Ang nagawang kabayanihan ni Daven ay kailanman hindi nakita ng mga tao kaya ang pagkatumba ni Retad ay inaakalang si Aniel ang gumawa. Nalilito pa nga si Aniel nang makita niyang pinuri siya ng kakambal niyang si Niela sa bagay na hindi naman niya nagawa.
“Ang galing mo Aniel”puri ni Niela.
Wala namang naisabi si Aniel dahil sa pabiglang yumakap ang kakambal niya sa kanya na may kasamang pagluha.
“Aniel, nailigtas mo ang isla natin”sabi ni Niela habang siya’y umiiyak.
Nang malaman ng mga natitirang pirata ang pagkatumba ng lider nilang si Retad ay hindi sila makapaniwala sa nangyari at hindi rin nila matanggap ang sinapit ng kanilang lider na kailanma’y walang nakakapagpatumba nito.
“Imposible, tanging babae lang ang nakagpagpatumba kay Retad, sa dinadami-daming tao sa mundo yang babae pa”bigkas ng mga sumukong pirata habang sila’y nakatingin kay Aniel.
“Gaano ba kalakas ang babaeng iyan?”tanong nila.
“Siguro may tinatago siyang kapangyarihan”tugon ng ibang pirata.
Samantala, hindi rin matanggap ni Jack nang malaman niya rin na si Aniel ang nagpatumba kay Aniel kaya kahit masakit-sakit pa ang katawan niya ay pinilit parin niyang makalakad para makalapit lang kay Aniel.
“Aniel, pasensya ka na kung lagi kitang iniinsulto, binabawi ko na ang lahat ng mga masamang sinabi ko sa iyo, at pasensya na kung minaliit ko ang kakayahan mo”paliwanag ni Jack na parang humihingi siya ng tawad kay Aniel.
Patuloy paring nalilito si Aniel kaya sa hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakagpagsalita dahil sa nangyari. Namulat nalang ang tingin ni Aniel nang makita niyang nagdiriwang na ang mga tao sa nagawa niyang kabayanihan.
Nagsisilapitan naman ang mga gwapong lalaki sa kanya habang sila’y may dala-dalang mga bulaklak na nagsisimbolo ng pagrespeto kay Aniel at pagyakap din, isa na nga doon si Clood na ang tanging lalaking humalik sa kamay niya.
“Aniel, binabati kita”bigkas ni Clood na may kasamang ngiti kay Aniel.
“Clood, hindi ko maintindihan kung bakit ako naging bayani”bulong ni Aniel.
“Ano ang ibig mong sabihin Aniel? Di ba ikaw ang nagpatumba sa lider ng mga pirata?”palinaw ni Clood.
“Hindi ko alam, nang lumabas ako sa bahay namin ay nakita ko na yong lalaki na nakahandusay malapit sa bahay namin, tapos eksakto pang naroon ang ate ko kaya akala nila’y ako tumalo sa lalaking iyon”paliwanag ni Aniel.
“Kung hindi ikaw ang gumawa Aniel, sino na namang tao ang may kakayahan na nagpatumba sa lider ng mga pirata”bigkas ni Clood habang nagtataka. “Aniel, ilihim mo lang ang bagay na iyan at wag mong ipagsasabi sa iba, sa ngayon ikaw muna ang pansamantalang bayani sa isla natin”bilin ni Clood kay Aniel.
Habang nasa kalagitnaan naman ng pagdiriwang ang lahat, umuwi naman si Lena ang nanay nina Daven at Chit sa bahay niya. Eksakto namang kagigising ulit ni Daven nang pumasok si Lena sa bahay niya kaya nakita niya ang bagong gising na si Daven. Alalang-alala naman kanina si Lena sa anak niyang si Daven dahil hindi kasi niya alam kung nasan ito nang mangyari ang pagsalakay.
“Daven, ang himbing ng tulog mo ah! Hindi mo ba alam na sinalakay tayo ng mga pirata dito sa isla natin”paliwanag ni Lena.
“Sinalakay tayo ng pirata?”pagulat na tanong ni Daven.
“Oo Daven, lumindol pa nga”dagdag ni Lena.
“Akala ko nananaginip lang ako”bigkas ni Daven habang lumabas siya para umihi sa isang poste.
“Daven, mag-alay ka ng bulaklak kay Aniel para magpasamat dahil siya kasi ang nagligtas sa isla natin”tugon ni Lena habang iniabot niya kay Daven ang bulaklak.
Nang kinuha ni Daven ang bulaklak ay agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng pagdiriwang. Nakita naman ni Daven ang mga nag-iinumang lasing, mga nagkakainang mga tao at mga nagsasayawan na mga kababaihan at kalalakihan sa harap.
“Kung makapagdiriwang sila ay grabe! Siguro kung araw-araw kaming sasalakayin ng mga pirata dito siguro araw-araw din silang mabubusog”bulong ni Daven habang nagpatuloy siya sa paglalakad.
Nakarating naman si Daven sa kinaroroonan ni Aniel na kung saa’y katabi niya ang ina nito at kambal niyang si Niela.
“Magandang tanghali po sa inyo”bati ni Daven sa pamilya ni Aniel.
“Magandang araw din iho”bati rin ni Lanie, nanay nina Aniel at Niela.
“Oh Daven! Napabisita ka yata”patawang bigkas ni Niela.
“Niela, narito ako para iaalay kay Aniel ang bulaklak na ito”pangiting bigkas ni Daven.
“Aalay ka pala? Ako na ang hahawak sa bulaklak mo”sabi ni Niela habang madali niyang kinuha ang dalang bulaklak ni Daven. “Daven, pwede ka ng umalis”utos ni Niela.
Aalis na sana si Daven kaso agad siyang napahinto nang makita niya ang isang lalaki na lumapit kay Aniel na may dala-dala ring bulaklak tapos niyakap niya ito. Nagulat nalang si Daven nang makita niya ang ginawa ng lalaki na kailanma’y hindi niya nagawa kay Aniel na ang pagyakap.
Lalapit na sana si Daven kay Aniel para yakapin ito kaso piniglan siya ni Niela.
“Oops!! Saan ka pupunta Daven? Diba tapos na ang pag-alay mo”palinaw ni Niela habang hinarangan niya si Daven.
“Yayakapin ko pa si Aniel, di ba yan yong ginawa ng isang lalaki”tugon ni Daven.
“Daven, sapat na ang pag-alay mo, hindi mo na kailangang yakapin si Aniel”paliwanag ni Niela.
“Ang higpit mo naman Niela, wala namang masama sa pagyakap kay Aniel”sabi ni Daven.
Agad namang nagsalita si Aniel dahil nakikita kasi niya na pinipigilan ni Niela ang pagyakap ni Daven na kahit parte naman ito ng pasasalamat.
“Ate! Payagan mo na si Daven, kasama naman iyan sa pasasalamat di ba, tapos wala namang masama sa pagyakap diba”pahinang bigkas ni Aniel.
Walang nagawa si Niela kundi ang payagan si Daven subalit bago pa nakalapit si Daven ay may binulong siya sa tainga ni Daven na isang paalala.
“Daven, alam kong may gusto ka kay Aniel, kung susubukan mo lang na ligawan ang kapatid ko, dadaan ka muna sa libingan ko Daven”paalala ni Niela habang binantaan niya ang buhay ni Daven.
“Niela, kung magkakatuluyan kami ni Aniel, ano ba itatawag ko sa iyo, ate narin ba?”pabirong bulong ni Daven.
Agad namang nainis si Niela sa sinabi ni Daven kaya agad niyang sinuntok ang likuran ni Daven nang malakas na sa sobrang lakas ay napa-aray nalang si Daven.
Pagkatapos ay malaya namang nakayakap si Daven kay Aniel na halos umabot pa ng sampung segundo.
“Daven! Ang gago mo!”sigaw ni Niela habang hinila niya si Daven tapos itinulak ito sa palayo.
“Niela, ano ba yan? Bakit mo ginawa iyon kay Daven?”tanong ng nanay niya sa kanya.
“Wala lang po inay, inalis ko lang po ang hadlang sa buhay ni Aniel”sagot ni Niela.
Pagkatapos itinulak si Daven ay tulala siyang nakatingin kay Niela.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Madaling-araw nang matapos ang pagdiriwang ay tahimik na ang buong paligid ng Tropico. Ang mga lasing ay nakahandusay sa kalupaan at ang ibang tao ay mahimbing na ang pagkatulog. Habang nagmamasid sa karagatan ang isang tagabantay ng isla ay agad niyang napansin ang isa pang barko ang paparating sa kanila kaya agad siyang kinabahan baka barko na naman ng mga pirata ang papunta sa kanila.
Agad namang niyang ipinag-alam sa lahat ang paparating na barko.
“May barko na namang paparating sa isla natin!”sigaw niya na ikinabigla ng mga tao.
Dali-dali namang nagsisitakbuhan ang mga tao sa baybayin kahit kakagising pa nila.
“Sana hindi ito mga pirata”dasal nila dahil natatakot ulit sila na salakayin.
Habang sila’y nakatingin sa barko ay nagulat nalang sila nang makita nilang sira-sira ito tapos nakikilala din nila ang barko.
“Wag mong sabihing nagbalik na sila”bigkas nila habang unti-unting nagbalik ang saya nila.
Hindi naman mapigilan ni Lena ang maiyak nang nagbalik na sa isla ang barko nila na nagsisimbolo din ng pagbabalik ng mga minamahal nila sa buhay.
“Dane, asawa ko”pahinang bigkas ni Lena.
Ang inaakalang pagbabalik ng mga mahal nila sa buhay ay hindi pala nangyari dahil tanging isang tao lang ang nakabalik sa isla nila. Tanging si Tonyo lang ang naka-uwi tapos naging masakitin pa dahil sa mag-isang naglakbay ng walang kain-kain.
Hindi naman makapaniwala ang lahat ng ikinuwento ni Tonyo ang mga nangyari sa paglalakbay nila patungo sa Tradevune.
“Ang ibang mga kasamahan ko ay nakulong sa Tradevune, naging bato sila dahil sa Slate”kwento ni Tonyo, kasamahan ni Dane.
“Tonyo, buhay pa ba sila ngayon?”tanong ni Lena.
“Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko, naging bato sila, siguro maiiligtas sila kapag may nakahawak sa Slate”paliwanag ni Tonyo.
Dahil sa paliwanag ni Tonyo ay naisip naman ng lahat ang pagliligtas sa mga mahal nila sa buhay.
“Kailangan natin ng mga tao rito sa isla upang maglakbay patungo sa Tradevune para iligtas sila”hiling ng isang lalaki.
“Maglakbay? Tama naman ang sinabi mo, kaso kung magtatanggal tayo ng mga tao rito sa isla natin baka bigla na naman tayong aatakehin, sino na ang magliligtas sa isla natin? mabuti pa ngang nakatulong sina Aniel at yong mga kaibigan niya”paliwanag ni Lena habang nag-aalala siya sa buong isla.
“Lena, kung wala tayong gagawing pagkilos ngayon, hindi na ulit makabalik ang mga mahal natin sa buhay rito sa isla, di ba gusto mo pang makita ang asawa mo?”tugon ni Lanie.
“Oo gustuhin ko, pero sino naman ang maglakbay sa Tradevune?”tanong ni Lena.
Nabigla naman si Lena nang lumapit ang anak niyang si Chit at nagsabi.
“Ina, maglakbay po ako sa Tradevune”bigkas ni Chit na ikinagulat ng lahat.
“Chit, ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo kaya ang paglalakbay”reklamo ni Lena kay Chit.
“Ina, alang-alang po kay ama, handa po akong maglakbay para sagipin silang lahat”lakas-loob na sinabi ni Chit.
Agad namang lumapit sina Jack, Clood at Niela kay Chit na nagsisimbolo nang pagsama nila sa paglalakbay.
“Maglalakbay din ako”bigkas ni Jack na ikinagulat ng ina niya.
“Gusto ko ring mailigtas ang ama ko”bigkas ni Clood na ikinagulat ng ina niya.
“Nay, gusto ko po ring maglakbay patungo sa Tradevune”tugon ni Niela na ikinabigla nina Lanie at Aniel.
“Niela, ano bang pinagsasabi mo, alam mo namang delikado ang paglalakbay”paalala ni Lanie sa kanya.
“Nay, para po kay itay ay kuya Nile, handa po akong maglakbay para sila’y iligtas”tugon ni Niela.
Dahil sa sinabi ni Niela ay agad ring lumapit si Aniel sa kakambal niya upang sumama din sa paglalakbay.
“Nay, ako rin, gusto ko ring maglakbay, kaya pakiusap lang po payagan niyo na po kami”tugon ni Aniel.
Wala namang nagawa si Lanie kundi payagan ang magkakambal niyang anak na sina Niela at Aniel sa paglalakbay dahil para naman sa iyon sa kaligtasan ng mga mahal nila sa buhay.
“Mag-ingat lang kayo”tugon ni Lanie sa mga anak niya.
Hinanda naman ng mga tao ang mga kagamitan para sa paglalakbay ng grupo nina Jack, Chit, Clood, Aniel at Niela kasama ang dalawang taong gagabay sa kanila. Mga pagkain, mga sandata na kung saan ay kinakailangan dahil hindi nila alam na baka atakehin sila sa gitna ng karagatan at iba pang mga bahay na kasama sa paglalakbay.
Makalipas ang ilang araw ay handa narin ang barko sa paglalayag kaya lahat ng mga tao’y ay nagpa-alam sa kani-kanilang mga anak.
“Magbabalik kayo ah!”
“Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo!”sigaw nila.
“Iligtas niyo sila!”patuloy na sigaw nila.
Hindi naman mapigilang lumuha ni Aniel nang makita niya na unti-unti na silang lumalayo sa isla nila.
“Nay, babalik kami na kasama sina itay at si kuya”bulong ni Aniel.
Nakalayo-layo narin ang barko sa pangununa ni Jack na kung saa’y kasama niya ang mga kaibigan niyang sina Chit, Clood, Aniel at Niela. Kasama din nila sina Miko at Ian sa paglalakbay na kung saa’y sila ang gagabay sa kanila.
“Jack, ikaw ang magiging kapitan namin sa barkong ito, kaya nasa iyo ang lahat ng mga kautusan kung ano ang sunod na gagawin natin”tugon nina Miko at Ian.
“Kapitan talaga?”bigkas ni Jack. “May mapa ba tayo?”tanong ni Jack.
“Wala Jack, pero ang sinabi ni Tonyo sa atin, maglakbay lang tayo sa silangang direksyon dahil doon natin matatagpuan ang isla ng Tradevune”tugon ni Miko.
“Kung ganoon, habang malayo pa ang lalabayin natin, magsanay muna tayo para mapaghandaan natin ang mga haharang sa atin”utos ni Jack sa mga kasamahan niya.
Samantala, hindi naman alam ni Jack na kasama pala si Daven sa paglalakbay nila. Sa ngayon ay nasa bubungan si Daven na payapang nagpapahinga dahi sa malamig na simoy na hangin.
“Paglalakbay sa Tradevune? Slate?”bigkas ni Daven habang itinapat niya sa kalangitan ang isang kamay niya. “Ngayon, malalaman ko na din ang paglalakbay ni ama”bigkas ni Daven.
[SLATE-tionary: Slate ang tawag sa makapangyarihang batong tumama sa mundo na kung saa’y nagbigay iyon ng mga kapangyarihan sa mga tao. Pinaniniwalaan ng mga tao na kapag makakahawak ka sa Slate ay mabibigyan ka ng malakas na kapangyarihan na hihigit sa ordinaryong kapangyarihan nang walang sinumang makakapantay.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AvventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...