Chapter 15: The Pearl of Judao Island Part 3

75 19 5
                                    

Hindi parin makapaniwala si Chit na magpapatuloy na sila sa paglalakbay nang hindi kasama si Daven, akala kasi niya na tutulungan nila si Daven pero hindi pala. Maglalayag na sana ang barko ni Jack kaso hindi naman natuloy marahil biglang tumalon si Chit sa isla ng Judao para magpaiwan.
 
“Chit, mahirap nang mailigtas si Daven, madadamay lang tayo!”sigaw ni Jack.
 
“Jack kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ngayon ni Daven tapos iiwanan ka namin, ano kaya ang mararamdaman mo?”tanong ni Chit kay Jack.
 
“Syempre magagalit, pero si Daven kasi ang pinag-uusapan natin dito, alam mo namang wala siyang silbi sa paglalakbay natin tapos kain-tulog lang siya lagi, at lalong-lalo na pabigat lang siya rito”paliwanag ni Jack.
 
“Jack, hindi naman yata tama ang ginagawa mo, kahit ganoon lang si Daven ay may silbi naman yata siya sa paglalakbay natin, may naiitulong naman si Daven sa atin kahit hindi gaano”sabi ni Chit habang pinaglalaban niya si Daven.
 
Nagpatuloy parin si Chit sa pagtatanggol kay Daven habang si Daven nama’y masayang nakahiga sa isang kama habang payapa siyang kumakain ng mga prutas tulad ng duhat at mansanas.
 
“Ang sarap talaga nang buhay! Lalo na kapag may nag-aalaga sa iyo”bigkas ni Daven habang pinapaypayan siya ng mga tagasilbi ng bahay na parang siya narin ang amo nila.
 
Katabi naman niya si Raheya ang magiging asawa niya sa islang iyon. Sinusubuan naman siya ni Raheya nang mga prutas tapos minamasahe din siya.
 
“Raheya, dahan-dahan lang baka mabali mo yong buto ko”pabirong bigkas ni Daven.
 
“Daven, ang sarap mo palang kasama”pangiting sabi ni Raheya na parang pinupuri niya si Daven. “Daven, alam kong nadamay pa kayo sa ginawa ng ama ko”sabi ni Raheya.
 
“Yong pagkakulong ba ang tinutukoy mo Raheya, wag mo nang po-problemahin iyon natapos na iyon”sagot ni Daven.
 
“Daven, nag-aalala ako sa mga kasamahan mo, baka nag-aalala na sila sa iyo”alala ni Raheya.
 
“Wag mong aalahanin ang mga kasamahan ko Raheya, malaki naman ang tiwala ko sa mga kalahi mo”tugon ni Daven.
 
“Pero Daven, sigurado ka ba sa desisyon mong magpapaiwan lang dito sa islang ito?”tanong ni Raheya.
 
Napatingin naman bigla si Daven sa sinabi ni Raheya marahil ang tanong na iyon ay mahirap sagutin sa parte ni Daven. Malalim naman ang pag-iisip niya, sasagot na sana siya kaso naputol naman ang pag-uusap nila nang biglang tinawag si Raheya para sa gagawing ritwal na kinaugalian na nila.
 
“Daven, gusto mo bang sumama?”paanya ni Raheya kay Daven.
 
“Saan ka ba pupunta Raheya?”tanong ni Daven marahil nalilito siya dahil sa ibang lenguahe na pag-uusap nito.
 
“Doon sa gitna na malapit sa kagubatan, may gagawin kasi kaming ritwal na kinaugalian na namin, sasama ka ba?”tanong ni Raheya.
 
“Sige, para makita ko naman yong kultura niyo”sagot ni Daven habang umalis sila patungo sa ritwal na tinutukoy ni Raheya.
 
Nakinig naman si Daven sa pagsesermon ng mga kalahi ni Raheya kahit wala siyang maiintindihan, pangiti-ngiti lang siya sa tuwing tinitingnan siya ng mga ito.
 
“Kamusta kayo! Kamusta kayo!”bati ni Daven kahit hindi naman bumabati ang mga tao sa kanya.
 
Napapangiti nalang si Raheya sa tuwing nakikita niya na bumabati si Daven. Nilapitan naman niya ito para ipaliwanag kay Daven ang nangyayari.
 
“Daven, pasensya ka na kung hindi mo naiintindihan ang sinasabi namin”pahingi ng tawad ni Raheya.
 
“Ano bang pinagsasalita nila Raheya?”tanong ni Daven.
 
“Wala silang tiwala sa iyo”tugon ni Raheya na ikinabigla ni Daven.
 
“Tiwala saan?”tanong ni Daven.
 
“Alam mo na yong perlas na tinutukoy nila”sabi ni Raheya.
 
“Tanong ko lang bakit mahalaga sa inyo ang perlas, di ba marami namang makikita perlas sa karagatan?”tanong ni Daven na may kasamang pagtataka.
 
“Espesyal kasi yong perlas dito sa islang ito Daven”sagot ni Raheya. “Daven, iiwanan muna kita rito, tinatawag na ako ni ama”sabi ni Raheya habang nagpapaalam siya kay Daven.
 
Mag-isa ulit si Daven na nakaupo sa gilid habang nanonood siya sa pagriritwal. Naalala naman niya ang sinabi ni Raheya sa kanya tungkol sa hindi pagtitiwala ng mga tao sa kanya.
 
“Mukhang nagsisisi na ako sa naging desisyon ko”bulong ni Daven habang nakita niya ang mga taong parehong nakatingin sa kanya.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Agad namang nainis si Neila kay Chit dahil sa pagsasayang nito ng oras. Kung hindi lang sana nagreklamo pa si Chit ay naglayag na sila at malayo na ang narating nila sa paglalakbay. Kahit gusto nina Miko at Ian na tulungan si Daven ay wala parin silang lakas na loob marahil nasa apat nilang kasamahan ang desisyon.
 
“Akala ko tutulungan natin si Daven”pahinang sabi ni Ian.
 
“Ian, tandaan mo kay Jack parin ang huling desisyon, alam mo namang mainit ang dugo ng batang iyon kay Daven”sabi ni Miko.
 
“Sinabi mo pa, wag nalang nating paiinitin ng ulo si Jack baka may mangyari pang masama sa atin”tugon ni Ian.
 
Aalis na sana sila na hindi kasama si Chit subalit hindi naman natuloy marahil may limang barko na ang huminto sa baybayin.
 
Gulat na gulat naman sila nang makita nila ang mga tao sa barko na may hawak-hawak na mga baril. Hindi naman iyon mga pirata marahil nakasakay ito sa mga magagarang barko na ngayon palang nila nakita.
 
“Subukan niyong gumalaw kundi mapapatay ko kayong lahat”banta ng isang lalaki habang nakatutuk ang baril niya sa grupo ni Jack.
 
Wala namang nagawa si Jack at nang mga kasamahan niya dahil sa pareho na silang tinutukan ng mga baril.
 
“Jack, ano na ang gagawin natin?”pabulong na tanong ni Niela.
 
“Niela, wag kang magsalita, hindi mga pirata ang kaharap natin kundi mga makapangyarihan na mga tao”bigkas ni Jack habang tinitingnan niya ang isang lalaki na magara ang kasuotan. “Siguro yon yong boss nila”dagdag ni Jack habang nagsitinginan silang lahat sa lalaking tinutukoy niya.
 
Mabilis namang sinakop ng mga kalalakihan ang buong isla ng Judao. Kaya ang ginawang pagsakop ay ikinagulat naman ni Chit marahil naroon pa si Daven.
 
“Si Daven? baka madamay siya”bigkas ni Chit habang pinasok niya rin ang bayan ng mga tao.
 
Samantala, nagkagulo naman bigla ang lahat nang marinig nila ang mga yapak na mga taong nagsisitakbuhan patungo sa kanila. Hinanda naman ng mga tao ang mga sandata nilang sibat tapos agad silang kumilos.
 
Nag-usap naman si Raheya at nang ama niya tungkol sa pagtakas nila ni Daven at para narin sa pagligtas sa gintong perlas.
 
Nakatayo naman si Daven habang nakikinig sa pag-uusap ni Raheya at sa ama nito. Matapos ang pag-uusap nila ay mabilis namang tumakbo si Raheya habang hawak-hawak niya ang kamay ni Daven.
 
“Daven, kailangan na nating umalis dito!”sigaw ni Raheya.
 
“Raheya, tutulungan ko ang mga kalahi mo”bigkas ni Daven.
 
“Daven, hindi mo sila kaya dahil may mga sandata sila na mahirap tapatan”paalala ni Raheya.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Raheya?”tanong ni Daven.
 
Narinig naman nila bigla ang mga putukan ng mga baril na ikinabigla ni Raheya.
 
“Daven, umatake na sila!”sigaw ni Raheya habang mabilis niyang hinablot ang kamay ni Daven tapos tumakbo papasok sa bahay niya upang kunin ang gintong perlas.
 
“Raheya, di ba tatakas tayo? Bakit pumasok pa tayo sa bahay niyo?”tanong ni Daven habang siya’y nagtataka.
 
“Daven, kukunin muna natin yong perlas”sagot ni Raheya.
 
Agad namang hinintay ni Daven si Raheya kaya nang lumabas sila ay nakita nilang patay na ang mga kalahi ni Raheya tapos inabangan narin sila ng mga kalalakihan na may hawak na baril.
 
Hindi naman nakaalis sina Raheya at Daven dahil sa tinutukan na sila ng baril.
 
“Magandang araw magandang dilag, mukhang sakto pa yata ang pagdating namin marahil dinala mo na yong perlas”pangiting sabi ni Herbert.
 
“Kailanma’y hindi ko ito ibibigay sa iyo ang perlas!!”sigaw ni Raheya habang itinago niya sa likuran niya ang gintong perlas.
 
“Ah! Ganoon ba! Alam mo namang may mangyayari sa iyo”bigkas ni Herbert habang inutusan niya ang mga alalay niya na barilin si Raheya.
 
Akala ni Raheya ay mapapatay na siya subalit hindi naman iyon natuloy dahil sa mabilis siyang hinablot ni Daven papasok sa malaking bahay. Hindi naman makapaniwala si Herbert at pati ang mga kasamahan niya sa mabilis na paggalaw ni Daven na kasingbilis ng isang hangin.
 
“Nakita niyo ba iyon!? Ang bilis nang taong iyon!”bigkas ni Herbert.
 
“Oo nga po Boss Herbert! Isang malakas po na magic user ang kaharap po natin!”sabi ng isang alalay niya.
 
“Ano po ba ang gagawin natin Boss Herbert?”tanong nila.
 
“Syempre, patumbahin niyo! May mga armas naman tayo, hindi naman makakatapat ang mahika ng taong iyon sa bala ng baril”paalala ni Herbert.
 
Mabilis naman nilang pinasok ang bahay ni Raheya upang kunin ang perlas na hawak-hawak ni Raheya. Samantala, umiiyak naman si Raheya habang nagtatago dahil sa nakita niyang patay na ang lahat ng mga kalahi niya.
 
“Raheya, pigilan mo muna ang pag-iyak mo, mamamatay tayong dalawa rito kapag nalaman nila kung nasan tayo”pabulong ni Daven.
 
Patuoy parin sa pag-iyak si Raheya kaya agad nalang siyang niyakap ni Daven para mabawasan ang kanyang paghihinagpis.
 
“Raheya, pasensya na dahil sa hindi ko natulungan ang mga kalahi mo”pabulong ni Daven kay Raheya.
 
“Daven, wag mong sisihin ang sarili mo”pahinang sabi ni Raheya kay Daven.
 
Dahil sa pag-uusap nila ay narinig sila ng mga lalaki kaya agad silang nahanap. Babarilin na sana sila subalit mabilis namang inihampas ni Daven ang kamay niya na may kasamang mahika para putulin ang kamay ng mga kalalakihang may hawak na baril.
 
Nagpatuloy naman sa pag-atake si Daven na halos walang nakakapigil sa kanya. Naubos naman niya ang mga alalay ni Herbert subalit napatumba naman siya ni Herbert sa isang putok lang nang baril na madaling ikinahinto niya.
 
Tatlong sunod-sunod na putok pa ng baril ang naitama sa katawan ni Daven.
 
“Iho, kahit gaano ka pa kalakas ay hindi mo parin mapipigilan ang bala ko”pangiting paalala ni Herbert kay Daven.
 
Mapapatay na sana si Daven subalit siya naman ang pinrotektahan ni Raheya na gamit ang mahika niyang bato.
 
“Hindi mo siya mapapatay!”sigaw ni Raheya habang pinigilan niya si Herbert.
 
“Iha! Magdasal ka na!”bigkas ni Herbert habang binaril niya si Raheya sa ulo.
 
Mabilis namang natumba si Raheya kaya hindi mapigilan ni Daven ang magalit dahil sa nagawa ni Herbert.
 
“MAGBABAYAD KA!!”sigaw ni Daven.
 
Gagamitin na sana ni Daven ang mahika niya subalit binaril naman siya nang sunod-sunod ni Herbert na ikinamatay niya.
 
“Ngayon wala nang pipigil sa akin para kunin ang gintong perlas”bigkas ni Herbert habang nilapitan niya ang gintong perlas na gumulong sa gilid ng walang buhay na si Raheya.
 
Nang lumabas si Herbert sa malaking bahay ay hindi naman niya inaakala na inabangan na pala siya ni Chit sa labas. Ginamit naman ni Chit ang mahika niyang tubig para lunurin si Herbert.
 
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa islang ito!!”sigaw ni Chit habang nilunod niya si Herbert gamit ang mahika niya.
 
Agad namang namatay si Herbert dahil sa paglunod sa kanya ni Chit kaya agad namang nahulog ang gintong perlas sa lupa at gumulong ito.
 
Napansin pa nga ni Chit ang gintong perlas pero iniisip kasi niya si Daven kaya hinayaan niya lang ito. Nang pumasok siya sa malaking bahay ay nagulat naman siya nang makita niyang wala nang buhay si Daven.
 
“Kuya Daven”bigkas niya habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya.
 
Nilapitan pa nga niya ang katawan ni Daven na nagbabakasaling buhay pa ito subalit lumalamig na ang mga kamay nito nang hinawakan niya.
 
“KUYA DAVEN! HUWAG MO AKONG IWAN!”sigaw ni Chit habang niyakap niya ang labi ni Daven.
 
Nagsidatingan naman ang ibang mga kasamahan ni Chit kaya nang malaman nilang namatay na si Daven ay hindi nila mapigilang maluha.
 
“Paano nangyari iyon, bakit? Bakit? Bakit namatay si Daven?”tanong ni Jack habang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
 
“Jack, ngayon masaya ka na, na wala na si Kuya Daven, diba ito rin naman ang gusto niyo ang mawala siya!”bigkas ni Chit sa mga kasamahan niya lalo na kina Niela at Jack na mainit ang dugo kay Daven.
 
“Chit, hindi ko naman sineseryuso yong ginagawa ko kay Daven”tugon ni Niela.
 
“Niela, kahit minsan may pagkagago si Kuya Daven ay marunong din siyang masaktan”bigkas ni Chit.
 
Nang lumabas si Chit sa bahay upang ibuhos ang lungkot niya ay agad niyang naalala ang gintong perlas na nakita niya kaya agad niya itong nilapitan.
 
“Ano bang mayroon sa perlas na ito?”tanong ni Chit habang hinawakan niya ang gintong perlas.
 
Sinundan naman nina Aniel at Niela si Chit para ito’y pakalmahin subalit nang lumapit sila ay may nakita silang gintong liwanag na nanggagaling sa gintong perlas, dahil sa liwanag na iyon ay para silang nabulag...
 
Nang idinilat nila ang kanilang mga mata ay nagulat sila nang biglang umiba ang islang tinatapakan nila.
 
“Anong nangyari?”tanong ni Niela.
 
“Ate, saan na ba tayo?”tanong ni Aniel.
 
“Bakit umiba ang buong isla?”tanong ni Chit.
 
Hindi nila alam ay napunta na pala sila sa nakaraan ng Judao Island..
 
[SLATE-tioanry: Sa isang pagsusuri kung makakapatay ka ng isang tao na may mahika ay may maliit na tsansa na makuha mo ang mahika ng isang tao na napatay mo..]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon