Patuloy paring nagfafantaserye si Niela sa bayaning nagligtas sa kanya kanina kahit si Daven lang pala.
“Niela, ano pa bang iniisip mo?”tanong ni Daven habang pinutol niya ang pagfafantaserye ni Niela.
“Huwag ka ngang makipag-usap sa akin Daven, alam mong marami pa akong iniisip”reklamo ni Niela.
“Ano pa bang iniisip mo? Yong prince charming na tumulong sa iyo na mukhang alien, palibhasa mahilig ka naman sa ibang nilalang”biro ni Daven kay Niela.
“Nakita mo ba yong pangyayari Daven?”tanong ni Niela . “Kung makapagsalita ka para kang kung sino”dagdag niya.
“Hindi pero isa lang alam ko, ang lugar na ito ay hindi pang ordinaryo”paliwanag ni Daven.
“Titigil na ako Daven, ano naman ang gagawin natin ngayon?”tanong ni Niela.
“Syempre, hahanapin natin yong mga kasamahan natin”sagot ni Daven.
“Ano!? Hindi mo sila kasama?”pabiglang tanong ni Niela.
“Hindi, di ba naghahanap ka sa kanila kanina?”palinaw ni Daven.
“Oo naghahanap ako, saan ka ba kanina?”tanong ulit niya kay Daven.
“Natutulog lang ako sa bubong ng barko”sagot ulit ni Daven.
“Akala ko kasama mo sila, naloko na, paano natin sila hahanapin? At saan naman natin sila hahanapin, huwag mong sabihing magpapatuloy pa tayo dito sa lugar na ito?”palinaw ni Niela.
“Syempre hahanapin natin sila dito sa lugar na ito”sagot ni Daven.
Napa-upo nalang si Niela dahil akala kasi niya’y nakumpleto na sila pero hindi pa pala. Takot kasi siyang pumasok sa siyudad ng Atlantis dahil sa nangyari sa kanya. Alam niyang hindi pang-ordinaryong tao ang naninirahan sa siyudad marahil mga malalakas at makapangyarihan ang mga taong-dagat.
Walang takot na lumabas si Daven sa abandonadong gusaling pinagtataguan nila kahit takot na takot na si Niela.
“Daven, hindi ka ba natatakot na papasok sa lugar na ito?”tanong ni Niela habang nagdadalawang-isip siya kung susundan ba niya si Daven o hindi.
“Niela, ngayon ka pa matatakot? Matagal-tagal na tayong naglalakbay, di ba gusto mo pang hanapin ang kapatid mo si Aniel, paano mo siya mahahanap kung mamumuo sa dibdib mo ang takot”paalala ni Daven.
Hindi na nagpatinag si Niela kung kaya’y tumayo siya at hinarap ang katutuhanan. Dahan-dahan siyang lumapit kay Daven para siya’y makalabas rin. Dahan-dahan naman niyang itinatapak ang paa niya kasabay ang paghihinga nang malalim.
“Hahanapin ko sila, hindi ako matatakot!”paalala ni Niela sa sarili niya.
Nilakasan niya ang kanyang loob nang makalabas siya at nakita ang paanan ng siyudad.
“Daven, simulan na natin ang paglalakbay”sabi ni Niela.
Napatingin naman si Daven kay Niela dahil sa magkatabi lang sila.
“Niela, para tayong nasa fantaseryeng nobela na nasa-ibang mundo, ako yong bida tapos ikaw yong leading lady ko”paseryusong sabi ni Daven na ikinainis ni Niela.
“Tumahimik ka nga Daven, kanina mo pa ako kinukulit! Che!!”pamalditang sigaw ni Niela habang lumayo siya kay Daven.
Patawa namang sumusunod si Daven kay Niela.
Silang dalawa’y nagpatuloy sa paglalakad sa siyudad ng Atlantis. Hindi naman sila tumitingin sa mga tao doon sapagkat ayaw nilang makakuha nang atensyon. Sa kanilang paglalakad ay napadpad sila sa isang malaking gusali na may malaking mansion na nakatayo.
Nakaramdaman naman ng kaba si Niela dahil sa nakuha nila ang atensyon ng mga tao doon.
“Daven, saan na ba tayo? Bakit parang nagtitinginan ang mga taong iyan sa atin?”pahinang tanong ni Niela.
“Hindi ko alam Niela, siguro bawal yata itong lapitan”pahinang sagot ni Daven. “Niela, aalis na tayo dito baka makita nila ang pagkakakilanlan natin”utos ni Daven.
Dahan-dahan naman silang lumalayo sa mansion pero nang patakbo na sila ay agad naman silang hinarangan ng limang guwardiyang nagbabantay sa labas. May dala-dala itong mga sandatang espada na matalis pa sa bakal dahil sa nakikita nilang kumikinang pa ito.
“Sino bang nag-utos sa inyo na lumapit kayo sa lugar na ito?”tanong sa kanila ng mga guwardiya.
“Pasensya na po, naligaw lang po kasi kami kaya po kami napunta rito, pero wala pong malisya, wala po kaming balak na masama po”paliwanag ni Daven habang pinipilit niyang ipakita sa mga guwardiya ang inosente niyang mukha.
“Sigurado ba kayo?”palinaw ng mga guwardiya sa kanila sabay titig sa kanilang mukha.
Nang tumagal ay parang naiibahan naman ang mga guwardiya sa kanila, halos hindi na mapuputol ang tingin sa kanila hanggang sa napagtanto nito ang pagkakakinlanlan nina Niela at Daven.
“Pare, parang may mali yata sa dalawang ito?”bigkas ng isang guwardiya.
“Oo nga pare, para yatang taong-lupa tong dalawang ito”sagot ng isang guwardiya na ikinabigla nina Daven at Niela.
Napalapit nalang ng todo si Niela kay Daven dahil sa natatakot siya sa susunod na mangyayari. Wala kasi silang magagawa kapag malaman ng buong siyudad na hindi sila taga-roon.
“Daven, natatakot na ako”pabulong ni Niela kay Daven.
“Niela, kalma ka lang, ako na ang bahala rito”pabulong na sagot ni Daven.
Malalaman na sana ng mga taga roon ang anyo nina Niela at Daven subalit hindi naman iyon natuloy dahil sa dumating ang isang lalaki na dahilan naman nang pagtigil ng mga guwardiya. Nakasuot siya nang magagarang damit, tapos hindi naman siya may edad na masasabi mong matanda na. Para lang siyang isang binata dahil sa makinis na kutis nito.
“Ano bang kaguluhan ang nangyayari dito?”tanong niya sa mga guwardiya.
“Master Lucas, may lumapit po dito sa labas nang mansion, kinakalitis pa po namin kung masama po ba sila o hindi”paliwanag ng mga guwardiya.
Nang makita ng lalaki sina Niela at Daven ay agad niyang pinaalis ang mga guwardiya.
“Umalis na kayo, ako na ang bahala sa mga ito”tugon ng lalaki.
“Sige po Master Lucas”sagot ng mga guwardiya sabay alis.
Nang makaalis na ang mga guwardiya ay tanging natira nalang doon ang lalaki at sina Niela at Daven.
“Mga taong-lupa kayo diba?”palinaw ni Lucas na ikinabigla ni Niela.
“Sa hindi kami magsisinungaling ay mga taong-lupa kami”lakas-loob na binigkas ni Daven na ikinagulat pa ng todo ni Niela.
Hindi kasi aakalain ni Niela na magsasabi si Daven nang katutuhanan sa kabila ng sitwasyon na hinaharap nila. Pero imbes na matakot si Niela ay nawawala naman ito dahil sa naging ugali ni Lucas sa kanila.
“Huwag kayong matakot sa akin, hindi ko naman ipagsasabi sa lahat na taong-lupa kayo”pabait na bigkas ni Lucas. “Pumasok muna kayo para makakain kayo”pangiting alok niya sa dalawa.
Hindi naman inaakala ni Niela na hahantung pala sa ganoon ang pangyayari. Napamangha pa nga siya nang makapasok na sila sa malaking Mansion na pagmamay-ari ni Lucas.
“Master Lucas-“pasalita ni Niela.
“Tito Lucas nalang ang itawag niyo sa akin, ayoko kasing tawaging master sa mga katulad niyong ordinaryong tao”paliwanag ni Lucas.
“Tito Lucas, pwede niyo pong ipaliwanag sa amin kung ano po ang lugar na ito”hiling ni Niela.
“Iha, hindi mo alam kung anong lugar ito kahit nandito na kayo’t nakikita ang buong siyudad”salita ni Lucas na para bang gusto niyang ipabatid kay Niela na ang lugar na ito ay kilala.
“Pasensya napo, wala po kasi akong alam kung ano pong klaseng lugar ito”sagot ni Niela.
“Iha, ang lugar na ito ay ang Atlantis, ito yong haka-haka ng mga tao na isang alamat pero isa palang totoo”pakilala ni Lucas na ikinabigla ni Niela.
“Imposible, paano kami napunta rito?”tanong ni Niela habang siya’y nabigla.
“Isa lang ang masasabi ko diyan iha, ang lagusan nang bagyo”sagot ni Lucas.
“Bagyo? Huwag mong sabihing napasok kami sa lagusan sa pamamagitan nang paghigop sa amin nang ipo-ipo?”palinaw ni Daven.
“Yan na nga iho”suporta ni Lucas sa sinabi ni Daven.
“Tito Lucas, paano pa kami makakalabas po dito sa lugar na ito?”tanong ni Niela pero hindi namana nakapagsagot si Lucas dahil sa nakarating na sila hapag-kainan.
Inalok naman sila ni Lucas nang kain kaya’t hindi naman makatanggi ang dalawa lalo na si Daven na pagkain lang ang laging iniisip. Maraming nakahandang pagkain lalo na’t masasarap ito at magagara.
Nagmamasid lang si Lucas habang nginunguya ng dalawa ang pagkaing inalok niya. Nang matapos na ang pagkain ni Niela ay agad rin naman niyang tinanong si Lucas sa huling tinanong niya na hindi nasagot.
“Tito Lucas, paano ba kami makaka-alis sa lugar na ito?”tanong ni Niela.
Dahil sa tanong ni Niela ay napaseryuso naman bigla si Lucas. Umupo nang matuwid si Lucas tapos hinarap niya nang seryuso si Niela.
“Iha, masakit mang sasabihin pero kapag kayo’y nakapasok na sa lugar na ito ay kailanma’y hindi na kayo makakalabas pa, dito nalang kayo maninirahan habambuhay, at ang lugar na ito ay magiging libingan niyo na rin”paliwanag ni Lucas.
Napatigil naman sa pagkakain si Daven dahil sa narinig niya sa sinabi ni Lucas.
“Tito Lucas, wala na po bang paraan para kami makalabas rito?”tanong ni Daven.
“Pasensya ka na iho, wala talaga, pero ayun sa haka-haka dito ay may lagusan daw palabas dito pero ang problema ay hindi ko alam at totoo ba?”sagot ni Lucas.
“Ganoon ho ba, mabuti na po kung ganoon, kami na po ang maghahanap sa lagusan palabas dito kung sakali”pangiting sagot ni Daven.
Nabuhayan naman bigla ng loob si Niela dahil sa sinabi ni Daven.
“Iho, huwag kayong mag-aalala, tutulungan ko rin kayong makalabas dito”dagdag ni Lucas.
Inalok din ni Lucas sina Niela at Daven na doon nalang sa mansion niya magpalipas ng gabi dahil sa dumidilim na. May kanya-kanyang kwarto sina Niela at Daven na parehong magagara at pangmayaman ang dating.
Samantala sa kwarto ni Niela, napahiga nalang siya sa kama niya dahil sa pagod na naramdaman niya. Pero hindi parin mawala sa kanyang isip ang ibang mga kasamahan niya lalo na si Aniel.
“Aniel, sana ayus lang ang kalagayan mo ngayon, sana malayo ka sa panganib”alala ni Niela.
Habang siya’y nag-aalala ng lubusan kay Aniel ay dahan-dahan namang tumutulo ang luha niya. Unang beses palang niyang umiyak dahil sa isang iglap lang ay napunta sila sa lugar ng Atlantis na walang lagusang palabas.
“Kapag nagkita na kami ng mga kasamahan namin ay sana mahanap namin yong lagusan”hiling ni Niela.
Patuloy siyang umiiyak doon dahil sa pag-aalala. Makalipas ang ilang minuto ay naputol naman ang pag-iiyak niya nang marinig niya ang sigaw ng isang babae sa labas na naghihingi ng tulong. Hindi lang sa naghihingi ng tulong ang pinag-aalala niya kundi ang boses ng babae na kilala niya.
“Mukhang kilala ko yata yong boses na iyon”bulong ni Niela habang dali-dali siyang sumilip sa bintana.
Nagulat siya nang makita niya si Aniel na nakatali at nakakulong sa isang kulungan na dala-dala ng mga kabalyero na may sandatang sibat.
“Aniel!!?”sigaw ni Niela habang dali-dali siyang tumakbo palabas nang Mansion.
Lalabas na sana siya upang sagipin si Aniel subalit pinigilan naman siya ni Lucas na kanina pa nandoon sa labas.
“Tito Lucas! Kapatid ko po iyon! Dapat ko po siyang iligtas!”sigaw ni Niela habang pinipilit niyang makalabas.
“Iha, nakikita mo ba yong mga nakaputing taong-dagat na may hawak-hawak na espada?”tanong ni Lucas.
“Opo Tito Lucas, nakikita ko po sila pero wala po akong pakialam kung sino pa po sila!”sigaw ni Niela habang nilalabanan niya si Lucas.
“Iha, mapapatay ka lang kapag lalapit ka doon, malakas ang mga Sea Guardian kaya pinaaalahanan na kita”paalala ni Lucas habang binitawan niya si Niela. “Iha, kung gusto mong mamatay at nang kapatid mo ay lumapit ka doon, nag-aalala lang ako sa iyo”paliwanag ni Lucas.
Wala namang nagawa si Niela kundi’t pagmasdan nalang ang papalayong si Aniel na nakakulong sa isang karwahe. Napatulo ang luha niya habang siya’y nakaluhod sa lupa.
Dumating naman si Daven nang makalayo-layo na ang tila pagdating ng isang parada.
“Tito Lucas, ano po ba ang sinasabi niyong Sea Guardian?”tanong ni Daven.
“Iho, ang Sea Guardian ay sila yong malalakas na sundalo sa karagatan, ang kapangyarihan nila’y hindi masusukat, ang sabi ng iba ay kailangan nang libo-libong taong-dagat para lang makatalo ang isang Sea Guardian”paliwanag ni Lucas.
“Kailangan nang libo-libong taong dagat? Nababaliw ka na ba!! Eh! Isang taong-dagat nga hindi ko kaya isang Sea Guardian pa kaya”reklamo ni Niela.
“Kaya nga ang sinasabi sa iba ay imposible daw matalo ang isang Sea Guardian dahil sa ang kapangyarihan nito’y papantay na sa Diyos”paliwanag ni Lucas.
“Tito Lucas kung ganyan po kalakas ang isang Sea Guardian ay paano ko po maililigtas ang kapatid ko?”tanong ni Niela.
“Magdasal ka nalang na sana makatakas ang kapatid mo”bigkas ni Lucas na dahilan naman nang pagkawala ng pag-asa ni Niela.
[SLATE-tionary: Ang Sea Guardian ang pinakamalakas na taong-dagat sa karagatan. Sila yong nagbabantay kung sakaling aatakehin man ng masasama ang karagatan. Sa kasalukuya’y hindi mabilang ang mga Sea Guardian na nagkalat sa buong karagatan pero sa Siyudad nang Atlantis ay may dalawangpung (20) mga Sea Guardian.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
PertualanganIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...