Nagpatuloy parin ang patimpalak sa unang istadyum at natapos na ang unang parte sa umaga. Gaganapin naman ang sunod na parte sa tanghali. Kakaunti nalang ang mga manlalaro na lalaban sa patimpalak at kabilang na doon sina Miko at Ian.
“Miko, Ian, galingan niyo mamaya sa laban”paalala ni Aniel sa kanila habang sila’y kumakain sa isang kainan.
“Huwag kang mag-aalala Aniel, kung makaharap man namin yong nakalaban ni Clood, di kami mag-aalinlangan ni Ian na patumbahin siya”tugon ni Miko.
“Oo nga Aniel, alam kong siya lang yong pinakamalakas doon kaya kung mapapatumba man namin siya ay siguradong kami na ang magwawagi”pasuporta naman ni Ian.
Hindi naman mapigilan ni Clood ang pag-aalala kay Daven habang sila’y kumakain, hindi kasi sila magkasama at hindi rin nila alam kung ano ang ginagawa nito sa umaga.
“Kumain na kaya si Daven ngayon”alala ni Clood.
“Clood, bakit ka pa ba nag-aalala kay Daven, matanda na yon at alam na niya ang ginagawa niya”sabi ni Aniel.
“Oo nga Clood, di ba siya pa nga ang nagsabi na hindi siya sasama sa atin doon sa loob”sabi ni Miko.
“Kahit alam na niya ang ginagawa niya ay nag-aalala parin ako sa kanya marahil ako ang dahilan kung bakit siya sumama”bigkas ni Clood.
Hindi naman nakapagsalita silang tatlo at patuloy lang sila sa pagkakain. Pero sa kabila parin nang pag-aalala ni Clood ay hindi naman niya ito sineryuso.
“Bahala na si Daven kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon, hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit hindi siya sumama doon sa atin sa istadyum”bigkas ni Clood.
“Oo nga Clood, bakit mo naman aalahanin ng todo si Daven ngayon, desisyon naman niya ang hindi sumama sa atin diba”sabi ni Miko.
“Oo nga Clood, wala ka namang pinapagawa sa kanya na ikapapahamak niya”dagdag ni Ian.
Nang matapos silang kumain ay naglibot muna sila sa labas ng dalawang istadyum na nagbabakasakaling makita si Daven. Ilang minuto na silang naglilibot pero wala parin silang nakitang Daven kaya pumasok nalang sila ulit sa unang istadyum.
Naipatuloy naman ang sinimulan na laban hanggang sa nagtuus sina Miko at Ian sa laban. Hindi man nila gustuhin na maglaban pero wala parin silang magagawa marahil pareho silang matatanggal kapag walang napatumba sa kanila. Nang naglaban ang dalawa ay masuwerte namang napatumba ni Miko si Ian kaya si Miko ang itinangghal na panalo at susunod na lalaban ni Enggo sa huli.
Maririnig nang lahat ang mga palakpakan at sigawan ng mga tao marahil huling laban na ang makikita nila.
“Galingan niyo!!”sigaw ng mga manonood.
Inaasahan pa naman ng lahat ang magiging laban pero sa hindi inaakala na may mangyayari palang kalunos-lunos nang makita nilang natamaan ng sima ng pana ang tiyan ni Enggo. Ang pagkatama ay ang pagkabigla ng mga tao. Hindi naman makapaniwala ang lahat nang matumba si Enggo at lalong natulala ang lahat nang biglang tumayo ang isang lalaki tapos naglakad patungo sa gitna ng laban.
Paisa-isa itong naglakad na para bang wala lang nangyari doon kaya nang makalapit na ito ay nagulat naman sina Clood, Aniel, Miko at Ian nang makilala nila ang lalaki.
“Siya ang dumukot kay Rura”pahinang sabi ni Clood na tanging sina Aniel at Ian lang ang nakarinig.
Kikilos na sana si Clood upang harapin si Golith, ang lalaking nagpapana kay Enggo subalit pinigilan naman siya nina Aniel at Ian.
“Clood, mapapahamak kapag lalaban mo siya ngayon, naalala mo naman diba ang huling nangyari sa iyo diba, hindi mo siya kaya”paalala ni Ian.
“Kung pagtutulungan natin siya, siguradong makakaya natin siya”sabi ni Clood.
“Oo makakaya nga natin subalit hindi natin alam, baka nasa paligid lang ang ibang mga kasamahan niya”tugon ni Ian.
Samantala, marami namang nagalit na mga tao sa ginawa ni Golith pero nagbingi-bingihan lang si Golith at pinagtatawanan ang lahat.
“Naiinis ba kayo sa ginawa ko?”patawang tanong ni Golith sa mga tao.
“Ang gago mo, pagbabayaran mo ang ginawa mo!!”sigaw ng mga tao kay Golith.
“Oo nga, dapat makulong ka sa ginawa mo!”sigawan ng mga tao.
Nakatayo parin si Golith kahit ilang beses na siyang pinagsisigawan at pinagsasabihan.
“Mga kababayan ko, kung gusto niyo pang makalabas sa istadyum na ito, ibigay niyo ang lahat ng mga pera niyo sa amin!”sigaw ni Golith na ikinagulat ng mga tao.
“Huh! Hindi ka lang pala gago!! Baliw karin naman pala!”patawa ng mga tao.
Nagsilapitan naman ang tatlong mga lalaki na nagbabantay sa istadyum kay Golith upang paalisin ito subalit hindi na ito nakalapit dahil parehong nakataob sa dibdib nito ang mga sima ng pana.
Sa pagkagulat ng mga iilang manonood ay nagsitayuan ito at dali-daling tumatakbo patungo sa labas. Pero hindi ito nakalabas marahil napana rin ito. Dahil sa pagkakakita ng ibang tao na ganoon pala ang mangyayari sa kanila ay hindi na sila tumayo at nananatili nalang sila sa kanilang mga upuan.
“Ang lambot lang naman pala ng ulo niyo eh! Yan ang gusto sa inyo yong madaling makaintindi, kaya ang hiling ko sa inyo ay ibigay niyo sa amin ang pera niyo para wala ng gulo”paalala ni Golith sa mga tao.
Agad namang nagsilapitan ang dalawangpung mga kasamahan ni Golith sa mga tao upang pagkolektahin ang mga pera. Wala namang nagawa ang mga tao kundi ang ibigay ang kanilang mga pera pero may iba naman na nagtigas-tigasan at nagsusubok na tumakas ng palihim.
Samantala, napagtripan naman ni Golith, ang nakatayong si Miko na kaharap sana ni Enggo.
“Mukhang namumukhaan kita, pero hindi ko alam kung saan at kailan”bigkas ni Golith.
“Ikaw lang namang yong piratang dumukot sa isang kasamahan namin”bigkas ni Miko.
“Ano ang ibig mong sabihin? Bakit ka nagsisisi sa akin, nagkaharap na ba tayo!?”patanong ni Golith kay Miko.
“Sa hindi ako nagkakamali ikaw talaga iyon”patuloy sinasabi ni Miko.
“Oh, ganoon ba, ibibigay ko sa iyo ang kasamahan na tinutukoy mo, kung matatalo mo ako sa laban”pakondisyon ni Golith.
Naghanda naman si Miko marahil tinanggap niya ang hamon ni Golith. Tutulong na sana si Clood pero nagawa ni Miko na magsimbolo upang siya ang lumaban kay Golith.
“Clood, ayaw kitang ipahamak, kaya ko ito”bigkas sa hangin ni Miko na parang kinakausap niya si Clood.
Hindi kasi makakagalaw sina Clood, Aniel at Ian marahil may mga mamamana na nagbabantay sa kanila.
“Clood, kaya na ni Miko ang laban, huwag mo na siyang aalahanin”bigkas ni Ian.
“Miko, patumbahin mo ang inutil na iyan!”sigaw ni Clood na ikinagulat ng lahat.
Napatawa naman ng palihim si Miko dahil sa sigaw ni Clood.
“Huwag kang mag-alala, papatumbahin ko talaga ang inutil na ito”bulong ni Miko.
Walang takot na hinarap ni Miko si Golith kahit alam niyang dehado siya sa laban.
“Kung matatalo kita sa laban! Papalayain mo ang kasamahan kong nadukot at papalayain mo rin ang mga tao dito sa loob ng istadyum”kondisyon ni Miko.
“Syempre naman, matutupad ang kondisyon mo... kung mananalo ka sa laban”paalala ni Golith na may kasamang ngiti.
Inunahan na ng atake ni Miko si Golith gamit ang kapangyarihan niyang bato at paulit-ulit niya itong ginagawa. Tumatama naman sa kalaban niyang si Golith ang mga pag-atake niya kaya napa-isip sa niya na matatalo niya ito sa laban.
“Kaya ko siyang patumbahin”bulong ni Miko habang siya’y ngumingiti.
Hindi naman nakakapag-ilag si Golith sa tuwing tumatapon ng pag-atake si Miko kaya inaakala ng mga tao na matatalo na si Golith. Paulit-ulit na umaatake si Miko hanggang sa siya’y unti-unti nang napapagod.
“KAYA MO YAN!”sigaw ng isang lalaki kay Miko.
Nang marinig nang ibang tao ang sigaw ng isang lalaki ay doon narin sila nagsisigawan para masuportahan nila si Miko.
“HUWAG KANG SUMUKO!”
“TALUNIN MO ANG INUTIL NA IYAN!”sigaw ng mga tao kay Miko.
Agad namang nabuhayan ng loob si Miko na labanan muli si Golith.
“Hindi ako susuko hanggang sa hindi kita mapapatumba”bigkas ni Miko na ikina-emosyonal ng mga tao.
“Sige nga, ipakita mo nga sa amin ang kakayahan mo”pahamon ni Golith.
Inilabas naman ni Miko ang pinakamalakas na kapangyarihan niya na kung saa’y ikinagulat ng lahat ng mga tao ganoon din sina Aniel, Ian at Clood.
“Imposible, may natatagong kapangyarihan si Miko?”pabiglang tanong ni Clood.
“Hindi ko alam ang bagay na iyan Clood”tanggi ni Ian.
“Sana manalo si Miko”dasal ni Aniel.
“Mukhang mapapasa-atin na ang panalo”bigkas ni Clood.
Hindi naman inaakala ni Golith na matutunghayan niya ang malakas na kapangyarihan na ipapakita ni Miko sa kanya.
“Dahil sa hinamon mo ako, bibigyan kita ng pagkakataon para mabuhay kaya sumuko kana”bigkas ni Miko habang siya’y lumakas pa nang lumakas.
Tumanggi naman si Golith na sumuko sa laban kaya silang dalawa ay nagharapan muli. Nahirapan si Golith na pigilan ang mga pag-atake ni Miko dahil dahil sa lakas nito. Naging masaya ang mga tao dahil inaakala nilang matatalo ni Miko si Golith sa laban subalit mag-iiba pala ang takbo ng laban nang sineryuso ni Golith ang laban.
Sa isang suntok lang ni Golith sa tiyan ni Miko ay agad itong napasuka ng dugo na dahilan naman ng pagkabigla ng mga tao.
Hindi rin naman makapaniwala sina Clood, Aniel at Ian nang makita nilang napatumba pa si Golith.
“Paano nangyari iyon? Diba nanalo na si Miko sa laban?”pabiglang tanong ni Ian na may kasamang pagkagulat.
“Tama talaga ang hinala ko...”bigkas ni Clood habang siya’y nagulat.
“Tama ang hinala mo? Ano naman ang hinala mo Clood?”tanong ni Aniel.
“Hindi talaga nagseseryuso ang inutil na iyon, pinaglalaruan lang niya ang laban niya kay Miko”sagot ni Clood habang siya’y unti-unti nang naiinis.
Samantala, ang pagkatumba at pagkabugbug pa ni Miko ay hindi pa nagtatapos sapagkat nagsisimula palang si Golith. Napasuka at napapikit nalang ang mga tao nang makita nilang walang awang binubugbug ni Golith si Miko sa harap.
Nagalit naman ng todo si Clood marahil natalo na si Miko sa laban at patuloy parin siyang binubugbug ni Golith.
“ITIGIL MO NA ANG LABAN!!”sigaw ni Clood sa sobrang galit subalit pinigilan naman siya ni Aniel na baka mapana siya.
“Clood, huwag kang tumayo baka mapana ka”paalala ni Aniel.
“Ano pa ba ang gagawin ko Aniel? Panonoorin ko lang ba kung papaano lalampastanganin ng inutil na iyan si Miko”bigkas ni Clood.
“Oo Clood, hindi ko rin naman gugustuhin ang pagmasdan rin si Miko na siya’y ganyanin”bigkas ni Aniel.
Dahan-dahan namang kumalma si Clood dahil parang itinigil na ni Golith ang paglalapastangan niya kay Miko. Naglakad si Golith na parang may kukunin ito kaya doon na nanginig ang lahat ng kinuha nito mula sa sahig ang isang espadang nakahandusay.
“Mukhang may masama akong kutob sa mangyayari”bigkas ng mga tao.
Hindi naman makagalaw ang katawan nina Clood, Aniel at Ian dahil sa takot nang makita nilang dahan-dahang lumalapit si Golith kay Miko na may hawak na esapda. Dahil sa takot ay para silang nabubulag sa sinag ng espada.
“Huwag!.. huwag!”pahinang sigaw ni Clood na parang pinipigilan niya si Golith.
Sa isang iglap lang ay agad naitaob sa dibdib ni Miko ang espadang kinuha ni Golith. Dahil sa pangyayaring iyon ay napasigaw nang malakas na malakas si Clood.
“MIKO!!!!!!!!!!!!”sigaw niya habang siya’y tumayo para lapitan si Miko doon.
Sampung sima naman ng pana ang patungo kay Clood kung kaya’y mabilis naman pinrotektahan ni Ian si Clood gamit ang kapangyarihan niyang bato. Siyam na sima ng pana ang napigilan niya subalit isang pana naman ang tumama sa likuran ni niya.
Napahinto naman bigla si Clood dahil nakita niyang napatumba si Ian.
“Huwag mo na akong aalahanin Clood, harapin mo na siya”bigkas ni Ian.
Dahil sa pangyayaring iyon ay agad nagkagulo ang buong istadyum at lahat ng mga tao ay nagsisitakbuhan palabas kaya ang lahat ng mga mamamana na kasamahan ni Golith ay nalito na marahil nahihirapan sila kung sino ang unang pupuntiryahin.
Nakakuha naman ng pagkakataon si Aniel dahil sa gulo kung kaya’y agad niyang inilabas ang sandata niyang pana. Isa-isa niyang pinapana ang lahat ng mga kasamahan ni Golith sa loob ng istadyum.
“HUMINGI KAYO NG TULONG SA LABAS!!”sigaw ni Aniel sa mga tao.
Napa-isip ng mga tao na maliligtas na sila kapag sila’y nakalabas na sa istadyum subalit ang inaakalang pagkalaya nila ay hindi pala mangyayari nang matunghayan nila na sira-sira na ang mga kabahayan sa buong Sindro, halos patay na ang mga tao at nagmistulang katapusan na ng mundo ang nakita nila.
“Inatake pala ang buong bayan”bigkas ng mga tao.
Napatawa naman ng malakas si Golith dahil sa simula palang ay nakuha na nila ang panalo.
“Iho, nagkita narin tayo sa wakas”bigkas ni Golith habang tumutulo ang dugo niya sa sahig.
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mga kasamahan ko”pagalit na bigkas ni Clood habang itinaob niya ang espada niya sa tiyan ni Golith.
[SLATE-tionary: Duguan si Ian dahil sa pagprotekta niya kay Clood habang nag-aagaw buhay naman si Miko. Samantala, nagawa namang maitusok ni Clood ang espada niya sa tiyan ni Golith habang si Aniel nama’y nakikipaglaban sa mga kasamahan ni Golith.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...