Chapter 42: Ian and Clood vs 1 Sea Guardian

53 13 3
                                    

Nagpatuloy paring tumutulo ang mga luha ni Niela kahit nakaalis na ang kapatid niyang nadakip ng mga taong-dagat. Parang nawawasak ang mundo niya tumayo siya dahil sa nawawalan na siya nang gana at parang wala na sarili nang siya’y pumasok sa mansion patungo sa kwarto niya.
 
“Tito Lucas, magpapahinga na po ako sa kwarto ko”sabi ni Niela sa mahinang boses na parang namatayan ng isang pamilya.
 
Naiwan naman doon sa labas si Lucas na patuloy paring nagmamasid sa daan at si Daven na nakatayo lang katabi ni Lucas. Hindi maputol ni Lucas ang pagmamasid niya sa daan at napaalala siya sa nakaraan niya.
 
“Kung may paraan lang sana para matalo lang ang mga sea guardian na iyan, hindi sana magkakaganito ang buhay ko..”pahinang sabi ni Lucas sa sarili na kung saa’y narinig ito ni Daven. “Ay! Nandito ka pa pala iho, akala ko pumasok ka na sa kwarto mo”pangiting bigkas ni Lucas.
 
“Tito Lucas, ano po ba ang sinasabi niyo tungkol sa buhay niyo? May nagawa bang masama ang mga Sea Guardian sa inyo?”tanong ni Daven.
 
“Ay wala iho, huwag mo ng problemahin ang sinabi ko, kusang lumabas lang iyon sa bibig ko”patawang sabi ni Lucas tapos lumakad siya papasok sa mansion.
 
Napahinto naman si Lucas nang biglang nagsalita si Daven sa kanya.
 
“Tito Lucas, isa pa po ba kayong taong-lupa?”tanong ni Daven na ikinabigla ni Lucas.
 
“Isang taong l-l-lupa?”pautal na tanong ni Lucas. “Imposible namang mangyari ang pinagsasabi mo iho”bigkas ni Lucas habang namumutla na siyang pinagtatago ang tungkol sa bagay na nililihim niya.
 
“Pasensya na po kayo Tito Lucas sa tanong ko, alam ko pong imposible po yong mangyari”patawang sabi ni Daven.
 
“Iho, alam mo naman ang histura ko tas yong kutis nang katawan ko na iba sa inyo”dagdag ni Lucas.
 
Pumasok naman si Lucas na para bang natakasan na niya ang tanong ni Daven dahil sa nakita niyang tumatawa, pero ang totoo ay nalaman na talaga ni Daven ang pagkakakilanlan ni Lucas sa simula pa lang nang nagkita sila.
 
“Hindi ko alam kung paano pero isa ka talagang taong-lupa”bulong ni Daven.
 
Nang gumabi na ay dahan-dahan namang lumalapit si Daven sa kwarto ni Niela at sinilip niya ito mula sa nakabukas na pintuan. Nakita niya doon ang umiiyak na si Niela habang ito’y nakaharap sa bintana.
 
Hindi naman niya iyon pinansin bagkus hinayaan niya lang ito.
 
“Hindi ko naman masisisi si Niela, alam kong gustuhin niya ring tulungan ang kapatid niya”pabulong na sabi ni Daven sa sarili niya. “Mas mabuting magpahinga nalang ako”
 
Aalis na sana si Daven para makapagpahinga pero nabigla naman siya nang biglang tinawag ni Niela ang pangalan niya. Hindi niya inakaalang makikita o mararamdaman ni Niela ang presensya niya dahil sa palihim siyang lumalapit.
 
“Daven, Daven! Halika ka nga dito”tawag ni Niela.
 
“Ano ba iyon Niela?”tanong ni Daven nang makapasok siya sa kwarto ni Niela.
 
“Daven, sasagipin ko bukas si Aniel”bigkas ni Niela. “Sasama ka ba sa akin?”tanong niya kay Daven.
 
“Syempre naman Niela pero ang problema natin, saan ba natin makikita si Aniel”sabi ni Daven.
 
“Magtatanong tayo kay Tito Lucas kung saan natin makikita si Aniel”sagot ni Niela.
 
“Ang problema Niela kung sasagutin ba tayo ni Tito Lucas, alam mo namang mag-aalala iyon sa iyo nang tuluyan”paliwanag ni Daven.
 
“Wala akong pakialam kung mag-aalala siya sa akin o hindi, basta ang importante sa akin ay makuha si Aniel, yon lang”paliwanag ni Niela.
 
Kalaunan, nang mag-almusal ay lakas-loob namang nagtanong si Niela kay Lucas tungkol sa kinaroroonan ni Aniel subalit hindi naman nakasagot si Lucas dahil sa hindi siya sigurado sa lugar na tinutuluyan ni Aniel.
 
“Iha, sa katunayan ay hindi ako sigurado sa kinaroroonan nang kapatid mo, nais ko mang sabihin sa inyo kaso wala talaga ako masyadong alam, siguro sa malaking kulungan o baka sa ibang mayayamang mansion, o siguro sa ilalim  ng mga gusali o baka doon sa palasyo, hindi ako sigurado”paliwanag ni Lucas. “Pero may posibilidad na may kumuha sa kapatid mo dahil sa babae iyon at may maganda pang hitsura”dagdag ni Lucas na ikinabigla ni Niela.
 
“Sana wala lang nangyari kay Aniel ngayon”alala ni Niela.
 
“Niela, naniniwala akong wala pang nangyayari kay Aniel ngayon”bigkas ni Daven.
 
“Tito Lucas, nagtataka lang ako, may palasyo pa ba dito sa siyudad na ito?”tanong ni Niela.
 
“Mayroon, sa katunayan ay doon nga nagsisilbi ang mga Sea Guardian dito sa bayang ito, siguro doon niyo matatagpuan ang kapatid mo”paliwanag ni Lucas. “Baka lang!”
 
“Tito Lucas, saan po namin matatagpuan ang palasyong sinasabi niyo?”hiling ni Niela.
 
“Sa pinaka-kanlurang bahagi ng siyudad na ito”sagot ni Lucas. “Kung papasok man kayo sa palasyo ay mahihirapan kayo marahil alam niyo na nang nandoon nagsisilbi ang mga Sea Guardian, tapos hindi rin kakayanin ng katawan niyo ang pwersa nang mahika doon”paalala ni Lucas.
 
“Bahala na Tito Lucas, basta ang importante po sa amin ay makuha namin si Aniel”lakas-loob na sinabi ni Niela.
 
“Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo Niela?”pabiglang tanong ni Daven.
 
“Syempre Daven, sinabi mo pa nga kagabi sa akin na sasamahan mo ako”sabi ni Niela.
 
“Oo pero tayo-tayo lang dalawa? Malabo lang na magtagumpay tayo”reklamo ni Daven.
 
“Ano pa ba ang gusto mong mangyari Daven? Magdadala tayo ng isang hukbo sa palasyo? Alam mo namang dalawa lang tayo”paliwanag ni Niela.
 
“Tutulungan ko kayo, padadalhan ko kayo ng mga tao doon, hindi ko hahayaang papasok lang kayo doon na dalawa lang kayo”tugon ni Lucas na ikinagulat ni Niela.
 
“Tito Lucas, salamat po”pasalamat ni Niela sabay yakap kay Lucas.
 
“Oo tama na iyan iha, tungkulin ko naman ang iyon para sa kaligtasan niyo”sagot ni Lucas.
 
“Tito Lucas, salamat po talaga hindi ko po mailalarawan ang saya na nararamdaman ko ngayon”bigkas ni Niela sa sobrang galak. “Daven, magsisimula na tayo ngayon sa paglalakbay”paalok ni Niela.
 
Sa araw na iyon ay nagsimula nang umalis sina Daven at Niela patungo sa palasyo ng Atlantis kasama ang sampung mga tagasilbi ni Lucas.
 
“Mag-ingat kayo sa paglalakbay niyo”paalala ni Lucas sa dalawa matapos itong naglakbay paalis.
 
Samantala, nagising naman si Clood sa isang bahay matapos ang pagkahigop ng barkong sinasakyan nila. Sa unang gising palang niya’y nakaramdam siya nang pananakit ng ulo niya.
 
“Ano bang nangyari sa amin? Saan ba ang mga kasamahan ko?”tanong niya habang pinagmamasdan niya ang bahay na tinutuluyan niya.
 
Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ng mga kasamahan niya ay doon na siya nagulat.
 
“Saan na ba ako? Ano bang nangyari sa mga kasamahan ko?”tanong ni Clood sa sarili niya habang hinalughug niya ang buong bahay pero wala parin siyang makita kahit iisa mang tao.
 
Nang lumabas siya ay doon niya nakita ang isang babaeng taong-dagat na may dala-dalang pagkain na para sana sa kanya. Gulat na gulat naman si Clood nang makita niyang hindi normal ang kutis nang babae na hindi tulad sa kanya.
 
“Sino ka ba? Bakit-?”tanong sana niya kaso agad niyang nakita si Ian na nakabuntot lang sa babaeng taong-dagat.
 
“Clood, ipapaliwanag ko muna sa iyo ang mga nangyari sa atin, kakain muna tayo ngayon”bigkas ni Ian kay Clood.
 
Hindi naman makapaniwala si Clood nang malaman niya na sa ibang lugar sila na kung saa’y hindi sa ibabaw ng mundo.
 
“Ian, ang ibig mong saibihin ay nasa alamat tayo ng Atlantis?”palinaw ni Clood.
 
“Oo Clood, mahirap mang ipaliwanag pero napunta tayo dito sa hindi malamang paraan”sagot ni Ian.
 
“Yong ibang mga kasamahan natin, may balita na ba?”tanong ni Clood.
 
“Pasensya ka na Clood, buong araw akong nagkalap nang impormasyon kahapon pero wala talaga, pero may narinig ako kahapon sa hapon na may isang babae daw ang nadakip ng mga Sea Guardian, isa daw taong-lupa”paliwanag ni Ian.
 
“Isang babaeng taong-lupa, siguro baka sina Niela, Aniel at Varien ang tinutukoy nila, Ian mas mabuting iligtas natin sila”pahiling ni Clood.
 
“Clood, mahihirapan tayong mailigtas sila marahil sinabi sa akin ni Anna na malakas na nilalang ang mga Sea Guardian”paalala ni Ian habang itinuro ang babaeng taong-dagat na kasama ni Ian na ang pangalan ay Anna.
 
“Siguro kapag pagtutulungan natin ang mga Sea Guardian na iyan ay mapapatumba natin iyan”tugon ni Clood.
 
Hindi pa nga nakakalipas ang ilang minuto ay agad nang nagkakagulo ang paligid nang bahay na tinutuluyan nila. Nagsisitakbuhan ang mga taong-dagat na dahil sa natatakot sila sa isang Sea Guardian na dumating.
 
“Isang Sea Guardian, mag-ingat kayo!”sigaw ng mga taong-dagat.
 
Lahat ng mga humaharang na sa dinaraanan ng isang Sea Guardian ay tumatabi. Nagpatuloy pa ang paglalakad nang Sea Guardian hanggang sa nakarating ito sa kinaroroonan.
 
Gulat na gulat naman ang batang si Anna nang makita niyang nasa labas pala nang bahay niya ang Sea Guardian. Kinausap niya doon nang masinsinan ang Sea Guardian habang tinatago niya sa loob ng bahay sina Ian at Clood.
 
“Bata, tinatago mo ba sa loob nang bahay mo ang mga taong-lupa na pumasok sa lugar natin?”tanong ng Sea Guardian kay Anna.
 
“Wala po akong tinatagong taong-lupa as bahay ko tapos hindi ko rin po alam ang pinagsasabi niyo”tanggi ni Anna.
 
“Sigurado ka ba talaga bata?”tanong ni Sea Guardian.
 
“Opo, nagsasabi po ako nang totoo”sagot ni Anna.
 
Tumalikod na ang Sea Guardian kung kaya’y lumuwag na ang pakiramdam ni Anna dahil alam niyang natakasan na niya ito, subalit nagulat siya nang biglang humarap sa kanya ang Sea Guardian at mabilis siyang sinampal na dahilan nang pagtapon niya nang malayo.
 
Nagalit naman si Clood sa ginawa ng Sea Guardian kay Anna kaya hindi siya nag-alinlangan na atakehin ito. Nagyeyelo ang buong kamay ni Clood dahil sa galit nang sinuntok niya sa mukha ang Sea Guardian.
 
“Ang lupit mo! Wala kang awa sa mga bata!”sigaw sa galit ni Clood.
 
Napangiti naman ang Sea Guardian habang pinigilan ng isang daliri ang matulis na yelong pag-atake ni Clood.
 
“Taong-lupa, ginawa ko lang iyon para lumabas kayo”pangiting sabi ng Sea Guardian.
 
Palihim namang umatake si Ian patungo sa likuran ng Sea Guardian. Habang abala pa ito’y itinusok niya ang patalim na hawak niya sa likod ng Sea Guardian pero hindi naman iyon natablan dahil sa naputol ang patalim.
 
“Mali kayo nang kinalaban niyo! Alam niyo bang tagabantay ng karagatan ang kaharap niyo?”palinaw ng Sea Guardian sa dalawa.
 
“Sea Guardian!? Sea Guardian, wala akong paki kung tagabantay ka, papatumbahin ka namin!”sigaw ni Clood habang ibinuhos niya sa kanyang kamay ang mga matatalis na yelong mahika niya.
 
“Isa ka palang Ice user, hindi ako matatablan niyan”bigkas ng Sea Guardian habang binasag niya ang matatalis na yelo ni Clood nang wala mang ginagawa.
 
Napakagat nalang sa labi si Clood nang makita niyang hindi umubra ang mahika niya.
 
“Ako naman ang aatake!!”sigaw ni Ian habang ibinuhos niya ang mga batong mahika niya.
 
“Mga wala kayong silbi, mga mahihina kayong nilalang”insulto ng Sea Guardian habang nilabas niya ang presensya sa katawan niya na dahilan naman nang pagkatapon sa malayo nina Clood at Ian.
 
Parehong napahiga sa lupa ang dalawa dahil sa malakas na pagkatama nila sa bato.
 
“Ang lakas ng nilalang na iyan!”reklamo ni Ian.
 
“Hindi talaga nagkamali si Ian sa sinabi niya tungkol sa Sea Guardian”salita ni Clood habang pinipilit na tumayo.
 
Hindi pa nga nakakatayo nang maagi sina Clood at Ian ay binanatan naman sila nang sunod-sunod na pag-atake ng Sea Guardian. Bugbug sarado si Clood habang nagawa namang makadepensa sa sarili ni Ian gamit ang kapangyarihan niyang bato.
 
“Mga taong-lupa, alam kong kasamahan niyo rin ang babaeng nakuha namin kahapon”patawang paalala ng Sea Guardian.
 
“Saan mo siya ikinulong?”tanong ni Ian habang pinipilit niyang tumayo.
 
“Ang lakas nang katawan mo bata, sa ibang nilalang na iyon ay hindi nila makakayanan ang mga pag-atake ko”paalala ng Sea Guardian. “Gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari sa babaeng kasamahan niyo? Huwag kayong mag-aalala hindi pa siya pinagsasamantalahan ngayon, may iilang araw nalang kayo para sagipin siya”sagot ng Sea Guardian sa tanong ni Ian.
 
Patuloy namang tumatawa ang Sea Guardian hanggang sa napahinto siya nang marinig niya ang boses ni Ian na ikinagulat niya dahil sa nakita niyang napatayo pa ito.
 
“Sea Guardian, kung may mangyayari mang masama sa isang kasamahan ko lalo na yong kinuha niyo, pagbabayaran ko kayo nang malaki”bigkas ni Clood habang unti-unting nagyeyelo ang katawan niya.
 
“Oh ganoon ba, sige nga! Ipakita mo nga sa akin ang kakayahan mo bata! Kung malakas ka ba kaysa sa akin”pahamon ng Sea Guardian.
 
Nagulat naman si Ian nang makita niyang lumakas pa nang lumakas si Clood na ngayon palang niya naramdaman.
 
“Clood”bulong ni Ian.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon