Chapter 54: The Awaken of Daven

57 13 3
                                    

Nang ginamit nina Niela at Aniel ang kanilang mga kapangyarihan na kung saa’y nakabuo sila ng buhawing apoy ay nakatakas naman sila sa mga taong-dagat na sumusunod sa kanila. Buhat-buhat parin ni Jack si Varien habang sila’y pahinang tumatakbo sa direksyong hindi nila alam kung saan ang patutunguhan.

“Niela, saan na ba tayo?”tanong ni Jack habang siya’y humihingal na dahil sa pagod.

“Hindi ko alam Jack, tumatakbo lang naman ako”sagot ni Niela.

“Ano? Tumatakbo tayo sa direksyong ito tapos hindi mo alam kung saan ito”reklamo ni Jack.

“Malay ko ba Jack, ano ba ang tingin mo sa akin taga-rito”sabi ni Niela habang patuloy sila sa pagtakbo.

Agad naman silang tumigil sa pagtakbo dahil lalong tumatagal ay lalong hindi nila nalalaman ang lokasyong patutunguhan nila. Baka maisip pa nila’y maligaw pa sila nang tuluyan.

“Ngayon Jack, kasalanan ko ba kung bakit tayo napunta rito, magpasalamat ka nga na nakatakas tayo”sisi ni Niela.

“Hindi naman kita sinisisi Niela, nagsasabi lang naman ako”sabi ni Jack habang ibinbaba niya si Varien sa likuran niya.

Habang sila’y nag-uusap ay napatitig naman si Aniel sa buong paligid. Para kasi sa kanya’y may natatandaan siya sa lugar na iyon. Tiningnan niya ang bawat punong nakapaligid na malapit sa baybayin, at sa buhangin nama’y parang may tumatak sa kanya.

“Aniel, may problema ba?”tanong ni Niela habang siya’y nagmamasid kay Aniel.

“Wala ate, may tinitingnan lang ako dito”sagot ni Aniel.

Lumilipas ang mga minuto na kung saa’y nilaan lang nila iyon para sa pagpapahinga nila. Habang si Aniel ay nagmamasid sa buong paligid ay narinig naman niya ang mga yapak na habang tumatagal ay lalong lumalakas. Madali niya itong pinag-alam sa mga kasamahan niya.

“Ate, Jack, papalapit na rito sa lugar na ito ang mga yapak ng mga nilalang”paalala ni Aniel.

Nainis naman si Jack dahil sa naisturbo ang kanyang pahinga. Tumayo naman siya tapos pinagmasdan niya si Varien.

“Varien, kaya mo na bang maglakad?”tanong niya.

Sinubukan naman ni Varien na tumayo subalit nanginginig parin ang paa niya.

“Pasensya ka na Jack, hindi ko talaga halos maitayo ang paa ko”sabi ni Varien.

“Huwag kang mag-aalala Varien, bubuhatin parin kita”sabi ni Jack.

“Jack, nagiging pabigat lang ako sa iyo, mas mabuti kayang iwanan mo lang ako dito marahil susubukan kong pigilan ang mga nilalang na papalapit sa atin”suhesyon ni Varien habang siya’y ngumingiti.

“Huwag ka ngang magsalita nang ganyan Varien, hinding-hindi ka namin iiwanan dito”paliwanag ni Jack.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon