BTAP - CHAPTER 8

14.6K 514 101
                                    

CHAPTER 8: LUTANG

Vecca's POV

Si Scarianna ay hindi na namin maintindihan these past few days.

Palagi nalang siyang tulala, sabog o lutang.

Ewan ko ba kung anong nakain nito at palagi nalang siyang gano'n? hindi na makausap ng maayos sa totoo lang.

Minsan nalang namin siyang makasama sa mga gala dahil nga ayaw niya na muna daw sumama, kung kasama naman siya, palagi naman siyang wala sa sarili or may sariling mundo.

Minsan mapapaisip ka na lang kung saan ka nagkulang, eh.

Charot.

One time kasi, nando'n kami sa coffee shop tapos ang in-order niya ay strawberry juice. Seriously?! Tinignan namin siya ng seryoso-ba-siya look pero inosente lang itong tumingin sa'min.

Um-order ba naman ng juice sa coffee shop. Bwisit.

Hindi pa naman dumarating ang mommy niya kaya hindi namin alam ang dahilan kung bakit ganyan na siya.

Nag imbestiga naman kami kuno at wala naman siyang nakakaaway sa campus. Ni wala nga 'yang kinakausap na iba bukod sa'min. Kakausapin niya lang, kapag sila ang nag first move.

Tapos may time pa na pumunta kami sa Milktea shop and sinabi niyang o-order-in niya ay egg sandwich. What the fuck, bro?

Egg sandwich sa milktea shop???

May time pa nga na nandoon kami sa mall at tulala siyang naglalakad then, may bumangga sa kaniyang aso, tapos siya pa ang nag sorry.

"What do you think guys? Should we send her to psychiatrist?" suggest ni Jam. Kanina pa kami nag-uusap about diyan. Kung saan na siya magandang dalhin. Baka sa mental talaga siya dadalhin?

"Itanong muna natin siya kung ano bang nangyayari sa kaniya, what if dumating na pala ang mom niya pero 'di niya lang sinabi?" Suggestion naman ni KJ.

Knowing Scar hindi naman talaga siya masyadong showy sa nararamdaman niya. As long as kaya niya pa hindi siya maglalabas sa'min. She maybe a joker, funny ass but we know, way niya lang 'yon para kahit temporary lang, mawala saglit 'yong sakit na dinadala niya everytime she remembered everything.

I knew it dahil nandoon ako no'ng mga panahong nahihirapan siya, lungkot na lungkot siya, down na down. Even though Bata pa lang kami, ramdam ko na 'yong sakit na dinadamdam niya.

Hayst.

"Do you think guys she's also kinda weird everytime na nandiyan si Ma'am Raven sa paligid?" KJ asked out of the blue.

"Hmm?"

Isa pa 'yan sa ipinagtataka ko, eh. Para siyang tanga kapag nandiyan na si Ma'am Raven, bigla nalang siyang magpapanic lalo na kapag binanggit ang pangalan niya.

Kapag papasok na nga si ma'am ng room, palagi namin siyang napapansin na parang inaaral niya ang kabuuan nito. Weirdo niya para siyang manyak sa lagay niya.

Ikaw ba naman tignan mula ulo hanggang paa.

Mapapatanong na lang ako ulit sa kaniya ng, "May hindi ba kami nalalaman ngayon tungkol sa'yo?"

I find it weird dahil hindi naman siya gano'n sa ibang teachers na babae. Dati mga lalaki ang tinitignan niya ng gano'n especially si Sir. Econ, dahil ultimate crush niya nga ito no'ng naging teacher namin siya no'ng first semester. Grabe ang pagkacrush niya doon.

Kilig na kilig siya everytime na nandyan si Sir. para magturo. Akala mo bulate, eh. Syempre, supportive naman kami sa kaniya kaya hinahayaan lang namin.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon