Chapter 55: The End and Beginning of Atlantis

56 12 4
                                    

Hindi naman makapaniwala si Diyos Saidon nang makita niyang napigilan lang ni Daven ang malakas na kapangyarihan niya. Miisang nilalang sa mundo maliban lang sa mga Diyos ay hindi kayang pigilan ang kapangyarihan niya pero kung mayroon man ay buwis buhay ito at hindi lang maliit ang pinsala, pero kay Daven ay parang ordinaryong kapangyarihan lang na pinigilan.

"Taong-lupa, bakit mo nagawang mapigilan ang kapangyarihan ko at ang mas pinagtataka ko lang ay parang wala lang nangyari sa iyo nang pinigilan mo ito"bigkas ni Saidon na may kasamang pagkagulat.

"Anong walang nangyari sa akin, tingnan mo nga itong daliri ko, dumudugo"bigkas ni Daven habang ipinakita niya ang kanyang daliri. "Tapos isa pa, may espesyal ba sa kapangyarihan mo"dugtong ni Daven.

"Hindi mo ba alam na isa akong Diyos?"paalala ni Saidon.

"Ano naman kung isa kang Diyos? Tao ako tapos Diyos ka, ano ang pinagkaiba, diba pareho naman tayong nabubuhay sa mundo na may kanya-kanyang tungkulin"paliwanag ni Daven.

"Taong-lupa, makapangyarihan ako! Sagrado ako! Kaya huwag mo akong ikumpara sa antas mo! Isa ka lang taong-lupa na mahinang nilalang"reklamo ni Diyos Saidon.

"Makapangyarihan ba kamo? Sige nga ipakita mo nga sa akin ang kakayahan mo bilang Diyos"pahamon ni Daven.

Nainis naman si Saidon kung kaya'y pinagbigyan niya si Daven. Agad namang nagseryuso ang kanyang mga mata habang siya nakatitig kay Daven pagkatapos ay nawala siya sa isang iglap.

Gulat na gulat sina Ian, Clood at Lucas nang makita na nilang nakalapit si Diyos Saidon sa harapan ni Daven.

"Ang bilis!"bigkas ni Ian.

"Ang layo-layo pa ni Daven at nagawa niyang makalapit na hindi aabot ng isang segundo ang lumipas.."bulong ni Clood sa sarili niya habang namangha siya kay Diyos Saidon. "Daven, mag-ingat ka!!"pabiglang sigaw ni Clood.

Nang pumikit ang mata ni Daven ay agad siyang pinatumba ni Saidon na kung saa'y napaluhod nalang siya sa lupa nang dumilat siya.

Hangang-hanga nalang ang lahat ng mga Sea Guardian sa ipinakitang kakayahan ng kanilang Diyos.

"Mabuhay si Diyos Saidon!"puri ng mga Sea Guardian.

Hindi naman makapaniwala sina Ian, Clood at Lucas nang makita nilang napaluhod na sa lupa si Daven, dahil sa inaakalang mapapatumba ni Daven ang Diyos ng karagatan pero sa ngayon ay parang naglaho na.

"Sa aamin ko malakas talaga si Daven, pero imposible niyang matalo ang kaharap niya ngayon marahil isa itong Diyos ng karagatan.."sabi ni Clood. "Ang sitwasyon na ito'y parang naglalaban ang isang bata sa isang matanda na marami nang alam sa pakikipaglaban"pahiwatig niya.

"Clood, kahit na bata lang larawan mo kay Daven habang ang matanda nama'y nakalarawan sa Diyos ng karagatan, mananalig parin ako kay Daven na manalo siya sa laban, kahit hindi pa ito pantay"sabi ni Ian.

Inaakala nilang natalo na si Daven sa laban dahil sa nakaluhod na ito sa lupa habang nakatitig ito kay Diyos Saidon pero sa katunayan ay hindi pa nagsisimula ang laban para kay Daven. Hinahanda lang nito ang sarili niya para sa gagawin niyang atake.

"Diyos ng karagatan, tapos ka na ba?"tanong ni Daven na ikinagulat ni Saidon dahil sa pagkarinig nito sa boses niya.

"Tapos saan?"tanong ni Saidon kay Daven.

"Sa mga atake mo?"dugtong ni Daven habang inatake niya nang sunod-sunod si Saidon.

Hindi naman agad nakapaghanda si Saidon sa pag-ilag kaya hindi kumulang sa sampung atake ang naitama sa sarili niya kasabay nang pag-atras niya. Nagawa pa nga niyang ngumiti na para bang iniinsulto niya ang pag-atake ni Daven.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon