BTAP - CHAPTER 2

23.1K 631 297
                                    

CHAPTER 2: TRIPPINGS

Scarianna Eleanor's POV

"Thank you po, nanny." Pagpapasalamat ko sa nanny na nagtimpla ng gatas ko.

Ininom ko na agad ang gatas dahil alam kong hindi aalis 'tong isa hangga't hindi pa nababawasan 'tong binigay niya sa'kin.

Nang matapos kong inumin ay nagpasalamat na ako. Then right after ay umalis na rin siya.

At dumiretso na ako sa kwarto at humilata.

It's the third day of our class tomorrow and kakasabi ko lang na nandito ako ngayon sa bahay ko, pero wala ako sa mansion, nasa isang bahay namin ako balak matulog.

Nakahiga ako ngayon sa sofa at gamit-gamit ang phone ko. Gabi na ngayon at wala naman na akong ginagawa, kumain na rin ng dinner at nakapag shower na, so specifically, pwedeng-pwede na akong matulog-

Mamaya.

Hindi pa ako matutulog because I was still busy reading a story on Wattpad. My favorite story indeed.

Nasa exciting part na ako nang biglang mag ingay ang messenger ko.

istorbo.

I opened my messenger, para tignan kung sino 'yong mga king-amang nambubulabog sa nananahimik kong mundo sa Wattpad.

Bored 'ata ang mga 'to kaya nag-iingay na naman sa messenger.

QUADRO DE KULANG-KULANG

Vecca Bi-natog
Mga vebs, di ako maka-get over,
Super ganda ni Miss Raven! 🤩

Unang chat ni Vecca na bumungad sa'kin, Ito talagang babaeng 'to lahat nalang, eh. Parang ngayon lang nakakita ng maganda. But I can't blame her tho, maganda naman talaga siya, mas maganda nga lang ako. Siguro lamang ako ng mga dalawang ligo, hehe.

Klei Jay Pogi
Gago, true mga tol. Feeling ko nga
na love at first sign ako ih.😘😍😇

luh?

Loko talaga 'tong si Jay kahit kailan. I'm calling her Jay pero tawag sa kaniya nila Vecca at Jam ay KJ. Anyway, Kleiah Jayne Kennedy is a lesbian, but hindi siya nagpapagupit ng panglalaki, nagsusuot ng panglalaking damit, in short, femme lesbian siya. Same vibes kami niyan eh. Ang pagkakaiba lang namin ay baliko siya, ako hindi.

Straight kasi ako.

May isa pa akong kaibigan, He's Jorriah James Catol. Jam ang tawag namin sa kaniya. Siya naman ay isang Gay. Poganda siya. Poging lalaki, maganda rin maging babae. Nakakalokang mga kaibigan ko, mga bading.

Pero gano'n naman talaga 'di ba? May magkakaibigan talaga na gano'n, pero kasi kaming magkakaibigan ay full packages na.

May bisexual, may gay at lesbian, at ang straight? Siyempre, the one and only me. Ano pa ba 'di ba?

Ay, hindi pa pala full kasi wala pa sa'ming transgender.

Hehe.

I met Jay and Jam last year, kasi classmates namin sila ni Vecca no'ng grade 11 kami, at naging close ko sila dahil pinapakopya nila ako ng sagot at assignments sa GenMath at FABM1 no'ng mga panahong tinatamad ako ma-stress.

They saved my life. They're my heroes.

uwu, sana all.

Charot lang, sila talaga ako kumukopya sa'kin. Kahit naman siraulo ako, hindi ako nagpapabaya sa pag-aaral ko. Kundi, malalagot ako kay dad. Pinapayagan niya akong gawin ang gusto ko, pero ayaw niya akong magpabaya sa studies ko. Mas okay na 'yon, kaysa naman maging strict siya sa'kin, 'di ba?

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon