Chapter 19: Varien Arc Part 2

73 19 9
                                    

“Prinsesa?”pagulat na reaksyon ni Chit.
 
 “Oo, ikaw ang magiging sunod na prinsesa sa palasyo ng Ciangima”tugon ng babae.
 
“Ako!? bakit naman? Hindi ko naman kayo kilala tapos hindi ko rin naman kayo kilala paano magiging ako yong prinsesa?”tanong ni Chit.
 
“Iha, ikaw ay may dugong bughaw”sabi ng babae sa kanya.
 
“Dugong bughaw paano niyo naman nalaman na ako’y may dugong bughaw?”tanong ni Chit.
 
“Nakikita ko sa mata ko iha”sabi ng babae habang hinarap siyang tinitigan sa mata.
 
Hindi naman naniwala si Chit sa sabi ng babae sa kanya marahil dinukot siya nito na iniisip niyang may masama silang intensyon sa kanya. Pero kahit dinukot siya ay hindi parin siya tumakbo marahil iniisip niya na may mangyayaring masama sa kanya.
 
“Ano ang gagawin niyo kapag ako ang maiitalaga na maging susunod na prinsesa sa palasyong sinasabi niyo? Papatayin niyo ba ako?”tanong ni Chit.
 
“Iha, wala kaming intensyon na saktan ka, ang sa amin lang ay sundin ang propesiya na nakatadhana”sagot ng babae.
 
“Kung wala kayong intensyon na saktan ako, palayain niyo ako, hindi ko naman gugustuhin ang maging prinsesa sa palasyong sinasabi niyo”tanggi ni Chit sa babae.
 
“Sige iha, wala namang pumipigil sa iyo eh!”sabi ng babae sa kanya.
 
Aalis na sana Chit kaso napahinto naman siya nang marinig niya ang sinabi ng babae sa kanya tungkol sa kanyang ina.
 
“Iha, alam ko kung ano ang pagkakakilanlan mo at alam ko rin ang totoo mong magulang”sabi ng babae sa kanya.
 
Tulala naman si Chit nang marinig niya ang sinabi ng babae na alam nito ang tungkol sa kanya ina.
 
“Totoo bang alam mo kung sino yong magulang ko?”palinaw ni Chit sa babae.
 
“Oo iha, diba kitang-kita ko sa mata ko ang pagkatao mo kaya alam ko rin ang nakaraan mo”sabi ng babae sa kanya.
 
“Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang tunay kong magulang”pahiling ni Chit sa babae.
 
“Sasabihin ko sa iyo iha kapag pumayag ka na maging prinsesa sa palasyo”pakondisyon niya kay Chit.
 
Nagdadalawang-isip naman si Chit kung ano ang pipiliin niya. Gustuhin man niyang malaman kung sino ang tunay niyang magulang ay kapalit naman nito ang pagiging prinsesa niya sa palasyo ng Ciangima na sinasabi nila.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala nang magtanghali ay pumasok naman sina Niela, Aniel, Clood at Jack sa sinasabi ni Lovi na grupo ng mga kulto. May kasuotan sila na angkop sa kasuotan ng kulto.
 
“Kuya Lovi, sigurado ba talaga kayo na hindi kami mahuhuli nito?”palinaw ni Jack.
 
“Hindi nga rin ako sigurado Jack, diba ang sabi ko sa inyo tutulungan ko lang iyo, hindi ko naman ipinagkakatiwala na gagana talaga ang planong ito”sabi ni Lovi.
 
Nag-aalinlangan naman sila na pumasok sa lugar na mga kulto na sinasabi ni Lovi marahil iniisip kasi nila na may mangyayari sa kanila kapag nahuli sila.
 
“Niela, Aniel, Clood, ako lang ang papasok doon, kaya kung may mangyayari mang masama sa akin umalis na kayo, mahirap na kung lahat tayo ay sabay-sabay na pumasok doon baka magtataka na sina Miko at Ian sa atin kung may mangyayari sa atin”paliwanag ni Jack.
 
“Sigurado ka ba Jack?”palinaw ni Niela.
 
“Oo Niela, ako lang ang maghahanap kay Chit”bigkas ni Jack habang siya’y nagsimulang maglakad.
 
Matuwid namang naglalakad si Jack sa gitna nang kampo ng kulto kahit pinagdududahan na siya ng ibang tao ay patuloy parin siyang naglakad.
 
“Naroon siguro sa bahay na iyon si Chit”bulong ni Jack habang pinagmamasdan ang natatanging bahay na may magandang disenyo.
 
Makakalapit na sana siya sa bahay na iyon subalit pinigilan naman siya ng isang tao na nagbabantay malapit doon.
 
“Ikaw ano bang ginagawa mo rito? Diba bawal ang pumunta malapit sa bahay na ito”tanong ng lalaki sa kanya.
 
“Pasensya na po, may aasikasuhin lang po sana ako doon sa bahay na iyon”palusot ni Jack.
 
“Aasikasuhin? Sino bang nag-utos sa iyo?”tanong ng lalaki kay Jack.
 
Nagulat naman si Jack dahil wala siyang kilala sa grupo, isang maling salita lang niya ay mahuhuli siya na hindi taga roon. Wala naman siyang naisip na paraan subalit nagawa naman niyang makatakas sa sitwasyon nang biglang tinawag ang lalaking kumausap sa kanya.
 
“Mabuti naman na tinawag siya”bulong ni Jack habang nagpatuloy siya sa paglapit sa isang bahay.
 
Nang makalapit siya sa bahay ay sinilip naman niya ang bintana, tapos laking gulat niya nang makita niya mismo doon si Chit na nakaupo sa isang upuan.
 
“Chit, Chit”pahinang sigaw ni Jack.
 
Naririnig naman ni Chit ang mahinang pagsigaw ni Jack sa kanya.
 
Dali-dali namang pumasok si Jack sa loob ng bahay tapos sinarado din niya ang pinto para masisigurado niyang walang makakapasok na ibang tao.
 
“Chit, umalis na tayo habang wala pang nakakakita sa atin”tugon ni Jack. “Isuot mo itong damit Chit para hindi ka nila makilala”bigkas ni Jack.
 
Minamadali naman ni Jack si Chit subalit hindi parin isinusuot ni Chit ang ibinigay niyang damit.
 
“Chit, may problema ba? Bakit hindi mo pa isinusuot ang damit”tanong ni Jack na may pag-aalala kay Chit.
 
“Jack, umalis na kayo at huwag niyo akong isama sa paglalakbay niyo”bigkas ni Chit na ikinabigla ni Jack.
 
“Chit ano ang ibig mong sabihin? Chit di ba liligtasin pa natin ang mga mahal natin sa buhay”tugon ni Jack.
 
“Pasensya ka na Jack kung hindi na ako sasama sa inyo, dito na kasi sa lugar na ito ang kapalaran ko”paliwanag ni Chit.
 
“Huwag mong sabihing dito matatagpuan ang totoo mong pamilya”palinaw ni Jack.
 
“Oo Jack, dito sa bansang ito naninirahan ang mga magulang ko, kaya dito na magtatapos ang paglalakbay ko sa inyo”paliwanag ulit ni Chit.
 
Tulala naman si Jack dahil sa paliwanag ni Chit sa kanya. Kung nahanap na kasi ni Chit ang tunay na mga magulang niya ay wala na siyang ibang dahilan para sumama siya sa kanila. Kaya napahawak nalang si Jack sa kamay ni Chit.
 
“Sigurado ka ba Chit sa desisyon mo?”palinaw ni Jack.
 
“Jack, siguradong-sigurado na ako sa desisyon ko kaya huwag na kayong mag-aalala sa akin”desisyon ni Chit.
 
Habang sila’y nagpapatuloy sa pag-uusap ay bigla namang dumating ang mga tao na kung saa’y sinusubukan nito na buksan ang nakasaradong pinto.
 
“Jack, kailangan munang umalis rito”sabi ni Chit.
 
“Chit, hindi ko na masisigurado kung makakalabas pa ako nang buhay rito”sabi ni Jack.
 
Pilit namang binubuksan ang pintuan ng mga tao sa labas kaya lalong tumatagal ay kinakabahan naman si Jack.
 
“Prinsesa buksan mo ang pintuan!”sigaw nila.
 
Agad namang binuksan ni Chit ang pintuan tapos nagulat naman ang mga tao nang makita nila si Jack na pumasok sa loob ng bahay.
 
“Hoy! Lumabas ka diyan!”sigaw nila kay Jack.
 
Huhulihin na sana nila si Jack subalit pinigilan naman sila ni Chit.
 
“Huwag niyo siyang gagalawin, kasamahan ko siya”paalala ni Chit sa mga tao.
 
Hindi naman ginalaw ng mga tao si Jack kaya malayang nakalabas si Jack sa kampo ng grupo. Patuloy paring nakatulala si Jack habang siya’y naglalakad pabalik sa mga kasamahan niyang naghihintay sa kanya.
 
“Hindi na namin makakasama si Chit, hindi na namin siya makikitang muli”bulong ni Jack habang tulala siyang naglalakad.
 
Nabigla naman sina Niela, Aniel, Clood at pati na si Lovi nang makita nilang namumugto si Jack palapit sa kanila na parang may pinapasan itong malaking problema.
 
“Bakit ganyan ang mukha ni Jack, huwag mong sabihing nama-“salita sana ni Niela subalit pinigilan naman siya ni Clood.
 
“Niela, walang nangyaring masama kay Chit, malakas ang kutob ko na ayus lang siya”sabi ni Clood.
 
“Maiilarawan mo ba sa mukha ni Jack ang magandang balita?”tanong ni Niela.
 
“Sa tingin ko Ate baka hindi nakita ni Jack si Chit doon”teorya ni Aniel.
 
“Sana ganoon lang ang nangyari Aniel”sabi ni Niela.
 
Wala namang sigla si Jack nang makalapit na siya sa mga kasamahan niya tapos hindi naman niya gaanong pinag-uusapan ang nangyari sa kanya sa pagpasok niya sa lugar ng grupong dumukot kay Chit.
 
“Bumalik na tayo, hindi na natin kailangang manatili dito sa lugar na ito”bigkas ni Jack sa mga kasamahan niya.
 
“Jack may nangyari ba kay Chit?”tanong ni Aniel.
 
“Hindi na sasama sa atin si Chit kasi nahanap na niya ang totoo niyang pamilya”sagot ni Jack.
 
“Nahanap na niya ang totoo niyang pamilya? Dito sa lugar na ito?”palinaw ni Niela.
 
“Oo Niela kaya bumalik na tayo, hindi na tayo kailangan ni Chit”bigkas ni Jack.
 
Agad namang pinigilan ni Niela si Jack sa pag-alis nito.
 
“Jack, ano ka ba? Hahayaan mo lang ba si Chit na maiwan dito, di ba ang pangako natin sa isa’t-isa ay makakabalik tayong lahat sa isla natin, lahat! Lahat! Walang maiiwan”paalala ni Niela.
 
“Niela anong mas mahalaga sa iyo? Kaibigan o pamilya?”tanong ni Jack kay Niela.
 
“Syempre pamilya, pero hindi ibig sabihin na hindi mahalaga yong kaibigan, kailangan naman natin yong kaibigan-“paliwanag ni Niela.
 
“Ganoon naman pala eh! alam kong uunahin mo pa ang pamilya mo kaysa sa mga kaibigan mo, kaya maiintindihan mo ang desisyon ni Chit”bigkas ni Jack na ikinatahimik ni Niela.
 
“Pero-“salita sana ni Niela.
 
“Walang pero-pero Niela, kung ano na ang naging desisyon ni Chit ay irespeto mo nalang”paalala ni Jack habang siya’y umalis.
 
Namumugto naman ang ibang kasamahan ni Jack nang umalis din sila.
 
“Lovi, ikaw na ang bahala sa isang kasamahan namin”bilin ni Niela kay Lovi.
 
“Sigurado ba talaga kayo na iiwanan niyo lang ang isang kasamahan niyo?”tanong ni Lovi sa kanila.
 
“Hindi na namin maiiba ang desisyon ni Chit”paalala ni Clood kay Lovi.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, kasabay nang pag-alis nina Jack ay ang pag-uusap naman ng babae kay Chit. Ipinaliwanag naman kay Chit ang lahat ng mga gagawin niya kapag siya’y nakapunta na sa palasyo ng Ciangima.
 
“Iha, simple lang ang ipapagawa ko sa iyo, hindi naman ito kahirapan o katagalan basta maglakad ka lang papunta sa harap ng altar”paliwanag ng babae sa kanya.
 
“Yon lang ba ang gagawin ko?”tanong ni Chit.
 
“Oo iha, wala ka ng ibang gagawin kundi ang maglakad lang”sabi ng babae.
 
Nakaharap naman sa salamin si Chit habang sinusuklayan niya ang kanyang buhok. Habang patuloy niyang hinahanda ang kanyang sarili ay bigla namang lumitaw sa salamin ang mukha ni Daven na nagpapaalala sa kanya.
 
“Kuya Daven!?”bigkas niya subalit sa isip lang pala niya iyon. “Guni-guni ko lang pala iyon”bulong niya sa isip niya.
 
Naiisip naman niya ang mangyayari kapag tuluyang nakaalis na sina Daven na naiwan siya sa Ciangima.
 
“Ayokong malayo kay Kuya Daven, dapat kasama ako sa paglalakbay nila”bigkas ni Chit habang bigla siyang naglakad para lumabas.
 
Hindi niya alam ay nagmamasid lang pala sa kanya ang babae. Hinarangan naman siya nito upang hindi siya makalabas ng bahay.
 
“Iha, saan ka pupunta?”tanong ng babae sa kanya.
 
“Aalis na po ako, kakalimutan ko na ang tungkol sa pagiging prinsesa, alam ko pong naghihintay na po sila sa akin”bigkas ni Chit habang patuloy siyang lumabas.
 
Hindi naman hinayaan ng babae na makalabas si Chit kaya nagalit naman si Chit kung bakit ganoon nalang ang pagharang sa kanya.
 
“Paalisin niyo na ako ayaw ko na maging prinsesa! Yan ang panghuling desisyon ko!”sigaw ni Chit.
 
Nagulat naman si Chit nang makita niya ang lahat ng mga tao na nakahawak sa kanyang mga kamay. Pilit namang inaalis ni Chit ang mga kamay na pumipigil sa kanya.
 
“Ano bang problema niyo!? Diba sinabi ko nang ayaw ko nang maging prinsesa!”paliwanag ni Chit.
 
Gagamit sana ng mahika si Chit subalit nagulat naman siya nang malaman niyang hindi lumalabas sa kanyang kamay ang mga mahika niya.
 
“Imposible, bakit hindi ko maiilabas ang mahika ko?”pahinang tanong ni Chit sa sarili niya.
 
Napatawa naman ang babae sa kanya habang siya’y nalilito kung bakit hindi siya makakagamit ng mahika.
 
“Iha, kapag kaharap mo ako, tandaan mo kailanma’y hindi ka makakagamit ng kahit anong kapangyarihan”bigkas ng babae habang pinatulog niya si Chit gamit ang sumpa niya.
 
Ang babaeng kausap pala ni Chit ay isa palang mangkukulam.
 
Matapos ang isang oras ay agad namang nagkamalay si Chit subalit wala na siya sa sarili niya, tanging ang babae na iyon ang nagkokontrol sa isip niya.
 
“Iha, alam ko na anak ka ni Reyna Varlin, ang dating reyna at pinakamalakas na magic user sa buong Ciangima”bulong ng babae. “At isa pa, alam ko rin ang totoo mong pagkatao, Varien, Prinsesa Varien ang totoo mong pangalan”bigkas ng babae.
 

[SLATE-tionary: Itinatag naman ang palasyo ng Ciangima sa panahong lumalakas ang mga  mangkukulam na pinangungunahan ni Varlin.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon