Samantala sa unang istadyum na kung saa’y nakilahok sina Clood, Miko at Ian. Nagkakasiyahan ang lahat ng mga tao na may kasamang paghihiyawan sa kanilang mga pambato sa patimpalak.
“Galingan niyo!!”sigaw ng mga magulang o mga asawa nang nakikipaglaban sa patimpalak.
Hindi naman mawala ang pagsigaw ni Aniel sa tuwing sina Clood, Miko at Ian ang nakikipaglaban sa patimpalak. Kahit may pagkadehado sila sa mga laban ay tuloy parin ang pagsusuporta niya sa mga ito.
“Clood!! Miko!! Ian!! GALINGAN NIYO!”sigaw ni Aniel.
Nabubuhayan naman ng pag-asa silang tatlo na may kasamang pamumula ng pisngi sa tuwing naririnig nila ang sigaw ni Aniel sa kanila.
“Mukhang ayaw ko ng ipatalo ang patimpalak na ito”sabi ni Miko.
“Oo nga Miko, mukhang mahihiya nga ako kapag matutumba ako sa laban”tugon ni Ian.
“Iba talaga kapag si Aniel ang sumusuporta, parang siyang isang anghel na nagbibigay ng liwanag sa atin”pahambing ni Miko.
“Oo tama na ang pagpapantaserye niyong dalawa, makinig na kayo baka tatawagin na kayo”tugon ni Clood habang pinutol niya ang pag-uusap ng dalawa.
Tumingin naman si Clood sa kina-uupuan ni Aniel at panay ang tulala niya nito. Nabigla pa nga siya nang agad siyang tiningnan ni Aniel na parang sinulyapan siya nang tingin. Napatalikod nalang siya bigla dahil sa parang kinikilig siya.
Napangiti naman sina Miko at Ian nang malaman nila ang nangyari kay Clood.
“Clood, mukhang nagkakagusto ka na yata kay Aniel”paasar nina Miko at Ian.
“Tumahimik nga kayo, nasa patimapalak tayo, wala ng oras para magbiruan ngayon”papigil ni Clood.
“Clood, wala namang bawal magkagusto kaya habang may panahon pa ay wag mo yang ilihim”patuloy na paasar ng dalawa kay Clood.
“Miko, Ian, marami pa tayong tungkulin ngayon, mamaya na muna yong mga gusto-gusto na pinagsasabi niyo”paalala ni Clood.
“Ikaw talaga Clood, minsan lang naman mangyari iyan sa buhay natin babalewalain mo pa”tugon ng dalawa.
----------
Samantala, kung nagkakasiyasihan man ang mga tao sa unang istadyum ay kasalungat naman ang nangyayari sa pangalawang istadyum na kung saa’y ang mga tao ay natatakot dahil si Daven na ang lalaban sa patimpalak habang kalaban ang lalaki na may malaki ang pangangatawan.
“Ayaw ko ng manood sa laban na ito, alam ko na ang magiging kalalabasan”bulong-bulongan ng mga tao.
“Sino bang nagpapasok sa batang iyan, bakit dito pa siya pumasok sa pangalawang istadyum”reklamo ng mga tao.
Kung hindi nagsisi-alisan ang mga manonood ay ipinipikit naman nila ang kanilang mga mata dahil ayaw nilang makita ang magiging takbo ng laban. Sapagkat wala naman reaksyon si Daven kahit pinag-iinsulto siya ng mga manonood.
“Bata, tandaan mo! Seseryusuhin ko parin ang laban natin kahit bata ka pa, wala akong pinipiling kalaban, mapabata o mapamatanda man”sigaw ng lalaking kalaban ni Daven.
“Wala namang nagsabing magbiro ka sa laban natin, kahit ano-ano na ang iniisip mo tapos sisisihin mo pa ako”bigkas ni Daven.
“Bata! Seryusong-seryuso talaga ako!!”sigaw ng lalaki.
“Oo seryuso ka na”tugon ni Daven habang dahan-dahan nang inaantok.
Pagkatapos ang ilang segundo na paghahanda nila ay mabilis namang umatake ang kalaban ni Daven na dahilan naman nang pagkasiya ng lalaking nagpapasok kay Daven sa patimpalak.
“Ito na! Magsisimula na! Galingan mo!! Huwag mong galingan!”bulong ng maperang lalaki na nagpapasok kay Daven.
Hindi naman inaakala ng lahat na iba pala ang magiging takbo ng laban nang makita nilang napigilan ni Daven ang malakas na pag-atake ng kalaban niya gamit lang ang isang daliri. Hindi naman makapaniwala ang mga manonood nang matunghayan nila ang kakayahan ni Daven.
“Nagawa ng batang iyan na mapigilan ang pag-atake gamit lang ang isang daliri”bigkas ng mga tao habang sila’y napanganga.
Pati pa nga ang kalaban ni Daven ay hindi rin makapaniwala dahil sa nagawa niyang pagpigil sa pag-atake.
“Imposible, paano mo nagawa ang bagay na iyan?”tanong ng kalaban niya sa kanya.
“Hindi ko alam, alam ko kasing mahina ka kaya daliri ko lang ang ginamit ko tapos pagod din ako”sagot ni Daven na may kasamang pang-iinsulto.
Nagulat nalang ang kalaban ni Daven na may kasamang pagkainsulto sa narinig niya kaya imbes na tumigil siya sa laban ay inatake niyang muli si Daven. Ilang malakas na suntok ang naitama niya sa kamay ni Daven subalit hindi parin ito napapagalaw.
Lahat ng mga taong nanonood sa laban ay napanganga nalang ng todo dahil sa paulit-ulit na pagpigil ni Daven sa malakas na pag-atake ng kalaban niya.
“Tao ba ang batang iyan?”patanong na bigkas ng mga tao na may kasamang pagkabigla.
“Nagmistulang matayog na blokeng nakaharang kapag kaharap mo ang batang iyan”bigkas ng mga tao.
“Sa ilang taong na akong naninirahan sa mundong ito, ngayon palang ako nakakita ng ganyan”bigkas ng isang matandang manonood.
Samantala, lalo namang umiinit ang ulo ng kalaban ni Daven dahil sa naririnig nitong sigaw na pagsusuporta ng mga tao sa kanya.
“Bata! Galingan mo!”sigaw ng mga tao kay Daven.
“Bata! Talunin mo ang taong iyan!”patuloy na sigaw ng mga tao kay Daven.
Hindi naman nagdadalawang-isip na sineryuso ng lalaki ang laban niya kay Daven kaya agad niyang binunot ang isang patalim na nakatago sa tagaliran niya. Napahinto nalang sa pagsisigaw ang mga tao nang makita nila ang patalim na hawak-hawak ng lalaki.
“Isang patalim? Ang daya naman ng lalaking iyan!”sigaw ng mga tao.
“Oo nga! Talunan kasi siya kaya nandadaya nalang siya”tugon ng isang lalaki.
“Di ba batas dito sa patimpalak ang bawal mandaya?”sabi ng isang lalaking manonood.
“Oo batas nga rito, pero sa ginawa ng lalaking iyan ay hindi pandaraya, sandata lang talaga yang hawak niya”sagot ng katabi niyang manonood rin.
“Kung sandata lang yang hawak niya ay siguradong mapapahamak ang batang kalaban niya, hindi makakayanan ng bata na pigilan ang matalim na bagay kahit gaano pa siya katibay”tugon niya.
“Yan na nga, wala nang natitirang paraan ang batang iyan kundi ang sumuko para hindi siya mapahamak”paliwanag ng katabi niya.
Nagsisigawan naman ang lahat ng mga tao na patigilin na ang laban dahil sa hindi na ito naging patas, ang dating pisikalan na laban nila ay napalitan na ng labanan nang may sandata. Hindi na iyon kasiya-siya sa lahat ng mga manonood.
Pero kahit hindi iyon kasiya-siya ay may isang tao naman ang naging masaya sa naging laban at ang taong iyon ay walang iba kundi ang lalaking nagpasali kay Daven, ang mayamang lalaki.
“Sige ituloy niyo na ang laban, sabik na sabik na akong makakita ng dugo”bulong ng mayamang lalaki habang nandidila siya.
Samantala, nakatayo lang si Daven na parang wala lang habang siya’y nakaharap sa kalaban niya na may hawak-hawak na patalim. Kahit panandaliang takot ay hindi naramdaman ni Daven.
“Bata! Ngayon hindi mo na kayang pigilan ang pag-atake ko marahil masusugatan yong kamay mo kapag ginawa mo”patawang paalala ng lalaki.
Hindi naman sumagot si Daven marahil humikab siya dahil sa naantok na talaga siya laban.
“Pwede bang tapusin na natin ang labang ito”pahiling ni Daven.
“Bata mukhang gusto mo na yatang sumuko, bibigyan kita ng pagkakataong sumuko kaya gawin muna ngayon”payabang na bigkas ng lalaki.
“Mukhang baliktad yata, ikaw yong sumuko marahil hindi mo ako napatumba kanina”pangiting bigkas ni Daven para hindi siya makaramdam ng antok.
“Sinusubukan mo talaga ako!”sigaw ng lalaki habang mabilis siyang tumakbo palapit kay Daven. “Bata, huwag mo akong hamunin sapagkat isa yang malaking kamalian”sigaw ulit niya habang inatake niya si Daven.
Hindi naman siya makapaniwala nang mapansin niya na hindi parin gumagalaw sa pagkakatayo si Daven kahit may hawak pa siyang patalim.
“Ano bang iniisip ng batang ito? May patalim na akong hawak, hindi na katulad kanina ang laban namin ngayon”bulong niya habang siya’y nakatitig kay Daven.
Ipinikit naman niya ang kanyang mata nang maitama niya ang kutsilyo kay Daven.
“Nagsisisi na ako sa nagawa ko, kaya patawarin mo ako”patawad ng lalaki habang sabay na idinilat ang kanyang mga mata.
Nagulat nalang ang lalaki na parang siya’y nakakita ng isang multo nang makita niya na napigilan ni Daven ang patalim na hawak niya. Nakatusok nga ito sa daliri subalit hindi naman ito tumaob nang malalim.
“Imposible, halimaw ba itong kalaban ko ngayon”bigkas ng lalaking kalaban ni Daven habang binitawan niya ang hawak na patalim. “Paano? Paano niya napigilan ang pag-atake ko”bigkas niya habang mabilis siyang tumakbo palabas ng istadyum.
Nakatulala din ang mga tao nang makita ang pangyayari na para bang nananaginip lang sila. Kahit na ang ibang mga ibang manlalaro ay nagulat din sa naging resulta ng laban.
“Nanalo ang batang iyan”bigkas ng isang manlalaro.
“Ang lakas pala ng batang iyan, minaliit ko lang siya kanina”tugon ng isa pang manlalaro.
Tahimik namang nagmamasid ang mga tao kay Daven nang maidineklara siyang panalo sa laban. Walang miisang boses ang narinig maliban lang sa tagapagsalita sa harapan na siyang nagtatawag ng pangalan.
Dahil sa ginawang laban ni Daven ay naging kilala ang pangalawang istadyum na kung saa’y dumagsa ang maraming tao.
-------
Samantala sa abandonadong bayan na kung saa’y nakahiga si Golith, ang pinuno ng mga pirata sa Pendra. Dali-dali namang pumasok ang isang kasamahan ni Golith na may dala-dalang piraso ng papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa patimpalak na nangyayari sa bayan ng Sindro.
“Pinunong Golith, may patimpalak pong nagaganap ngayon sa bayan ng Sindro”balita ng isang miyembro niya.
“Ano naman kung may patimpalak doon”tugon ni Golith.
“Pinuno, masagana po ang bayan ng Sindro, sigurado pong marami po tayong makukuha doon kapag papasukin po natin iyon”sagot niya.
“Oh! Mukhang may punto ka yata sige pupunta tayo ngayong araw, hindi natin sasayangin ang pagkakataong iyan”bigkas ni Golith.
Naglakbay naman si Golith kasama ang miyembro niyang malalakas patungo sa Sindro. Nakarating naman sila doon nang isang oras marahil hindi naman iyon kalayuan sa tinutuluyan nila at isa pa ay nakasakay naman sila sa karwahe.
“Pinuno, marami pong tao tapos may mga manlalaro po doon sa loob ng mga istadyum, baka po kung aatake tayo ay mapapatumba nila tayo”teorya ng isang kasamahan ni Golith.
“Hindi naman tayo magpadalos-dalos na aatake agad tayo, pag-aaralan mo muna natin ang magiging takbo ng mga patimpalak sa bayang ito dahil darating rin naman ang oras na mapapagod ang mga manlalaro”plano ni Golith.
Samantala, naiwan namang nakakulong si Rura sa abandonadong bayan. Sa ngayon ay nakakuha naman siya nang pagkakataon na makatakas marahil walang gaanong nagbabantay sa kwarto niya.
Dahan-dahan naman lumalabas sa bahay si Rura para maiwasan niya ang mga lalaking nagbabantay sa labas. Nang makachempo siya ay dali-dali siyang tumakbo patungo sa malaking abandonadong gusali upang palayain ang iba pang nakakulong.
“Hindi ako aalis sa bayang ito hangga’t hindi ko napapalaya ang mga ibang nakakulong”bulong ni Rura habang pinipilit niyang makapasok sa malaking gusali.
Muntikan naman siyang makita nang isang nagbabantay pero nagawa niya pang magtago sa isang iglap. Pagkatapos nang ilang minuto ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa loob ng malaking gusali.
May nakikita naman siyang bakas ng mga putik at dugo na patungo sa isang direksyon kaya hindi siya nag-alinlangan na sundan ito. Habang siya’y napapalapit ay lalo namang umiiba ang pakiramdam niya na para bang sumisikit ang dibdib niya na may kasamang pagsusuka.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may masamang mangyayari?”tanong ni Rura habang dahan-dahan siyang naglalakad.
Sa isang madilim na sulok na kung saa’y may madilim na kwarto ay doon nakita ang pinaghahanap ni Rura. Bakas sa mukha niya ang takot nang makita niya ang mga bangkay ng mga babae at mga bata na nakahandusay sa sahig. Mga walang saplot pang-ibaba ang mga bangkay ng mga babae habang naligo naman ng mga dugo ang bangkay ng mga bata.
Nanginginig sa takot si Rura nang mapagtanto niya sa sarili na naging delikado pala ang lagay niya sa bayang ito.
“Ano ba ang nais na reaksyon ko ngayon, masaya ba ako dahil sa hindi ako natulad sa kanila o malungkot”bulong ni Rura habang dahan-dahan siyang napapaatras dahil sa takot.
Aalis na sana siya upang tumakas subalit nabigla siya nang makita niya ang isang lalaki na may hawak na espada ang nasa harapan niya na naghihintay lang pala sa kaniya.
“Kanina pa kami naghahanap sa iyo, nandito ka lang pala”pangiting bigkas ng lalaking naghihintay sa kanya.
Sa sobrang takot ni Rura ay agad siyang napatumba sa sahig na may kasamang panginginig.
“Ano bang gagawin mo sa akin? Papatayin mo ba ako tulad ng ginawa mo sa kanila!!?”tanong ni Rura sa lalaki.
“Huwag mo naman akong itulad sa mga kasamahan ko, hindi ako mamamatay tao at lalo nang hindi ako mapagsamantala”pangiting sagot ng lalaki.
“Kung hindi ka katulad sa kanila, sino ka ba? At ano ang tungkulin mo rito?”tanong ni Rura.
“Narito ako upang patayin ko ang isang batang nangangalang Daven, gusto ko kasing maghingati sa ginawa niya”bigkas ni Sunset, ang lalaking kaharap ni Rura.
[SLATE-tionary: Si Sunset ay dating miyembro ng Slate Hunter na pinamumunuan ni Kingpord subalit pinatumba sila ni Daven. Tanging si Sunset lang ang hindi napatumba ni Daven sa bayan ng Ciangima dahil sa panahong iyon ay nagpapagaling siya.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...