Lumipas ang tatlong araw ay nakarating narin ang barko ni Jack sa bansa ng Pendra. Hindi naman nag-alinlangan si Clood na maglakbay sa Pendra kahit na hindi kasiguraduhan ang magiging kahinatnan niya doon. Pinigilan naman siya ni Aniel na hawak-hawak ang kanyang kamay.
“Clood, mapapahamak ka lang sa ginagawa mo, Oo alam kong ginagawa mo iyon para kay Rura pero dapat mo munang isipin ang makakalaban mo, malakas ang makakalaban mo”paliwanag ni Aniel habang nag-aalala siya nang tuluyan kay Clood.
“Aniel, alam ko ang ginagawa ko, alam ko magiging resulta ng paglalakbay ko, pero kahit magiging kaawa-awa lang ako ay hindi parin ako susuko, buhay na ang nakataya rito at buhay rin ang magiging kapalit, Aniel kung may mangyayari mang masama sa akin ay kasalanan ko na iyon”paliwanag ni Clood kay Aniel na ikinabigla nang lahat.
Lahat naman ng mga kasamahan ni Clood ay nagiging tulala dahil sa sinabi niya na kahit si Jack ay nagustuhan ang mga salitang sinabi niya. Mag-isa namang bumaba si Clood sapagkat hindi nito inaasahan na sasamahan pala siya nina Aniel, Miko at Ian. Nagulat naman si Clood dahil sa naging desisyon ng tatlo niyang kasamahan.
“Ano bang ginagawa niyo?”tanong ni Clood sa tatlo.
“Clood, sasamahan ka namin dahil hindi namin hahayaang mag-isa ka lang naghihirap”sagot ni Miko.
“Oo nga Clood, naiintindihan namin ang sitwasyon mo ngayon kaya dapat maintindihan mo rin ang sitwasyon namin sa magiging desisyon namin, diba?”tugon ni Ian.
“Clood, kahit hindi man tayo sama-sama sa paglalakbay dahil hindi pa gaanong gumagaling sina Ate at Jack ay gagawin pa rin namin ang lahat para magtagumpay tayo”paliwanag ni Aniel.
Hindi naman mapigilang maluha ni Clood dahil akala kasi niya ay mag-isa lang siya.
“Salamat”pabiglang pasalamat ni Clood sa mga kasamahan niya.
Naputol naman ang kanilang pag-uusap nang biglang lumabas si Daven na tatlong araw ring nagkasakit. Wala namang alam si Dave sa mga nangyari sa labas dahil nakalubog lang siya sa kanyang higaan. Panay namang nakatingin ang mga kasamahan niya sa kanya na para bang may nagawa siyang kasalanan.
“May problema ba?”pahinang tanong ni Daven sa mga kasamahan niya.
Dahan-dahan namang lumapit si Varien kay Daven upang ipaliwanag nito ang mga nangyari. Laking gulat naman ni Daven nang malaman niya na nadukot pala si Rura ng mga malalakas na pirata habang sila’y naglalayag pa sa karagatan.
Nakatingin parin si Daven sa mga kasamahan niya dahil para kasing naghihintay ito sa magiging desisyon niya kung ano ang sunod niyang gagawin.
“Oo tama na, itigil na ninyo ang mga pagtitingin niyo sa akin, alam kong gusto niyo akong pasamahin sa paglalakbay ni Clood para makuha si Rura”tugon ni Daven.
“Daven, kung may mangyayari mang masama sa inyo ay mauna kanang tumakbo dahil alam ko namang ikaw yong unang matutumba”painsultong paalala ni Jack.
“Jack, ganito lang yong katawan ko pero kinatatakutan ito kahit mga malalakas na halimaw”pabiro ni Daven.
“Umalis ka na Daven, nandidiri na ako sa iyo”painsultong sabi ni Niela kay Daven.
Matapos ang kanilang pamamalaan ay umalis na sina Clood, Aniel, MIko, Ian at Daven habang naiwan naman sa barko sina Varien, Niela at Jack upang makapagpahinga at magbantay sa barko.
Napadpad naman ang grupo ni Clood sa mahirap na bayan ng Pendra. Hindi na naabutan ng grupo ni Clood ang pag-atake ng mga bandido sa bayan na kahit mahirap lang ito ay walang awang inatake parin ng mga bandido.
Nag-iiyakan ang mga bata na halos walang saplot pang-ibaba, tapos duguan din ang ibang mga taong nakipaglaban sa mga bandido na halos ay mga kalalakihan. Nang makarating sila roon ay dali-dali namang nagsisitakbuhan ang mga kababaihan habang dala-dala nito ang kanilang mga anak.
“May mga tao na namang pumasok sa bayan natin!!”sigaw ng mga kababaihan.
“Ano!”sigaw ng mga kalalakihan habang dahan-dahan silang tumatayo sa pagkakadapa nila.
Kahit may mga dugo pa sila sa kanilang mga katawan ay hind parin nila inintindi iyon dahil ang iligtas ang kanilang bayan ang kanilang tungkulin.
Aatake na sana sila subalit nagulat sila nang makita nilang mga bata lang pala iyon.
“Ano bang problema niyo bakit hindi niyo sila inatake?”tanong ng isang matanda na pinuno ng maliit na bayan.
“Pinuno! Hindi po kami sigurado kong mga bandido po sila, mga ordinaryong bata lang po sila!”sigaw ng isang lalaki.
“Nakita niyo naman ang mga sandata nila, ang pagiging bandido ay walang pinipiling edad, mapamatanda man o bata”paliwanag ng matanda.
Dahil sa sinabi ng pinuno sa kanila ay hindi na sila nagdadalawang-isip na atakehin ang grupo ni Clood subalit natigil naman sila nang makita nila si Aniel na tanging babaeng kasama ni Clood sa grupo.
“Isang dalaga?”tanong ng mga lalaki sabay hinto.
“Ano na naman ang problema?”tanong ulit ng matanda.
“Pinuno, may kasamahan po silang babae!”sigaw ulit ng lalaki.
“Ano naman kung may kasamahan silang babae, hindi lang edad ang pinipili ng mga magiging bandido, pati rin ang kasarian, wala ring pinipiling kasarian ang mga bandido, mapa-babae man o lalaki ay pwedeng maging bandido!”sigaw ng matanda.
Nagulat namang ang lahat nang biglang lumapit ang isang bata sa kanila na walang iba kundi si Daven.
“Pinaghihinalaan niyo kaming mga bandido, ganyan na talaga yong tingin niyo sa amin””sabi ni Daven.
“Bata ang lakas ng loob mong lumapit dito”pabiglang sabi ng mga kalalakihan.
"Hindi ko naman kayo inaano ah!”bigkas ni Daven.
Bigla namang sumigaw si Clood kay Daven dahil lalo na kasi silang pinaghihinalaan dahil sa kilos at salita ni Daven.
“Daven, tumahimik ka nga, pinapahamak mo lang ang paglalakbay natin!”pigil ni Clood.
Humingi naman ng pasensya si Clood pati na sina Aniel, Miko at Ian sa pamamagitan ng pagyuko nila sa harap ng pinuno ng bayan.
Malugod naman silang tinanggap ng pinuno at nang mga tao maliban lang kay Daven na kailanma’y hindi narespeto kahit isang tao sa bayan.
“Mga manlalakbay bakit ba kayo napadpad sa bayang ito?”tanong ng matanda kina Clood, Aniel, Miko at Ian.
“Lolo, may hinahanap po kasi akong grupo ng mga pirata dahil dinukot po ang isa sa mga kasamahan namin”sagot ni Clood.
“Mga pirata ba kamo iho, marami akong naririnig tungkol sa grupong iyan subalit wala halos akong impormasyon kung saan nananatili ang grupong iyan”paliwanag ng matanda.
“Ganoon ho ba, Lolo huling tanong ko lang po, saan po ba matatagpuan yong espada ni Haring Arthur?”tanong ni Clood na ikinagulat ng lahat ng mga tao at nang matanda.
“Iho, bakit ang interesado mo sa bagay na iyan? Kahit makapunta man kayo sa kinalalagyan ng espada ni Haring Arthur ay hindi mo parin mabubunot ang espada”paalala ng matanda.
“Lolo, mabubunot ko po ang espada”lakas na loob na sinabi ni Clood na ikinatahimik ng mga tao.
“Mabubunot mo ang espada? Imposible, ilang taon nang nakatusok ang espada roon subalit wala paring nakakabunot”tugon ng isang lalaki na pabiglang nagsalita.
“Iho, nababaliw ka lang, kung ikaw man ang tinutukoy nilang itinakda ay nananaginip ka lang”bigkas ng matanda.
Nabigla naman si Daven sa narinig ng pag-uusap ni Clood sa mga tao tungkol sa espada ni Haring Arthur, kahit na nga sina Aniel, Miko at Ian.
“Clood, ano bang tinutukoy mong espada?”tanong ni Aniel.
“Aniel, makinig nalang kayo sa sasabihin ko, kaya hindi nga ako natakot kahit mag-isa pa akong maglakbay dito sa bansa ng Pendra”paliwanag ni Clood.
Hindi naman naniniwala ang mga tao sa sinasabi ni Clood dahil nakita lang nila na isang ordinaryong bata lang si Clood.
Makalipas ang isang oras na pananatili at pakikipag-usap nang grupo ni Clood sa mga tao ay agad naman silang binulabog ng isang malakas na sigaw, isang sigaw na nagpapaalala ulit sa kanila na may mga bandido na namang umaatake.
“May mga grupo na naman ng mga bandido ang paparating sa ating bayan!”sigaw ng isang lalaki na nagbabantay sa paligid.
“Ano!? May mga bandido na naman ang paparating rito, pangalawang beses na itong nangyari”tugon ng matanda habang hinanda niya ang mga kababayan niya.
Dali-dali namang nagsitaguan ang mga kababaihan habang dala-dala nito ang mga anak nila samantalang ang mga kalalakihan nama’y dali-daling hinanda ang mga sandata na kahit hindi pa gaanong gumagaling ang mga sugat nila na natamo nila.
Dumadaloy pa sa mga katawan ng mga kalalakihan ang dugo sa kanilang katawan na may kasamang panginginig dahil sa takot.
Pinagsabihan naman ng matanda si Clood at nang mga kasamahan nito na magtago para hindi sila madamay sa kaguluhan subalit hindi naman ito sumunod.
“Lolo, pro-protektahan namin ang bayan niyo”bigkas ni Clood na ikinabigla ng matanda.
“Ano bang pinagsasabi niyo!? Mapapahamak lang kayo sa gagawin niyo, narinig niyo namang mga bandido ang umatake sa bayang ito, hindi mga ordinaryong tao”paalala ng matanda.
“Lolo, kami na po bahala”pangiting bigkas ni Miko habang kinislapan niya ang matanda.
Wala namang nagawa ang matanda nang umalis na ang lima.
Nang makita ng mga kalalakihan ang lima na sina Clood, Aniel, Miko, Ian at Daven ay agad nila itong binalaan sa mangyayari pero kahit paulit-ulit nila itong sinigawan ay hindi parin ito umalis.
“Ano bang iniisip nila?”tanong ng isang lalaki.
“Mamamatay lang sila kapag hinarap nila ang mga bandido, hindi lang ordinaryo ang mga bandidong iyon dahil nakita kong marami ito at malalakas pa, hindi tulad nang umatake kanina”sabi ng nagbabantay.
Sumigaw naman ang lalaking iyon sa pinuno nila tungkol sa anong gagawin nila dahil magiging delikado ang lagay ni Clood pati ang mga kasamahan nito.
“Hayaan niyo na sila, kung totoo talagang siya ang itinakda na tinutukoy nila ay maitutumba ng batang iyon ang mga bandido”tugon ng matanda.
“Pero mga bata lang po sila”sabi ng lalaki.
“Mapa-matanda o bata, lalaki o babae, walang pinipili ang itinakda”tugon ng matanda.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nabigla naman ang pinuno ng bandidong aatake sa bayan nang makita nila ang limang bata na papalapit sa kanila. Unang beses pa kasi itong nangyari na may lalapit sa kanila.
“Oh! Mukhang may pinagdadaanan yata tong mga batang ito dahil inisip nila na magpapakamatay sila sa atin”patawa ng pinuno ng bandido.
“Oo nga po, kahit mga kawal o mga kabalyero sa bayan ay hindi pa nga makalapit sa atin, yang mga bata pa kaya”tugon ng lalaking katabi ng pinuno.
“Pinuno, ano po ang gagawin natin?”tanong ng isa pang lalaking bandido.
“Syempre, tuturuan natin sila ng leksyon”bigkas ng pinuno ng bandido habang ipinalabas niya sa kanyang kamay ang malakas na apoy na ikinabigla ng lahat ng mga kasamahan niya pati ang mga tao sa bayan.
Napapikit nalang ang pinuno ng bayan nang makita nila ang malaking apoy na papunta sa mga bata. Nagkaroon naman ng malaking pagsabog nang makatama ang apoy sa mga bata kaya nagtaka ang lahat kung buhay pa ba ang mga bata na sina Clood at nang mga kasamahan nito sa pagsabog.
Napanganga nalang ang lahat nang makita nila ang malaking yelo na humarang sa mga bata.
“Imposible, isang ice user ang isa sa kanila”tugon ng mga tao.
“Hindi pala ordinaryong mga bata ang mga kalaban natin”tugon ng pinuno ng mga bandido na dahan-dahang naiinis.
Nang umatake ang pinuno ng bandido ay hindi na ito pinagalaw ni Clood. Mabilis ang pagkakaatake ni Clood na nangyari lang sa limang segundo.
Tinulungan naman nina Aniel, Miko at Ian si Clood na patumbahin ang mga bandido. Dahil sa kanilang pagsasanay ay napatumba nila ang mga bandido sa isang minuto lang.
Pagkatapos napatumba ang mag bandido ay nagmamakaawa naman sila kina Clood.
“Bibigyan ko kayo ng pangalawang pagkakataong mabuhay kapalit nang hindi pagbalik niyo sa lugar na ito”tugon ni Clood habang nakatingin siya pinuno ng bandido. “Kaya tumakbo na kayo!”sigaw ni Clood sabay takbuhan ng mga bandido.
Natapos na ang laban, umalis na ang mga bandido sapagkat wala namang nagawa si Daven maliban lang sa pagtatayo niya.
“Hindi man lang ako nakatulong at nagmukha lang akong dekorasyon dito”bulong ni Daven.
Pagkatapos, pinasalamatan naman ng mga tao sina Clood, Aniel, Miko at Ian dahil sa pinatumba nila ang mga bandido na pumasok sa bayan.
“Iho, sa daanang ito niyo mahahanap ang espada ni Haring Arthur, aabutin pa kayo ng ilang araw, tapos mag-ingat lang kayo dahil marami pa kayong mga bandidong makikisalamuha”paalala ng matanda.
“Lolo, salamat po sa impormasyon”pasalamat ni Clood. “Tutuloy na po kami”
Naglakbay naman ang grupo ni Clood sa itinurong direskyo ng matanda. Hindi naman nila alam na pinagmamasdan na pala sila ng isa pang grupo ng mga bandido sa malayo.
“Mamayang gabi ay papatayin natin ang apat na lalaki habang bubuhayin natin ang isang babae”tugon ni Victor, pinuno ng Dark Crow ang kinatatakutang bandido sa Pendra.
[SLATE-tionary: Dark Crow ang isa sa mga pinakamalakas at pinakamarahas na grupo ng mga bandido sa Pendra. Marami na silang hinalay na mga babae, marami na silang pinatumba na bayan at marami na rin silang pinatumba na ibang grupo sa bansa ng Pendra.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
PertualanganIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...