nanginginig sa sobrang tuwa.

Tuwang-tuwang na nga si Einar nang makita niya ang paghihinagpis ni Daven ay lalo pa itong nadagdagan nang makita niya na unti-unting nawawalan nang saysay ang mga mata ni Daven. Tila ba nawalan na ng kulay ang buhay ni Daven.

"Sa tagal ko ng hinahanap ang pagkakataon ito, salamat at dumating na rin"pasalamat ni Einar habang siya'y nasiyahan ng sobra.

Patuloy pa nga siya sa pagtatawa subalit sa isang iglap lang ay agad na niyang naramdaman ang pag-iinit ng kaliwang kamay niya na ikinagulat niya. Nang tumingin siya sa lupa ay doon niya nakita ang pag-agos ng dugo ng mga dugo nito at ang ikinagulat niya ng todo ay ang pagkakita niya sa sarili niyang kamay na nahulog sa lupa.

Imbes na siya'y kabahan sa nangyari ay lalo pa siyang natuwa.

"ANG SAYA!!"sigaw niya habang siya'y nakatitig kay Daven.

Hindi pa nagtatapos ang pag-atake ni Daven kung kaya't pinutulan pa siya ng isang kamay na sa pagkakataong iyon ay ang kanan naman. Hindi naman siya lumaban, hindi naman siya umilag dahil sa katunayan ay yon naman pala ang habol niya, ang mapatay sa kamay ni Daven.

"Sige, patayin muna ako, kung gusto mo'y putulan mo pa ako ng ulo tulad nang ginawa ko sa kasamahan mo"pahiling ni Einar.

Dahan-dahan namang lumalapit si Daven sa kanya dahil oras na kasi para tapusin siya. Hindi siya natakot o kahit nakaramdam ng kaba nang papalapit ito bagkus ay nakatayo lang siya.

Nang makalapit na si Daven sa kanya ay agad naman siyang sinakal nito nang mahigpit na mahigpit na halos mabalian na siya nang buto sa leeg. Unti-unti naring umaagos ang dugo niya sa mata niya, sa ilong at maging sa tainga. Hindi kasi niya inaakala na ganoon pala ang gagawin ni Daven sa kanya na pahirapan pa siya ng todo. Kahit ninanais niyang mapatay sa kamay ni Daven ay nagawa naman siyang manlaban dahil hindi kasi ganoon ang pamamaraan ang gusto niya.

"An-o bang gina-gawa mo!?"tanong ni Einar habang pilit niyang magsalita. "Hindi sa ganitong pamamaraan gusto kong mamatay!"reklamo ni Einar.

Pilit naman siyang sinakal nang mahigpit ni Daven hanggang sa nabali na ang kanyang leeg. Nagawa naman siyang makagapang nang siyang makahiga sa lupa.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon