Umaga habang nasa kalagitnaan ng paglalakbay ang barko ni Jack ay dinig na dinig na ng lahat ang pagbabangayan nina Niela at Daven sa labas ng banyo ng kanilang barko. Nagrereklamo na kasi si Daven dahil sa naubos na ang kanilang tubig sa barko na pinagliliguan nila at pinagbabanyuan nila.
“Ano ka ba naman Niela? Alam mo namang kakaunti nalang ang tubig natin dito sa barko tapos uubusin mo pa, pambihira ka naman Niela oh!”reklamo ni Daven.
“Wala akong magagawa Daven, doon nalang kayo sa karagatan magbanyo, alam mo namang mauubos naman ang tubig dito”paliwanag ni Niela kay Daven.
“Huh!? Ano ang sabi mo Niela sa karagatan ako magbanyo!? Ano ang tingin mo sa akin isang hayop, ihaharap ko talaga ang puwit ko sa labas, ayoko nga!”reklamo ni Daven.
“Ang arte mo Daven! Ang laki mong lalaki tapos konting bagay lang pinagrereklamohan mo”sabi ni Niela.
“Syempre, sino ba namang magdudumi sa labas ng karagatan, kahit nga ang ibang kasamahan natin ay ayaw din”sabi ni Daven habang tumingin siya kina Jack, Clood, Miko at Ian na nakikinig lang pagbabangayan nilang dalawa. “Diba?”pasang-ayon ni Daven sa apat na lalaking kasamahan niya.
Hindi naman sumagot ang apat na lalaki marahil nakatingin lang sila kay Daven.
“Oh! Tingnan muna Daven, kahit nga ang ibang lalaki sa barkong ito ay hindi sumuporta sa iyo”patawang sabi ni Niela.
Tumingin naman si Daven sa apat na lalaking kasamahan niya sa barko.
“Hoy! Ano ba kayo!? Hahayaan niyo lang ba na mananaig si Niela dito sa barkong ito?”palinaw ni Daven. “Hayaan niyo lang ba na sila lang ang masusunod sa barkong ito?”palinaw ulit ni Daven sa mga kasamahan niyang mga lalaki.
“Daven, tama naman si Niela, alam mong limitado lang talaga ang tubig sa barkong ito, kung hindi mo gustong magdumi sa karagatan ay mag-igib ka ng tubig sa dagat, ganoon lang ka simple”paliwanag ni Miko na ikinatulala ni Daven.
“Daven, ang arte mo talaga, kung ayaw mo talagang magbanyo sa karagatan ay huwag kang kumain, ganoon lang naman ka simple iyan eh!”paalala ni Jack kay Daven.
“Oh sige na! mag-iigib nalang ako!!!”pasigaw ni bigkas ni Daven habang nagmamadali siyang kumuha ng sisidlan ng tubig.
Naglakad naman si Daven pababa ng kanilang barko tapos itinapon niya ang sisidlan ng tubig namay nakatali sa karagatan. Paulit-ulit namang nag-iigib si Daven kaya nalaman niya doon kung gaano pala kahirap ang mag-igib. Pinapawisan na nga siya at namamanhid na yong mga kamay niya sa kabubuhat.
“Ayoko na!”reklamo ni Daven habang napahiga nalang siya sa sahig. “Nakakapagod! Ang hirap! Ang bigat!”reklamo ni Daven na may kasamang pagdadabog.
Ipipikit na sana ni Daven ang mga mata niya para siya’y makatulog subalit pinigilan naman siya ng katawan niya na kung saa’y biglang sumakit ang tiyan niya na pagkadahilan nang pagmamadali niya.
“Punyeta namang buhay ito oh! Sana hindi nalang ako kumain ng marami sa islang napuntahan namin!”sigaw ni Daven habang nagmamadali siyang tumatakbo patungo sa banyo.
Samantala, ginagamot naman ni Ian ang kanyang sugat sa dibdib na natamo niya dahil sa pagsaksak sa kanya ng punyal. Kahit tapos na ang pangyayari ay hindi parin niya mawala sa isip ang pagkaligtas nila, hindi kasi niya alam kung bakit niya natalo ang kalaban niyang si Leonora na kahit siya ay hindi makapaniwala.
“Kung ako ang nagtalo sa kalaban namin, siguro may natatago akong malakas na kapangyarihan sa sarili ko”bulong ni Ian habang pinagmamasdan niya ang kanyang palad.
Pumasok naman si Chit sa kwarto niya na agad niyang ikinagulat.
“Ian, may bendahe ako dito baka may maiitulong ito sa iyo”alala ni Chit kay Ian.
“Salamat Chit, malaking tulong iyan sa akin”pabiglang pasalamat ni Ian.
Agad namang ginamit ni Ian ang bendaheng ibinigay sa kanya ni Chit. Habang nilalagyan niya nang bendahe ang sugat niya ay agad niyang hinarap si Chit na may mahahalaga siyang sasabihin.
“Chit, alam kong matagal na kayong nagkasama ni Daven, tatanungin kita, kilalang-kilala mo ba ang kuya mong si Daven”sabi ni Ian na ikinagulat ni Chit.
“Ano ka ba Ian! Syempre, kilalang-kilala ko si Kuya Daven, batang-bata pa kami ay kilalang-kilala ko na siya”patawang sagot ni Chit.
Agad namang napalingon si Ian na para bang hindi niya sinasang-ayunan ang sinagot ni Chit sa kanya.
“Chit, naniniwala ka ba kapag sasabihin ko sa iyo na malakas si Daven”bigkas ni Ian.
Napatahimik naman si Chit dahil sa binigkas ni Ian sa kanya, matagal na kasi niyang kilala si Daven pero sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman ang malakas na kakayahan ni Daven.
Kaya pinutol naman ni Ian ang pagtatahimik ni Chit.
“Kalimutan mo na iyon Chit, kung malakas talaga si Daven ay matagal na sana nating nakita ang kakayahan niya”patawang bigkas ni Ian.
“Ano ka ba naman Ian, parang sinasabi mo namang may tinatago si Kuya Daven”sabi ni Chit. “Ian, bakit mo naman nasabi ang tungkol sa kakayahan ni Kuya Daven?”tanong ni Chit.
“Wala lang, para kasing iba kasi ang simoy ng hangin kapag kasama natin siya na parang hindi mo maipaliwanag, kahit palabiro siya, kahit wala siyang pakialam sa mga bagay pero parang tinatago niya lang ang totoo niyang kulay, mukhang ganyan ang paglalarawan ko sa kanya”paliwanag ni Ian.
“Ang dami mo lang sigurong iniisip Ian”sabi ni Chit. “Sige, aalis muna ako may gagawin pa ako sa kwarto ko”paalam ni Chit pagkatapos ay umalis siya.
Kalaunan ay maaga namang nagising si Ian para makalanghap siya nang sariwang hangin sa paligid. Habang nag-iikot siya sa buong barko para mag-ehersisyo ay agad namang niyang nasilayan si Daven na natutulog sa bubungan ng barko.
Nang sumikat na ang araw ay nagsigisingan na ang mga kasamahan niya para magsanay. Kahit abalang-abala na ang mga kasamahan niya ay nakikita parin niyang natutulog si Daven sa bubungan ng kanilang barko.
“Mukhang ang dami ko lang yatang iniisip, siguro sa pagiging tamad lang ni Daven umiiba ang simoy ng hangin”bulong ni Ian habang lumingon na siya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, hanggang ngayon ay lagi paring sumasakit ang tiyan ni Daven at lagi nalang siyang pumupunta sa banyo, minsan naabutan pa nga niya na walang tubig ang banyo kaya napipilitan nalang siyang magbanyo nang walang tubig.
May pagkakataon namang hindi nalilinisan ni Daven ang dumi niya sa banyo kaya hindi namang mapigilang mainis nina Chit, Aniel at Niela dahil sila mismo ang laging gumagamit ng banyo.
“Mukhang nag-iinsulto yata tong si Daven”bigkas ni Niela habang umaapoy siya sa galit. “DAVEN!!”sigaw niya nang malakas para ibuhos ang galit niya.
Sa ngayon ay nagtitiis naman si Daven sa bubungan ng barko dahil sa sakit ng tiyan niya.
“Patawarin niyo ako!”pahinang patawad ni Daven sa tatlong babaeng kasamahan niya.
Pagkagabi matapos silang maghapunan ay kanya-kanya na silang nagpahinga dahil sa pagod sila ngayong araw. Habang natutulog na sila ay dahan-dahan namang pumupwesto si Daven sa barko niya para dumumi.
“Siguro wala namang makakahalata na magdudumi ako rito”bulong ni Daven.
Habang nakaharap ang puwet ni Daven sa karagatan ay nabigla naman siya nang bigla siyang inilawan nang malakas na liwanag.
“HOY! PINAGBABAWAL ANG PAGDUDUMI SA KARAGATAN!!”sigaw ng mga marino sa kabilang barko na kung saa’y sila ang nagpasilaw kay Daven.
Dali-dali namang isinuot ni Daven ang pang-ibabang damit niya tapos tumakbo siya papasok ng kwarto niya.
“Akala ko walang nagbabantay sa karagatan, mayroon pala”bulong ni Daven habang napilitan siyang pumasok sa kwarto niya.
Samantala, lumapit naman ang dalawang barko ng marino sa barko ni Jack sa oras na iyon. Nagbabantay kasi sila sa karagatan sa mga mangingisda na ilegal na gumagamit ng mga dinamita.
“Pasensya na sa abala ninyo, narito po kami upang inspeksyonin po ang barko niyo”tugon ng mga marino kina Miko at Ian.
“Sir, mga manlalakbay lang po kami, hindi po kami mga pirata”paliwanag ni Miko.
“Alam namin ang bagay na iyan, ang pinoproblema lang kasi namin sa karagatang ito ay ang mga mangingisda na gumagamit ng mga dinamita”paliwanag ng mga marino.
“Sige po, kung gusto niyo po, halughugin niyo po ang buong barko”tugon ni Miko.
Hinalughug naman ng mga marino ang barko sapagkat wala naman silang nakitang mga bagay na ginagamit pangsabog sa karagatan. Bago umalis ang mga marino ay tinanong muna sila ni Miko.
“Sir, saan po ba dito yong pinakamalapit na isla?”tanong ni Miko.
“Pinakamalapit na isla, dito sa bahaging ito mga pitong-kilometro may makikita kayong isla”sagot ng mga marino habang nakaturo ang daliri nila sa hilagang bahagi.
“Salamat po”pasalamat nina Miko at Ian.
Pagkatapos agad namang iniliko nina Miko at Ian ang barko nila sa hilagang bahagi dahil hihinto muna sila para magsupply ng maraming tubig.
“Alam kong nagrereklamo na si Daven sa tubig kaya kailangan muna nating mapagsupply ng tubig”plano ni Miko.
“Sige Miko, huminto muna tayo sa pinakamalapit na isla”suporta ni Ian.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinaumagahan ay nagulat nalang ang lahat nang makarating na sila sa isang isla na kailanma’y hindi nila inaasahan.
“Natulog ba kagabi sina Miko at Ian?”tanong ni Jack.
“Mukhang hindi yata nila nakita na may isla rito”tugon ni Niela habang nagmamasid siya sa isla.
Dali-dali namang bumaba si Daven sa isla para magbanyo, yan kasi ang hinihintay ni Daven ang makakita ng magandang pwesto.
“Hoy Daven! Bumalik ka muna rito! Hindi natin alam kung ligtas ba ang islang ito”paalala ni Jack na kailanma’y hindi pinakinggan ni Daven.
Habang sila’y patuloy na nagmamasid sa isla ay bigla namang dumating si Ian na kakagising lang tapos agad niyang ipinaliwanag sa kanila kung bakit sila huminto sa islang iyon.
“Hihinto muna tayo dito sa islang ito para magsupply ng maraming tubig na iinumin”paliwanag ni Ian.
“Paano niyo nalaman na may isla rito?”tanong ni Niela.
“Syempre, nagtanong kasi ako kagabi sa mga marino, nag-inpeksyon kasi sila sa ating barko kagabi”sagot ni Ian.
“Nag-inspeksiyon sila sa barko natin kagabi!? Bakit hindi ko namalayan?”tanong ni Chit.
“Tulog na kasi kayo”sabi ni Ian. “Kaya habang nandito tayo sa islang ito ay mag-igib muna tayo”utos ni Ian.
“Narinig niyo naman ang sinabi ni Ian kaya kumuha kayo ng magagaan na sisidlan pagkatapos ay mag-igib na tayo”paulit na sabi ni Jack sa mga kasamahan niya.
Nang maglakad sila ay nakakita naman sila ng isang maliit na sapa kaya ang pinangarap nilang makainom ng malamig at matabang na tubig ay nakuha na nila.
“Salamat at nakainom narin ang ako nang malamig na tubig, sobrang presko!”bigkas nina Niela at Chit.
“Aniel, ako nalang ang maghahatid nang naigib mo para hindi ka na mahirapan”alala ni Jack habang kinuha niya ang sisidlan ng tubig na hawak ni Aniel.
“Salamat Jack, ang bait mo”puri ni Aniel.
“Sige, habang nandito pa tayo sa islang ito, maligo muna kayo”utos ni Jack sa mga kasamahan niya lalo na kina Chit, Niela at Aniel.
Babalik na sana sa barko si Jack subalit napahinto naman siya nang makita niya ang mga maiitim na tao na may hawak-hawak na sibat tapos agad itong itinutuk sa kanyang leeg.
Kahit na nga sina Ian, Clood, Chit, Niela at Aniel ay tinutukan rin ng mga sibat. Hindi naman sila nanlaban marahil kamalian naman nila ang nagawa nila dahil pumasok sila sa isla nang walang pahintulot.
“Sino kayo!?”tanong ng isang tao sa kanila.
“Pasensya na po kayo! Hindi po kami mga masasamang tao”sagot ni Jack sa mga tao.
“Alam ko perlas pakay niyo!”sigaw ng mga tao na ikinabigla ni Jack at nang mga kasamahan niya.
“Perlas? Ano po ang ibig niyong sabihin?”tanong ni Niela habang nalilito na.
“Wag na kayong maangan pa! Sige lakad na kayo!”sigaw ng mga tao.
Naglakad naman silang anim patungo sa kampo ng mga ito. Matapos ang ilang metro nilang paglalakad ay agad na silang nakarating sa magandang bayan ng mga tao. Lahat ng mga lalaki’y nakabahag, samantalang naka-saya naman ang mga babae ay may pangtakip sa pang-itaas na parte ng katawan.
Dinala naman silang lahat sa isang kulungan na kung saa’y nagulat din sila nang makita nilang naroon din si Daven na una nang nakakulong sa kanila.
“Kawawa niyo! Pati rin kayo ay nakulong din”patawang bigkas ni Daven.
“Huwag kang magpatawa Daven, lahat tayo’y nakulong rito, maliban lang kay Miko na naiwan doon sa barko”tugon ni Jack.
Napayakap naman si Aniel kay Niela dahil natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanila doon sa kulungan.
“Wag kang mag-aalal Aniel, makakalabas rin tayo dito sa kulungang ito”tugon ni Niela kay Aniel.
“Ano kaya kung tatakas tayo, simple lang naman sirain yong kulungan nila”hiling ni Daven.
“Kailanma’y wag mong gagawin iyan Daven, baka lalo nila tayong paghihinalaan, alam kong may tinutukoy silang perlas, akala siguro nila na nanakawin natin ang perlas nila”tugon ni Ian.
“Dahil lang sa perlas?”palinaw ni Daven.
“Oo Daven kaya kung kakausapin natin sila nang mahinhin, siguro mag-iiba ang tingin nila sa atin”paliwanag ni Ian.
Samantala, hindi naman alam ni Miko na pareho na palang nakulong ang pito niyang kasamahan na sina Daven, Jack, Clood, Miko, Chit, Niela at Aniel.
“Bakit ang tagal nila? diba may sapa naman doon”alala ni Miko habang pinagmamasdan niya ang sapa.
[SLATE-tionary: Judao ang tawag sa islang pinuntahan ni Daven at nang mga kasamahan niya. Ang tawag sa mga tao doon ay muro-muro na kung saa’y nakabahag ang mga lalaki, samantalang nakasaya naman at may pangtakip sa pang-itaas ng katawan ng mga babae. Puro maiitim ang balat nila. Sagana sa perlas ang isla ng Judao kaya hindi na bago kung maraming tao ang bibisita sa isla nila.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
MaceraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...