Mag-isa namang pumunta sa magubat na parte si Daven, nagtatampo kasi siya dahil hindi siya pinasalamatan ng mga tao na kahit kasama naman siya sa pagtulong. Nalilito naman ang iba niyang kasamahan maliban lang kay Jack nang umalis na siya nang hindi nagpapaalam.
"Jack, saan ba pupunta si Daven?"tanong ni Miko habang siya'y nag-aalala kay Daven.
"Oo nga Jack, saan ba siya pupunta?"tanong din ni Ian.
"Siguro magpapakamatay lang yata si Daven"pabirong sagot ni Jack.
"Wag niyo nang isipin si Daven, alam niyo naman na puro lang kabaliwan ang laman ng utak ng taong iyon"paliwanag ni Niela.
"Wag niyo namang pagsalitaan ng ganyan si Daven, kasamahan natin siya kaya dapat nga tinutulungan natin siya"sabi ni Ian habang tinutulungan niya si Daven.
"Kung magsalita kayo parang kalaban ninyo si Daven"tugon ni Miko. "May galit ba kayo kay Daven?"tanong ni Miko kina Jack at Niela.
"Wala naman kaming galit sa kanya pero hindi ko kasi gusto yong ugali niya eh!"sagot ni Jack.
"Ako rin, minsan parang baliw na rin siya"dagdag ni Niela.
"Kung ganoon ang ugali niya intindihin niyo lang"paalala nina Miko at Ian.
Pagkatapos nilang nag-usap-usap ay kumilos na sila patungo sa magubat na bahagi ng isla na iba sa direksyon na pinuntahan ni Daven. Habang sila'y naglalakad ay nakasalubong naman nila ang dalawangpung mga pirata at isang slaunter.
"Hindi ko inaakalang may maglalakas loob palang pumunta sa islang ito sa kabila nang pagsalakay namin"tugon ni Sunset, isang slaunter na kasamahan ni Kingpord.
"Sino ka ba? Bakit sinalakay mo ang islang ito?"tanong ni Jack kay Sunset.
"Hindi ko sasabihin sa iyo kung bakit namin sinalakay ang islang ito"patawa ni Sunset kay Jack. "Patumbahin niyo na ang mga taong iyan"utos ni Sunset sa dalawangpung pirata.
Nang nagsilapitan na ang mga pirata ay agad namang ginamit ni Jack ang kanyang kapangyarihang bato para maharangan niya ang mga pirata. Sinundan naman ito nina Miko at Ian na pareho ring mga Rock user tulad ni Jack.
"Pareho pala kayong mga rock user"bigkas ni Sunset habang sinira niya ang malaking batong humaharang sa kanila sa pamamagitan lang ang paghawak nito.
Nabigla naman sila sa ipinakitang kakayahan ni Sunset marahil nagawa lang nitong masira ang mga batong kapangyarihan gamit lang ang kamay nito.
"Mukhang hindi yata ordinaryong magic user ang kalaban natin"sabi ni Jack.
"Sa tingin ko ang taong iyan ay isang Slaunter"salita ni Clood sa unang pagkakataon.
"Slaunter? yong tawag sa mga taong kumukuha ng Slate?"palinaw ni Niela.
"Oo Niela, kung idadagdag natin, mga malalakas ang kadalasan sa mga Slaunter marahil sanay na sila sa pakikipaglaban at patayan"paliwanag ni Clood.
"Kung ganoon Clood, mukhang magiging maganda ang labang ito"patawa ni Jack habang kinuha niya ang espada niya.
Pinangungunahan naman ni Sunset, isang fire user ang dalawangpung pirata kaya nang pinataatake ulit niya ito ay hindi na magawa ni Jack at nang kasamahan nito na pigilan sila. Napatawa nalang siya dahil sa isip niya'y mapapatay niya ang grupo ni Jack.
"Alam kong matitibay ang mga mahika niyong bato subalit wala naman yang mapapala sa laban"pahinang sabi ni Sunset na parang sinasabi niyang nanalo na siya sa laban.
Nagulat nalang siya nang biglang nagyelo ang lupang tinatapakan niya kaya madali siyang napaatras at nakita din niya na dahan-dahan ding nagyeyelo ang mga paa ng mga piratang kasamahan niya.
"Isang Ice user!"pagulat na bigkas ni Sunset.
"Akala mo siguro na pareho kaming mga rock user, nagkakamali ka sa hinala mo"patawang bigkas ni Jack habang inagbayan niya si Clood na siyang nagpayelo sa lupa.
"Mukhang minaliit ko yata ang mga kakayahan niyo"sabi ni Sunset habang hinanda niya ang malakas na apoy sa kamay niya. "Tingnan natin kung mapipigilan niyo ang pag-atake ko"bigkas ni Sunset habang mabilis siyang tumakbo palapit sa grupo ni Jack na sa kabila nang pagyeyelo ng lupa.
Mabilis namang ginamit ni Jack ang kanyang kapangyarihan upang harangan si Sunset subalit hindi iyon umubra tapos sinubukan naman din ni Clood na harangan din si Sunset gamit ang kanyang kapangyarihang yelo subalit hindi rin iyon umubra.
"Umilag kayo!"parehong sigaw nina Miko at Ian dahil natatakot kasi sila sa malakas na kapangyarihang taglay ni Sunset.
"Hindi niyo ako mapipigilan!"sigaw ni Sunset.
Iilag na sana sina Jack at Clood subalit nagawa namang mapigilan ni Niela ang nagbabagang apoy na kapangyarihan ni Sunset na may kasamang pagtawa.
"Anong hindi ka namin mapipigilan"patawang paalala ni Niela habang hinigop niya ang mga apoy ni Sunset tapos agad niya itong sinuntok nang malakas na malakas na napaatras nalang si Sunset.
Imbes magalit ay tumawa nalang din si Sunset dahil alam kasi niya ang sitwasyon niya ngayon na tanging siya lang ang slaunter na nakikipaglaban sa grupo ni Jack.
"Sabihin mo nga sa amin, bakit mo ba sinalakay ang islang ito?"tanong nila kay Sunset.
"Hindi ko alam, basta pumunta lang kami sa islang ito"tugon ni Sunset habang tumatawa.
"Saan na ang ibang kasamahan mo?"tanong ni Niela.
"Syempre tumakas na sila, ano pa ba ang gagawin nila rito sa islang ito, alam kasi nila na may mga malalakas na taong pumunta dito kaya hindi na sila nagdadalawang isip na tumakas"paliwanag ni Sunset pero kahit hindi naman iyon ang katutunahanan.
"Kung tumakas na sila, ano pa ba ang ginagawa mo rito?"tanong ni Jack kay Sunset.
"Syempre, naglalaan ng mga oras para hindi sila mahabol"patawa ni Sunset. "Kaya kung mapapatay man niyo ako ngayon, wala paring silbi ang pagliligtas niyo marahil hindi niyo kami naubos, tapos darating din ang panahon na magbabalik sila para kayo naman ang patumbahin"paliwanag ni Sunset habang patuloy siyang tumatawa.
"Papatumbahin? Kailanma'y hindi ako matatakot!"patawang bigkas ni Jack na parang sinasabayan niya ang pagtawa ni Sunset.
"Kailanma'y hindi ako nagbibiro sa mga sinasabi ko, alam kong magbabalik sila para patumbahin kayo"tugon ni Sunset na bigla siyang napaseryuso.
"Ano ba ang naging atraso namin sa inyo?"tanong ni Jack kay Sunset.
"Syempre ang pagtulong niyo sa mga tao sa islang ito at pagpigil sa amin"sagot ni Sunset.
"Yon lang!? kaya nga pipigilan ka namin dahil kayo ay mga masasamang tao"tugon ni Niela habang ginamit niya ang kapangyarihang apoy niya kay Sunset.
Dahil sa pag-atake ni Niela ay mabilis namang tumakas si Sunset subalit pinigilan naman siya nina Miko at Ian sa pamamaraan nang pagharang nila nang malalaking bato sa daanan niya.
Mabilis namang sinira ni Sunset ang malaking batong humaharang sa kanya kaya muli na naman siyang napatakbo subalit hindi naman naging madali ang pagtakas niya dahil mabilis namang lumapit sina Jack at Clood.
"Hindi namin hahayaang makatakas ka!"sigaw ni Jack habang sinuntok niya nang malakas si Sunset.
Nang napatumba si Sunset ay mabilis namang niyelo ni Clood ang mga paa ni Sunset upang hindi ito makatakas tulad ng mga ginawa nila sa mga pirata.
"Hindi ka na makakatakas pa kaya sabihin muna sa amin kung bakit niyo sinalakay ang islang ito"tugon ni Jack habang itinutok niya ang espada niya sa leeg ni Sunset.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, sa ibang direksyon naman ng gubat na siyang pinuntahan ni Daven nang mag-isa ay bigla namang nagsilabasan ang sampung pirata na kasama ang limang Slaunter na sina Lala, Zaq, Felo, Haniel at lider nilang si Kingpord.
Napatawa nalang si Kingpord nang makita niya ang pagdating ni Daven ang nararamdaman nila kanina na may malakas na enerhiya.
"Isang bata!?"pabiglang sigaw ni Kingpord kay Daven. "Inaasahan ko pa naman na marami kaming makakalaban, isang bubwit lang pala"bigkas ni Kingpord habang siya'y nakatitig kay Daven.
"Hindi ko na pinapunta ang mga kasamahan ko dahil alam kong mapapahamak lang sila"sagot ni Daven.
Sa katunayan lang ay nagtampo-tampohan lang si Daven para maisip ng mga kasamahan niya na hindi siya sasama sa kanila at para hindi din sila sasama sa kanya. Alam kasi ni Daven na naroon sa direksyong pinuntahan niya ang mga kalaban dahil sa naramdaman din niya ang mga malalakas at mararaming enerhiyang namumuo doon,
"Ang talino mo talagang bata ka! Gusto mo lang yata kaming labanan nang mag-isa"tugon ni Haniel habang pinupuri niya si Daven. "Pero hindi mangyayari iyan sapagkat ako lang ang makakalaban mo"bigkas ni Haniel habang umabante siya sa tinatayuan niya sabay bunot ng espada niya.
Hindi naman nagpatagal si Haniel kaya mabilis na niyang inatake si Daven habang hindi pa ito nakahanda. Isa namang Fire user si Haniel kaya ang espada niya ay pinaapoy niya nang malakas. Hindi naman inaakala ng lahat na matatamaan ni Haniel si Daven subalit hindi naman gaanong natablan si Daven.
"Ang tibay pala ng batang ito"pahinang sabi ni Haniel habang siya'y napatingin kay Daven.
Umatake ulit si Haniel kay Daven at paulit-ulit niyang tinatamaan si Daven, nasusunog na nga ang damit nito dahil sa mga apoy niya subalit hindi parin napapatumba si Daven.
Nagalit naman si Kingpord dahil parang sinasayang lang nito ang mga oras nila kaya hindi narin siya nag-alinlangan na atakehin si Daven na sa sobrang lakas ay napaatras nalang ito.
"Bata! Hindi na kami magtatagal rito dahil alam naming papunta na ang mga kasamahan mo"sabi ni Kingpord kay Daven.
"Mga duwag pala kayo eh! hindi pa nga ako umaatake, umaatras na kayo"painsultong sabi ni Daven sa kanila.
"Gusto mo talaga kaming labanan!? Bata kailanma'y hindi ka mananalo"paalala ni Kingpord. "Mamamatay ka lang!"dagdag ni Kingpord.
Agad namang inutusan ni Kingpord ang mga pirata nilang kasamahan na tapusin si Daven subalit hindi naman nila ito natapos dahil sa pabiglang umatake si Daven na sa sobrang lakas ay napatumba nalang ang mga pirata at napaatras naman ang mga Slaunter.
"Duwag kayo!"painsultong sigaw ni Daven sa grupo ni Kingpord.
Nagalit naman sila kay Daven kaya sabay-sabay silang lima na umatake kay Daven. Hindi naman nagawang mapigilan ni Daven ang mga kapangyarihan ng mga kalaban niya kaya napaluhod nalang siya sa lupa pagkatapos ng mga sunod-sunod na pag-atake sa kanya.
"Bata! Wag mo kaming susubukan dahil mas marami pa kami kaysa sa iyo"paalala ni Kingpord kay Daven.
"Alam naming malakas ka pero kahit gaano ka pa kalakas ay kailanma'y hindi ka mananalo nang mag-isa habang ang kalaban mo'y mas marami pa kaysa sa iyo, kaya tandaan mo iyan"paalala ni Haniel kay Daven.
Aalis na sana sila kaso agad silang napahinto nang maramdaman nila sa kanilang likuran ang lalo pang lumalakas na enerhiya na nagmumula kay Daven. Ang paglabas ng mga enerhiya ni Daven ay naramdaman naman ni Sunset na sa panahong iyon ay binubugbug siya ng grupo ni Jack.
"Isang malakas na enerhiya!?"bulong ni Sunset. "Mukhang ako lang yata ang nakaramdam nang enerhiyang iyon"bulong ulit ni Sunset habang pinagmamasdan niya ang grupo ni Jack na abala sa pagtatanong sa kanya.
Tanging ang mga kasamahan lang ni Kingpord ang nakaramdam sa enerhiya ni Daven kaya ang nakahigang si Sunset na ang mga paa nito'y nakayelo ay mabilis niyang tinunaw gamit ang kanyang kapangyarihang apoy upang umalis.
Pinigilan naman nina Miko at Ian si Sunset subalit hindi na nila ito nahabol pa dahil sa sinunog ni Sunset ang buong kagubatan. Nagawa namang matanggal ni Clood ang mga umaapoy sa kagubatan pero hindi na nila magawang makita pa si Sunset.
"Alam kong umalis na rin ang taong iyon kasama ang iba pa niyang kasamahan"sabi ni Niela.
"Kung alam ko lang na tatakas siya ay sana pinatumba na natin siya"bigkas ni Jack habang siya'y nagagalit sa sarili niya.
"Sa susunod na pagkakataon nalang Jack, marami pa namang panahon at makakapaghiganti rin tayo sa kanila"tugon ni Miko.
Samantala, hindi naman alam nina Jack at nang mga kasamahan niya na nakikipaglaban lang pala sa ibang mga Slaunter si Daven. Sa ngayon ay mabilis naman nagsi-atrasan ang mga kalaban ni Daven dahil sa natatakot na sila sa kanya.
"Tumakbo na kayo patungo sa barko, aalis na tayo!"sigaw ni Kingpord habang minamadali niya ang mga kasamahan niya.
Habang sila'y tumatakbo ay bigla namang umatake si Daven nang mabilis na mabilis na hindi naman tumama sa mga Slaunter.
"Mabuti't walang tumama sa mga kasamahan ko"bigkas ni Kingpord sa sarili niya habang nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Nagtataka naman si Kingpord dahil hindi pa kasi nakakarating ang mga kasamahan niyang pirata.
"Bakit ang tagal nila?"tanong ni Kingpord habang tumingin siya sa likuran niya.
Nabigla nalang siya nang makita niyang parehong patay na ang mga kasamahan niyang pirata na inisip niyang pinatumba iyon ni Daven.
"Imposible! Sa isang atake lang ay nagawa na ng batang iyan na mapatay ang mga kasamahan ko"bulong ni Kingpord na may kasabay na gulat.
Habang tulalang pinagmasdan ni Kingpord ang mga kasamahan niya ay hindi niya napansin na pinuntirya na pala siya ni Daven. Huli na nang mapansin niya nang makita niya na nakatakbo na si Daven palapit sa kanya.
"Ay! Naloko na!"bigkas ni Kingpord habang sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya.
Kahit alam niyang hindi niya mapipigilan si Daven ay wala naman siyang natitirang paraan upang pigilan si Daven. Masuwerte naman na mabilis nakararing si Sunset kaya nagawa niyang mailigtas ang lider nilang si Kingpord.
Naitusok naman ni Daven ang kamay niya sa tiyan ni Sunset kaya habang si Daven ay hindi pa makakaatake ay bigla namang siyang sinuntok ni Kingpord nang malakas na dahilan nang pagtapon niya sa malayo pabalik sa pinanggalingan niya sa gubat.
Dahil doon ay mabilis namang nakatakas ang anim na Slaunter sa barko, tanging si Sunset lang ang sugatan sa kanilang grupo dahil sa pagsuntok nang malakas ni Daven gamit ang kamay niya.
Samantala, napatawa nalang si Daven nang makita niyang nakaalis na ang grupo ni Kingpord.
"Mga duwag pala kayo"patawang bigkas ni Daven habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang nagdudugong kamay niya na mula kay Sunset.
[SLATE-tionary:
Kingpord: Rock User
Sunset: Fire User
Haniel: Fire User
Lala: Wind User
Zaq: Ice User
Felo: Water User]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...