Chapter 1: Tropico Island

253 30 7
                                    

Tropico Island ang tawag sa islang tinitirhan ni Daven na kung saa'y may maliit lang na populasyon na hindi aabot sa isang-libo tapos tanging pangingisda lang ang pamumuhay. Kahit masasabi mong maliit lang ang kanilang isla ay payapa naman silang naninirahan at sagana sila sa mga pagkain.

Naglalaro naman ng habulan sa baybayin ang mga batang sina Aniel, Niela, Jack, Chit at Clood na parehong nasa edad labing-anim. Nakasanayan na kasi nilang maglaro maghapon sa baybayin tuwing wala silang mga ginagawa.

Sa kanilang paglalaro ay bigla namang nagalit si Niela nang makita niyang pinuntirya ni Jack si Aniel ang kakambal niyang mahinhin tumakbo.

"Jack, ano ka ba naman! Bakit si Aniel ang lagi mong pinupuntirya?"pagalit na sinabi ni Niela kasabay pagtanggol sa kambal niyang si Aniel.

"Pasensya ka na Niela, ganoon lang talaga ang buhay, para hindi ka mapagod sa pagtakbo ay puntiryahin mo ang mas mahina pa sa iyo"paliwanag ni Jack habang siya'y tumatawa.

"Tumahimik ka Jack, ikaw pa ang isa sa mga lalaki dito sa laro natin tapos duwag ka pa"painsultong sabi ni Niela habang patuloy niyang pinagtatangol ang kambal niyang si Aniel.

Umabot naman sa bangayan sina Jack at Niela kaya agad naputol ang larong habulan nila. Habang nag-aaway sina Jack at Niela ay bigla namang nagsalita ang mahinhin na si Aniel para putulin ang pag-aaway.

"Ate! Ayus lang ako! Hindi mo naman na kailangan na ipagtanggol ako!"lakas na sinabi ni Aniel.

Nabigla naman si Niela sa kanyang kambal dahil sa pagsalita nito tungkol sa hindi na pag-aalala sa kanya. Si Aniel kasi ay madaling matakot, walang lakas ng loob, madaling kabahan at mahinhin kumilos habang si Niela nama'y kabaliktaran kay Aniel.

"Aniel, ano bang pinagsasabi mo!? Nag-aalala lang ako sa iyo sa Aniel"pabiglang sabi ni Niela.

"Kaya nga ate! Kaya ko naman ang sarili ko"bigkas ni Aniel habang sinusubukan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Napatawa naman bigla si Jack kay Aniel dahil para kasi itong batang musmus na ngayon palang titindig sa sarili nitong mga paa.

"Aniel, malaki kana! Hindi ka na bata! Dalagang-dalaga ka na kaya hindi ka na dapat nagtitiwala sa ate-ate mo"patawa ni Jack na parang iniinsulto niya si Aniel.

"Kaya sinasabi ko nga na kaya ko na ang sarili ko"bigkas ni Aniel kay Jack.

"Sige nga Aniel, hahamunin kita! Kapag nahabol mo ako ay hindi na kita iinsultuhin pa"pahamon ni Jack.

Agad namang napatitig si Aniel kay Jack nang seryuso dahil sa paghamon nito.

"Jack, kaya kitang mahabol"sabi ni Aniel habang sinimulan na niyang tumakbo.

Hindi naman kahinaan nang tumakbo si Aniel subalit hindi parin niya nahahabol si Jack. Mukhang ilang metro na ang pagitan nilang dalawa at tumatawa pa si Jack sabay pag-iinsulto kay Aniel.

"Aniel, hanggang ngayon batang-bata ka parin!"sigaw ni Jack.

"Hindi na ako bata Jack!"sigaw din ni Aniel.

"Aniel, di mo parin maiitanggi na ikaw ay bata parin"patuloy na sigaw ni Jack.

Hindi naman sumuko sa pagtatakbo si Aniel, muntikan pa nga siyang madapa dahil sa isang bato sa dalampasigan sapgkat nagawa parin niyang magpatuloy sa pagtakbo. Habang patuloy na tumatawa si Jack ay nagulat naman siya nang makita niya si Aniel na agad nakahawak sa likod niya.

"Aniel, ang daya mo! Gumamit ka ng kapangyarihan!"pabiglang reklamo ni Jack.

Napatahimik naman si Aniel dahil totoo naman ang sinasabi ni Jack na gumamit siya nang kapangyarihan para mahabol lang si Jack.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon