Chapter 24: Varien Arc Part 7

71 19 8
                                    

Hindi naman agad nasunod ni Frederica ang inutos ni Daven sa kanya marahil nahimatay nalang siya sa sobrang takot kay Daven. Kahit na nga si Zaq ay mahihimatay nang makita niya ang paglapit ni Daven sa kanya na parang hindi siya makapaniwala.
 
Hindi naman siya nakapagsalita marahil ang isipan niya ay parang tumitigil sa pag-iisip.
 
Paulit-ulit namang nagsasalita si Daven tungkol sa pag-alis ng pagkontrol sa isip ni Chit subalit wala namang sumasagot sa kanya. Inaagbayan pa nga niya si Zaq sapagkat hindi parin ito gumagalaw o nagsasalita man lang.
 
“Simple lang naman ang pakiusap ko sa inyo tapos hindi niyo pa magawa”pahinang sabi ni Daven.
 
Naglakad naman si Daven patungo sa mga kasamahan niya upang ito’y tulungan subalit pareho na itong natumba at nawalan nang malay nang nilapitan niya ito. Hindi na kasi nakayanan ni Niela na labanan pa si Chit kaya kahit siya ay napatumba na rin. Nawalan naman ng malay pareho sina Jack at Clood dahil sa naubusan sila ng enerhiya.
 
Habang nakatayo si Daven ay agad naman siyang hinarap ni Chit na sa oras na iyon ay para siyang sinapian ng ibang nilalang na walang sinumang makakapigil.
 
“Papatayin kita! Papatayin kita!”sigaw ni Chit habang nakatitig siya kay Daven.
 
Wala namang reaksyon si Daven sa sinabi ni Chit sa kanya marahil nakangiti lang ito sa kanya.
 
“Chit, wala akong intensyon na labanan ka kaya labanan mo ang isip mo, aalahanin mo ang lahat”utos ni Daven kay Chit.
 
“Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, hindi kita kilala”bigkas ni Chit habang sinundan niya ang pagsalita niya nang isang malakas na pag-atake kay Daven.
 
Hindi naman pinigilan ni Daven ang pag-atake ni Chit kaya siya napatapon sa malayo tapos nasugatan din ang tiyan niya. Nang tumayo siya ay hindi niya inaakala na aatakehin siya ni Chit nang sunod-sunod na dahilan nang pagkaroon niya nang maraming sugat sa kahit ano mang parte ng katawan.
 
Nagkamalay nalang si Frederica ay hindi parin humihinto si Chit sa pag-aatake nito kay Daven.  Napangiti nalang siya bigla nang mapagtanto niya sa isipan na matatalo niya si Daven sa ibang paraan.
 
“Salamat naman at naglaban narin ang dalawa”bulong ni Frederica.
 
Akala ni Frederica na sineryuso na ni Daven ang pakikipaglaban nito kay Chit pero sa totoo ay hindi pala lumalaban si Daven marahil iniisip nito na may mangyayari kay Chit kapag pinatulan niya ito.
 
Tatakas sana si Frederica subalit napahinto nalang siya nang sinigawan siya ni Daven na madaling tumayo nang makita niya.
 
“Hoy! Alisin mo ang pagkontrol kay Chit!”sigaw ni Daven.
 
Hindi naman makapaniwala si Frederica nang malaman niyang hindi parin natatalo si Daven kay Chit.
 
“Bakit ang lakas ng batang iyon? Kapangyarihan ng halimaw na ang kaharap niya pero bakit balewala lang sa kanya? may mga sugat na siya sa katawan niya tapos kanina pa siya nakikipaglaban sa amin pero bakit nagawa niya pang magsalita sa kondisyon niya”bulong ni Frederica.
 
Dahan-dahan namang lumalapit si Daven sa kanya kahit patuloy itong inaatake ni Chit. Nagawa naman nitong makalapit at magkiusap sa kanya na parang wala lang nangyayari.
 
“Alam kong ikaw ang nagkontrol sa kasamahan ko”bigkas ni Daven kay Frederica.
 
Hindi naman nakapagsalita si Frederica dahil sa pagkabigla niya, pero habang siya’y nakatulala ay agad naman niyang namalayan na si Chit ay unti-unti nang nagagalit dahil sa hindi ito pinansin ni Daven. Nakita naman niya ang mga itim na mahika na unti-unting iniipon ni Chit sa kamay nito na lalong tumatagal ay parang may dumadating na malaking delubyo sa buong bansa.
 
Hindi lang sina Frederica at Daven ang nakaramdaman sa malakas na kapangyarihan ni Chit kundi pati narin ang ibang tao na nagsilikas sa malayo, kahit na nga si Lovi na sa malayong bayan ay naramdaman rin ang tila pagdating ng isang nakakamatay na delubyo.
 
“Ano na ba ang nangyayari ngayon?”tanong ni Lovi sa kanyang sarili.
 
Kahit na nga sina Miko, Ian at Aniel ay naramdaman rin ang malakas na kapangyarihan na kinatatakutan ng lahat. Silang tatlo ay walang alam sa nangyayari marahil hindi na kasi nila sinundan sina Jack, Clood at Niela sa pagpunta nito kay Chit.
 
“Miko, Ian, natatakot na ako sa mangyayari ngayon”sabi ni Chit habang nanginginig ang katawan niya.
 
“Aniel, huwag kang mag-aalala, may tiwala ako kina Jack at Clood , at sa ate mo rin”tugon ni Ian habang pinapagaan niya ang takot ni Aniel.
 
“Aniel, tandaan mo walang mangyayaring masama sa atin”bigkas ni Miko habang hindi siya sigurado kung katapusan na ba nila.
 
Samantala, nanginginig naman sa takot si Frederica nang makita niyang lalo pang lumalakas ang kapangyarihan ni Chit na tila masisira na ang buong Ciangima kapag ito’y tumama.
 
“Bata! Mauubos tayong lahat rito”bigkas ni Frederica habang ngumingiti siya na parang baliw.
 
“Kaya alisin mo na ang pagkontrol sa isip niya habang hindi pa huli ang lahat”utos ni Daven kay Frederica.
 
“Bata! Kahit maalis ko pa ang pagkontrol sa kanya ay hindi parin natin maiiwasan ang malakas na kapangyarihan niya”paliwanag ni Frederica.
 
“Hindi pa nagtatapos ang lahat”bigkas ni Daven habang ngumiti siya sa harap ni Chit.
 
Madali namang inalis ni Frederica ang pagkontrol kay Chit subalit umepekto lang ito sa tatlong minuto, pero sa minutong iyon ay matatamaan na sila sa kapangyarihan ni Chit.
 
“Bata! Inalis ko na ang pagkontrol sa isip niya pero malungkot ko mang iisipin na babalik lang siya sa normal kapag lumipas na ang tatlong minuto, hindi na tayo mabubuhay pa”paliwanag ni Frederica habang napaluhod nalang siya sa lupa.
 
Nakita naman ng lahat ang pag-itim ng ulap sa kalangitan at pagkawala ng buwan sa himpapawid. Nagdasal nalang ang mga tao na nagbabakasaling may himalang dumating sa kanila para sila’y mailigtas.
 
Samantala, hindi naman kumilos si Daven marahil nakatayo lang siya kaharap ni Chit habang ito’y may namumuong malakas na kapangyarihan. Nang matapos na ni Chit ang pag-iipon nang itim na mahika ay agad niya itong hinampas patungo kay Daven.
 
Napapikit nalang si Frederica nang makita niya na ang itim na mahika na patungo kay Daven, pero ang inaakala niya na mamamatay na sila ay hindi pala mangyayari dahil sa pinigilan ito ni Daven gamit ang isang kamay.
 
Matapos mapigilan ni Daven ang malakas na kapangyarihan ni Chit ay mabilis niya itong nilapitan tapos kinuha niya ang kapangyarihan nito.
 
Nangyari lang iyon sa isang iglap na kung saa’y nabigla si Frederica nang maidilat niya ang mata niya at nakita ang pagtumba ni Chit dahil sa nawalan ito nang malay.
 
“Ano bang nangyari?”tanong ni Frederica sa sarili niya.
 
Namangha naman siya nang makita niya si Daven na ayus lang na nakatayo sa harap ni Chit.
 
“Kung ako ang pagsasabihin, siya na ang pinakamalakas na tao sa buong mundo”pahinang sabi ni Frederica.
 
Yakap-yakap naman ni Daven ang walang malay na katawan ni Chit. Habang dala-dala ito ni Daven ay bigla naman itong nagising sa kamay niya.
 
“Kuya Daven”bigkas ni Chit habang hindi niya mapigilang maluha.
 
“Chit, huwag muna akong tawaging kuya, may pamilya ka naman eh! tapos isa pa magkaedad naman tayo”pangiting bigkas ni Daven.
 
“Kuya Daven, Kuya Daven, ang sarap paring bigkasin ang katagang iyan, hinding-hindi ko parin papalitan ang itatawag ko sa iyo, Kuya Daven”sabi ni Chit.
 
“Ano ka ba naman Chit, hindi ako sanay na maging kuya, kaya Daven nalang ang itawag mo sa akin”sabi ni Daven habang pinipilit niya si Chit.
 
Napangiti naman si Chit sa sinabi ni Daven sa kanya.
 
“Daven, Daven, Daven”paulit-ulit na bigkas ni Chit.
 
“Yan ang gusto kong marinig sa iyo Chit”sabi ni Daven.
 
“Daven, may iba akong pangalan, kaya Varien nalang ang itawag mo sa akin”pangiting bigkas ni Chit.
 
Sa gabing iyon ay tinanggap naman ni Varien (Chit) ang parusa na ihahatol sa kanya dahil sa pinsalang natamo niya sa bansa. Marami kasi siyang sinira na kabahayan tapos may nasugatan pa siyang mga tao dahil sa kapangyarihan niya.
 
Hindi naman niya natanggap ang ginawa niyang pagsugat kina Jack, Clood at Niela kaya masaya parin siyang nakakulong sa isang kulungan ng ilang araw. Kahit pinatawad na siya ng tatlo ay inisip parin niya ang kamaliang nagawa niya.
 
Tatlong araw nang nakakulong si Varien at marami na siyang iniisip na bagay tulad ng pag-iwan sa kanya ng mga kasamahan niya at pagkagalit ng mga tao sa kanya. Sa araw na iyon ay binisita naman siya ni Reyna Siera.
 
“Mahal na Reyna, ano po ba ang ginagawa niyo rito?”tanong ni Varien kay Reyna Siera.
 
“Prinsesa, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakalapit rito, marami kasi akong inasikaso noong huling araw”paliwanag ni Reyna Siera na parang humihingi siya ng patawad kay Varien.
 
“Mahal na Reyna, huwag niyo na po akong tawaging prinsesa, hindi na po ako prinsesa ngayon, isa lang po akong kriminal na sumira sa bansa ng Ciangima”sabi ni Varien.
 
“Hindi totoo yan prinsesa, sa katunayan nga nagpunta ako rito para palayain ka”sabi ng Reyna.
 
“Mahal na Reyna, kahit ikaw po yong kataas-taasan ay hindi niyo parin maiiba ang desisyon ng mga tao, kapag sinabi na po nilang masama ay masama na po iyon”paliwanag ni Varien.
 
Agad namang pinapasok ng Reyna ang mga tao na naging biktima ni Varien. Kahit Naging biktima naman sila ay kailanma’y hindi sila nagtanim ng galit kay Varien marahil kinontrol naman ang isip ni Varien.
 
“Prinsesa, pasensya na po at naging marahas man kami sa iyo, sana mapatawad niyo po kami sa nagawa namin sa iyo”patawad ng mga tao kay Varien.
 
Napaluha naman siya nang makita niya ang pagpapatawad ng mga tao sa kanya kaya napalaya siya at nakulong naman si Frederica na kung saa’y napatunayan ng mga tao na siya ang nagkontrol sa isip ni Varien at ang nagpasimuno ng lahat.
 
Nang makalaya si Varien ay inalok naman siya ni Reyna Siera na pumunta sa palasyo ng Ciangima para sa isang handaan. Hindi lubos maisip ni Varien ang pagtanggap ng mga tao sa kanya roon.
 
Masaya namang nakatingin ang mga tao sa kanya subalit hindi naman mapigilang malungkot ni Varien nang hindi niya makita ang mga kasamahan niya na kahit si Daven lang, pero sinusubukan naman niyang tanggapin ang lahat marahil iniwanan na siya ng mga ito.
 
“Alam kong iniwanan na ako ng mga kasamahan ko kaya dito ko nalang ipagpatuloy ang buhay ko”bulong ni Varien habang naglakad siya papasok ng palasyo.
 
Pagkatapos niyang naglakad ay nakarating naman siya harap ng Reyna at inalok siya nito na maging reyna ng Ciangima, ang bagong reyna.
 
“Varien, itatalaga kita na bagong reyna sa palasyo ng Ciangima!”sigaw ni Reyna Siera habang sinabayan ng mga palakpakan ng mga tao.
 
Hindi naman nakapagsalita si Varien marahil nabigla parin siya sa sinabi ng Reyna sa kanya.
 
“Prinsesa, pumunta ka na rito para mabasbasan ka na para sa maging bagong reyna dito sa Ciangima”pahinang sabi ni Reyna Siera.
 
Nagdadalawang-isip naman si Varien kung tatanggapin niya ang pagiging reyna ng Ciangima o hindi.
 
Nakatingin ang lahat ng mga tao sa kanya at pati narin ang reyna ay nakatingin parin sa kanya marahil hinihintay nila ang magiging sagot ni Varien.
 
Tatanggapin na sana ni Varien ang alok ni Reyna Siera sa kanya subalit napahinto naman siya nang biglang nagsalita si Reyna Siera sa kanya nang pabulong.
 
“Prinsesa, nasa iyo naman ang desisyon kaya pwede ka namang tumanggi”pabulong na sabi ng Reyna sa kanya.
 
“Bakit naman ako tatanggi? Di ba yong ina ko ang naging reyna dito kaya tungkulin rin ng anak na sundan ang yakap ng ina”pahinang sabi ni Varien.
 
“Prinsesa, alam kong gusto mo pang samahan ang mga kasamahan mo”pangiting bigkas ni Reyna Siera na ikinabigla ni Varien.
 
“Ano ang ibig mong sabihin?”tanong ni Varien habang siya’y nag-iisip ng malalim. “Huwag mong sabihin—“sabi ni Varien habang biglang pumasok sa isip niya si Daven at ang iba niyang kasamahan.
 
“Oo, prinsesa, hindi ka pa iniwanan ng mga kasamahan mo kaya kung gusto mong samahan sila ay tumakbo ka na alam kong naghihintay na sila sa iyo”bigkas ni Reyna Siera.
 
Nagulat nalang ang mga tao nang makita nila na mabilis na umalis si Varien. Ipinaliwanag naman ng Reyna ang desisyon ni Varien sa mga tao.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi naman inaakala ni Varien na naghihintay pala sa kanya ang mga kasamahan niya sa barko nila. Tumutulo pa nga ang mga luha niya habang siya’y tumatakbo. Nang makarating siya ay agad niyang nakita sina Clood at Jack na parehong nagmamasid sa daraaanan niya.
 
“Ang  tagal mong dumating, kanina pa kami naghihintay sa iyo rito!”sigaw ni Clood.
 
“Ganyan kasi kayong mga babae, pinapahintay niyo kaming mga lalaki”pabirong sigaw ni Jack.
 
“Clood, Jack, patawarin niyo ako sa ginawa ko sa inyo”pahingi ng tawad ni Varien sa kanila.
 
“Ayus lang yon, parte naman iyon ng pagsubok”bigkas nina Clood at Jack.
 
Sumunod namang bumati sina Niela at Aniel kay Varien.
 
“Mabuti’t nakarating ka na rito”bigkas ni Niela.
 
“Kinagagalalak namin ang pagbalik mo rito”pangiting bati ni Aniel.
 
“Niela, pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo, hindi ko kasi inaakala na lalabanan mo ako”sabi ni Varien.
 
“Ang lakas mo nga eh!”patawang sabi ni Niela.
 
Sunod namang dumating sina Miko at Ian.
 
“Chit, masaya ako’t bumalik ka na”sabi ni Miko.
 
“Chit, hindi namin lubos maisip kung ano ang mangyayari sa paglalakay namin kapag nawala ka”sabi ni Ian.
 
Agad namang nagreklamo si Jack tungkol sa sinabi nina Miko at Ian.
 
“Miko, Ian, may iba nang pangalan si Chit, kaya simula ngayon Varien na ang itatawag niyo sa kanya”sabi ni Jack.
 
“Nakalimutan ko na yan pala ang itatawag natin sa kanya”tugon ni Miko habang sila’y  nagtatawanan.
 

At pagkatapos ay nagsimula sila sa kanilang paglalakbay.....

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon