BTAP - CHAPTER 33

12.1K 489 127
                                    

CHAPTER 33: MADE HER MAD

Scarianna Eleanor's POV

"Vin?"

"Hey, Scarianna. Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong niya at umupo sa harap ko. Saglit ko siyang tinignan bago sumagot, hindi ko siya masyadong pinagtuunan ng pansin noon, pero ngayon nang makita ko na siya ng maayos ay ang gwapo pala niya, para lang siyang lalaking Version ni ma'am Raven. Nagkaiba lang sila ng kilay dahil mas makapal at panlalaki ang kilay no Vin, at mukha siyang mabait kaysa kay ma'am na pambabae ang kilay at pang mataray pa.

"Nagbabasa, ikaw? bakit ka nandito?" Sagot ko at itinago ang librong binabasa ko at pinalitan ng learners book.

"Wala kaming teacher ngayon kaya self study muna, at naisipan kong pumunta nalang dito and habang naghahanap ako ng book, nakita kitang pumasok." Sagot niya ng hindi inaalis ang tingin sa'kin.

okay?

"Ah, okay gets-" ay oo nga pala, kapatid siya ni ma'am kaya pwede ko siyang tanungin about sa mga gusto at ayaw niya! hanep naman, good timing, ah? "Ah, Vin? Pwede ba tayong magkita next time? usap-usap lang gano'n? " Huwag mo akong tanggihan, please lang, kailangan kita.

"May boyfriend ka na ba? Baka kasi makita ng boyfriend mong magkasama tayo, pagmulan pa ng away?" kamot-ulo niyang sagot na tanong.

"Wala syempre," sagot ko. hindi ako mag b-boyfriend 'no! Girlfriend? sure why not? basta ba si ma'am, hehe.

Walang charot charot 'to.

Nakita ko namang parang kumislap ang mga mata niya at ngumiti pa siya ng malapad, "Okay, sige."

"Sige, Ipagpatuloy mo na ang pagbabasa mo, magbabasa na rin ako," dagdag niya. Tumango naman ako at muling pinagpatuloy na ang pagbabasa.

Tahimik lang kaming nagbabasa, hanggang sa marinig namin ang pag ring ng bell.

"Sabay na tayong bumalik," sabi niya at tumayo na rin nang makita niya akong tumayo at nagligpit.

"Saang building ka ba?" Tanong ko at inayos ang suot ko.

"Sa STEM Building, forth floor," sagot niya. Magkaiba pala kami ng building, medyo malayo siya. Sa baba lang kasi kami banda. "Ikaw? Saang building ka?" dagdag niyang tanong.

"Sa ABM building."

"Ay oo nga pala, studyante ka nga pala ni ate, hatid na kita."

"Ay hindi na, kaya ko naman na ang sarili ko." pagtanggi ko, at lumabas na ng library.

"Sige na," pagpupumilit niya, "Pupuntahan ko rin pala si ate, dahil may itatanong ako sa kaniya." pagkumbinsi niya. Hay nako, mapilit talaga, pero sige na nga, para sa ate niya at dahil na rin magiging bro-in-law ko siya.

charrr.

"Okay, sige na nga." Pagpayag ko rin at nagsimula ng maglakad.

Nasa likod ko lang siya nakasunod sa'kin hanggang sa marating na namin ang classroom ko.

At kung mamalasin ka nga naman-

"What are you doing here, Vincenzo?" Naka-crossed arms siya at salubong ang mga kilay siyang nakatayo sa harap ko pero na kay Vin ang kanyang tingin. Kanerbyos, bigla-bigla ba namang lumabas si ma'am at muntik ko na siyang mabangga kaya halos mag collapse na ako sa sobrang gulat.

"Ah... Ate hinatid ko lang si Scarianna," sagot ni Vin kaya mas lalong nangunot ang noo niya sa narinig, binaling niya naman ang tingin sa'kin matapos akong ituro ni Vin, pinagtaasan niya pa ako ng kilay.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon