Chapter 39: The Storm

66 12 2
                                    

Tatlong-araw ang lumipas simula nang makauwi ang grupo ni Clood sa barko. Wala namang nangyaring kakaiba sa paglalayag nila maliban nang mabalitaan nina Niela, Varien at Jack ang pagkasawi ni Miko sa laban. Tahimik na tahimik ang buong barko nang tatlong araw, minsan lang din silang nagsama-sama sa almusal, pananghalian at panghapunan.
 
Samantala, hindi naman matiis ni Daven ang tahimik na paligid na halos mabibingi nalang siya sa sobrang tahimik.
 
“Ano? Ano na ba ang nangyayari sa barkong ito!”sigaw ni Daven nang malakas na malakas na ikinabigla ng mga kasamahan niya.
 
Agad namang lumabas ang anim na kasamahan niya dahil sa malakas na pagsigaw niya.
 
“Daven, may problema ba?”unang tanong ni Jack.
 
“Daven, inatake na ba tayo?”tanong din ni Ian.
 
“Pasensya na kayo, wala pang kalaban”pangiting sagot ni Daven.
 
“Huh!? Ano bang sinisigaw mo ngayon?”tanong ni Niela habang naiinis siya kay Daven.
 
“Wala lang, ilang araw na kasing tahimik ang barkong ito”sagot ni Daven.
 
“Daven, sino bang gustong makipag-usap sapagkat nawalan na tayo ng isang kasamahan”bigkas ni Ian.
 
“Ikaw talaga Daven, kahit ano-ano na ang pumapasok sa isip mo”bigkas ni Jack habang pumasok siya sa kwarto niya.
 
Unti-unti naman silang nagsisi-alisan nang umalis si Jack maliban lang kay Varien na nandoon parin at gustong titigan si Daven.
 
“Oh Varien, bakit hindi ka pa papasok sa kwarto mo?”tanong ni Daven.
 
Agad namang nakaramdam ng kaba si Varien nang maalala niya ang nangyari sa kasamahan nila na si Miko. Takot kasi siyang matulad sa isang kasamahan nilang namatay dahil sa pakikipaglaban at sa paglalakbay.
 
“Daven, hindi ka ba natatakot sa paglalakbay natin ngayon, lalo na’t nalaman na natin ang magiging kahitnatnan natin kapag tayo’y nagpatuloy?”tanong ni Varien.
 
“Ano ka ba Varien, pro-protektahan ko kayo kahit ano mang mangyari”bigkas ni Daven.
 
“Daven, hindi mo kayang protektahan ang lahat lalo na’t malalakas at mararami ang makakaharap mo”paliwanag ni Varien.
 
“Hindi ka ba nagtitiwala sa kakayahan ko”patawang sabi ni Daven sabay pakita ng mapayat na kalamnan niya sa braso. “Tingnan mo nga itong kalamnan ko sa braso, siguradong matatakot ang mga kalaban sa akin”dagdag niya.
 
Nagawa namang makipagbiro ni Daven kahit sa panahong namatayan na sila ng kasamahan. Ang kanilang pagsasama ay unti-unti nang nawawala dahil lang sa pagkawala ni Miko. Ang bagay na iyon ay nararamdaman ni Varien kaya siya nag-aalala ng tuluyan kung magpapatuloy pa ba silang lahat sa paglalakbay.
 
“Daven, kung babalik nalang kaya tayo sa isla, siguro-“desisyon ni Varien subalit pinahinto siya ni Daven.
 
“Varien, ang layo na nang narating natin, marami na tayong pinagdaanang mga problema at kapahamakan na nilabanan natin tapos susuko nalang tayo”paalala ni Daven. “Varien, ang pagkawala ni Miko ay kusang hindi niya sinadya, may paniniwala pa nga ang mga tao na kung huling araw mo na ay huli muna talaga”dagdag ni Daven.
 
“Daven, natatakot talaga ako na baka isa sa atin na ang masusunod na mawawala”alala ni Varien.
 
“Kung darating man ang panahon na mangyayari iyon Varien, gagawan ko ng paraan para maiwasan iyon”paliwanag ni Daven.
 
Agad namang nabuhayan ng loob si Varien nang marinig niya ang sinabi ni Daven sa kanya. Tila isang langit ang naramdaman niya sa bawat salitang ibinigkas ni Daven kung kaya’t dahil sa masarap na pakiramdam niya’y hindi niya napigilang yakapin ito.
 
“Varien, may problema ba?”tanong ni Daven na may kasamang pamumula ng pisngi dahil sa nakadikit ang katawan niya kay Varien.
 
“Wala Daven sa katunayan ay masaya lang ako”pahinang sagot ni Varien habang dahan-dahang tumutulo ang luha niya sa saya.
 
Samantala, mag-isa namang nakatulala sa kwarto si Clood habang nakatitig siya sa karagatan, hanggang ngayon ay hindi parin niya matanggap ang pagbiglang pagkawala ni Miko sa kanila na parang nangyari lang nang isang araw.
 
“Bakit si Miko pa ba yong nawala, di ba kasalanan ko naman yong nangyari, hindi sana siya mapapahamak kung hindi ko lang siya sinama sa paglalakbay”sisi ni Clood sa sarili niya.
 
Habang mag-isang siyang nagsasalita sa kwarto niya ay unti-unti na palang binubuksan ni Aniel ang pintuan ng kwarto ni Clood.
 
Kanina pa kasi siyang nandoon at pinakikinggan kung ano man ang sinasalita ni Clood.
 
Nang mabuksan niya ang pintuan ay agad naman nabigla si Clood.
 
“Ikaw pala iyan Aniel, ginulat mo ako ah”sabi ni Clood habang pabigla siyang nakaharap kay Aniel.
 
“Clood, pasensya karin kung naging mahina man ako na kasamahan mo”sisi ni Aniel na ikinagulat ni Clood.
 
“Aniel, ano bang pinagsasabi mo, dinamay ko lang kayo sa paglalakbay ko kaya huwag niyo nang sisihin ang sarili niyo”paalala ni Clood.
 
“Clood, kusa kaming sumama sa iyo sa paglalakbay kaya hindi mo na kasalanan kung may mangyari man sa amin”paliwanag ni Aniel. “Clood kaya tigilan mo na ang pagsisisi sa sarili mo!”sigaw ni Aniel na may kasamang pagtulo ng luha niya.
 
Ang pagsisigaw ni Aniel kay Clood ay narinig naman ng ibang kasamahan niya lalo na si Niela na higit pang nag-aalala sa kanya. Dali-dali naman siyang lumabas ng kwarto niya at pinuntahan niya kung nasan nanggagaling ang sigaw ni Aniel.
 
Nang makita niya ang pagtitipon nina Jack, Ian at Varien sa kwarto ni Clood ay hindi siya nag-alinlangan na lumapit, kaya agad niyang nakitang umiiyak si Aniel doon.
 
“Aniel!”bigkas ni Niela habang nagmamadali siyang yumakap kay Aniel. “Aniel, bakit ka ba umiiyak?”tanong ni Niela.
 
“Pasensya ka na Ate, pinapalabas ko lang yong emosyon ko”sagot ni Aniel.
 
Humingi naman ng patawad si Clood kay Niela dahil alam niyang siya ang naging dahilan sa pag-iyak nito.
 
“Niela, alam kong ako ang naging dahilan kung bakit umiiyak si Aniel, kaya pasensya”pahingi ng tawad ni Clood habang siya’y yumuko sa harap nina Niela at Aniel.
 
“Clood, itaas mo na ang iyong ulo, hindi naman kita sinisisi”pigil ni Niela kay Clood.
 
“Clood, grabe ang pag-aalala ko sa iyo simula nang makauwi tayo dito sa barko, gabi-gabi nalang ay nakikita kong lagi ka lang nalulungkot, halos hindi ko na makikita ang ngiti mo! Kaya Clood bumalik ka na sa dati pakiusap lang!”salita ni Aniel. “Clood, ibalik mo na sa dati ang sarili mo!”sigaw ni Aniel.
 
Dahil sa malakas na pagsigaw ni Aniel ay agad itong pumasok sa kalooban ni Clood, ang tila kakaibang pakiramdam na muli niyang naramdaman simula nang naging malungkot siya. Ngumiti naman sina Jack, Varien at Ian nang makita nilang naging iba na ang mga mata ni Clood na para bang nasilayan ito ng liwanag na tila kumikinang sa kanila dahil sa ganda at kaakit-akit.
 
“Aniel”bigkas ni Clood habang dahan-dahan siyang lumalapit nito tapos nang makalapit siya ay agad niyang hinawakan ang kamay nito sabay patayo. “Aniel, salamat at binuksan mo ulit ang nakarasado kong damdamin”pangiting sabi ni Clood.
 
Muli nang nakita ng mga kasamahan nila ang ngiti ni Clood na matagal nang nabura simula nang mawala si Miko sa kanila.
 
“Jack, Ian, Varien, Niela pasensya na kayo kung naging iba man ako noong nakaraang araw, kaya huwag na kayong mag-aalala ngayon, yong dating Clood na ang makikita niyo”pangiting sabi ni Clood na ikinasaya ng mga kasamahan niya lalo na si Ian.
 
Samantala, nang abala sa pag-iiyakan si Aniel at sa pag-iiba ni Clood ay nandoon lang pala sa itaas ng barko si Daven na pikit matang nakikinig sa nangyayari sa loob ng kwarto ni Clood.
 
“Salamat naman at nakabalik narin ang dating si Clood”bulong ni Daven habang bigla siyang ngumiti.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga ilang araw ang nakakaraan simula nang pagbabago ni Clood sa sarili ay bumalik na ulit sa dati ang lahat na kung saa’y sabay-sabay na silang kumakain, masaya na silang nag-uusap at higit sa lahat magkasama narin silang nagsasanay.
 
Habang kumakain si Daven sa kusina na may kasamang pagrereklamo ni Niela ay agad namang naramdaman nina Varien at Aniel ang tila malakas na hangin na dumating sa himpapawid, kasabay ng malakas na hangin ang mga ibong lumilipad palayo sa bahaging nilalakbayan ng grupo ni Jack.
 
“Jack, may kutob ako sa panahon ngayon”sabi ni Ian habang siya’y nakatingin siya sa malayong bahagi ng karagatan.
 
“Oo nga Ian, parang may nararamdaman akong masama sa mangyayari”tugon naman ni Jack.
 
“Jack, Ian, kung may nararamdaman kayo sa panahon ngayon, ano ba ang mabuting gawin natin?”tanong ni Clood. “Malayo na naman ang lalakbayin natin kapag babalik pa tayo”paliwanag ni Clood.
 
“Kaya nga Clood, wala naman tayong ibang paraan para maiwasan natin ang bahaging ito nang karagatan”sabi ni Ian.
 
Habang patuloy silang nagmamasid sa malayong bahagi ng karagatang lalakbayin nila ay agad naman nilang nakasalubong ang maliit na bangka ng magsasaka na may sakay na apat na tao. Sumigaw ito sa barko nila na nagsilbing paalala sa kanila.
 
“Huwag na kayong magpatuloy sa paglalayag niyo dito sa bahaging karagatan!”paalala ng isang lalaki kina Jack, Ian at Clood. “May malaking bagyong darating, tapos delikado pa ang bahaging iyan!”paalala ng mga mangingisda habang nakaturo ang direksyon ng karagatan.
 
“Manong, huwag po kayong mag-aalala, matibay po ang barko namin!”sigaw ni Jack sa mga mangingisda.
 
“Bata! Kahit gaano pa katibay yong barko niyo, hindi parin niyo magagawang tawirin ang bahaging iyan!”sigaw ng mga mangingisda.
 
“Manong, nasanay na po kami”sagot ni Jack.
 
“Bahala na kayo, basta binalaan ko na kayo!”sigaw ng mga mangingisda habang nagmamadaling umalis sa bahagi ng karagatan na tinutukoy nila.
 
Hindi man sila nakinig sa banta ng mga mangingisda sa kanila ay nararamdaman parin nila ang kaba at takot sa tuwing lumalapit sila sa karagatan. Habang palapit sila nang palapit ay lalo namang dumidilim ang paligid at lumalakas ang simoy ng hangin.
 
Unti-unti naring tumutulo ang patak ng ulan na nagmula sa maiitim na ulap. May kasama namang pagkulog at paghuhugis ng buhawi.
 
“Jack, sigurado ba tayo na ligtas lang tayo kapag magpapatuloy lang tayo!?”pasigaw na tanong ni Niela habang siya’y nag-aalala na.
 
“Niela, alam natin bagyo ang darating ngayon pero huwag kayong mag-aalala, makakaya ng barko natin ang maglayag dito kaya ligtas tayo kapag manatili tayo sa loob!”sigaw ni Jack.
 
“Jack! Kung may mangyayari mang masama na dahilan nang pagkasira ng barko natin, tandaan mo hindi ako marunong lumangoy kaya dapat una mo akong iligtas!”sigaw ni Daven kay Jack.
 
“Bahala ka Daven! Tatawanan lang kita! Kapag nakita kitang nalulunod na”sigaw ni Jack kay Daven.
 
Nang tumagal ang paglalayag nila ay unti-unti namang lumalakas ang alon ng karagatan, dumidilim ang buong paligid kahit tanghaling-tapat at higit sa lahat ay kumikidlat ang ulap nang wala sa oras.
 
Ang bagay na nangyayari ay lalo namang lumalakas hanggang sa unti-unti nang nagkakaroon nang ipo-ipo sa tubig.
 
“Pumasok kayo sa mga kwarto niyo!”sigaw ni Jack habang minamadali niya ang mga kasamahan niya.
 
Yakap-yakap naman ni Niela ang kapatid niyang si Aniel habang pinakikinggan nila ang malakas na bagyo na tumama sa kanila. Dahil sa malakas na alon ay natutumba naman sila sa kanilang tinatayuan at tila nababaliktad na ang kanilang barko sa sobrang lakas.
 
Naririnig naman nila ang mga pagkasira ng barko at mga gamit nila na nahuhulog sa sahig. Nananalangin nalang si Aniel dahil natatakot na siya sa masamang mangyayari sa kanila. Samantala, nagsisisi naman si Jack sa naging desisyon niya kung bakit hindi siya nakinig sa banta ng mga mangingisda sa kanila.
 
“Hindi ko inaasahang malala pala ang bagyo dito”bulong ni Jack.
 
Nang makapasok na sila sa bahaging iyon ng karagatan ay nawala naman ang malalakas na alon at pagkidlat.
 
“Bakit nawala ang bagyo?”tanong ni Ian.
 
“Hindi ko alam...”sagot ni Jack habang iniisip ang posibilidad.
 
“Jack may masama akong kutob dito”sabi ni Clood.
 
“Imposible naman na mawawala agad sa isang iglap ang bagyo, kung tahimik ngayon huwag mong sabihing nasa mata tayo ng bagyo”tugon ni Jack.
 
Nang lumabas si Jack sa loob ng barko ay nakita niya ang maliwanag na paligid. Sumaya naman ang ibang kasamahan niya habang isa-isang itong nagsisilabasan ang nasaksihan ang liwanag pero sa isang iglap lang ay agad silang hinigop ng ipo-ipo na nagmula sa ilalim ng tubig.
 
Hindi na nila alam ang sumunod na nangyari simula nang mahigop ng malaking ipo-ipo ang barko nila. Wala nang bakas ang pagkawala nila at nawala narin parang bula ang bagyo na para bang hinihintay lang nito ang paghigop ng barko ni Jack.
 
Ang barko ni Jack ay hindi na muling nakita sa karagatan...
 
Samantala, habang naglalayag ang apat na mangingisda na nakasalubong ng grupo ni Jack ay agad namang napakwento ang isang mangingisda sa mga kasamahan niya.
 
“Naniniwala ba kayo sa Lost City of Atlantis?”tanong ng isang mangingisda.
 
“Bakit mo naman naitanong iyan?”tanong nila.
 
“Ayon sa mga ninuno natin, dito daw sa bahaging karagatang ito matatagpuan ang siyudad na iyon, ang tanging paraan lang para makapasok ka doon ay hihigupin ka sa ipo-ipo at matapos kang mahigop ay maglalaho parang bula ang bagyo na parang wala lang nangyari”kwento ng isang mangingisda. “At kapag makapasok ka na sa siyudad ng Atlantis ay hindi ka na makakalabas pa kahit kailan”dagdag niya.
 
“Gawa-gawa lang iyon, hindi ako naniniwala sa bagay iyon”tugon nila.
 
“Oo nga, huwag ka na ngang magkwento nang ganyan, nandito pa tayo sa karagatan”pigil nila.
 
[SLATE-tionary: Ang Lost City of Atlantis ay isang alamat na gawa-gawa lang ng mga tao pero ang hindi alam ng lahat ay totoo talaga ang lugar na iyon..]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon