Chapter 66: The Killer Garden in Abyss

41 10 2
                                    

“Ate, gusto ko pong sumama po sa inyo patungo sa ilalim”sabi ni Aniel habang hinahawakan niya ang kamay ni Niela.

“Aniel, ayokong mapahamak ka doon sa ilalim, kaya dito ka lang manatili at bantayan mo nalang si Clood dito”sabi ni Niela na may kasamang paalala kay Aniel.

“Ate, mapapahamak din kayo-“reklamo ni Aniel.

“Oo Aniel alam namin na mapapahamak din kami, kaya nga hindi kita pasasamahin dahil alam kung matutulad ka sa amin”paliwanag ni Niela.

“Ate-“salita sana ni Aniel kaso agad nagsalita si Niela.

“Aniel, pakiusap lang makinig ka sa akin, isang bagay lang naman ang hinihingi ko sa iyo kundi ang magpa-iwan dito”pakiusap ni Niela. “Aniel, huwag kang mag-aalala babalik at babalik rin kami nang ligtas rito, at sa pagkakataong iyon ay kasama na ang mga mahal natin sa buhay”dugtong ni Niela habang niyakap niya si Aniel.

“Ate, mag-ingat kayo doon”sabi ni Aniel habang tumutulo ang luha niya habang siya’y patuloy na nakayakap kay Niela.

Sa ngayon, parehong nakaharap si Niela kasama sina Daven, Jack, Varien at Ian sa gate ng abyss. Hindi pa inilagay ni Daven ang mahiwagang bato sa gate dahil hinahanda pa niya ang kaniyang sarili.

“Handa na ba kayo?”tanong ni Daven sa mga kasamahan niya.

“Daven, kanina pa kami handa, ikaw lang ang hinihintay namin”sabi ni Jack.

“Daven, bilisan mo na ang paglagay sa bato baka matapos na yong takdang panahon”sabi ni Niela na parang minamadali niya si Daven.

“Ang sabik na sabik niyo na, oh sige na!”bigkas ni Daven habang inalagay niya sa isang butas ang batong hawak niya.

Isang maliit na lindol ang naramdaman nila kasabay nang pagdahan-dahan na pagbukas ng malaking gate. Nakatitig ang mga tao kasama na ang kataas-kataasan dahil sa iilang taon narin silang hindi nakikita ang pagbukas ng gate. Pagkatapos mabukas ang malaking gate ay doon na tumambad sa kanila ang isang daraanan pababa ng abyss.

Nagtinginan pa sina Daven at nang mga kasamahan niya, at nang mapagdesisyonan na nilang pumasok ay tumango sila sa isa’t-isa. Nagpaalam pa nga si Niela kay Aniel bago sila pumasok at pagkatapos ay naisara ang gate makalipas ang ilang minuto.

Imbes matakot ay nilakasan nalang ni Aniel ang kanyang loob nang makita niyang naisara na ang pinto.

“Mag-ingat kayo”bigkas ni Aniel sa hangin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang masikip, madilim at malamig na daraanan ang nadaanan nina Daven kasama na ang iba niyang kasamahan. Hindi pa naman sila nakakalayo ay naririnig na nila ang boses ng abyss na parang nagpapaalala sa kanila. Isang mahiwaga at katakot-takot na tunog na titindig talaga ang balahibo kapag ito’y napakinggan.

“Jack, ang dilim naman dito, mahihirapan tayong maglakad ng maayus”reklamo ni Ian.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon