Chapter 52: Protect

58 10 2
                                    

Agad namang nawalan nang pag-asa si Lucas nang mapaluhod siya at sabay bitaw kay Daven. Hindi na rin siya nakatayo pa nang makita niyang pinapalibutan ng mga taong-dagat ang katawan ni Daven.

“Daven, iho pasensya kana kung hindi na kita matutulungan pa”pahingi ng tawad ni Lucas habang tumulo ang kanyang luha.

Hindi naman naiwasan ni Lucas na aalahanin niya ang lahat nang pangyayari sa buhay niya. Ang buhay niyang parang nakatali sa isang kadena na nakakulong sa madilim na lugar na walang hangganan. Masakit man ang ginawa niyang pagtraydor sa mga kasamahan niya para maging isang taong-dagat na malaya ay tiniis niya lang ang mga ito at itinago sa loob ng kanyang damdamin.

Minsan may nangangarap siyang may nilalang na lumaban sa mga Sea Guardian pero ilang dekada man ang lumipas ay wala siyang nakita. Patuloy parin siyang naninirahan sa mundong kailanma’y hindi niya nagustuhan. Nangangarap siya nang nangangarap na may tutulong sa kanila sa pag-alis nila sa mundong iyon kaya ilang taon ang dumating ay nakilala niya sina Niela at Daven.

Unang tingin palang niya sa dalawa ay hindi naman ito nagpukaw ng kanyang loob dahil sa naisip niya na parang ordinaryong tao lang ito na napunta sa siyudad ng Atlantis. Pero nag-iba naman ang kanyang paningin nang tinanong siya ni Daven tungkol sa pagkakilanlan niya.

Hindi niya pa isinabi kay Daven ang totoo sa kanyang sarili pero tumagal nang tumagal ay dahan-dahan naman niyang inaamin. Sa panahon ring iyon ay ang panahong bumilid siya kay Daven dahil siya lang mismo ang unang nilalang na naglakas-loob na nakipaglaban sa mga Sea Guardian.

 “Daven”bulong niya sa sarili marahil ang pagbigkas niya sa salitang iyon sa isip niya ay unang pagbigkas niya sa pangalan ni Daven.

Lumiliwanag sa kanyang mga mata ang bawat pag-atake ni Daven sa mga Sea Guardian. Hindi niya mapigilang mamangha nang lubusan. Nang dumating man ang pagkatalo ni Daven ay hindi naman siya nag-alinlangan na tumulong marahil ang pagkakataong iyon ay paghiganti naman niya sa magandang ginawa ni Daven sa kanya.

“Iho, nakakabilid ka talaga, kahit alam mong matatalo ka sa laban hindi ka parin sumusuko”bulong niya habang dala-dala niya ang noo’y nahimatay na si Daven.

Sa kasalukuyan ay napaluha nalang siya nang makita niyang pinapalibutan ng mga taong-dagat si Daven. Wala siyang maiitulong maliban nalang sa pagtitig nito. Kahit na nga si Daven ay hindi rin matutulungan ang sarili. Kaya lalo pang tumulo ang kanyang luha nang makita niyang tinututukan na ng espada si Daven.

“Daven, iho”bigkas niya habang napapikit ang kanyang mga mata.

Akala niya’y mapapatay na si Daven ng mga taong-dagat subalit may pangyayari pala na hindi niya inaasahan. Dalawang-tao ang biglang dumating na kung saa’y napigilan nito ang pagpatay kay Daven. Hindi niya iyon kilala pero nang tiningnan niya ang mga ito’y naramdaman niyang kakampi niya ito at parang malapit ito kay Daven base sa pag-iisip niya.

“Manong alam ko pong mabuti ka pong tao marahil tinulungan mo ang isa sa mga kasamahan namin”bigkas ni Ian, ang dumating para tulungan silang dalawa ni Daven.

“Manong kami na po ang bahala dito, magpahinga napo kayo”sabi ni Clood habang dahan-dahan niyang pinapahiga si Lucas sa isang komportableng sahig.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon