BTAP - CHAPTER 44

12.9K 502 191
                                    

CHAPTER 44: SOMETHING FISHY

Scarianna Eleanor's POV

"Tulungan na kit-" pinutol ni ma'am si Sir. Econ nang tawagin niya ang apilyido ko.

"Anderson, help me to go to the dining area."

"Okay po."

Ang sarap tuloy asarin at belatan ni Sir. ngayon, pero dahil nirerespect ko siya kunwari, hindi ko gagawin 'yon, aasarin ko nalang siya sa isip ko dahil deserve niya naman.

Dati naman mas nirerespeto ko siya sa lahat, tapos pinagtatanggol ko pa siya sa ibang mga estudyante na sinasabihan siyang pangit magturo- like, bakit late ko lang narealize? pangit talaga siya magturo, wala kaming nagegets sa mga pinagsasabi niya, kahit dati hindi ko rin siya magets kaya nag-aaral pa ako sa bahay, magets lang 'yong lesson niya.

Inuuna kasi kalandian bago trabaho, eh.

Masyado mapapel, epal lang naman siya dito.

Nakapunta na kami sa dining area at umupo na, nakalapag na doon ang mga pagkain, grabe ang dami nilang pagkain tapos niluto pa ni tita 'yong paborito ko na walang iba kundi ang Ginataang kalabasa na may hinaluang hipon. Sa isang karinderya ko 'to natikman before, nasarapan ako kaya inulit ulit ko ng ulamin, hindi kasi nakakasawa ang lasa kaya naging paborito ko 'tong ulam.

"Kumain kayo ng marami." Wika ni tita Veron at inilagay sa gitna ng lamesa ang sinandok niyang kanin.

"Yes po, Salamat po." Nahihiyang pasasalamat ni Jay.

"Salamat po," sabi rin ni Jam.

Wow, may mga hiya pa pala ang mga 'to?

"Thanks tita ninang," dagdag ni ate Jen. Ninang niya pala si tita Veron? hmm, makausap nga 'to minsan, feeling ko may malakas na connection 'to sa pamilya ni ma'am eh.

Tumango lang si tita at ngumiti bilang tugon sa kanila. Bago kami kumain ay nagdasal muna kami.

"Kainan na-" Akmang sisigaw si Vecca nang biglang samaan ko siya ng tingin kaya naputol ang pagsigaw niya, letsugas na 'to, kakain nalang sisigaw pa, diyos ko. "Ah, hehe kain na po tayo." Pag-iiba niya sa tono ng boses niya, hindi na 'yong katulad kanina.

Katabi ko si Vivian na kumakain ngayon, akala ko sa harap ko na naman siya eh. Charot, ako talaga ang naglagay sa kaniya dito sa tabi ko, hindi siya makalipat kasi nga ayaw niya ring masaktan, ha ha ha! hindi niya rin ako mahampas dahil may mga kasama nga kami, tanging sama ng tingin lang ang ibinigay niya sa'kin na ikinatawa ko.

Kawawa ang baby na 'yan, wahahahahahahahaha uwuuu, desorb.

Tahimik lang kaming kumakain, tanging kutsara at tinidor lang ang naririnig sa hapagkainan, lahat sila ay nakafocus sa pagkain nila ako lang hindi, nakafocus din kasi ako sa pagkain ng bebe ko, hehe.

Binabalatan ko ulit siya ng hipon, halos ulam nga lang ang kinakain niya, kanina pa nalamog yung legs ko sa mga kurot niya kasi panay ako lagay ng pagkain ha-ha-ha! itinigil ko rin naman 'yon dahil alam ko namang hindi niya na rin kayang ubusin.

Pagbigyan ang may sakit.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa sala at pinainom siya ng gamot sa lagnat. Sabi ko nga kay Vivian, umakyat na para makapagpahinga pero ayaw niya pa daw, kaya sige, pagbigyan ang may sakit part two.

Katabi ko si Vivian, at kung mamalasin ka nga naman eh, pinagitnaan namin siya ni Sir. Econ, papansin ampota, tumabi ba naman sa kaniya! si Vecca dapat diyan eh! Nasa isang long couch kasi kami nakaupo dahil hindi kami kasya sa single couch.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon