Samantala, mga ilang oras pa ang nakakaraan sa karagatan ng bayan ng Pendra ay nakaramdam naman ng masama si Varien habang siya’y nagluluto ng pagkain sa kusina. Sa hindi kasi inaasahan ay agad ring nahulog ang baso na mula sa mesa kahit hindi naman niya inaano. Dahil sa pagkabasag ng baso ay nagsilapitan naman sina Niela at Jack para alamin kung ano ang nagyari sa loob ng kusina.
“Varien, may problema ba?”tanong ni Jack habang siya’y nag-aalala.
“Hindi ko alam Jack pero may masama akong nararamdaman ngayon”sagot ni Varien habang siya’y napaupo nalang.
“Varien, resulta lang yan sa pag-iisip mo sa mga kasamahan natin, huwag kang mag-aalala, walang mangyayaring masama sa kanila”tugon ni Niela.
“Hindi tayo sigurado Niela, mga delikadong daraanan ang lalakbayin pa nila tapos mga malalakas pa na kalaban ang haharapin nila”alala ni Varien.
“Varien, alam naman nating may pagkakataon silang mapapahamak subalit wala naman tayong magagawa kaya magtiwala nalang tayo sa kanila”paliwanang ni Jack habang siya’y naiinis sa kanyang sarili kung bakit hindi siya sumama sa paglalakbay ni Clood.
Nag-aalala naman bigla si Niela sa kapatid niyang si Aniel.
“Aniel sana ayus lang ang lagay niyo ngayon”alala ni Niela.
Nag-aalala naman sila ng tuluyan habang ang hindi nila alam ay napahamak na ang iba nilang kasamahan at tanging sina Daven at Rura nalang ang may malay na nakikipaglaban kay Golith.
Samantala, gulat na gulat naman si Golith nang makita niyang pinutulan siya ng kamay ni Daven at kasabay nito ang pagligtas kay Rura na nangyari lang sa isang iglap.
“Ang bilis!”bigkas ni Golith habang siya’y hindi makapaniwala sa nangyari. “Sino bang gago ang naglakas loob na hamunin ako sa laban”dagdag niya habang tumingin siya sa gilid niya na kung saa’y naroroon ang batang si Daven.
Agad namang pinagpahinga ni Daven si Rura sa isang ligtas na lugar.
“Rura, ano ba ang mga nangyari habang wala ako?”tanong ni Daven.
Tumulo naman ang luha ni Rura nang isa-isa niyang binibigkas ang mga sasabihin niya.
“Daven, nawala na ang isa niyong kasamahan.. si Miko wala na siya..”sabi niya habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya. “Tapos sina Clood, Aniel at Ian ay naniniwala akong naroroon sila na natabunan ng mga gumuhong semento..”dagdag niya habang isa-isa niyang itinuturo ang mga kinaroroonan ng tatlo at kay Miko.
“Salamat Rura, magpahinga ka muna rito, tatapusin ko muna ang taong iyan”sabi ni Daven habang naglakad siya paharap kay Golith.
“Daven!! Di mo siya matatalo!! Mapapahamak ka lang!”sigaw ni Rura habang siya’y nag-alala kay Daven.
“Huwag kang mag-alala Rura, kaya ko siyang patumbahin”pangiting sabi ni Daven.
Mabilis naman inatake si Daven kahit ang kalaban niya ang umaapoy na si Golith at hindi kasiguraduhan ang kahinatnan niya.
“Ang tapang mong bata ka!!”patawang sabi ni Golith habang hinarap si Daven.
Akala niya’y masusunog niya si Daven nagkalamali pala siya, sinipaan lang siya nito sabay ng takbo ng mabilis. Inulit naman ito ni Daven habang siya’y tumatakbo palayo at inulit niya ito sa pang-apat na pagkakataon hanggang sa nagalit si Golith sa pinaggagawa niya marahil para kasing pinaglalaruan lang siya nito.
“Bata, mukhang ginagago mo lang yata ako sa pinaggagawa mo”sabi ni Golith pero nang makita niya ang pinagggawa ni Daven ay doon na siya nagalit. “Kaya pala lumalayo ka sa akin marahil gusto mong sagipin ang mga kasamahan mo”bigkas ni Golith habang namangha siya kay Daven.
“Syempre, uunahin ko muna yong kasamahan ko bago ang kalaban ko”paalala ni Daven habang huli niyang binuhat si Clood na walang malay patungo sa ligtas na lugar.
“Nakakabilid kang bata ka!! Subalit katapusan mo na ngayon”sigaw ni Golith habang siya naman ang umatake kay Daven gamit ang mga malalakas niyang apoy.
Napapikit naman si Rura marahil ang kapangyarihan ni Golith ay sa kanila tatama pero pinigilan lang ito ni Daven gamit rin ang kapangyarihan niyang hangin.
Hindi naman makapaniwala si Golith nang makita niyang napigilan ni Daven ang atake niya kahit gaano pa ito kalakas.
“Nagawa niyang mapigilan ang apoy ko sa ordinaryong kapangyarihan niya”sabi ni Golith.
“Bakit may espesyal ba sa kapangyarihan mo, mukhang magkatulad lang yata tayo ng lakas”paliwanag ni Daven.
“Bata, ito na ang pinakamalakas na anyo ko..”tugon ni Golith.
“Pinakamalakas muna na anyo iyan!? Hindi ko alam kung mahina ka lang o malakas lang ako”sabi ni Daven na parang iniinsulto niya si Golith.
Nagalit naman ng todo si Golith at umabot pa sa puntong pinasabog niya ulit ang buong istadyum sa pangalawang pagkakataon. Pero sa kabila pa ng mga pag-atake ni Golith ay hindi naman niya napapatumba si Daven o kahit ang ibang mga kasamahan nito. Kakaiba kasi ang kapangyarihan ni Daven na halos walang nakakapigil.
Paulit-ulit naman niyang pinapasabog ang buong istadyum pero bigo parin niyang mapatumba si Daven. Doon nga bumilid si Rura nang makita niyang malakas na bata pala si Daven.
“Daven, ang lakas mo pala”puri ni Rura kay Daven.
“Mahina lang siguro yong kalaban ko Rura, huwag ka namang magsalita ng ganyan”sagot ni Daven.
Umiba naman ang takbo ng laban ni Daven nang makita niya ang pagdating ng isa pang kalaban niya na kung saa’y ikinagulat ni Rura.
“Sunset”pabiglang bigkas ni Rura habang siya’y nagulat.
“Rura!! Hindi mo ako matatakasan”bigkas ni Sunset habang pademonyo siyang tumatawa sa harap ni Rura.
Hindi naman mailarawan sa mukha ni Sunset ang saya nang makita niya si Daven, ang matagal na niyang hinahanap.
“Nagkita narin tayo sa wakas Daven!!”bigkas ni Sunset habang mabilis niyang inatake si Daven.
Hindi naman kaagad nakailag si Daven dahil sa pisikilan siyang pinigilan ni Golith kaya ang natitirang paraan nalang niya ay pigilan ang pag-atake ni Sunset. Nasunog ang kaliwang-kamay ni Daven nang sinubukan niyang pigilan ang umaapoy na pag-atake ni Sunset.
Pero sa kabila nang pagtamo niya ng sunog sa balat ay hindi naman siya napatumba sa laban bagkus pinagtawanan lang niya ito. Todo alala naman si Rura kay Daven dahil sa naging dalawa na ang kalaban nito na parehong mga Fire user at malalakas.
“Daven, hindi mo sila kayang talunin! Pareho silang mga malalakas”alala ni Rura.
“Magtiwala ka lang sa akin Rura, hindi pa nga natatapos ang laban eh”pangiting tugon ni Daven.
Nang pinatuloy ni Daven ang laban ay nahihirapan naman siyang talunin ang dalawa dahil sa kondisyon ng kamay niya at dahil narin sa dalawa ang kalaban niya. Ang labang sisigurado sa panalo niya ay nabaliktad pa kaya nang masunog ang iba pang parte ng katawan niya ay doon na siya napahiga sa sahig.
Hindi naman makapaniwala si Rura nang makita si Daven na napatumba nalang sa lupa, natatandaan pa kasi niya ang mga sinabi nito na nagpalakas ng kanyang loob.
“Dapat may gawin ako, dapat matulungan ko si Daven...”bigkas ni Rura habang nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang magagawa. “Yong espada!! Yong espada nalang ang natitirang paraan para matalo ang dalawang iyan”pabiglang sabi ni Rura.
“Rura! Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi ko na papatayin kita”sabi ni Sunset na ikinagulat niya.
Dahil sa takot ay sinubukang tumakbo ni Rura pero madali siyang inabutan ni Sunset at sa isang iglap lang ay pinatumba siya nito. Sinunog ang kamay niya hanggang sa ito’y tuluyang naluto at natanggal. Dahil doon ay naputulan ng kamay si Rura.
Tiniis ni Rura ang sakit na nararamdaman niya na kahit putol ang isa niyang kamay ay sinusubukan parin niyang gumapang palapit sa espada ni Haring Arthur.
“Konting tiis nalang maaabot ko na ang espada”bigkas ni Rura habang tumutulo ang mga luha niya sa sakit.
Habang siya’y gumagapang ay agad naman niyang naalala ang buhay niya bago pa niya natagpuan si Clood sa barko. Sa katunayan ay hindi talaga siya isang tao ngayon na naninirahan sa mundo kundi isa lang siyang kaluluwa na tagapag-gabay kay Clood para ihatid ito sa esapda ni Haring Arthur.
Naaalala rin niya na isa lang pala siyang taga-silbi noon ni Haring Arthur na namatay dahil sa pakikipaglaban sa digmaan.
“Hindi talaga ako sa tao sa mundong ito, kaya pala ang huling naaalala ko lang ay nalunod ako sa karagatan upang makilala ako ni Clood”bigkas ni Rura habang siya’y natauhan.
Samantala, pinutulan naman siya nang dalawang paa ni Golith para hindi na siya makalapit sa espada.
“Tanging ako lang at si Clood ang makakahawak sa espada kaya hindi ako susuko hangga’t hindi ako nakakapaghiganti sa mga demonyong ito!!”sigaw ni Rura sa sobrang galit.
May natatangi pa siyang isang kamay na maghahawak sa espada na para talunin sina Golith at Sunset subalit pinutol na ito kaya ang imposible nang mangyari sa kanya ang paghawak sa espada.
Nagawa namang tumawa ni Rura sa kabila nang nararamdaman niyang poot at kawalan ng pag-asa.
“Mananaig na ang kasamaan”pahinang bigkas ni Rura habang dahan-dahang umiitim ang kanyang paningin.
Ipipikit na sana niya ang mata niya pero hindi naman iyon natuloy, sa katunayan nga’y nabigla siya nang makita niya ang pagtayo ni Daven at lalo pang ikinagulat niya ang paghawak nito sa espada ni Haring Arthur.
“Imposible, bakit niya nakuha ang espada, di ba hindi siya ang itinakda”bigkas ni Rura. “Paano nagawa ni Daven ang bagay na iyan?”tanong niya.
Humingi naman ng tawad si Daven kay Rura sa pangalawang pagkakataon marahil sa pagkahuli nito ng pagtayo at pagkilos.
“Rura, pasensya ulit nahuli ako, tinanggal ko pa kasi ang libag dito sa kamay ko”patawang bigkas ni Daven.
“Daven, nagawa mo pang magbiro sa sitwasyon natin, kaya tapusin mo na ang labang ito”utos ni Rura. “Daven, naniniwala akong matatalo mo sila!”tugon ni Rura habang payapa na siyang nakahiga.
Samantala, hindi naman sinayang ni Daven ang pagkakataon kaya ang dating masigla niyang mga mata noon, ngayon ay napalitan na ng walang emosyon.
“Mukhang mali kayo ng kinalaban”sabi ni Daven habang biglang nag-iba ang mata niya.
“Sige Daven, ipakita mo nga sa akin kung paano mo tinalo at pinatumba yong mga kasamahan ko”utos ni Sunset habang siya’y tumatawa.
Sa isang iglap lang na hindi pa nakakatibok ang puso ni Sunset ay pinutulan na siya ng ulo ni Daven. Nabigla naman si Golith sa nakita niya nang pagkahulog ng ulo ni Sunset kaya mabilis siyang napa-atras.
“Kung ako ang magseryuso sa laban, tandaan niyo pati kaluluwa niyo ililibing ko”paalala ni Daven habang sunod niyang pinuntirya si Golith na kung saa’y pinutulan niya ito ng kamay at paa.
Napasigaw nalang sa sakit si Golith habang siya’y walang awang nakahiga sa sahig, walang magawa at walang magagawa. Unti-unti namang siyang umiiyak na nagmamakaawa kay Daven na buhayin siya.
“Bata! Patawarin mo ako sa mga ginawa mo, pakiusap hindi na muling mangyayari ito”makaawa ni Golith.
“Sigurado ka ba?”tanong ni Daven kay Golith.
“Oo Bata! Siguradong-sigurado, tingnan mo, wala na akong kamay at paa kaya hindi ulit ako makakatayo at makakahawak”paliwanag ni Golith.
“Oo nga, pero mukhang mahihirapan kang buhayin ang sarili mo kaya hindi na kita patitisin pa...”pangiting sabi ni Daven habang itinusok niya sa dibdib ang espadang hawak niya.
Matapos ang pangyayaring iyon ay agad nang binawian ng buhay si Rura at ang katawan nito’y naglaho sa hangin na parang bula. Nakabalik naman ang mga naligtas na tao sa bayan ng Sindro habang ang mga natitirang kasamahan ni Golith ay pinarusahan.
Inilibing naman ni Daven ang labi ni Miko sa libingan ng bayan kasama ang espada ni Haring Arthur na kung saa’y inalayan niya ito ng mga bulaklak na naipitas niya.
“Miko, kung nagmamasid ka man sa akin ngayon, nais ko sanang humingi ng tawad sa iyo... sa mga nagawa kong kagaguhan sa paglalakbay natin.. alam kong hindi pa ito ang katapusan kaya kung pwede gabayin mo ang ibang mga kasamahan natin”paliwanag ni Daven sa libingan ni Miko.
----------
Limang-oras ang nakalipas na kung saa’y gumabi na ay nabigla naman si Clood nang magkamalay siya. Naalala kasi niya ang huling nangyari sa kanya, ang pag-atake ni Golith. Napagtanto nalang niya sa sarili niya ang mga sugat na natamo niya sa katawan niya.
“Sina Aniel, si Rura!!”pabiglang pagsalita niya.
Lumapit naman si Ian nang may bendahe sa iba’t-ibang parte ng katawan.
“Clood, patay na si Rura... siya ang nagtalo sa kalaban natin gamit ang espada na gamit mo”sagot ni Ian.
“Paano mo nalaman? Sigurado ka ba?”tanong ni Clood.
“Oo, si Daven mismo ang nagkwento sa akin dahil siya mismo ang nakakita...dagdag ni Ian.
“Si Aniel? At si Miko?”tanong ulit ni Clood.
“Si Aniel ay nagpapagaling pa sa ibang kwarto habang si Miko nama’y inilibing na kanina...”sagot ni Ian habang dahan-dahang tumutulo ang luha niya sa lungkot. “Nakapag-alay narin ako sa kanya kanina nang ako’y nakagising”kwento ni Ian.
“Saan kaya ako nagkulang? Mukhang palpak ako na pagkapinuno ng paglalakbay natin...”sisi ni Clood sa sarili niya.
“Clood, lahat tayo’y naglalakbay kaya hindi mo rin kasalanan, pareho naman tayong nagkasama”sisi din ni Ian.
Matapos ang gabi nang pag-uusap nila ay agad na silang nagpahinga para sa bukas nilang paglalakbay pabalik sa barko.
Kalaunan, naglakbay naman silang apat pauwi habang sakay-sakay ang maghahatid sa kanila na isang karwahe. Nang makarating sila ay hindi naman makapaniwala sina Varien, Niela at Jack nang ikinuwento sa kanila ang nangyari ang tungkol sa pagkamatay ni Miko.
[SLATE-tionary: Hindi alam nina Clood, Ian at Aniel na si Daven lang pala ang nagpatumba sa kalaban nila.]
Sa di masabing panahon ay nagkaroon naman ng trahedya ang barkong pinamumunuan ni Jack na kung saa’y nahigop sila ng malaking bagyo sa gitna ng karagatan.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...