Chapter 68: The Return of Glak

41 11 2
                                    

Hindi na napigilan ng Nerium ang pagbuga ng mga lilang usok kaya sina Ian, Jack at Varien ay pareho ng nakatulog sa lupa, walang ligtas na nakahandusay sa lupa. Napansin naman ni Niela ang unti-unting pagbuga ng mga lilang usok kaya dahan-dahan siyang gumagapang palabas sa tinataguan niya at hindi niya mapigilang mabigla nang makita niya ang  tatlo.

“JACK! VARIEN! IAN!”sigaw niya. Patuloy naman siyang gumagapang na nagbabakasaling matulungan niya ang tatlo.

Hindi naman kinayanan nang kanyang katawan ang pagod kaya hindi na niya magawang makalapit pa at tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.

“Pasensya na talaga sa inyo, hindi ko na talaga kaya”pahingi ng tawad ni Niela habang naluluha siyang nakahiga.

Samantala sa bayan, nabigla naman si Clood nang agad siyang makagising sa hinihigaan niya. Hingal na hingal siya habang naalala niya ang pakikipaglaban niya kay Aniya na kung saa’y napatumba siya nito.

“Saan na siya?”tanong ni Clood habang pinagmamasdan niya ang paligid subalit isang kwarto ang tumambad sa kanya.

Nagising naman si Aniel sa na natutulog nang mahimbing sa kama niya.

“Clood, mabuti naman at nakagising ka na, nag-alala kami sa iyo”sabi ni Aniel habang siya’y nasiyahan kay Clood.

“Aniel yong mga taong sumalakay dito, saan na sila?”tanong ni Clood habang siya’y nag-aalala doon.

“Clood, tapos na ang laban kaya wala ka ng aalahanin pa”paliwanag ni Aniel na kung saan ay nalinawan si Clood.

Sinubukan namang tumayo ni Clood pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad palabas nang kwartong tinutuluyan niya. Gabi na nang makalabas si Clood kaya agad niyang pinagmasdan ang buwan, ang maliwanag na buwan na katabing kumikinang sa mga bituin.

“Clood, gabi pa naman pwede ka pa namang magpahinga”sabi ni Aniel.

 “Gumagaling na yong mga sugat ko Aniel at bumabalik narin ang lakas ko, kaya hindi ko na kailangan ng pahinga”sabi ni Clood habang patuloy siyang nagmamasid sa buwan.

“Pero Clood, kailangan mo paring magpahinga, hindi ka pa siguradong gumagaling”sabi ni Aniel habang patuloy pinipilit niya itong magpahinga.

Hindi parin sumusunod si Clood kaya patuloy parin siyang nakatayo doon. Sa patuloy na pagmamasid niya ay agad niyang napansin sa sarili niya ang tahimik sa paligid, naiintindihan niyang natutulog ang mga tao pero ang mas inaalala niya ay ang ibang mga kasamahan niya. Napansin kasi niya na tanging si Aniel lang ang nandoon at miisa sa kanilang kasama ay hindi naroon.

“Aniel, tapatin mo ako, nasaan ang iba nating mga kasama”sabi ni Clood na agad namang ikinagulat ni Aniel.

Hindi naman agad sumagot si Aniel dahil ayaw niyang ipag-alam kay Clood ang tungkol sa pagbukas ng gate at ayaw rin niyang maging sinungaling kung hindi siya magsasabi ng totoo.

“Aniel, pakiusap lang sabihin mo sa akin, saan sila?”tanong ni Clood sa pangalawang pagkakataon.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon