Chapter 47: The Problem Arise

51 14 2
                                    

Hindi naman inaakala ni Lucas na makakuha sila nang pagkakataon na mailigtas si Daven kahit nasa bingit sila nang kapahamakan. Nagawa kasing masentro ang atensyon kay Varien kaya hindi na nagdalawang-isip si Lucas na kunin ang pagkakataon.

“Salamat iha”pasalamat ni Lucas kay Varien sa hangin.

Hindi naman agad napansin ng mga Sea Guardian ang pagdampot nila kay Daven dahil abala pa ito sa pagpigil sa malakas na pag-atake ni Varien. Dahil doon ay nairita ang mga Sea Guardian.

“Ang lakas ng loob ng taong-lupang iyan na atakehin tayo sa likod”reklamo ng mga Sea Guardian.

Napatayo naman sa gulat si Reyna Leia nang makita niya ang pagdating ni Varien.

“Varien, bakit ka pumunta dito?”tanong sa sarili ni Reyna Leia.

Patakas na sana si Lucas habang bitbit ang walang malay na si Daven pero agad namang tumigil ang mundo niya nang makita niya ang pagtayo ni Reyna Leia na kung saa’y nakatingin ito kay Varien.

“Leia”pahinang bigkas ni Lucas habang siya’y napahinto nang ilang segundo para tingnan ito pero minadali naman siya ng mga tagasilbi niya.

“Master Lucas, kailangan na po nating magmadali baka makita po nila tayo”paalala ng mga tagasilbi niya na kung saa’y umalis rin siya.

 Nangyari lang iyon sa isang iglap lang habang umuusok pa ang kapaligiran. Gulat-gulat naman ang lahat nang matapos na ang usok at nakita na nilang wala na doon si Daven, hindi pa nga makapaniwala ang mga Sea Guardian na natakasan sila si Daven.

“Imposible, saan na ang batang iyon?”tanong ng hari. “Hanapin niyo ang taong-lupang iyon”utos ng hari sa mga Sea Guardian.

Samantala, kahit hindi alam Varien ang nangyayari ay naging masaya naman siya dahil sa nakita niyang nawala sa isang iglap si Daven. Napa-upo naman siya na parang wala lang habang siya’y tinitingnan ng hari at katabi ng mga taong-dagat.

“Kung gusto niyo akong parusahan! Gawin niyo na!”pahamon ni Varien sa hari.

Pagkatapos nang kaguluhang iyon ay agad namang kinausap ng hari ang mga nagbabantay noon sa palasyo at tinanong sila tungkol sa mga taong-lupang nakatakas sa araw na iyon.

“Ano bang ginagawa niyo kanina!? Bakit nakatakas ang mga taong-lupa?”pasigaw na tanong ng hari sa mga nagsisilbi at sa mga nagbabantay.

Walang miisang nakasagot sa hari marahil wala naman silang alam tungkol sa nangyari at lalong wala silang alam kung sino man ang nagpatakas. Dahil sa walang sumagot ay pumunta nalang ang hari sa kulungan ni Varien upang tanungin ito at bantaan.

Pero kahit paulit-ulit nagtanong ang hari ay hindi talaga sumasagot si Varien.

“Mahal na hari, kami lang po nang mga kasamahan ko po ang nagplano sa pagtakas”sagot ni Varien.

“Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo taong-lupa!!”sigaw ng hari sa galit habang sinakal niya nang malakas si Varien. “SABIHIN MO SA AKIN SINO ANG NAGPATAKAS SA INYO!!”sigaw ng hari na halos mamula na ang mata sa sobrang galit pero hindi parin sumagot si Varien bagkus pinagtawanan lang siya nito.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon