Matapos ang dalawang araw na paglalayag nila sa karagatan ay nakarating narin sa baybayin ng Ciangima ang barko ni Jack. Wala man sa plano nila ang pumunta doon sa lugar na iyon ay naging masaya naman si Chit marahil masasagutan na niya ang lahat ng mga katanungan sa sarili niya.
“Jack, sigurado ka ba talaga kayo? Kailangan pa natin na magpalipas ng mga araw dito?”palinaw ni Chit kay Jack.
“Syempre naman Chit, mga ilang linggo na tayong nasa karagatan, tapos marami pa tayong nakakaharap na problema, siguro ito na yong panahon na magpahinga muna tayo sa paglalakbay sa karagatan”paliwanag ni Chit.
Hindi lang si Chit ang nagulat kundi ang iba pa niyang kasamahan ay nagulat din dahil sa sinabi ni Jack tungkol sa pagpapahinga.
“Jack, sigurado ka ba sa sinasabi mo?”palinaw din ni Niela.
“Oo Niela, kaya kung gusto niyo mang matutu o magpalakas muna sa lugar na ito ay gawin niyo na”tugon ni Jack sa kanila.
“Jack, mga ilang araw tayong mananatili sa lugar na ito?”tanong ni Clood.
“Siguro isang linggo, kaya paalala ko lang sa inyo, huwag kayong magpapatagal tapos mag-ingat din kayo, alam niyo naman ang lugar na ito kilala dahil sa maraming mga mangkukulam”paliwanag ni Jack.
Matapos ang paliwanag ni Jack ay nagsisibabaan na sina Niela, Aniel, Clood at Chit sa baybayin, samantalang naiwan naman sa barko sina Jack, Miko, Ian at Daven. Magbabantay at mananatili naman sa barko sina Miko at Ian habang matutulog lang buong araw si Daven sa bubungan ng barko.
Pinansin naman ni Ian si Daven na natutulog.
“Daven, yong ibang kasamahan natin ay umalis na, magpapaiwan ka ba rito sa barko?”tanong ni Ian kay Daven.
“Ian, dito muna ako mananatili, nakakapagod kasi maglakad”sagot ni Daven.
“Nakakapagod nga kaso paano mo naman masasanay ang katawan mo, eh buong araw kang nakahiga diyan”paalala ni Ian.
“Sadyang kinahiligan ko na talaga ang matulog Ian kaya hindi muna ako aalis rito!”sigaw ni Daven.
“Bahala ka diyan Daven, aalis muna kami para maghanap nang makakain!”sigaw nina Ian at Miko sabay baba ng barko.
Sumunod namang umalis si Jack dahil nakita kasi niyang naroon pa si Daven na siyang magbabantay muna doon sa barko. Tanging si Daven nalang ang natira sa barko at patuloy lang siya sa paghihiga.
Kung tutuusin ay hindi talaga gusto ni Daven ang magpa-iwan sa barko dahil isa sa mga gustong gawin niya ang maglakbay sa isang lugar na hindi niya napupuntahan subalit nagawa lang niyang magpa-iwan dahil sa may bisita siyang naghihintay sa kanya.
Bumaba naman si Daven nang makalayo-layo na si Jack tapos isa-isa niyang itinuturo ang mga puno.na alam niyang may mga taong nagtatago doon, mga malalakas na tao na siyang nag-aabang sa kanya.
“HUWAG NA KAYONG MAGTAGO! ALAM KO NA KUNG NASAN KAYO!”sigaw ni Daven.
Agad namang lumabas sina Lala, Haniel at Felo sa punong pinagtataguan nila.
“Bata! Hindi ko inaakala na naghihintay ka pala sa amin”tugon ni Lala, isang babaeng kasamahan ni Kingpord.
“Syempre, mga bisita ko kasi kayo”pangiting sagot ni Daven.
“Bata! Hindi ko parin malilimutan ang huling ginawa mo kay Sunset”sabi ni Lala habang hinanda niya sa kamay niya ang kapangyarihan niyang hangin.
“Sunset? Sinong sunset ang tinutukoy mo?”tanong ni Daven, nalilito kasi siya dahil hindi niya kilala ang tinutukoy nilang Sunset.
“Bata! Siya lang naman yong pinatumba mo gamit ang pagtusok nang kamay mo sa tiyan niya”paalala ni Haniel.
Inisip naman ni Daven ang sinabi ni Haniel, makakalimutin kasi siya minsan dahil sa hindi niya pinapakialam yong mga bagay-bagay na nangyayari.
“Bata! Hindi mo ba natatandaan? Yong pinatumba mong tao, yong itinusok mo ang kamay mo sa tiyan niya”paalala ni Haniel.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay naalala naman ni Daven kung ano ang tinutukoy nila.
“Sunset pala ang pangalan ng taong iyon!”bigkas ni Daven. “Kapatid ba niya si Sunrise?”pabirong tanong ni Daven.
Nainsulto naman sina Lala, Haniel at Felo dahil sa biro ni Daven kay Sunset kaya dahil doon ay sabay-sabay nilang inatake ang mag-isang si Daven. Alam nilang mga malalakas silang tatlo dahil pareho silang mga Slaunter (Slate Hunter) at sanay na sila sa mga patayan at labanan kaya malaki ang tiwala nila sa sarili na mapapatay talaga nila si Daven sa isang atake lang nila.
Walang malay namang nakatayo si Daven na akala ng mga kalaban niya ay tanga siya pero nagawa naman niyang pigilan ang atake ng tatlo gamit ang mga kamay niya na pisikal niyang pinigilan kahit mahika pa ang mga iyon.
Hindi naman makapaniwala sina Lala, Haniel at Felo nang makita nilang napigilan ni Daven ang mga mahika nila gamit ang kamay ni Daven.
“Paano nangyari iyon? Paano niya napigilan ang mahika natin?”tanong ni Felo sa dalawa niyang kasamahan.
“Mukhang hindi ordinaryong tao ang batang iyan”bigkas ni Haniel habang nakatitig siya kay Daven.
“Anong hindi ordinaryo, simpleng bata lang ako ah!”reaksyon ni Daven sa mga salita ni Haniel.
Hindi naman sumuko si Lala kaya patuloy parin niyang inaatake si Daven gamit ang mahika niyang hangin. Hindi naman naghihiganti si Daven kaya napapa-atras nalang siya sa tuwing sinusuntok siya nang mabilis ni Lala.
“Hinding-hindi kita titigilan, hangga’t hindi ko naipaghihiganti si Sunset!”sigaw ni Lala habang patuloy niyang inaatake si Daven.
Napabilid naman sina Haniel at Felo kay Lala kaya hindi rin sila nagpahuli, pareho din silang lumaban kay Daven.
Lalong tumatagal ay hindi naman nakakayanan ni Daven ang mga mahika nang tatlo niyang kalaban dahil lalo itong lumalakas kaya hindi niya maiiwasan na magalusan dahil doon.
Muntik pang mahiwa ang tiyan ni Daven kung hindi siya nakailag nang inihampas ni Lala ang matutulis niyang hangin.
“Muntik na ako doon ah!”reaksyon ni Daven sa mahika ni Lala.
“Bata! Hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapatay!”sigaw ulit ni Lala habang inahampas niya ulit ang matulis niyang hangin kay Daven.
Sineryuso naman ni Daven ang laban kaya mabilis siyang nakailag sa mahika at mabilis din niyang nilapitan nang harap-harapan si Lala. Nagulat nalang si Lala dahil sa pabiglang pagsulpot ni Daven sa harap niya.
“Kung hindi ka lang babae ay matagal na sana kitang pinugutan ng ulo!”paalala ni Daven habang nakatutuk ang kamay niya sa leeg ni Lala.
Nakita naman nina Haniel at Felo ang naging sitwasyon ni Lala kaya mabilis din nilang iniligtas si Lala sa pamamagitan ng paglapit nila kay Daven.
“Hindi mo mapapatay si Lala!”pareho nilang sigaw kay Daven.
Sinunog naman ni Haniel ang kaliwang braso ni Daven subalit nahiwa naman ni Daven ang leeg niya. Hindi naman kalaliman ang sugat pero kung hindi lang napigilan ng todo ni Felo ang pag-atake ni Daven ay siguradong mapuputulan siguro ng ulo si Haniel.
Dali-dali naman silang nagsitakbuhan nang mailigtas na nila si Lala sa kamay ni Daven. Wala namang plano si Daven na sundan ang tatlo kaya bumalik nalang siya sa barko para magpahinga.
Parang wala lang nangyari nang dumating sina Miko at Ian sa barko dahil nakita parin nilang natutulog si Daven sa bubungan ng barko nila. Napailing nalang sila habang pinagmamasdan nila si Daven sa itaas.
“Si Daven talaga, wala nang ibang plano sa buhay kundi ang matulog nalang”bigkas ni Miko.
“Hayaan mo nalang siya Miko, mas mabuting ganyan nalang si Daven para may makasama tayo dito sa barko”tugon ni Ian.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, magkasama naman sa pamamasyal sina Niela, Aniel, Clood at Chit sa gitnang bayan ng Ciangima. Marami naman silang nakikitang mga pamilihan tulad ng mga karne, mga prutas o gulay, mga materyales at mga palamuti sa katawan.
“Halina na kayo! Bagsak presyo dito!”sigaw ng isang tindero.
“Kung gusto niyong lumakas ang kapangyarihan niyo, marami akong gamit dito”sigaw din ng isang tindera.
Bawat gilid-gilid ay may mga pamilihan kaya na-eenganyo ang mga taong bumibisita sa lugar dahil sa marami silang makikita. Marami namang mga turista ang pumupunta doon kaya ang kanilang kabuhayan doon ay masasabi mong sagana.
Pumunta naman sina Niela at Aniel sa pamilihan ng mga alahas samantalang pumunta naman si Clood sa pamilihan ng mga sandata. Nagkawatak-watak naman silang apat sapagkat si Chit ay na-enganyo na manood ng isang palabas sa isang pwesto.
Hindi alam ni Chit ay pinagplanuhan na pala siyang dukutin ng isang grupo nang walang nakakakilala. Nagsisimbolo naman ang bawat miyembro ng grupo para simulan na ang pagdukot kay Chit.
Nakita naman ni Jack si Chit na nanonood nang isang palabas tapos namalayan din niya ang mga taong nakapalibot sa paligid ni Chit.
“Bakit masama ang kutob ko sa mga taong iyon”bulong ni Jack habang pinagmamasdan ang mga taong pumapaligid kay Chit.
Agad namang nagkagulo ang lahat nang biglang dinukot ng iilang mga tao si Chit kaya doon na pumigil si Jack. Gagamitin na sana ni Jack ang kanyang mahikang bato subalit hindi naman lumabas sa kamay niya ang mahika.
“Bakit hindi ko nagamit ang mahika ko?”alala ni Jack sa sarili niya.
Mabilis naman ang pangyayari kaya tagumpay ang grupo na dukutin si Chit. Hindi naman makapaniwala sina Niela, Aniel at Clood nang malaman nila na Chit pala ang nadukot.
“Clood, hindi mo ba kasama si Chit kanina?”tanong ni Niela kay Clood.
“Akala ko kasama niyo”sabi ni Clood.
“Ate, ano na ang gagawin natin ngayon?”tanong ni Aniel kay Niela.
Lumapit naman sa kanilang tatlo si Jack tapos isinabi naman niya ang tungkol sa hindi niya paggamit ng mahika.
“Matutulungan ko na sana si Chit kaso hindi ko kasi magamit yong mahika ko”tugon ni Jack.
“Ano ang ibig mong sabihin Jack?”tanong ni Niela.
“Hindi ko alam Niela, gagamit sana ako nang mahika kaso hindi talaga mailabas sa kamay ko”tugon ni Jack.
“Paano naman mangyayari iyon, posible bang mangyari iyon sa tao”sabi ni Clood.
Habang sila’y nag-uusap ay dumating naman ang isang lalaki na naninirahan doon sa gitnang bayan.
“Bata, siguro magic barrier ang tinutukoy mo kung bakit hindi mo magagamit ang mahika mo”tugon ng lalaki sa pag-uusap nina Jack.
“Magic Barrier?”palinaw nina Jack at Niela sa lalaki.
“Oo, magic barrier isa yang enerhiya sa paligid na kung saa’y humaharang sa mga enerhiya ng mga tao para hindi nila magamit ang kanilang mga mahika”paliwanag ng lalaki.
“Posible pala ang bagay na iyon”sabi ni Aniel.
“Iha, posibleng-posible, alam mo naman ang bansang ito ay sagana sa mahika kaya nga tinaguriang itong magic land, isa sa mga naimbento nila ay ang magic barrier para may panlaban sila kapag nakipaglaban sila sa mga malalakas na magic user”paliwanag ng lalaki.
“Kuya, may alam ba kayo sa grupong nandukot sa kasamahan namin?”tanong ni Jack.
“May nalalaman akong impormasyon tungkol sa grupong iyon kaso hindi karamihan”sagot ng lalaki. “Naniniwala ako na ang grupong iyon ay grupo ng mga kulto, sila yong kumukuha ng mga tao para pag-eksperementuhan nila”paliwanag ng lalaki.
“May nalalaman ka ba kung saan namin matatagpuan ang grupong iyon”sabi ni Jack.
“Matatagpuan? Mapapatay lang kayo kung pupuntahan niyo ang grupong iyon”tugon ng lalaki.
“Wala na kaming natitirang paraan kundi ang puntahan ang grupong iyon, kung hahayaan lang namin ang kasamahan namin ay baka mapapatay lang siya”lakas-loob na sinabi ni Jack.
“Kung gusto niyo talagang makapunta doon, may natatangi akong plano pero hindi ko ipagkakatiwala na gagana ang planong iyon, tutulungan ko lang kayo”sabi ng lalaki. “Kung papayag kayo”sabi ng lalaki sa kanila.
Nagtinginan naman silang apat kaya kahit ikakapahamak pa nila ang gagawin nila ay pumayag naman sila.
“Alang-alang po sa kasamahan namin, papayag kami”sabi nilang apat.
“Mabuti naman kung ganoon”tugon ng lalaki habang pinuri niya ang mga ito. “Ako nga pala si Lovi”pakilala ng lalaki.
Dahil sa nagpakilala si Lovi ay nagpakilala naman sina Niela, Aniel, Clood at Jack.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nagulat nalang si Chit nang magkamalay siya at nakita niya ang sitwasyon niya. Hindi naman siya itinali, hindi naman siya ikinulong bagamat nakatayo lang siya sa gitna nang maraming tao.
“Ano bang nangyari?”tanong niya matapos niyang magising.
Hindi na kasi niya natatandaan ang huling nangyari sa kanya nang dinukot siya ng isang grupo ng kulto.
Habang siya’y nakatitig sa mga tao ay kinabahan naman siya nang makita niya ang isang babaeng lumapit sa kanya na parang may gagawin itong masama sa kanya. Akala niya’y papatayin siya nito subalit nakipag-usap lang ito sa kanya.
“Iha, ikaw ang magiging prinsesa sa palasyo ng Ciangima ayon sa propesiya”bigkas ng babae na ikinagulat niya.
“Prinsesa?”pagulat na reaskyon ni Chit.
Ang palasyo ng Ciangima ang tinuturing na pinakamataas na antas sa Ciangima na kung saa’y matatagpuan doon ang mga sikat at malalakas na magic user.
[SLATE-tionary: Magic Barrier ang tawag sa enerhiya na kung saa’y pumipigil sa mga tao na gumamit ng kapangyarihan. Maraming pamamaraan nang paglikha ng Magic Barrier, isa na doon ang pag-aaral sa daloy ng mahika sa katawan o paglikha gamit ang siyensya.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...