Extra Chapter

81 9 0
                                    


Matapos ang paglalakbay ni Daven kasama ang grupo niya na sina Jack, Ian, Clood, Niela at Aniel ay nakabalik narin ito sa Tropico Island, ang tirahan nila. Tanging ang libingan nalang ni Varien ang naiwan sa Tradevune at libingan din ni Miko ang naiwan sa Bansa ng Pendra. Sa kanilang paglalakbay ay may isang tao pala ang laging sumusunod sa kanila, kailanma'y hindi nila naramdaman ang enerhiya nito. Siya si Rrahril na naglalakbay sa panahon na kung saa'y naging interesado siya kay Daven.

"Hindi ako nagkakamali? May bagay siguro na espesyal sa kanya, hindi ko lang masabi"bulong ni Rrahril habang naglakbay siya sa oras na ilang taon ang nakakaraan.

Sa di masabing panahon ay nakarating si Rrahril sa isang malaking bahay na matatagpuan sa gitna ng kagubatan. Hindi iyon ordinaryong bahay bagamat maganda at magara itong nakatayo. May mga hardin ito na may magaganda at makukulay na bulaklak. At lalo nang may mga tao itong naninirahan na hindi mo naman masasabing mahirap.

Agad naman niyang pinahinto ang oras pagkatapos ay pumasok siya sa loob ng malaking bahay. Palihim siyang nagmamasid sa mga tao doon kaya habang siya'y patuloy na nagmamasid ay napukaw ang pansin niya sa isang batang lalaki na parehong walang emosyon ang mga mata.

Hindi lang minuto, hindi lang oras kundi mga araw ang inilaan niya para pagmasdan ang batang napukawan niya na ng atensyon. May pagkakataon naman na nakikita niya na nagtitipon ang lahat.

"Ryaz, patayin mo sila"utos ng namumuno doon sa isang bata.

Ang magkasintahan naman na kaharap ni Ryaz ay pareho namang umiiyak dahil pinapapatay sila ng namumuno doon. Parehong nagmamakaawa ang dalawa lalo na kay Ryaz, na ang batang napukawan ng atensyon ni Rrahril dahil nakahawak na ito ng kutsilyo.

"Ryaz, kung hindi mo sila papatayin ay may magsisisi ka sa desisyon mo"paliwanag ng namumuno kay Ryaz.

Hindi naman sumagot si Ryaz makikita talaga sa mata niya ang pagsang-ayon.

"Hindi na mauulit! Hindi na po maulit, hindi na po kami tatakas!"sigaw ng magkasintahan habang sila'y nagmamakaawa.

Kahit anong sigaw nila ay hindi parin sila pinakikinggan ni Ryaz kung kaya't gumamit na sila ng pwersa para protektahan nila ang kanilang sarili. Wala namang pakialam ang lahat lalo na ang namumuno nang biglang umatake ang magkasintahan kay Ryaz.

"Sinabi naming hindi na kami uulit!"sigaw ng lalaki habang madali niyang hinablot ang patalim na nakatago sa damit niya.

Akala ng lalaki'y masasaksak niya si Ryaz subalit hindi pala nangyari ang bagay na iyon, naunahan na pala siya masaksak sa tiyan nang sobrang bilis. Agad naman siyang napatumba dahil doon.

"Mahal!"sigaw ng babae habang mabilis siyang tumakbo palapit kay Ryaz upang ipaghingati ito.

Pero nang makalapit siya ay agad niya itong pinugutan ng ulo nang sobrang bilis na dahilan naman nang pagkagalit ng lalaki.

"PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO SA KANYA!!"sigaw ng lalaki habang tumayo siya tapos ay inatake niya si Ryaz.

Hindi na nakaporma pa ang lalaki dahil sa pareho na siyang pinutulan ng kamay ni Ryaz. Hindi pa nakontento si Ryaz ay hiniwa pa niya ang likuran nito nang ito'y matumba sa sahig.

Kahit bata pa si Ryaz na edad limang taong gulang ay kaya na niyang pumatay ng tao.

Dahil din sa pangyayaring iyon ay naging idolo ni Einar si Ryaz.

Lumipas ang mga araw ay tinadhana naman si Ryaz na makita niya si Rrahril sa isang lugar na walang tao. Pareho silang walang emosyon, parehong patay ang kanilang mga mata at pareho ding silang matahimikin, ang kaibahan lang sa kanilang dalawa ay limang taong gulang si Daven habang labing-anim naman si Rrahril.

Wala namang nangyari sa kanilang pagkikita, gusto sanang labanan ni Rrahril si Ryaz subalit hindi niya ito magagawa dahil sa batang-bata pa ito.

"Darating ang panahon ay magkikita rin tayo"paalala ni Rrahril kay Ryaz bago ito nawala na parang hangin.

Makalipas ang dalawang taon ay agad namang sinakop ng grupo ng tao ang malaking bahay na matatagpuan sa kagubatan at sinagip nila ang mga taong nakakulong doon. Kaya doon naman nakilala nang mag-asawang Dane at Lexa si Ryaz.

Agad nilang inampum si Ryaz tapos ay binigyan siya nang panibagong pangalan na simbolo nang bagong buhay.

"Daven Teru, ang bagong pangalan mo"sabi ni Dane habang hinihimas niya ang ulo ni Ryaz.

Nang tumira na si Ryaz (Daven) sa tirahan nina Dane at Lexa na matatagpuan sa Tropico Island ay doon niya nakilala ang ampon ding si Chit (Varien) na kalauna'y naging malapit sila sa isa't-isa. Si Chit (Varien) ang naging dahilan kung bakit nabago ang ugali ni Ryaz (Daven).

Samantala sa hindi masabing panahon ay nagkaharap naman sa pangalawang pagkakataon sina Rrahril at Ryaz (Daven) na magiging panghuli na pala.

-----

Ilang buwan ang nakakaraan matapos ang paglalakbay ni Daven ay agad namang nagkawatak-watak ang kanilang grupo.

Ang magkapatid na sina Niela at Aniel ay sumama sa kanilang ina at ama kasama ang kuya nila na pumunta sa ibang bansa para magbagong buhay.

Si Clood nama'y nanirahan na sa ibang isla para tumulong sa kanyang ama sa trabaho.

Si Jack nama'y nanirahan din sa ibang isla para magsanay at mag-aral.

Si Ian nama'y nag-asawa na at nanirahan na sa ibang isla.

Kaya tanging si Daven nalang ang natira sa kanilang grupo na naninirahan pa sa Tropico.


[Dito na nagtatapos ang Book 1: Slate in Tradevune, maraming salamat sa lahat nang nagsubaybay ng kwentong ito, hanggang sa muli.. Merry Christmas and advance happy new year]

 Merry Christmas and advance happy new year]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon