Hindi naman makapaniwala sina Clood, Jack, Aniel, Miko at Ian nang ipinakilala ni Chit si Daven sa paglalakbay nila. Hindi kasi nila maisip kung paano nakasakay si Daven sa barko nila nang hindi nila nalalaman.
"Daven, paano ka ba nakasakay sa barko?"tanong ni Jack.
"Syempre sumakay ako! May iba pa bang paraan para makasakay ako?"pilosopong sagot ni Daven.
"Daven, sa barkong ito ako ang kapitan kaya kung tinatanong kayo ng mabuti, dapat sumagot din kayo ng mabuti"paseryusong paalala ni Jack habang naiirita na siya kay Daven.
"Mabuti"paseryusong sagot ni Daven na kung saa'y nagtawanan naman sina Miko at Ian. "Mabuti Jack, di ba sasagot ako ng mabuti"tugon ni Daven na ikinatahimik ni Jack dahil sa inis.
"Chit, ayoko ng baliw na kasamahan dito sa barkong ito, magiging sagabal lang sila sa paglalakbay natin"paalala ni Jack kay Chit.
"Jack, nagbibiro lang naman si Kuya Daven"sabi ni Chit kay Jack. "Kuya Daven, ano ka ba naman? Magseryuso ka naman"sabi ni Chit kay Daven.
Agad namang lumapit si Daven kay Jack tapos tinitigan niya ito na parang may masama siyang binabalak. Pagkatapos tumitig ni Daven ay agad naman niyang inabot ang kamay niya kay Jack na para bang gusto niyang makipagkamayan.
Naintindihan naman ni Jack ang ginawa ni Daven kaya agad niyang iginalaw ang kamay niya papunta sa kamay ni Daven. Makikipagkamayan na sana siya kaso agad naman siyang sinampal ni Daven.
"Hindi ako baliw!"pabiglang bigkas ni Daven na ikinagulat nang lahat.
Tulalang-tulala naman si Jack nang masampal siya ni Daven na parang hindi siya makapaniwala sa nagawa nito sa kanya.
"Huh?"tulalang reaksyon ni Jack. "Daven, nagpapatawa ka ba? O may bukol ka lang sa utak mo? bakit mo ginawa ang bagay na iyon?"tanong ni Jack.
Agad namang ngumiti si Daven kay Jack dahil nagsitinginan kasi ang iba pa nilang kasamahan sa kanya.
"Mukhang baliw na yata si Daven"patawa ni Niela.
"Si Kuya Daven talaga, kahit ano-ano na ang pinaggagawa"sambit ni Chit.
Habang sila'y patawang tumitingin kay Daven ay bigla namang lumapit si Daven kay Jack at may ibinulong ito sa tainga ni Jack.
"Kung ikaw ang kapitan ng barkong ito, kailanma'y wag mong ilalagay sa kapahamakan ang mga kasamahan mo, wag mong tawaging kapitan ang sarili mo kung hindi mo sila maproprotektahan"pabulong na paalala ni Daven kay Jack.
Ang mga salitang iyon pala ang dahilan kung bakit isinampal ni Daven si Jack dahil sa naging duwag si Jack na labanan ang mga piratang umatake sa kanila.
Wala namang naisabi si Jack kaya hindi na siya nakapagsalita pa nang umalis si Daven.
"Daven, pasensya ka na"bulong ni Jack na parang humihingi siya ng tawag kay Daven.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos, nananghalian naman silang lahat sa hapag-kainan maliban lang kay Daven na tapos na. Nang matapos sila ay kanya-kanya na silang pumasok sa kanilang mga kwarto para magpahinga.
"Bukas muna natin ipagpatuloy ang ating pagsasanay"paalala ni Jack sa mga kasamahan niya.
Hindi naman nakatulog si Chit sa hinihigaan niya dahil hindi parin niya mawala sa isipan niya ang pagdating ni Daven na kung saa'y masayang-masaya siya. Kaya agad namang bumangon si Chit at lumabas siya patungo sa balkonahe ng barko dahil alam niyang nandoon pa si Daven.
"Kuya Daven, ang lamig na dito, pwede ka namang pumasok at magpahinga sa loob"alala ni Chit.
"Ayus lang ako Chit, sanay na ako sa malamig na hangin"tugon ni Daven habang siya'y patuloy na nagmamasid sa karagatan.
"Kuya Daven, salamat pala"pabiglang pasalamat ni Chit na ikinalito ni Daven kung bakit.
"Salamat saan? Ano bang pinasasalamatan mo Chit?"tanong naman ni Daven.
"Nagpapasalamat ako dahil hindi mo ako pinabayaan at dahil sinamahan mo rin kami sa paglalakbay"sagot ni Chit.
"Maliit na bagay lang iyon Chit, pasensya na kung hindi man ako nagpapaalala sa inyo"pangiting sabi ni Daven.
"Kuya Daven, ayus lang naman iyon, basta kasama ka namin sa paglalakbay wala na akong hihilingin pa na iba"pangiting tugon ni Chit.
Hindi nila alam na nagmamasid lang pala sa kanilang dalawa si Niela at nakikinig din siya sa pag-uusap ng dalawa.
"Alam kong may gusto si Chit kay Daven, pero wala namang problema doon marahil hindi naman sila tunay na magkapatid, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapalapit talaga si Chit kay Daven, at kapag nagkatuluyan sina Chit at Daven, hindi na hahabulin ni Daven si Aniel"bulong ni Niela habang pinaglalarawan niya ang plano niya.
Pagkatapos silang nag-usap ay agad namang pumasok si Chit sa loob para makapagpahinga na. Nang makatulog si Chit ay agad naman niyang napanaginipan ang panahong bata pa sila ni Daven na naglalaro sila sa dalampasigan.
"Kuya Daven, hintayin mo ako!"sigaw ni Chit habang hinahabol niya ang tumatakbong si Daven.
Hindi naman humihinto si Daven kaya patuloy pa ring siya sa pagtakbo hanggang sa napunta sila sa isang tulay na tinuturing nilang pantalan ng mga barko. Napatitig naman si Daven sa tubig na kung saa'y alam nilang malalim iyon na hindi masusukat.
"Kuya Daven, natatakot ako baka mahulog tayo rito, lagi nilang tayong pinaalalahanan na kailanma'y wag tayong pupunta dito baka bigla itong guguho at mahuhulog tayo sa tubig"paalala ni Chit habang siya'y natatakot na.
Hindi naman nagsasalita si Daven kaya patuloy parin silang nanatili doon. Dahil sa takot ni Chit ay nagdesisyon naman siyang bumalik na sa dalampasigan subalit nang paalis na siya ay bigla naman niyang naapakan ang isang kahoy na biglang bumigay dahil sa bigat ni Chit kaya agad nahulog si Chit tapos nalunod siya.
"Kuya Daven! Tulungan mo ako!"sigaw ni Chit habang sinusubukan niyang makaahon.
Magagawa namang matulungan ni Daven si Chit dahil hindi naman kalayuan ang pagkalunod ni Chit pero kailanma'y hindi nagawa ni Daven na tulungan siya marahil nakatitig lang ang mga walang emosyon ni Daven.
"Kuya Daven!"bigkas ni Chit habang bigla siyang napagising sa kama niya.
Hingal na hingal naman si Chit tapos pinagpawisan pa ang buong katawan niya kahit malamig naman ang buong kwarto. Hindi man niya inaakalang mapapaniginapan niya ang panahong nahulog siya sa pantalan na kailanma'y hindi siya tinulungan ni Daven.
"Tandang-tanda ko pa noong nahulog ako sa dagat habang pinagmamasdan lang ako ni Kuya Daven na unti-unting nalulunod, nakikita ko sa kanya ang mga patay na mata niya na parang nasanay na siyang pumatay ng mga tao, ibang-iba noon si Kuya Daven kumpara ngayon na palabiro na"pahinang sabi ni Chit habang siya'y nakatulala.
Agad namang nagising si Aniel na katabi niya sa pagtulog dahil sa narinig niya ang mahinang boses ni Chit.
"Chit may problema ba?"tanong ni Aniel habang humikab siya.
"Wala Aniel, may masama lang akong panaginip"sagot ni Chit.
"Ganoon ba, akala ko hindi mo gusto na tumabi ako sa iyo sa pagtulog"sabi ni Aniel.
"Hindi Aniel, wala naman akong problema sa bagay na iyan"pangiting sabi ni Chit. "Sige, matulog ka na ulit alam kong puyat ka pa"dagdag ni Chit habang siya'y tumayo.
"Chit, saan ka ba pupunta?"tanong ni Aniel.
"Lalabas lang ako para magpahangin"sagot ni Chit.
Nang lumabas si Chit sa kwarto ay nagulat siya nang makita niya sa malayo ang mga iilang barkong na naglayag palayo sa isang isla. Hindi pa naman sumisikat ang araw ay parang nagmamadali na ang ibang barko na umalis palayo sa isla.
"Bakit ang aga nilang naglayag?"tanong ni Chit.
Bigla namang tumabi sina Miko at Ian sa kanya na noo'y nagbabantay din sa karagatan.
"Chit, sa tingin ko ay parang may masamang nangyari doon sa isla"teorya ni Miko.
"Ang aga mong nagising Chit"sambit ni Ian.
"Oo nga eh!"tugon ni Chit kay Ian. "Miko, alam ba ni Jack ang tungkol sa mga barkong iyan?"tanong ni Chit.
"Hindi pa Chit, tulog pa sila ngayon"sagot ni Miko.
Makaraan ang dalawang oras ay nagsi-gisingan na ang kanilang mga kasamahan. Kinabahan agad sila nang makita nila ang tatlong malalaking barko na palapit sa kanila.
"Miko! Ian! Bakit hindi niyo agad kami pinaaalahanan sa tatlong barkong paparating dito sa atin"reklamo ni Jack.
"Jack, hindi iyan barko ng mga pirata"paliwanag ni Miko na matagal nang pinagmamasdan ang tatlong barko.
"Paano mo naman nasabi?"tanong ni Jack kay Miko.
"Jack, ang mga taong sakay ng barkong iyan ay tumatakas sila sa kanilang isla"paliwanag ni Miko.
"Tumakas sila sa ano?"tanong ni Jack.
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay inatake ng mga pirata ang isla nila"sagot ni Miko na ikinabigla ng lahat.
"Inatake ng mga pirata, katulad nang nangyari sa isla natin"sabi ni Aniel habang siya'y naawa.
"Oo Aniel"sagot ni Niela.
"Aniel, sa lugar natin pirata ang kadalasang makakalaban natin"tugon ni Clood habang patuloy niyang pinagmamasdan ang tatlong barko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang magkalapit na ang barko ni Jack sa tatlong barko ay nakita naman nila ang mga taong sakay-sakay na umiiyak at iba pa nga'y duguan dahil nakikipaglaban sila sa mga pirata.
"Tulungan niyo kami!"sigaw ng mga tao sa barko ni Jack.
"Inatake kami ng mga pirata!"patuloy na sigaw ng mga tao sa barko ni Jack.
Nagbingi-bingihan naman si Jack marahil hindi niya layuning tumulong ng ibang tao dahil may iba kasi silang layunin.
"Pasensya na kayo pero wala sa layunin namin ang tumulong sa iba"pahinang sabi ni Jack habang naaawa siya sa mga tao.
Kahit naaawa narin sina Clood, Miko at Ian sa mga tao ay wala parin silang nagawa para tulungan ito kahit nakikita nila na duguan ang iba dahil sa pakikipaglaban.
"Nais sana naming lumaban kaso hindi rin sasapat ang aming mga kakayahan, halos mga kabataan lang ang mga kasamahan namin!"sagot ni Ian sa mga sigawan ng mga tao sa kanila.
"Pakiusap lang mga iho! Iha! Tulungan niyo kami!"sigaw nila habang nagmamakaawa sa grupo ni Jack.
"Pasensya na talaga kayo, kung malakas lang ang aming pwersa ay hindi sana kami mag-aalinlangan na tulungan kayo"paliwanag ni Miko sa mga tao.
Patuloy namang umiiyak ang mga bata at patuloy namang nagmamakaawa ang mga tao kaya pumasok nalang sa loob ng barko sina Chit, Niela, Aniel at Clood dahil hindi kasi nila gustong makita ang mukha ng mga tao na nagmamakaawa sa kanila. Napapaluha na nga si Aniel dahil naisip kasi niya ang magiging kahinatnan sana nang isla nila kung hindi napatumba si Retad.
"Siguro ganoon din ang mangyayari sa amin kapag walang himalang dumating sa aming isla"pahinang sabi ni Aniel habang siya'y nagtago sa kwarto niya.
Samantala, habang patuloy na tinatanggihan nina Jack, Miko at Ian ang pagtulong nila sa mga tao ay bigla namang dumating si Daven na kakagising lang. Agad namang pinakikinggan ni Daven ang mga sigawan ng mga tao habang siya'y humihikab pa.
"Ano ang mga sinisigaw niyo?"pautos na sigaw ni Daven dahil hindi kasi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas.
"Tulungan niyo kami!"sigaw ng mga tao kay Daven.
"Tulungan para saan?"tanong ni Daven.
"Inatake ng mga pirata ang isla namin"sagot nila.
"Iho, pakiusap lang tulungan niyo kami!"sigaw nila kay Daven habang sila'y nagmamakaawa.
Nakita naman ni Daven na hindi kumikilos ang mga kasamahan niyang sina Jack, Miko at Ian at patuloy lang itong nagmamasid sa mga tao kaya agad niya itong tinanong.
"Hoy! Ano bang problema niyo? Hindi niyo ba tutulungan ang mga tao?"tanong ni Daven sa tatlo.
"Daven, may layunin na tayo kaya wala na tayong po-problemahin maliban sa nasabi kong layunin na paglalakbay sa Tradevune"paliwanag ni Jack.
"Oh! Ang ibig mong sabihin Jack, hindi mo na tutulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong?"palinaw ni Daven.
"Wala naman akong sinabing ganoon Daven, ang ipinapahiwatig ko lang ay hindi na natin kailangan pang dadagdagan ang problema natin, mayroon silang problema na kailangan nilang lutasin, tapos mayroon din naman tayong problema na kailangan din nating lutasin"paliwanag ni Jack.
"May punto ka naman Jack"tugon ni Daven habang siya'y lumapit sa isang barko para tumalon.
Akala naman ni Jack na naintindihan ni Daven ang paliwanag niya subalit hindi parin nag-iba ang desisyon ni Daven na tulungan ang mga tao kaya agad itong tumalon sa kabilang barko na ikinagulat ng mga tao.
"Jack, hintayin niyo lang ako dito sa karagatang ito, babalik lang ako sa isang araw!"sigaw ni Daven na ikinabigla nina Jack, Ian, Miko at iba pa nilang kasamahan na pumasok sa loob ng barko.
"Daven, nababaliw ka na ba!? Hindi mo kaya mag-isa ang mga pirata? Mamamatay ka lang!"sigaw ni Jack habang pinaalalahanan niya si Daven.
"Jack, kung inaakala mong mamamatay ako! Mamatay naman talaga ako!"patawang sigaw ni Daven kay Jack. "Pero hindi pa ngayon"pabiglang bulong ni Daven sa sarili niya.
Nagsilabasan naman sina Chit at ang mga kasamahan niya sa loob ng barko nang makita nilang paalis na ang barkong sinasakyan ni Daven.
"Kuya Daven"pahinang sabi ni Chit habang hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Baliw yata tong si Daven"bigkas ni Niela.
"Daven, sana magtagumpay ka"bigkas din ni Aniel.
Mag-isa lang si Daven na tumulong sa mga tao sakay sa ibang barko patungo sa isla ng Glordich, ang pangalan ng isla ng mga tao na sinalakay ng mga pirata.
[SLATE-tionary: May dalawang bahagi si Daven. Noong bata si Daven ay kailanma'y hindi siya tumutulong sa mga tao dahil sa wala siyang emosyon. Ngayong lumaki na siya ay gusto na niyang tumulong sa ibang tao.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...