Chapter 64: Aniel

40 9 2
                                    

Patuloy parin ang labanan sa bayan na matatagpuan sa Tradevune. Sa pagitan nina Niela, Varien at ang kaharap nilang si Blade, at sa pagitan din nina Ian, Aniel at sa kaharap nilang napapagod na si Aniya. Pagod na pagod na si Aniya dahil inubos nito ang lahat nang lakas para mapatumba lang niya si Clood. Pero nang mapatumba niya nga ito ay hinarap muli siya nina Ian at Aniel.

Hindi naman siya nakaramdaman ng takot o kahit kaba subalit isa lang ang naging reaksyon niya kundi ang pagtawa ng malakas na kung saa’y nasiyahan siya ng todo sa pangyayari.

“Ano ang tingin niyo sa akin, mahinang nilalang? Kahit babae lang ako ay kaya ko parin kayong patumbahin”bigkas ni Aniya kasabay nang hindi niya pag-aalinlangang pag-atake.

Madali namang ginamit ni Ian ang kanyang mahikang bato na kung saa’y hinarangan niya ang pag-atake ni Aniya. Akala nina Ian at Aniel na nanghihina na ang kapangyarihan ni Aniya dahil sa ibinuhos nito sa pakikipaglaban kay Clood ay nagkakamali sila. Isang mala-pagsabog nang bulkan ang kanilang natunghayan nang sinira nito ang batong mahika ni Ian at nang masira ay doon na sila pisikalang inatake gamit ang nagbabagang kamao.

“Hindi niyo ako matutumba”bigkas ni Aniya habang patuloy niyang sinusuntok si Ian.

“Ang dami pa palang enerhiya ang nakatago sa katawan ng babaeng ito”reklamo ni Ian habang pilit niyang iniilagan o pinipilan ang bawat pag-atake ni Aniya.

Sa unti-unting pag-aatras ni Ian ay payapa namang pinuntirya ni Aniel si Aniya gamit ang kanyang pana na gawa sa mahikang hangin. Sinigurado niya ang pagpuntirya ni Aniya dahil may pagkakataong kasing matamaan niya si Ian.

“Kapag natamaan ko ang isang ito ay siguradong mahihirapan na siyang makatayo pa”bigkas ni Aniel habang nakapukos siya kay Aniya.

Patuloy siyang pumintirya hanggang sa binitawan na niya ang kanang kamay niya. At doon ay tumungo ang simang mahika kay Aniya, at sa awa ng pagsisikap ni Aniel ay nagawa niya itong matamaan sa likurang bahagi na dahilan nang pagtumba nito at paghinto sa laban kay Ian.

Agad namang nakahinga nang maluwag si Ian dahil doon tapos habang malaki pa ang kanilang pagkakataon ay hindi siya nag-alinlangan na atakehin ito habang nakahandusay sa lupa.

“HINDI PA AKO NATATALO”sigaw ni Aniya habang sinunog niya ang buong kagubatan sa pangalawang pagkakataon na ikinagulat ulit hindi lang nina Ian at Aniel kundi ang mga tao rin na nagtatago sa bawat kabahayan.

Nanginginig na sa takot ang lahat nang makita nilang lalo pang lumalakas ang apoy dahil ang ibig sabihin kasi nito ay hindi pa napapatumba ang mga kalaban.

“Paano kaya nila maliligtas ang bayang ito?”tanong ng mga tao.

“Sana magtagumpay sila”hiling ng mga bata.

Kahit na nga ang kataas-taasan ay nagdasal nalang din na matapos na ang laban.

“Sana, mapatumba nila ang mga masasamang tao para matapos na ang kaguluhan, hindi lang ang buong isla ang maaapektuhan kundi kami ring mga naninirahan dito”hiling ng kataas-taasan.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon