Napaluhod nalang si Varien nang makita niyang buhay pa ang Sea Guardian na kalaban nilang dalawa ni Jack. Nanginig din ang buong katawan niya sa takot na baka sila’y mapahamak o mapatay.
“Taong-lupa, gusto mo pa bang lumaban?”tanong ng Sea Guardian habang nakatutuk ang espada nito kay Varien.
“Hindi na kami lalaban pakiusap lang, huwag niyo kaming saktan”pakiusap ni Varien habang tumutulo ang luha niya.
Dahil doon ay voluntaryong sumuko si Varien at dinala sila ni Jack sa palasyo sakay nang isang tila karwahe doon sa Atlantis. Ang pagbibiyahe nina Jack at Varien ay nakasalubong nina Niela at Daven na sakay din nang isang karwahe subalit hindi lang sila nagkita.
Tatlong-oras ang lumipas habang patuloy na nagtatago sina Niela’t Daven kasama ang sampung mga tagasilbi ni Lucas sa karwahe ay narinig naman nila ang dumating na balita tungkol sa mga taong-lupa na nadakip sa lugar nila.
“Niela, Daven, may nakarating sa amin na balita tungkol sa apat na taong-lupa na nadakip dito sa siyudad”balita nang tagasilbi ni Lucas.
“Apat? Huwag mong sabihin sina Jack, Clood, Ian at Varien iyon”sabi ni Niela.
“Yan na nga Niela, sila na nga iyon at wala ng iba pa, siguro inatake sila ng mga Sea Guardian”tugon ni Daven.
“Daven, natatakot na ako sa mangyayari sa atin, wala na ang ibang kasamahan natin, at hindi rin natin alam ang kinaroroonan nila ngayon”sabi ni Niela.
Sumagot naman bigla ang isang tagasilbi ni Lucas sa sinabi ni Niela.
“Niela, sa narinig ko ay dalawa sa apat na taong-lupa ay nakakulong sa malaking kulungan habang ang dalawa nama’y nakakulong sa palasyo”sagot niya kay Niela.
“Malaking kulungan?”tanong ni Niela dahil ngayon palang niya narinig ang salitang iyan.
“Ang malaking kulungan ay doon ikinukulong ang mga nilalang na pumapasok sa siyudad na ito, tinawag siyang malaking kulungan dahil sa laki nito na nakatayo sa ibabaw nang lupa”paliwanag nito kay Niela.
“Saan ba namin matatagpuan ang malaking kulungan?”pabiglang tanong ni Daven na ikinagulat ni Niela.
“Daven!? Ano ka ba? Hindi pa nga tayo nakakapagsimula sa una nating misyon dadagdagan mo pa”reklamo ni Niela.
“Hindi ko naman sinabi na dadagdagan ko yong misyon natin, nagtatanong lang naman ako Niela”paliwanag ni Daven na ikinatahimik ni Niela.
Pagkatapos nagreklamo si Niela ay agad namang sumeryuso ang mukha ng mga tagasilbi ni Lucas na kasama ng dalawa dahil sa tanong mismo ni Daven.
“Daven, gusto mo bang malaman kung saan matatagpuan ang malaking kulungan dito sa lugar na ito?”palinaw nila kay Daven.
“Bakit delikado bang puntahan ang lugar na iyan”bigkas ni Daven.
“Sobrang delikado na mas delikado pa sa iniisip mo, kaya kalimutan mo nalang ang bagay na iyon Daven kung ayaw mong mapahamak”paalala nila kay Daven.
“Kung yan ang gusto mong mangyari eh! Kakalimutan ko nalang”sagot ni Daven na parang wala lang pakialam sa paalala sa kanya.
“Daven, seryuso kami sa pinagsasabi namin, binalaan na kita tungkol sa malaking kulungan, lusubin mo lang nang ilang beses ang palasyo huwag lang ang lugar na iyon”paalala ulit nila kay Daven.
“Oo na, magseseryuso na ako”tugon ni Daven sa mga tagasilbi ni Lucas. “Kaya yong misyon muna ang aatupagin natin ngayon”paalala ni Daven.
Nakatago naman ang karwaheng sinasakyan nina Daven at Niela kasama ang sampung tagasilbi ni Lucas sa isang tago at madilim na lugar na hindi naman kalayuan sa puntirya nilang palasyo. Tanghali pa kasi kung kaya’t madami pang nagbabantay sa loob at labas ng palasyo.
“Daven, papasukin natin mamayang gabi ang palasyo”plano ni Niela na agad namang nilabanan ng mga tagasilbi ni Lucas.
“Kahit gabi ay mayroon paring nagbabantay na mga Sea Guardian kaya mas mabuting pumasok kayo sa ilalim na bahagi ng palasyo, malaki pa ang tsansa niyo na hindi kayo makikita doon”tugon ng isang tagasilbi ni Lucas.
“Sa ilalim ng bahagi ng palasyo? ano ang ibig mong sabihin?”tanong ni Niela.
“Sa daraanan ng dumi, doon malaki ang tsansa niyo na hindi agad kayo makikita”tugon nila kay Niela.
“Sa daraanan ng dumi?”pabiglang tanong ni Niela na may halong pagdadalawang-isip kung papasok ba siya o hindi.
“Niela, mahihirapan tayo kapag dito tayo sa labas magsisimula, kaya tama ang sinabi nila na sa ilalim tayo dadaan”sagot ni Daven.
Hindi naman nakapagsalita pa si Niela kaya nang gumabi ay napapasuka na siya nang makapasok na sila sa ilalim na daraanan na tinutukoy ng tagasilbi ni Lucas. Tinitiis lang ni Niela ang mabahong amoy na naamoy niya sa buong paligid, minsan pa nga’y nakakatapak siya dahil sa dilim.
Ilang minutong naglakad sina Daven at Niela hanggang sa nakakita sila ng isang tila pintuan na maghahatid sa kanila sa loob. Dahan-dahan namang binuksan ni Daven ang pintuan kaya nang makita niya na walang tao na nagbabantay ay agad silang pumasok.
Madali namang nilinisan ni Niela ang buong katawan niya lalo na ang damit niya na puno ng putik at dumi.
“Niela, ang arte mo naman, mamaya ka nalang maglinis baka makita pa tayo dito”reklamo ni Daven.
“Tumahimik ka nga Daven, alam mo namang napilitan lang ako na dumaan doon”reklamo din ni Niela.
“Niela, ano bang mahalaga sa iyo ang maging ligtas o ang mapahamak tayo sa pagpasok, para mo nang iniisip na laro lang ang ginagawa natin”paliwanag ni Daven.
“Oo titigil na ako Daven, kaya magpatuloy na tayo”tugon ni Niela habang itinulak niya si Daven.
Dahan-dahan namang pinupuntahan ng dalawa ang mga kwarto na nakikita nila. Malaki kasi ang palasyo ng Atlantis kaya hindi nila madaling makikita ang pinaghahanap nila. Labis-labis ang pagtatago nila sa tuwing may dumadaan na mga babaeng taong-dagat na nagsisilbi, takot kasi silang makita na baka bigla itong sumigaw at malaman ang kinaroroonan nila.
Nagpatuloy sila sa paglilibot hanggang sa nakita nila ang isang tagong kwarto na parang isang kulungan dahil sa hindi dinadaanan at walang ilaw ang lumiliwanag.
“Daven, sigurado ako na dito na makikita ang kapatid ko”pahinang sabi ni Niela.
“Paano mo naman nasabi Niela?”tanong ni Daven.
“Dahil iba kasi ang pakiramdam ko sa kwartong ito”sagot ni Niela.
“Niela, malaki ang tsansa na bitag lang ang kwartong ito”paalala ni Daven.
“Sisilip lang naman ako Daven”sabi ni Niela.
Bubuksan na sana ni Niela ang pintuan subalit mabilis naman siyang pinigilan ni Daven sa di malamang kadahilanan.
“Niela, kailangan na nating umalis dito”bigkas ni Daven habang hinawakan niya ang braso ni Niela.
“May problema ba Daven?”tanong ni Niela habang siya’y nalilito na, na may kasamang kaba.
Madali namang hinila ni Daven si Niela papunta sa tagong kwarto. Dahil sa pagbiglang paghila sa kanya ay agad niyang nayakap si Daven na hindi niya namamalayan.
“Daven, ano ka ba-“reklamo sana sa malakas na boses ni Niela pero madali namang tinikom ni Daven ang bibig niya.
Nagulat nalang si Niela nang makita niya ang dalawang Sea Guardian na lumabas mula sa kwartong bubuksan sana ni Niela tapos narinig din nila ang pag-uusap ng mga ito.
“Nararamdaman niyo ba ang presensiya ng mga taong-lupa na lumapit dito?”tanong ng isang Sea Guardian.
“Naramdaman ko kanina, pati ngayon din ay nararamdaman ko rin”tugon ng isa pang Sea Guardian. “Tama talaga ang sinabi ng hari sa atin na lulusubin tayo ng mga taong-lupa ngayong gabi”
“Pero kahit gaano pa karami ang lumusob sa atin ay hindi parin sila magtatagumpay”sagot ng isang Sea Guardian. “Paglalaruan lang natin ang mga taong-lupang iyon”tugon nito habang nagpapatuloy sila sa paglalakad at paglilibot sa buong palasyo.
Sa kasalukuya’y may sampung Sea Guardian ang naglilibot sa palasyo.
Samantala, hindi naman maintindihan ni Niela ang naramdaman niyang takot simula nang madinig niya ang pag-uusap ng mga Sea Guardian. Sa simula palang kasi ay sila na pala ang pinagplanuhan at alam ng mga ito ang pagpasok nila kaya agad nawasak ang pag-asa ni Niela.
“Daven, mukhang dito na yata magtatapos ang paglalakbay natin, pareho nang nadakip ang mga kasamahan natin kasama na yong kapatid ko, tapos nandito pa tayo sa walang labasang lugar, kaya Daven pasensya na sa lahat ng ginawa ko sa iyo”sabi ni Niela na may kasamag paghihingi ng tawad kay Daven.
“Niela, susuko ka na ba? Hindi pa nga nila tayo nahahanap”bigkas ni Daven.
“Pero Daven, alam na nila na nandito tayo sa loob”sagot ni Niela.
“Oo alam nga nila pero hindi parin nila tayo nahahanap”sabi ni Daven.
“Daven, narinig mo naman ang sinabi nila na pinaglalaruan lang nila tayo”sabi ni Niela habang unti-unting tumutulo ang luha niya.
“Niela, kung pinaglalaruan nila tayo ay paglalaruan din natin sila”pangiting tugon ni Daven.
Buong gabing nagtago sina Daven at Niela sa tagong lugar kaya buong gabi ring nagbabantay at naghahanap ang mga Sea Guardian sa kanila. Isang oras, dalawang oras, tatlong oras o kahit limang oras pa ang itinagal nina Daven at Niela sa pagtatago hanggang sa nakatulog nalang si Niela, kaya nayamot nalang at nainis ang mga Sea Guardian dahil sa hindi pa sila nakikita.
“Mukhang ginagago na yata tayo ng mga taong-lupang iyon”reklamo ng mga Sea Guardian.
“Akala ko ba na lulusubin nila ang palasyo pero bakit hindi ko sila nakikita”reklamo ng iba.
“Naramdaman ko pa nga kanina ang kanilang presensya, ngayon ay hindi na, baka tumakas na sila”tugon ng isang Sea Guardian.
“Imposible naman ang sinasabi mo, kung nakatakas na sana sila ay makikita sila sa labas, pero malaki talaga ang hinala ko na nagtatago lang sila rito sa palasyo, sa bawat sulok”tugon ng ibang Sea Guardian.
Patuloy parin ang paghahanap ng mga Sea Guardian pero dumating nalang ang araw ay hindi parin nila nakikita sina Daven at Niela.
Siyam na oras na ang nakalipas simula nang magtago sina Daven at Niela sa isang sulok ng palasyo ay nakagising naman si Niela. Malaking problema ang kanilang kinahaharap dahil sa nakaramdam na sila ng gutom at uhaw.
“Daven, kanina pa humihilab ang aking tiyan”sabi ni Niela habang siya’y nanghihina na.
“Niela, tiisin mo lang iyan, makakaalis rin tayo dito”sagot ni Daven.
“Imposible na tayong makalabas dito Daven”reklamo ni Niela.
Samantala, napatawa nalang ang hari nang malaman niyang hindi pa nahahanap ang mga taong-lupa na lumusob sa palasyo.
“Haha! Hindi niyo pa nakikita yong dalawang taong-lupa? Huwag niyo nang hanapin ang mga iyon alam kong nagugutom na ang mga iyon kaya mamamatay na sila sa tinataguan nila”patawang bigkas ng hari sa mga Sea Guardian.
“Kung ganoon mahal na hari, hindi na po namin poproblemahin ang mga taong-lupang iyon?”tanong ng mga Sea Guardian.
“Magpahinga nalang kayo, alam kong bilang na ang oras ng mga taong-lupang iyon, maya-maya kung hindi nila makayanan ay makakalabas rin sila sa pugad nila”patawang sabi ng Hari ng Atlantis.
Hindi pa nga nakakalipas ang ilang segundo ay binalitaan nalang ang hari tungkol sa pagsuko ng isang babae na taong-lupa na nagtatago sa palasyo kaya dahil doon ay napatawa ulit nang malakas ang hari dahil sa sinabi niya.
“Diba tama ang sinabi ko na lalabas rin sila sa pugad nila”tugon ng hari. “Sige ikulong niyo sila”utos ng hari sa mga Sea Guardian.
Tumawa naman ang hari nang malakas nang umalis ang mga Sea Guardian para ikulong si Niela na voluntaryong sumuko pero ang inaakalang panalo ng hari ay mapapalitan pala nang pagkaba nang marinig niya mismo ang isang boses ng lalaki na nasa likuran niya.
“Ikaw pala ang hari dito sa maalamat na lugar”bigkas ni Daven habang kinakain niya ang pagkaing nakahanda na para lang sa hari.
“Sino kaba?”tanong ng hari pero nang makita niya ang kutis ni Daven ay doon na siya nagulat nang todo. “Taong-lupa? Di ba sumuko na kayo!!?”tanong ng hari.
“Sumuko? Ako? Yong kasamahan ko siguro ang tinutukoy mo”bigkas ni Daven habang patuloy siyang kumakain.
“Ano bang pakay mo taong-lupa, bakit ka nandito?”tanong ng hari. “Pwede kitang ipapatay sa mga Sea Guardian kaya huwag mo akong hamunin”
“Hindi naman kita hinahamon mahal na hari, sa katunayan nga’y nagmamakiusap ako sa inyo”sabi ni Daven.
“Yon naman pala ang gusto mo, kung gusto mong magmakiusap na mabuhay ay humiling ka lang sa akin”patawang sabi ng hari kay Daven. “Ano ba ang gusto mong pakiusapan?”
“Huwag niyong saktan ang mga kasamahan ko”salita ni Daven na ikinatawa naman ng hari.
“Nakakatawa ka bata! Bakit ko naman gagawin iyon? at ano naman ang gagawin mo kapag hindi ko susundin?”tanong ng hari.
“Simple lang”sabi ni Daven habang pangiti siyang tumitig sa hari. “Papatayin ko ang lahat nang nilalang dito at sisirain ko ang siyudad na ito”dagdag ni Daven habang nagseryuso ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AventuraIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...