Chapter 11: Mysterious Island Part 3

88 24 10
                                    

Nagulat nalang bigla si Ian nang marinig niya ang sinigaw ni Leonora na kung saa’y kaharap nito ang mga walang malay na mga kasamahan niya.
 
“SIMULAN NA ANG RITWAL!”sigaw ni Leonora.
 
Agad namang itinali ang mga kasamahan ni Ian sa pabaliktad na krus na kaharap sa mga taong tagasunod ni Leonora. Tapos nagsamba naman ang mga tao habang si Leonora ay may hawak-hawak na punyal na siyang magsasaksak sa puso kina Clood, Niela, Miko, Jack at Chit.
 
“Ngayong gabi ay masasaksihan na natin ang walang hanggang kapangyarihan!”sigaw ni Leonora habang itinapat niya ang punyal sa puso ni Clood.
 
Matutusok na sana ni Leonora ang punyal subalit hindi naman ito natuloy dahil nagawa pa ni Ian na pigilan siya gamit ang kapangyarihan nitong bato.
 
“Hindi ko hahayaang mapapatay niyo ang mga kasamahan ko!”bigkas ni Ian habang dumudugo na ang kanyang mata at ilong dahil sa pagpilit niya nang paglabas ng mahika.
 
Nagalit naman si Leonora dahil sa pagpigil ni Ian sa kanya. Nagawa pa kasi nitong protektahan ang mga kasamahan nito kahit nakatali pa ang mga kamay at paa nito sa baliktad na krus.
 
“Iho, ang lakas ng loob mong bastusin ako sa ginagawa kong pagritwal”sabi ni Leonora habang namumula na ang kanyang mukha dahil sa galit.
 
“Gagawin ko ang lahat para mailigtas ko lang ang mga kasamahan ko!”pahinang sigaw ni Ian kay Leonora.
 
“Huh!? Gagawin mo talaga ang lahat? Nakatali ka nga lang diyan tapos ano pa ba ang magagawa mo? gusto mo talagang uunahin pa kita?”pahamon ni Leonora kay Ian.
 
“Matanda! Demonyo! Unahin mo ako kung gusto mo, hindi ka naman pilay! Sa bagay matanda ka naman, mahihirapan ka ng lumakad palapit dito sa akin”painsultong sabi ni Ian na ikinagalit ng todo ni Leonora.
 
Mabilis namang nilapitan ni Leonora ang nakataling si Ian tapos agad niyang itinapat ang punyal niya sa dibdib nito. Hindi naman nilaliman ni Leonora ang pagtusok niya sa dibdib ni Ian marahil tinuturan niya lang ito ng leksyon.
 
“Iho, bawiin mo ang sinabi mo sa akin”utos ni Leonora habang unti-unti niyang itinutusok ang punyal niya sa dibdib ni Ian.
 
Unti-unti namang tumutulo ang mga dugo sa paa ni Ian na nagmula sa dibdib niya pero kailanma’y hindi naman niya pinoproblema ang sakit marahil gusto pa niyang maglaan ng oras para hindi matuloy ang ritwal.
 
Tinitiis lang ni Ian ang sakit ng pagtusok niya. Kaya habang nagtitiis siya ay agad namang nalaman ni Leonora ang plano niya.
 
“Alam ko na ang plano mo iho, hindi mo na ako malilinlang pa kaya hindi na ako magtatagal”pangiting sabi ni Leonora habang inalis niya ang punyal na nakatusok sa dibdib ni Ian at umalis.
 
“Isa kang duwag! Patayin mo muna ako! Matanda! Demonyo!”sigaw ni Ian habang iniinsulto niya si Leonora.
 
Hindi naman nagpauto si Leonora kaya nagpatuloy parin siya sa paglalakad pabalik sa ritwal. Nagpatuloy naman sa pagsigaw si Ian kahit mauubusan na ulit siya ng boses, iniinsulto niya si Leonora at hinahamon pa pero bigo parin siyang mapansin nito.
 
“Pagkatapos nang ritwal na ito ay ipapatikim ko sa iyo ang bagsik ng kapangyarihan ng demonyo”bigkas ni Leonora habang tinutukoy niya si Ian.
 
Dahil doon ay nawalan naman ng pag-asa si Ian na iligtas ulit ang mga kasamahan niya dahil wala na kasi siyang enerhiya na magagamitan ng mahika.
 
“Patawarin niyo ako”pahuling bigkas ni Ian bago siya nawalan ng malay dahil sa pagod ang sugat sa dibdib niya.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa kwartong kinulungan ni Ian at nang mga kasamahan niya, habang nagbabantay ang dalawang taong tagasunod ay nagulat naman sila nang biglang nagising si Daven. Alam kasi nila na maraming nakain si Daven na halos hindi na nila mabilang kung pang-ilang plato na.
 
“Imposible, di ba sabi ni Leonora sa atin, kung gaano karami ang nakain mo ay ganoon din katagal ang sumpa mo”sabi ng lalaking nagbabantay doon.
 
“Oo, pero diba siya yong may pinakamaraming nakain kanina, bakit ang bilis niyang nagising”tanong ng kausap niyang lalaki.
 
“Hindi ko alam, huwag mo akong tanungin”sabi ng lalaki habang hindi niya maipaliwanag ang nangyayari.
 
Pareho naman silang nakatingin kay Daven habang si Daven naman ay nakatingin kay Aniel na natutulog katabi niya.
 
“Hindi ko alam kung anong huling nangyari sa amin basta ang masasabi ko lang ay mapagbiro talaga ang tadhana”bigkas ni Daven habang sinubukan niyang halikan ang labi ni Aniel na natutulog. “Aniel, pasensya ka na kung gagawin ko ito, malaki kasi ang paghahanga ko sa iyo tapos ngayon lang mangyayari ito”pahinang bigkas ni Daven habang dahan-dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ni Aniel.
 
Hahalik na sana si Daven subalit napahinto nalang siya nang makita niya mismo ang dalawang lalaki na tulalang nagmamasid sa kanya. Tumutulo pa nga ang laway ng mga ito dahil sa gagawin ni Daven kay Aniel.
 
“Ang bastos niyo!”bigkas ni Daven habang itinigil niya ang gagawin sana niya kay Aniel.
 
“Bata, ikaw ang bastos dito, walang kamalay-malay ang babaeng iyan tapos pagsasamantalahan mo pa”sabi nila kay Daven.
 
“Anong pagsasamantalahan? Anong tingin mo sa akin, isang manyakis, hindi ako ganoon na tao”patanggi ni Daven sa dalawang lalaki.
 
“Ipaliwanag mo nga sa amin ang ginawa mo”pahamon ng isang lalaki kay Daven.
 
“Ang ginawa ko? Ang ginawa ko?”tanong ni Daven habang siya’y kinakabahan na dahil hindi niya malaman kung ano ang isasagot niya. “Hindi ko alam”sagot ni Daven sa dalawang lalaki.
 
Lumabas naman si Daven sa kwarto na parang wala lang lang nagbabantay kaya ang biru-biruan na pag-uusap nila ay tumungo sa pagseryuso nang biglang tinutukan ng espada si Daven sa likuran.
 
“Bata! tapos na pagbibiruan, ngayon seryuso na kami kaya kung hindi ka makikinig sa amin, hindi ako mag-aalinlangan na patayin ka at ang kasamahan mong babae”banta nila kay Daven.
 
“Papatayin niyo rin ang kasamahan kong babae, si Aniel ba ang tinutukoy niyo?”palinaw ni Daven.
 
“Kung yan ang pangalan ng babaeng kasamahan mo bata, Oo papatayin rin namin siya”tugon nila kay Daven.
 
Napaharap nalang si Daven sa lalaki at hinarap din niya ang espadang nakatutuk sa kanya. Hindi nagsalita si Daven sapagkat napatawa lang siya na parang isang baliw.
 
Nagtinginan naman ang dalawang lalaki sa isa’t-isa na parang hindi nila alam kung ano ang nasa utak ni Daven.
 
“Nababaliw na yata tong batang ito”patawang sabi ng lalaki.
 
“Oo nga! Ano pa ba ang magagawa niya eh! nakatutuk na nga yang espada mo sa dibdib niya”patawa ding sabi ng kasamahan niyang lalaki.
 
Habang sila’y nagtatawanan ay bigla namang itinusok ni Daven ang dalawang daliri niya sa mata ng lalaking nagtutuk sa kanya ng espada kaya ang pangyayaring iyon ay nasaksihan ng kasamahan nitong lalaki.
 
“Ehh!”reaksyon ng lalaki habang nakita niya ang pagtumba ng kasamahan niyang lalaki.
 
Napaihi nalang ang lalaki habang siya’y nakatingin kay Daven kaya dahil sa hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya ay bigla niyang ginamit ang kapangyarihan niya upang atakehin si Daven. Hindi naman umilag si Daven marahil hinarap niya lang ito habang siya’y lumalapit sa lalaki.
 
“Mas demonyo ka pala kaysa sa amin!”sigaw ng lalaki habang nadapa nalang siya sa kakaatras.
 
“Demonyo? Kung yan ang tingin mo sa akin, tatanggapin ko”pangiting sabi ni Daven sa lalaki. “Kung gusto man niyo akong patayin, patayin niyo ako pero kailanma’y wag niyong idadamay ang mga kasamahan ko, diyan tayo magkakamatayan”paalala ni Daven habang pinutulan niya ng ulo ang lalaki gamit ang mahika niyang hangin.
 
Pagkatapos, naglakad-lakad naman si Daven sa gitna ng dilim tapos sinusubukan niyang alamin ang nangyayari sa kapaligiran at sa huling nangyari sa kanila. Sinundan naman niya ang ilaw ng mga nagbabagang apoy na nangyayari sa isang lugar kaya doon nalang niya nakita ang ibang kasamahan niya na nakatali sa baliktad na krus, tapos nakita din niya si Ian na duguan ding nakatali sa baliktad na krus.
 
“Ano bang nangyayari dito?”pahinang tanong ni Daven habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagsasamba sa harap ng mga baliktad ni krus.
 
Itutusok na sana ni Leonora ang punyal sa dibdib ni Clood subalit natigil naman siya sa pangalawang pagkakataon nang marinig niya ang pagsigaw ng isang batang lalaki na walang iba kundi si Daven.
 
“Hoy matandang pangit ang mukha! Ano bang gagawin mo sa kasamahan ko!?”patanong na sigaw ni Daven na may kasamang pag-iinsulto kay Leonora.
 
Nagulat naman si Leonora nang makita niya si Daven, hindi niya kasi inaakala na maagang makakagising si Daven sa sumpa.
 
“Imposible, bakit ang aga niyang nagising sa sumpa!? Di ba marami siyang nakain kanina”bigkas ni Leonora habang hindi siya makapaniwala.
 
“Sumpa? Anong sumpa ang tinutukoy mo?”tanong ni Daven habang dahan-dahang siyang lumalapit kay Leonora.
 
“Bata! Subukan mong lumapit! Papatayin kita!”paalala ni Leonora kay Daven.
 
Hindi naman nakinig si Daven kaya patuloy parin siya sa paglapit kay Leonora. Paulit-ulit naman siyang pinaalahanan ni Leonora subalit hindi parin nakikinig si Daven.
 
“Bata! Sinusubukan mo talaga ako!”sigaw ni Leonora habang bigla niyang inatake si Daven.
 
Napigilan naman ni Daven ang pag-atake ni Leonora gamit lang ang isang kamay niya kaya nabigla nalang si Leonora.
 
“Imposible, nagawa ng batang ito na pigilan ang lakas ko! Alam kong mas malakas ako sa kaysa ordinaryong tao pero hindi ko inaakala na mas may lalakas pa sa akin”bulong ni Leonora habang pinagmamasdan niya si Daven.
 
Inutusan naman ni Leonora ang mga tagasunod niya na atakehin si Daven habang hindi pa ito gumagalaw. Pero kahit na pinagtutulungan na si Daven ay bigo parin nilang mapatumba si Daven dahil sa tibay at lakas nito.
 
“Ang lakas ng batang iyan!”reklamo ng mga tagasunod ni Leonora.
 
“Sinabi mo pa! Kahit nagtulong-tulong na tayo ay hindi parin natin siya nagagalusan”dagdag ng isang tagasunod.
 
Sa laban nila ay wala na talagang pag-asa si Leonora na patumbahin si Daven dahil sa bagsik nito, bilis, tibay at lakas na halos walang nakakapigil. Kaya ang natitirang paraan nalang ni Leonora ay ang makipagkontrata sa mga demonyo para lumakas siya nang lumakas na hihigit pa sa mga tao.
 
Papatayin na sana ni Leonora ang mga kasamahan ni Daven subalit hindi naman iyon natuloy dahil mabilis na pinrotektahan ni Daven ang mga kasamahan niya.
 
“Kailanma’y hindi niyo mapapatay ang mga kasamahan ko”paalala ni Daven sa lahat.
 
“Pigilan niyo siya dahil ipagpatuloy natin ang ritwal”utos ni Leonora sa mga tagasunod niya habang nakaturo ang daliri niya kay Daven.
 
“Masusunod po Leonora!”sigaw nila habang ginamit nila ang kanilang mga mahika para pigilan lang si Daven.
 
Tinatapatan naman ni Daven ang mga pag-atake ng mga kalaban niya gamit din ang mahika niya subalit kinakapos naman ang mahika niya dahil sa madami niyang kalaban.
 
“Kung ito lagi ang taktika ng mga kalaban ko, siguro magiging dahilan ito nang pagkatalo ko”bulong ni Daven habang nagseryuso siya sa laban.
 
Imbes ginagamit niya ang hangin niya sa mga pag-atake ay ginamit niya lang ito para sa sarili niya upang siya’y bumilis nang bumilis. Hawak ang espada niya ay hinihiwa niya ang mga kalaban niya. Dahil sa ganoong pag-atake ni Daven ay wala namang nakapigil sa kanya o kahit na nakatapat sa kanya.
 
Bigo rin si Leonora na patayin ang mga kasamahan ni Daven dahil sa mahigit na pagdedepensa ni Daven.
 
“Hindi niyo ako matatalo!”pangiting bigkas ni Daven.
 
Nagalit naman ng todo si Leonora kaya nag-isip-isip siya ng ibang paraan para maipagpatuloy niya ang ritwal.
 
“Ano ang gagawin ko? Kung magpatutuloy lang ang laban namin ay siguradong mauubos kami”bulong ni Leonora habang nag-iisip siya nang malalim.
 
Nakita naman niya ang mga kasamahan niya na duguan kaya agad pumasok sa isip niya ang pagpatuloy sa ritwal pero imbes ang mga kasamahan ni Daven ang papatayin niya ay mga tagasunod niya ang papatayin niya.
 
Nagulat nalang ang mga tagasunod niya nang makita nila na pinapatay sila ng sarili nilang kasama.
 
“Leonora, bakit mo pinapatay ang mga kasamahan natin?”tanong ng mga ibang tagasunod niya.
 
“Ito nalang ang natitirang paraan para matuloy ang ritwal”bigkas ni Leonora na parang nababaliw na siya habang sinasaksak niya ang mga duguang kasamahan niya.
 
Nalito naman si Daven habang pinagmamasdan niya si Leonora na pinapatay ang sarili nitong mga kasamahan.
 
“Nababaliw na ba ang matandang iyan?”tanong ni Daven.
 
Walang awang pinapatay ni Leonora ang mga duguang tagasunod niya kaya matapos ang ikasampung pagpatay niya ay bigla namang lumiwanag ang guhit sa gitna na parang gumagawa ito ng lagusan patungo sa underworld.
 
Maya-maya ay bigla namang lumabas ang isang demonyo tapos nakatitig naman siya kay Leonora dahil sa kanya kasi nakahawak ang punyal na siyang ginamit pangsaksak sa dibdib ng mga tao.
 
Mabilis namang sinapian si Leonora kaya sa isang lang ay nag-iba ang anyo niya na kung saa’y may nahalong demonyo sa katawan niya.
 
“Nagtagumpay ako!”sigaw ni Leonora habang lumakas siya nang lumakas.
 
Dahil sa lakas ni Leonora ay napatapon nalang sa malayo si Daven nang umatake siya.
 
“Bata! Tapos na ang laban! Panalo na kami!”paalala ni Leonora kay Daven.
 
Hindi naman maiitanggi ni Daven na lalo pang lumakas ang kalaban niyang si Leonora na humigit pa sa kakayahan niya.
 
“Ganito pala kalakas kapag nakipagkontrata ka sa mga demonyo”bulong ni Daven.
 
[SLATE-tionary: Ang demonyo ang pangalawang pinakalamakas na lahi sa mundo mas mababa sila sa mga Diyos at mataas sila sa mga tao.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon