Ang abyss ay ang pinakadelikadong parte sa Tradevune dahil may naninirahan doong mga halimaw na mas malakas pa sa ordinaryong mga halimaw na makikita sa itaas. May mga patibong naman doon na nabubuo, at may mga kakaibang bagay na nabubuhay doon na mahirap maipaliwanag na hindi pwedeng hawakan o puntahan. Sa madaling salita ang abyss ay natatanging misteryo na wala pang nakaka-alam sa pinaka-ilalim, at kung mayroon mang nakakapunta sa ibaba ay imposible namang makabalik sila sa itaas.
Sa kasalukuyan ay hindi naman makapaniwala ang mga kasamahan ni Daven nang makita nila ang malaking gate na tinuturing ng mga tao na lagusan patungo sa ibaba ng abyss. Isang hakbang nalang kasi ang gagawin nila para mailigtas nila ang mga mahal nila sa buhay na hinihinala nilang nakulong sa ilalim ng abyss.
“Yan ang daanan pababa ng abyss, ang daraanan patungo sa Slate”pabiglang sagot ni Daven na nakahiga sa isang puno.
“Imposible”pagulat na reaksyon nila.
Hindi pa nga sila nakakapasok sa gate ay agad na silang kinabahan, isang hakbang nalang ito at sa dinami-dami nilang pinagdaanan ay ngayon pa sila natakot ng todo. Nagtinginan pa nga sila sa isa’t-isa.
“Jack, papasok na ba tayo ngayon?”tanong ni Niela habang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
“Niela, hindi pa tayo handa para pumasok diyan, baka matulad tayo sa mga pamilya natin na hindi na nakabalik”paliwanag ni Jack. “Mas mabuting maghanda muna tayo ng ilang araw bago tayo papasok”dugtong ni Jack.
“Jack, maglalaan pa tayo ng ilang araw para maghanda? Ano pa ba ang sasanayin natin kung papa-ano mabuhay nang mga pagkaing halaman, kung papa-ano papatay ng mga halimaw?”reklamo ni Clood.
“Bakit niyo naman pro-problemahin yong mga halimaw na iyan, may Daven naman tayo”bigkas ni Ian habang ngumingiti siyang nakatitig kay Daven. “Diba Daven, alam kong maaasahan ka namin sa oras ng kagipitan”dugtong ni Ian.
“Hindi natin alam ang magiging kapalaran natin doon Ian”sagot ni Daven habang bumaba siya punong hinihigaan niya. “Ang mas mabuting gawin natin ngayon ay walang iba kundi matulog”pabirong sabi ni Daven.
“Daven, kahit ano-ano na talaga ang pinag-iisip mo, alam mo namang seryuso na ang pag-uusap natin”bigkas ni Jack habang siya’y naiirita kay Daven.
“Jack, huwag naman agad kayong magseryuso, baka dahilan yan nang pagkakaroon ng stress”patawang sabi ni Daven habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Jack. “Mga kasama, tama yong sinabi ni Jack, maghanda muna tayo dahil hindi natin alam ang magiging kahinatnan natin doon”paalala ni Daven.
“Daven, pati pa naman ikaw, alam mo namang masasayang ang oras natin kapag maghahanda pa tayo”reklamo ni Clood.
“Daven, kung yan ang desisyon mo’y susunod kami”sang-ayon nina Varien at Ian.
“Kaya ano pa ang hinihintay natin, bumalik na tayo sa bayan”bigkas ni Daven habang nanatili parin ang paglapit niya kay Jack.
Agad namang nagsalita ang kataas-taasan na kanina lang na nakikinig sa mga pag-uusap nila.
“Iho, yan na ba ang desisyon niyo?”tanong ng matanda kay Daven.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...